"Talagang nagbreakthrough ang lalaking ito!"
Sigawan ang nagmula sa buong sinaunang arena at ang mga henyo sa baba ay natulala: Masiyadong peke ito. Sa pagsabi niya pa lamang na mabe-breakthrough siya ay nakapagbreakthrough nga talaga siya.
Kung isasantabi kung paano nagbalik ang kaniyang bloodline sa ninuno nito dulot ng presyon, ngayon ay nakapagbreakthrough pa siya sa patungo sa maliit na level.
Sa mataas na entablado.
Nanood ang siyam na sovereigns sa Northern stage habang nakikipaglaban si Goddess Bing wei subalit ang proseso ng labanan ay hindi inaasahan.
"Hindi naman parang hindi pa nakakapagbreakthrough ang mga henyo o kaya'y napalago nila ang kanilang mga bloodlines sa labanan sa Sacred True Dragon Gathering."
"Subalit ang dalawang sitwasyong pinagsama ay napakabihira."
Nagusap-usap ang mga Sovereigns.
"Hindi."
Ang bronze skinned giant Deputy Palace Lord ay bahagyang umiling: "Ang paglago ng bloodline ng Zhao Feng na ito ay hindi inaasahan subalit nakontrol niya ang pagtaas niya sa cultivation."
Si Sovereign Yu Xingchen ay ngumiti at sinabing: "Tama si Deputy Palace Lord. Ang mental energy level ng batang ito ay lagpas sa kaniyang cultivation at ginagawa niya ang kaniyang root of law. Nakaabot na siya sa pinakatuktok ng ika-unang yugto ng True Human Rank matagal na subalit napagdesisyunan niyang magbreakthrough ngayon mismo ng walang kahit anong paghihirap."
Sa Northern stage.
Piraso ng mas puro pang Qi ng True Spirit ang lumitaw sa dantian ni Zhao Feng at sa paglago ng kaniyang blood power, mas binigyan pa siya nito ng kalakasan.
Peng!
Sumigaw si Zhao Feng at pinilit na muling salagin ang bundok ng yelo.
"….. paano naging posible ito!?"
Labis na makulay ang ekspresyon ni Goddess Bing Wei. Ito ay nagmula sa berde papunta sa pula walang nakakaalam kung dulot ito ng galit, gulat o pagsisisi.
Si Zhao Feng ay 'ginawa kung ano ang hiniling niya' nang siya ay magbreakthrough.
Sa katotohanan, iniintindi ni Zhao Feng ang root of law nitong mga nakaraang araw at ang kaniyang mental energy level ay patuloy na tumataas. Ang kaniyang cultivtaion ay nakaabot na sa peak ng mga unang yugto ng True Human Rank at nakamit na nito ang mga kinakailangan upang makaabot sa huling mga yugto.
Subalit.
Alam ni Zhao Feng na ang pag-abot sa huling mga yugto ng True Human Rank ay walang masiyadong pagtaas sa lakas gaya ng kaniyang root of law. Ang root of law ang pinakamahalagang bagay sa kaniyang plano.
At kaharap ng malaking panganib na ito gumamit si Zhao Feng ng tulong ng kaniyang bloodline upang magbreakthrough.
Mystic Ice Demon Suppressing Mountain!
Sumigaw si Goddess Bing Wei at winagayway ang kaniyang kamay habang mayroong isa pang bundok ng yelong mas malaki kaysa sa nauna ay lumapag sa ibabaw ng nauna.
"Ano – puwedeng pagpatungin ang galaw na ito?"
Malamig ang paghinga ni Zhao Feng nang itulak niya ang kaniyang palad pataas.
Boom!
Nanginig si Zhao Feng at ang kaniyang dalawang bulaklak ay nabasag.
Crack!
Agad na kasunod niyan ang shield ng Three Flowered Treasured Lotus ay lumabo ang kulay at sunod ay nabiyak.
Ang yelong anyo at ang trono sa likuran niya ay nabiyak din nang isang beses at naging mas malabo.
Wah!
Napadura ng maraming dugo si Zhao Feng at siya ay bahagyang napinsala.
Suwerte siya, mayroon siyang ilang patong ng depensa at ang kaniyang bloodline ay kayang humigop ng yelo o kung hindi siya ay naging isang bloke na ng yelo ngayon.
Lightning Fire God's Eye!
Hindi umatras si Zhao Feng sa kritikal na pagkakataon at sa halip ay isang matamlay na asul na lightning fire ang kumislap sa kaniyang mata.
Tok!
Isang half transparent lightning flame na mas makapangyarihan pa kaysa sa nahuli ay lumapag kay Goddess Bing Wei.
Wala ng oras si Goddess Bing Wei para magbigay ng reaksiyon at siya ay natamaan na ng mga apoy.
Mystic Ice Jade Charming Body!
Ang kaniyang balat ay naging jade at ang lightning flame ay nag-iwan lamang ng isang maliit na marka sa kaniya.
Kung ito ay isang normal na True Mystic Rank na hindi nakatanggap ng essence ng Mystic Ice Inheritance o nakapagcultivate ng Mystice Ice Jade Charming Body malamang ay napatay na sila.
Subalit kahit ganoon pa man.
Ang lightning fire ay bahagyang nakapinsala sa kaniyang mental energy dimension.
Kumunot ang mga kilay ni Goddess Bing Wei at ang kaniyang isipan ay nagsimulang masunog.
Sa pagtaas ng cultivation at bloodline power ni Zhao Feng, ang kaniyang Lightning Fire God's Eye ngayon ay mas malakas.
Sirain!
Itiniim niya ang kaniyang mga ngipin at ibinuhos ang lightning fire kasabay ng yelo.
Gamit ang oras na ito walang away na pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang Qi ng True Spirit at ang kaniyang bloodline power, bumubuo ng isa pang patong ng depensa.
"Ang Qi ng True Spirit ay hindi makahabol."
Naramdaman ni Zhao Feng ang pagtaas ng presyon.
Ang pinakamalaking diperensiya sa dalawa ay hindi level, skill, o bloodline kundi ang kanilang cultivation.
Sa ilalim ng sitwasiyon na ito ang kaya lamang gamitin ni Zhao Feng ay ang 'Water Moon Pirate's Source of True Spirit na naselyuhan sa kaniyang katawan.
Isang malaking bilang ng purong Qi ng True Spirit ang pumasok sa dantian ni Zhao Feng.
Kasabay nito ang hindi pa halos nabubuong root of law ay kumunekta sa Heaven Earth Yuan Qi.
Wu~
Ang matamlay na asul na mga linya sa loob ng isipan ni Zhao Feng ay biglang naging mas matingkad at mas malakas.
"Eh?"
Si Zhao Feng ay nasurpresa.
Ang 'kalahati' ng kaniyang root of law ay nakatagpo ng 'pagpigil' sa huling mga pagkakataon. Bakit ito biglang tataas ngayon?
Ano ang dahilan sa likod nito?
Si Zhao Feng ay naguluhan sa surpresang ito.
Weng~
Ang pagtaas ng mga kaalaman ni Zhao Feng ay maaaring maramdaman sa pagbabago ng Heaven Earth Yuan Qi.
Sa kaniyang mental energy dimension, ang mga transparent na linya ay mas lumaki, mas tumingkad at mas humaba.
Peng!
Itinulak ni Zhao Feng ang palad niya palabas at ang kaniyang flower of lightning and ice ay mukhang may buhay at ang kapangyarihan nito ay halos dumoble.
Kung ang iisang puwersa ang inilagay sa kaparehas na galaw, kung ganoon ang pinsala nito ay magpapatuloy ng dalawang beses na mas matagal.
Ito ay nangyayari sa katawan ni Zhao Feng.
"Ang batang iyon ay binubuo ang root of law!"
"Paano naging posible iyon!? Paanong ang isang nasa huling yugto ng True Human Rank ay bubuo ng root of law?"
Naramdaman ito ng mga henyo sa Northern zone at nanlaki ang kanilang mga mata.
Sa oras na ito.
Isang matinding aura ang kumawala mula kay Zhao Feng at nagkaroon ng interaksiyon kasama ng Heaven Earth Yuan Qi.
Mukhang ang kaniyang root of law ay tuluyan nang mabubuo,
"Ano ang nakatulong sa akin na makalagpas sa kagipitang iyon?"
Si Zhao Feng ay hindi tulala dahil sa kagalakan.
Kung may isang bagay na hindi inaasahan kung ganoon maaaring may mali.
Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay dali-daling sinuri ang ang kaniyang katawan at inaral ang mga resulta.
Sa isang iglap natagpuan na niya ang salarin – ito ang Source of True Spirit ng Water Moon Pirate.
"Hindi nakapagtataka. Ang root of law ay nakabase sa Source of True Spirit at ang aking root of law ay nagmula sa pagsasanib ng Lightning Inheritance at sa essence ng Mystic Flower Treasured Bible subalit ang karamihan ng aking Source of True Spirit ay nagmumula sa Lightning Inheritance at nakukulangan ako ng Source of True Spirit para sa Mystic Flower Treasured Bible."
Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng dahil siya ay biglang nagalak.
Ang katotohanan ay isiniwalat.
Ang Mystic Flower Treasured Bible ni Zhao Feng ay kulang sa Source of True Spirit upang kapag ito ay isinanib niya sa Lightning Inheritance, ang root of law ay matitigil sa huling hakbang.
Subalit ngayon.
Lumitaw ang pagkukulang ni Zhao Feng.
Iniwan ng Water Moon Pirate ang kaniyang Source of True Spirit at cinultivate niya ang Mystic Flower Treasured Bible.
Matapos makamit ang huling kinakailangan ang root of law ni Zhao Feng ay hindi na nalilimitahan at nagsimula na itong mabuo.
Sa isang pag-iisip pa lamang ang kaniyang root of law na nasa kaniyang isipan ay sumanib sa dalawang Sources of True Spirit.
"Nagtagumpay ang plano."
Labis na nagalak si Zhao Feng at tumaas ang kaniyang paglalayong makipaglaban.
"Batang may asul na buhok, wala na itong kuwenta. Kahit na mabuo mo pa ang root of law, wala kang cultivation."
Ang mga mata ni Goddess Bing Wei ay puno ng pang-iinsulto at kalamigan.
Wala siyang pakialam kung nakaabot na si Zhao Feng sa mga huling yugto ng True Human Rank o kung binuo na niya ang kaniyang root of law.
Ang pagkakaiba nilang dalawa sa lakas ay masiyadong malaki at ang maliit na level ng cultivation ay walang kuwenta.
"Hahaha…. Sino nagsabing hindi ko pa nagagawa?"
Lumiyad si Zhao Feng at tumawa dahil ang kaniyang root of law ay kumpleto na. Ang bawat aksiyon niya ay nagkaroon ng interaksiyon sa alapaap.
Bigla siyang nagpakawala ng isang True Spirit Realm aurana lagpas pa sa True Human Rank at kina Bing Shuiyue at Ma Tiansan.
Biglaan.
Si Zhao Feng ay mayroong kapangyarihan na nasa ika-unang yugto ng True Mystic Rank.
Hindi lang ito sa usapin ng mental energy. Kahit ang kaniyang Qi ng True Spirit ay ganito rin.
"Anong may'ron!?"
"Ano ang nangyayari?"
"Ang batang ito ay biglang tumalon sa panibagong level??"
Nagkagulo ang Northern zone at ang buong sinaunang arena.
Maraming hindi makapaniwalang tingin.
"Sirain!"
Itinulak ni Zhao Feng palabas ang kaniyang palad at isang nakakatakot na flower of lightning and ice ang lumaki.
Beng!
Ang dalawang bundok ng yelo sa taas niya ay nasira ni Zhao Feng.
"Paano… paano naging posible ito?"
Natulala si Goddess Bing Wei at hindi siya makapaniwala rito.
Extreme Northern Mystic Ice Wind!
Dahil hindi siya makapaniwala iwinagayway niya ang kaniyang mga kamay muli at nagpadala siya ng nakakapanigas na yelong hangin papunta kay Zhao Feng.
"Napakahusay na Prodigy…. Maglaban tayo!"
Sumigaw si Zhao Feng habang tumatawa at sumabay siya sa kalaliman ng Kalangitan at Kalupaan.
Biglang nagkaroon ng mga nagngangalit na mga alon ng kidlat sa loob ng isang milya na parang isang pausbong-usbong na bulaklak.
Boom! Bam! Dang----
Ang sagupaan ni Zhao Feng at ni Goddess Bing Wei ay sapat na upang makapatay ng normal na nasa True Spirit Realm.
"… paano naging posible ito? Tinago ba niya ang kaniyang cultivation?"
Natulala si Goddess Bing Wei at wala siyang masabi.
Sa isang pagkurap ng mata. Biglang nagkaroon si Zhao Feng ng cultivation na maikukumpara sa mga unang yugto ng True Mystic Rank.
Ano…. Ano ang nangyayari?
Hindi lang ito hindi matanggap ni Goddess Bing Wei, ang lahat ng ibang mga henyo ay hindi rin makapagsalita subalit ang lahat ng bagay ay nasa harapan ng kanilang mga mata.
Kadalasan ang cultivation ng isang tao ay natitiyak sa kung gaano kataas ang kanilang mental energy level at sa lakas ng kanilang True Force.
Si Zhao Feng ba ay mayroong mental energy level ng isang nasa ika-unang mga yugto ng True Mystic Rank?
Mayroon siya.
Ang kaniyang mental energy level ay maikukumpara sa True Mystic Rank noon pa man at ang kaniyang root of law ay nabuo mula sa dalawang skills.
Kaya naman, sa oras na nabuo ang kaniyang root of law maikukumpara na ito sa unang yugto ng True Mystic Rank at mas malakas pa ito kay Bing Shuiyue.
Ang kaniyang True Force ba ay mayroong lakas ng unang yugto ng True Mystic Rank?
Mayroon siyang ganoon.
Kailangang malaman ng isang tao kung paanong ang Water Moon Pirate ay halos nasa True Lord Rank na ng kaniyang peak at ang nakaselyong Source of True Spirit ay mas malaki pa kaysa sa unang yugto ng True Mystic Rank.
Subalit.
Upang tuluyang makontrol ang Source of True Spirit na ito, dalawa ang kinakailangan na makamit.
Una, kailangang mayroong sapat na mental energy upang buuhin ang root of law.
Ikalawa, kailangang mayroong elementong katulad o kagaya ng Mystic Flower Treasured Bible.
Sa kasamaang palad para sa iba, nakamit ni Zhao Feng ang parehas na kinakailangan.