Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 356 - Gaya ng Kahilingan Mo

Chapter 356 - Gaya ng Kahilingan Mo

Sa unang labanan kaharap ang isang Napakahusay na Prodigy si Zhao Feng ay nabubugbog.

Ang napakalaking pagkakaiba sa lakas ay halos binigyan siya ng walang kahit anong pagkakataong manalo. Nakikita ng mga manonood na hindi pa ginagamit ni Goddess Bing Wei ang lahat ng kaniyang lakas o kung hindi ay malamang talo na si Zhao Feng o kaya naman ay patay na siya.

Bago pa man umakyat si Zhao Feng sinabihan na siya ni Tiemo na mayroong kulay dugong buhok na tanggapin ang pagkatalo.

Hindi isang kahihiyan ang tanggapin ang iyong pagkatalo sa harap ng isang Napakahusay na Prodigy. Para sa karamihan isa pa nga itong karangalan.

Ang alamat ng Northern continent na si Mo Tianyi ay tinanggap ang kaniyang pagkatalo matapos ang isang galaw laban sa Napakahusay na Prodigy. Isa itong wais na pagkilos na nabilang kasama ng kabuuang kinalabasan.

"Zhao Feng, bakit hindi mo pa tinatanggap ang iyong pagkatalo? Kahit na hindi ka kasinglakas ng ng isang Napakahusay na Prodigy, naniniwala akong may abilidad ka pa rin na tumanggap ng pagkatalo."

Hindi mapigilang mataranta ni Tiemo na mayroong kulay dugong buhok habang siya ay nanonood.

Alam niya ang talento at potensiyal ni Zhao Feng. Kahit na hindi ito maikukumpara kay Yu Tianhao subalit sa isa pang sampung taon hindi ito imposible para sa kaniya na maging isang bagong Napakahusay na Prodigy.

Kahit papaano sa Sacred True Dragon Gathering na ito wala sa kaniyang edad ang mas magaling kaysa kay Zhao Feng.

Sa pagkakataong ito.

Hindi mabilang-bilang na mga mata ang nakatutok sa ancient arena.

Kahit ang mga Sovereigns sa ere ay interesadong nanonood.

"Tanggapin ang pagkatalo?"

Halatang alam ni Zhao Feng na ito ay wais subalit sa loob ng kailaliman ng kaniyang puso mayroong isang boses, isang kapangyarihan, isang paniniwala na kapag sinabi niya ang, 'Tinatanggap ko ang aking pagkatalo' mas mahihirapan siyang makaabot sa mga kalangitan.

Sa pag-alala tungkol sa kaniyang buhay.

Mula sa Green Leaf Village patungo sa Sun Feather City at sa Guangjun Province, Broken Moon Clan, Thirteen Alliance….at ngayon sa Sacred True Dragon Gathering.

Biglang.

Napagtanto ni Zhao Feng na hindi pa siya tumatanggap ng kahit anong pagkatalo noon, kahit sa pamilya ng Zhao noong binubugbog siya ni Zhao Kun.

Talagang hindi pa siya tumatanggap ng pagkatalo noon. Ang tanging bagay na nagawa niya ay sadyain ang kaniyang pagkatalo kay Sister Ran.

Ito ay dahil sa paniniwalang ito na kayang lagpasan ni Zhao Feng nang sunod-sunod ang mga henyo.

"Maaari akong matalo, subalit hindi ako basta-bastang tatanggap ng pagkatalo."

Biglang naintindihan ni Zhao Feng na ito ang kaniyang paniniwala.

Lightning Fire God's Eye.

Isang matamlay na kulay asul na lightning fire ang kumislap sa mata ni Zhao Feng.

Shuu!

Isang bola ng asul na lightnign fire ang lumapag sa katawan ni Goddess Bing Wei ng may pagsabog na kasama.

Matapos maintindihan ang root of laws ang kapangyarihan ng kaniyang Lightning Fire God Eyes ay tumaas sa panibagong level at mas naging madaling gamitin.

Kahit ang mga Napakahusay na Prodigies ay hindi makakaiwas sa bilis ng pagtira ng secret eye techniques.

Maraming mga tao ang nagsigawan nang may makita sila isang matamlay na asul na lightning fire na nasusunog sa katawan ni Goddess Bing Wei.

Mystic Ice Jade Charming Body.

Ngumiti si Goddess Bing Wei habang ang kaniyang balat ay nagiging kasingkinis ng jade. Kumikinang at matingkad.

Shu!

Ang lightning fire ay lumapag sa kaniyang katawan at nagsimulang masunog subalit walang nangyari sa kaniya.

Lahat ng tao ay natulala.

Ang eye techniques ni Zhao Feng ay kayang mabilisang matalo ang kahit sinong nasa baba ng True Mystic Rank at matindi ang pinsala nito sa mga normal na True Mystic Ranks.

Ang nasusunog na lightning fires ay napakamakapangyarihan subalit hindi ito nakakatagos sa depensa ni Goddess Bing Wei.

Weng~

Kumunot ang mga kilay ni Goddess Bing Wei habang ang kaniyang jade na balat ay nagpakawala ng isang kalamigan na nagpahupa ng lightning fire.

Kahit na hindi napinsala ng lightning fire ang kaniyang katawan nakapasok pa rin ito sa kaniyang mental energy dimension at halos napinsala nito ang kaniyang isipan, gumagawa ng isang maliit na problema para sa kaniya.

Ang skill ni Zhao Feng ay sabay na umaatake sa parehas na physical at mental energy world. Ito ang kalaliman ng kaniyang skill.

"Ang Mystic Ice Jade Charming Body ng Goddess Bing Wei na ito ay kayang hindi bigyang-pansin ang mga atake mula sa normal na True Mystic Rank. Sa buong Sacred True Dragon Gathering ang mga taong kayang makatagos sa kaniyang depensa ay kaya niyang malabanan gamit ang isang kamay."

Hindi mapigilang manlamig ng paghinga ni Zhao Feng nang maisip niya ang kongklusyong ito.

Sa pagkakita ng eksenang ito, ang iba pang apat na Napakahusay na Prodigies ay natulala rin.

Nangangahulugan ito na sa pamamagitan ng Mystic Ice Jade Charming Body, kayang hindi pagtuonan ng pansin ni Goddess Bing Wei ang mga atake mula sa normal na nasa unang mga yugto ng True Mystic Ranks at pati na rin ang sa ilang mga normal na late stages cultivators.

Sinusuwerte siya.

Ang layunin ni Zhao Feng ay nakamit na niya.

Sa mga oras na ito.

Three Flowered Treasured Lotus.

Ang three-coloured petal ay lumitaw sa ibaba ng mga paa ni Zhao Feng at dahil dito, labis na tumaas ang depensa ni Zhao Feng.

Pinadaloy niya ang kaniyang bloodline power at mabilis na bumalik sa normal ang Qi ng kaniyang True Spirit.

Pinalaki ng Three Flowered Treasured Lotus ang tatlong asul, bughaw at lilang mga petals, bumuo ito ng isang three-coloured barrier.

Sa ganitong paraan ang panganib ni Zhao Feng ay nasolusyunan sa maikling sandali.

Extreme Northern Mystic Ice Wind!

Gumaling na si Goddess Bing Wei at nagpadala siya ng isang malamig na hangin.

Boom!

Hindi umiwas si Zhao Feng at sapilitan niyang tinanggap ang tirang ito at nagsimulang bumiyak ang three-coloured barrier.

Ang ice light figure at ang trono ng yelo ay mabilis nahigop ang enerhiyang ito ay naramdaman ni Zhao Feng na pumasok sa kaniyang katawan ang kalamigan subalit suwerte siya dahil napawalang-bisa ito ng kaniyang bloodline power.

Huminto si Goddess Bing Wei. Hindi niya inakala na magkakaroon ng oras si Zhao Feng upang gumaling mula sa Lighting Fire God's Eye lamang.

"Mystic Ice Demon Suppressing Mountain!"

Ang kalamigan ni Goddess Bing Wei ay tumaas nang iwagayway niya ang kaniyang kamay at isang malaking anyo ng yelong bundok ang nalaglag mula sa ere.

Ang galaw na ito ay dalawang beses na mas malakas kaysa sa isang nauna at kaya nitong durugin ang kalaban pati na riin pigilan ang mga kalabang mayroong malalakas na depensa.

Hindi maganda ito!

Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng nang may maramdaman siyang isang nakakatakot na malamig na presyong bumaba. Para bang ang buong bundok na gawa sa yelo ay nahuhulog. Hindi ito isang bagay na kayang salagin ng isang tao.

"Sirain!"

Pinadaloy ni Zhao Feng ang Qi ng kaniyang True Spirit at ang kaniyang bloodline power at ang kaniyang dalawang braso ay nagpadala ng Mystic Flower Lightning Palm patungo sa bundok ng yelo.

Booooom!

Ang pinakamakapangyarihang galaw ni Zhao Feng ay umusbong sa ere. Ang palad na ito ay naglalaman ng parehas na Lightning Inheritance at ng Mystic Flower Treasured Bible. Ang kaniyang bloodline power ay napadaloy din niya hanggang sa hangganan nito.

Sa iglap na iyon isang biyak ang makikita sa bundok ng yelo.

"Napakalakas na atake. Ang pinagsamang yelo at kidlat ay napakatindi."

"Ang batang iyon ay nasa mga unang yugto pa lamang ng True Human Rank subalit kaya na niyang gumamit ng kapangyarihan mula sa ika-unang yugto ng True Mystic Rank."

Naramdaman ng mga nanonood na henyo ang paglukso ng kanilang mga puso.

"Ang galaw ko na ito ay isang tuloy-tuloy na atake."

Isang malamig na boses na direktang nakapagpanginig sa buto ay bumanda sa buong entablado.

Huang!

Ang biyak ng malaking bundok ng yelo ay umayos na at sunod ay muli na naman itong bumagsak.

"Hindi maganda…."

Hindi makaiwas si Zhao Feng at kinailangan niyang padaluyin ang Qi ng kaniyang True Spirit pati na rin ang bloodline niya upang makasalag.

Sa mga oras na iyon ang malaking bundok ng yelo ay lumapag sa taas ni Zhao Feng at ang bigat at ang lamig nito ay bumaba. Kung hindi dahil sa kaniyang Three Flowered Treasured Lotus at sa trono ng yelo, si Zhao Feng ay malamang nakaratay na at kontrolado ni Goddess Bing Wei.

Sa ilalim ng sitwasyon na ito ang kaya lamang gawin ni Zhao Feng ay walang humpay na padaluyin ang Qi ng True Spirit at bloodline power subalit ang bigat at kalamigan nito ay nagpatuloy, nagdulot upang mamula ang kaniyang mukha.

Wu~ Wu~

Ang yelong anyo sa likuran niya ay patuloy na hinihigop ang kalamigan at ang bloodline sa loob kaniyang kapangyarihan ay nagsimulang gumulo matapos ang pagpapabawalang-bisa ng napakatinding kalamigan.

"Hmm?"

Natuklasan ni Zhao Feng na ang maligalig na yelo sa kaniyang bloodline ay mas lumalakas.

Ang lahat ng kaniyang bloodline ay tumatapat sa presyon ng bundok ng yelo at ang yelong anyo sa trono ay nagpatuloy sa paghigop ng kalamigan. Ito ay nasa isang magulong estado at ang asul na dugo na iyon ay kumikintab.

Natuklasan ni Zhao Feng na mas lalo siyang palakas nang palapakas at ang malamig na kapangyarihan ng kaniyang bloodline ay mas gumugulo.

Nagpatuloy ito sa loob ng ilang mga paghinga at ang katawan at ang bloodline ni Zhao Feng ay nakaabot na sa hangganan nito.

Kasabay nito.

Sumigaw si Goddess Bing Wei at hinampas ang kaniyang jade na kamay pababa, pinalalakas at binabawi ang kapangyarihan ng bundok ng yelo.

Wah!

Napadura si Zhao Feng ng maraming dugo at ang kaniyang bloodline power ay tuluyan nang sumabog.

Weng~

Naramdaman ni Zhao Feng ang paghimig ng kaniyang katawan at ang kaniyang matamlay na asul na kumukulong dugo ay biglang nagpakawala ng isang liwanag.

Ang bloodline sa buo nyiang katawan ay nagsimulang kuminang at sa ibabaw ng balat ni Zhao Feng ay mayroong mga tiyak at matamlay na kulay asul ang lumitaw na parang isang patong ng kristal.

Peng!

Tumaas ang lakas ni Zhao Feng at ang kaniyang bloodline power ay sa wakas nakatagal na sa bundok ng yelo.

Hu~

Si Tiemo na nanonood ay napahinga nang matagal at ang kanyiang ekpresyon ay naging komplikado: "Dahil sa presyon na ito kaya't kayang bumalik ng bloodline power niya sa ninuno nito."

Ang pagbalik tanaw ng bloodline ng isang tao sa kaniilang ninuno ay nakakapagod at isang mahirap na proseso na mas mahirap pa kaysa sa pagpataas ng cultivation subalit karamihan sa mga henyo ay napapagising nila ang kanilang mga bloodlines o napapalakas ito kapag nasa bingit sila ng kamatayan.

Si Wang Xiaoguai ay parang ganito. Palagi siyang nakikipaglaban ng walang pakialam sa kaniyang buhay.

Ito ang unang beses na nagbalik-tanaw ang bloodline power ni Zhao Feng sa ninuno nito.

Masiyadong naging maayos ang landas niya at hindi siya masiyadong nakaranas ng mga desperadong sitwasyon.

Ngayon sa kasalukuyang sitwasyon ang kaniyang bloodline power ay gumana na sa wakas.

Matapos bumalik ng isang hakbang ng kaniyang bloodline ang kapangyarihan ni Zhao Feng at ang ice element ay parehas na tumaas.

Weng~ Huang!

Ang bundok ng yelo ay sa wakas nasalag na ni Zhao Feng at ang anyo ng yelo at ang trono sa likuran niya ay mas naging malinaw at nagbigay sa kaniyan ng mas maraming proteksyon.

"Ang bloodline power ng batang ito ay lumago pa sa pagkakataong ito!"

Ikinagalit ito ni Goddess Bing Wei at siya ay nagulat.

Ang lahat ng ito ay dahil sa kaniya. Kung hindi niya ginamit ang ice element powers o kaya'y nagdala ng ganito kalaking presyon, paano ito makakamit ni Zhao Feng?

"Bata, walang kuwenta 'yan. Kahit na magkaroon ka ng breakthrough ngayon wala kang mababagong kahit ano."

Ang mga mata ni Goddess Bing Wei ay nanlalamig at iwinagayway niya ang kaniyang kamay, gumagawa ng mas maraming interaksiyon sa Heaven Earth Yuan Qi.

Boom!

Ang hugis ng bundok ng yelo ay tumaas ng apatnapu hanggang limampung yarda at mas naging malamig.

"Hindi maganda ito Zhao Feng! Bilis tanggapin mo na ang pagkatalo mo!"

Lubos na nagbago ang ekspresyon ni Tiemo nang mabaliw si Goddess Bing Wei at hindi na siya nagpigil pa.

Subalit.

Hindi tinanggap ni Zhao Feng ang pagkatalo at sa halip siya ay ngumiti.

Ang kaniyang dalawang kamay ay tumulak sa bundok ng yelo at marahan niyang isinara ang kaniyang mga mata.

Kumunsumo siya ng malaking bilang ng Qi ng True Spirit sa loob ng kaniyang dantian subalit kasabay nito mayroon pang mas natatago at purong Source of True Spirit na nagpapasigla sa kaniya.

Ito ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit na palaging tinatago ni Zhao Feng.

"Magbe-breakthrough ako… Gaya ng hiniling mo…."

Biglang huminga ng malalim si Zhao Feng at isang mas malakas na Qi ng True Spirit ang rumagasa mula sa kaniyang Source of True Spirit.

Ang masikip na huling yugto ng True Human Rank ay parang isang papel na mabilis matusok.