Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 374 - Tumitingin sa Baba mula sa mga Ulap

Chapter 374 - Tumitingin sa Baba mula sa mga Ulap

Nasuri ni Goddess Bing Wei ang pagdating ni Zhao Yufei at pinadaloy niya ang kaniyang bloodline power upang pababain ang temperatura sa isang nakakatakot na lebel.

Naghanda na talaga siyang selyuhan ang taong magpupunta upang tumulong.

Dahil dito kaya't si Mo Tianyi at ang lalaking mayroong dilaw na mukha ay hindi nagpunta upang tulungan si Zhao Feng.

Ang sentro ng yelo ay hindi nagagalaw ng normal na True Mystic rank at maaari pa itong gumuho dahil sa kalamigan.

"Sister Yufei, mag-ingat ka!"

Ang mga ekspresyon ni Mo Tianyi at ng iba pa ay nagbago subalit huli na ang lahat.

Kung lakas ang pag-uusapan ay bilis, nalagpasan na ni Zhao Yufei si Mo Tianyi, isa sa mga pinakahenyo ng Hilaga.

Dali-daling lumapit si Zhao Yufei sa lugar ng yelo at sa bawat hakbang na ginawa niya, ang lamig ay mas nakakapanigas.

Kahit ang mga normal na True Mystic Ranks ay mahirap itulak sa sentro ng yelo.

Ang balat ni Zhao Yufei ay parang isang jade at nang dumating ang kalamigan, siya ay hindi nagyelo gaya ng inaasahan.

Isang patong ng liwanag ang pumalibot sa kaniyang katawan at kaya niyang mapalabas ang Heaven Earth Yuan Qi na nasa loob ng isang milya. Para bang siya ay isang True Lord Rank na.

Si Mo Tianyi at ang iba pa ay kaya lamang panoorin si Zhao Yufei habang papalapit na siya sa lugar ng sentro ng yelo.

Sa pagkakataong ito.

Kahit ang bloodline ni Zhao Yufei ay kakaiba at halos makalagpas na sa mga limitasyon ng laman ng tao, isang manipis na patong ng yelo ang nagkaroon pa rin ng interaskyon sa kanyang multicolored light.

Sirain!

Sumigaw si Zhao Yufei nang magliwanag ang kaniyang jade na kamay at nagpadal ito ng matatalim na liwanag patungo sa yelo.

Crack crack!

Ang panlabas na patong ng ice zone ay nagsimulang mawarak.

"Grabeng kapangyarihan! Ang bawat kilos at galaw niya ay kayang magpalabas ng Heaven Earth Yuan Qi."

Sina Mo Tianyi at ang iba ay natulala.

Kararating pa lamang ni Zhao Yufei sa True Mystic Rank subalit labis na siyang mas malakas kaysa sa inaakala.

Kahit ang kaniyang cultivation at mental energy level ay nasa mga umpisang yugto pa lamang ng True Mystic Rank, ang kaniyang compatibility sa Heaven Earth Yuan Qi ay maikukumpara sa isang True Lord Rank.

"Gusto mong makatagos sa yelo ko nang mag-isa ka lamang?"

Ang katawan ni Goddess Bing Wei ay nagpakawala ng isang mas makapangyarihan pang ragasa ng malamig na liwanag mabilis nakapagpabawi sa nasirang yelo.

Ragasa ng mga umiihip na mala-yelong hangin ang humawi patungo kay Zhao Yufei.

Sumigaw si Zhao Yufei at ginamit ang kaniyang mga skills upang salagin ang mga hanging ito. Kung lakas ang pag-uusapan si Zhao Yufei ay isang linyang layo pa mula sa isang napakahusay na prodigy kaya ni Goddess Bing Wei.

Subalit.

May nakalimutan si Goddess Bing Wei. Si Zhao Feng na sinelyo niya ay ang ika-anim na napakahusay na prodigy na nasa kaniyang level.

Dahil si Zhao Yufei ay nakakaagaw ng atensyon nagkaroon si Zhao Feng ng oras upang makabawi at dahil dito dali-dali niyang sinunog ang Qi ng True Spirit upang tunawin ang mga nakapaligid na yelo.

"Mystic Lightning Explosion!!"

Mga bulaklak ng kidlat ang bumalot kay Zhao Feng at nagsimula itong umusbong.

Boom~~~ Crack!! Crack!

Isang sunod-sunod na kalampag ang nagmula sa loob ng yelo at siya ay nakipagtulungan kay Zhao Yufei.

Sa isang iglap na iyon, ang lahat ng taong nasa loob ng isang daang milya ay maririnig ang tunog ng isang bundok ng yelo na naguguho at ang nakapaligid na yelo ay sunod-sunod na nabasag.

Ang nakakatakot na kapangyarihan ng Mystic Lightning Explosion ay unang tumama kay Goddess Bing Wei na siyang nakayakap sa kaniya.

Masiyadong malapit ang kanilang distansya.

Namanhid ang katawan ni Goddess Bing Wei at siya ay tumalsik at isang patak ng dugo ang lumitaw sa kaniyang mga labi.

"Tiyak na napapalakas ako ng pagsusunog ng Qi ng True Spirit, subalit itong Mystic Lightning Explosion ay nagawa rin mula sa Lightning Inheritance, Lightning Mystic Stone at Mystic Flower Treasured Bible habang ako ay nakaselyo sa yelo."

Kumislap ang anyo ni Zhao Feng, at mga arko ng magugulong kidlat ang sumunog sa kapaligiran.

Sa isang iglap siya ay naging isang God of Destruction.

Ang mga nanonood na mahuhusay na henyo gaya nina Shi Chengtian at ni Taiyun Shuangzi ay natulala.

Ang Mystic Lightning Explosion ay ginawa gamit ang pagsusunog ng Qi ng True Spirit bilang basehan nito at ang kapangyarihan nito ay nakakatakot.

Kanina si Zhao Feng ay talagang nabalutan ng yelo kaya's hindi niya nagawa ang galaw na ito o kung hindi maaari niyang mapinsala ang kaniyang sarili.

"Brother Zhao, ayos ka lang ba?"

Ginawa ni Zhao Yufei ang lahat ng kaniyang makakaya at tinunaw ang mga kidlat at yelo upang subukang makipagkita kay Zhao Feng.

"Yufei, sakto ang pagpunta mo."

Ang dalawa ay nakatayong magkatapat at hinarap nila si Goddess Bing Wei.

Lightning Fire God's Eye!

Nang walang sinasabing kahit ano tumira si Zhao Feng sa katawan ni Goddess Bing Wei.

Nagsimulang masunog ang isipan ni Goddess Bing Wei, at pinadaloy niya ang kaniyang Mystic Ice Jade Charming Body upang patayin ang mga apoy.

"Bastardo…."

Napakaputla ng mukha ni Goddess Bing Wei nang huminga siyang malalim upang habulin ang kaniyang hininga.

Mula sa umpisa ng laban hanggang ngayon ginamit ni Goddess Bing wei ang lahat ng kaniyang mga paraan at gumamit pa nga siya ng isang nakakahiyang pagyakap na paraan upang selyuhan ang isang hindi naman niya kilala subalit ito ay pumalpak pa rin.

Dagdag pa rito, ang isipan ni Goddess Bing Wei ay mas malala ang sinapit.

"Isang napakahusay na prodigy at isa namang halos isang napakahusay na prodigy. Kung hindi ako aalis ngayon mas magiging magulo ito."

Naging isang guhit ng kidlat si Goddess Bing Wei na tumakas patungo sa timog.

Tiningnan lamang ni Zhao Feng ang kaniyang pag-alis at hindi niya ito hinabol.

Siya at si Zhao Yufei ay parehas na nagbreakthrough kani-kanina lamang at kinailangan nilang pagtibayin ang kanilang pundasyon.

Dagdag pa rito, walang lakas ng loob si Zhao Feng na panatilihin si Goddess Bing Wei. Ang kaniyang bloodline at Mystic Ice Jade Charming Body ay matindi.

Ang bloodline ni Zhao Feng ay kayang humigop ng mga ice attacks, subalit ang bloodline ni Goddess Bing Wei ay mayroong malakas na depensa at sanay din ito sa halos lahat ng ice elemental skills.

Ang lakas ni Zhao Yufei ang siyang ikinagulat ni Zhao Feng. Kararating pa lamang niya sa True Mystic Rank subalit mayroon na siyang kapangyarihan ng isang quasi-overwhelming prodigy.

Ang lugar sa tabi ng ilog ay nagkakagulo.

Si Zhao Feng at si Zhao Yufei lamang ang naiwanan at ang dalawa ay magkatabing-magkatabi, parang isang banal na pares.

Sina Goddess Bing Wei at si Shi Chengtian ay parehas na umatras.

Si Zhao Feng ay tumingin patungo sa direksyon kung saan tumakbo ang dalawa papunta at isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga labi.

Bago pa makalayo ng isang daang milya si Goddess Bing Wei, isang babaeng mayroong hawak na five-coloured glass whip ang lumitaw palabas ng isang lawa. Kita ang isang parte ng kaniyang mga hita at ang kaniyang mga mata ay puro.

"Tantai Lanyue, anong ibig sabihin nito?"

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Goddess Bing Wei.

"Hehe, Goddess Bing Wei, hindi pa kita nababawian sa biglaang pagsugod mo sa akin noon."

Pinaikot ni Tantai Lanyue ang latigo sa kaniyang mga kamay at isang buga ng puting usok ang bumalot sa loob ng isang daang yarda.

Wu~~~~~

Isang nakakapanginig ng kaluluwang sigaw ang nagmula sa ilalim ng babaeng may suot na makulay na damit at ang hindi nakikitang aura na mula rito ay nagdulot upang hindi makahinga si Goddess Bing Wei.

Isang maliit na bundok ang nagpakita matapos maglaho ng puting usok. Ito ay isang Earth Dragon Beast kulay manilaw na kayumanggi at mayroong itong dragon horn sa ulo nito. Maitim ang bibig nito at mas malaki pa kaysa sa isang normal na bahay.

Kumpara sa Earth Dragon Beast, ang anyo ni Tantai Lanyue ay parang isang langgam subalit siya ang may-ari ng One-Horned Earth Dragon Beast na ito.

"Hehe, one horned, bugbugin natin siya."

Mapaglarong tumawa si Tantai Lanyue nang iwagayway niya ang kaniyang latigo at inutusan ang Earth Dragon Beast upang atakihin si Goddess Bing Wei.

Tila ba ang isang maliit na bundok ang sumusugod paharap.

Si Goddess Bing Wei ay walang nakakapanlulang battle power gaya ni Yu Tianhao o kaya'y lakas ni Shi Chengtian kaya't umiiwas na lamang siya.

Kasabay nito.

Sa kabilang banda dose-dosenang milyang layo.

Ang paglalakad ni Shi Chengtian ay hindi pantay at bigla siyang tumigil sa tapat ng isang bundok.

"Hehe,…. She Chengitan, ang tagal naming naghintay para sa'yo."

Tumawa sa masamang paraan si Taiyun Shuangzi habang hawak-hawak niya ang isang espada at blade at sinalag niya ang daan ni Shi Chengtian.

Hindi bilis ang forte ni Shi Chengtian at ang kaniyang binti ay may pinsala pa rin kaya naman ang nagagawa lamang niya ay makipaglaban.

Halatang napansin ng mga mata ni Zhao Feng ang mga eksenang ito.

Sina Goddess Bing Wei at si Shi Chengtian ay parehas biglang sinugod ng ibang mga napakahusay na prodigies matapos kalabanin si Zhao Feng, subalit hindi nakaramdam ng kahit anong awa si Zhao Feng para sa kanila.

Hindi kalaunan.

Sina Zhao Feng at Zhao Yufei ay nakipagkita kay Mo Tianyi at sa lalaking mayrroong madilaw na mukha.

Si Mo Tianyi at ang lalaking may dilaw na mukha ay bahagyang naiilang.

Noong unang nang si Zhao Feng ay magyelo hindi sila nagpunta upang tumulong subalit si Zhao Yufei ay tumulong sa kaniya.

Nang matapos na ang panganib, sina Zhao Feng at si Zhao Yufei ay parehas naging masaya.

Kinailangan pa rin ni Zhao Yufei buuhin ang kaniyang pundasyon subalit hindi na talaga ito kinakailangan ni Zhao Feng dahil nabuo na niya ang kaniyang root of law bago siya magbreakthough.

"Brother Mo, protektahan mo muna si Yufei. Magbabalik ako."

Sambit ni Zhao Feng at sunod siya ay naging isang malabong anyo na kumislap sa ere.

Hindi hinabol ni Zhao Feng si Goddess Bing Wei o kaya'y umalis upang patayin si Shi Chengtian.

Nagpunta siya isang bundok at tumingin patungo sa isang kuweba gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Sa loob ng kuweba.

Sina Yu Tianhao at si Xin Wuheng ay nagkaroon ng isang labanang nakakapanginig ng kaluluwa.

Ang mga atake ng dalawang ito ay napakalakas at mayroong mga butas na makikita kung saan-saan.

"Talagang matindi ang pagtatago ni Xin Wuheng sa kaniyang sarili."

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay tumutok kay Xin Wuheng.

Ang mga paglalayon ni Xin Wuheng ay parang nagmula sa kalikasan na at ang kaniyang bawat pagkilos ay perpekto.

Bawat pagkilos, bawat skill ay gumamit ng kapangyarihan ni Xin Wuheng hanggang sa buong potensyal nito.

Ang mga nakapalibot na Heaven Earth Yuan Qi ay parang naging kalasag niya.

Ang kaniyang kalaban na si Yu Tianhao ay purong makapangyarihan talaga at ang kaniyang paniniwala ay parang isang espada at ang kaniyang blade intent ay kayang humiwa sa kawalan.

Kung kailangang sabihin ni Zhao Feng kung sino ang mas malakas, si Yu Tianhao ito na may hindi mapapantayang battle power.

Subalit, si Xin Wuheng ay mas sanay.

Sampung galaw… limampung galaw… isang daang galaw.

Ang pag-usad ng dalawa ay minsan mabilis at minsan mabagal, nagpapakawala ng pakiramdam na ang buong espasyo ay hindi na totoo.

Ang mga nanonood ng laban kabilang na si Zhao Feng at ang mga manonood sa sinaunang arena ay nakaramdam ng panginginig ng kanilang mga puso.

Ang pagkakaiba ay si Zhao Feng ay nanonood gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye at kaya niyang kopyahin ang mga eksena sa kaniyang isipan.

Kaya naman, pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye hanggang sa pinakadulo nito upang 'magnakaw' ng ilan pang skills.

Sa isang tiyak na pagkakataon bigla niyang naramdamang nakalabas ang kaniyang kamalayan.

Shua!

Nagbago ang perspektibo ni Zhao Feng.

Nakita niya ang labanan ni Yu Tianhao at ni Xin Wuheng mula sa alapaap.

Parehas sina Yu Tianhao at si Xin Wuheng ay parang nakaramdam ng isang malamig na matang nakatingin sa kanila subalit nang tumingin sila sa itaas, walang kahit anong naroroon.

Makalipas lamang ang dalawangdaang galaw atsaka nalaman kung sino ang panalo.

Peng!

Isa sa mga anyo ang biglang tumalsik sa bundok.