Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 347 - Pamilyang May Eye Bloodline

Chapter 347 - Pamilyang May Eye Bloodline

Ang katawan ni Zhao Feng ay tila isang papel na pinunit.

Sa Northern zone ay tila tumigil ang tibok ng puso ni Bei Moi at Dong Xue.

"Sa lakas ni Brother Zhao, hindi dapat siya matatalo nang ganito kabilis."

Nainis na umiling si Bei Moi.

Sa sandaling ito.

Ang nanalo sa Northern stage ay napagdesisyunan na.

"Wu! Si...."

Ang anyo ni Gao Peng ay nanigas sa hangin nang ang kaniyang katawan ay nagkombulsyon.

Ang youth na may asul na buhok at lumitaw sa kaniyang harapan nang may nakasaradong braso. Ibinaba si Gao Peng ng mga bilog ng kidlat.

Plop!

Nahulog si Gao Peng mula sa hangin, na napaso.

"Isang kakaibang kidlat at bilis. Magaling!"

Ang mga henyo sa Northern zone ay nagsigawan.

Ang bilis at paggamit ng kidlat ni Zhao Feng ay nakapagpabuntong hininga sa iba.

Hindi pangkaraniwang makakita ng mga labang natatapos sa isang galaw, ngunit ito ay nakikita lang sa limang napakahusay na prodigy.

Iwinagayway ng hukom ang kaniyang True Dragon Flag upang isenyas ang tagumpay ni Zhao Feng.

Isang parte ng dragon blessing mula kay Gao Peng ang agad na nailipat kay Zhao Feng.

Weng~~

Ang True Dragon Token ni Zhao Feng ay puti pa rin ngunit naging mas makinang ito.

Pagkatapos ng labang ito ay halatang tumaas ang dragon blessing ni Zhao Feng.

Ito ay dahil sa wala siyang masyadong dragon blessing at ang pagtalo sa kalaban ang magbibigay sa kaniya ng dagdag.

"Brother Qin, ang ungas na itong may asul na buhok ay maaaring isang black horse."

Sabi ng isang peak True Human Rank sa ilalim ng Northern zone.

Pinagtuunan niya ng pansin si Zhao Feng nang umakyat ito, dahil sa asul na buhok at asul na kaliwang mata nito.

Kung titignan nang maigi, napagtanto ng youth na ang paggamit ni Zhao Feng ng kidlat at galaw ay nakaabot na sa mahusay na lebel.

"Medyo ngunit hindi pa masasabing black horse. Tanging mga baguhang nakapanalo ng sampung laban ang masasabing isang black horse."

Mahinang sabi ni Brother Qin.

Ang Brother Qin na ito ay nasa tatlumpung taon na o mahigit at nakadamit na tila isang pantas.

"Ang lalaking ito ay si Qin Kunwu, na nanggaling sa isa sa Ten Great Clans, ang Heavenly Book Chapter. Nakalaban na niya si Mo Tianyi at nakatabla sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering ngunit ang kaniyang huling antas ay mas mataas."

Sabi ni Xia Xianshang na mula sa Ten Thousand Sword Clan nang seryoso.

Bukod pa kay Zhao Feng, Dong Xue, Bei Moi, Wang Xiaoguai na mga pamilyar, narito rin si Xia Xianshang at iba pa.

Syempre, parehong si Xia Xianshang at Qin Kunwu ang mga mataas ang antas sa buong Sacred True Dragon Gathering.

Sa ilalim ni Goddess Bing Wei ay si Qin Kunwu, Xia Xianshang bilang isang lalaking may malamultong mata na may purong pilak na True Dragon Token.

Sa tatlo ay si Qin Kunwu at ang lalaking may malamultong mata ang may nagkaroon ng ginto sa kanilang pilak na True Dragon Token.

"Sa ngayon, si Qin Kunwu, Xia Xianshang at ang lalaking may malamultong mata ang pinakamalakas kasunod ng mga napakahusay na prodigy sa Northern zone.

Pagsuri ni Dong Xue.

Siya at si Zhao Feng ay nanggaling sa Iron Blood Religion at nakakuha ng uat.

Ang totoo, kahit na hindi niya sabihin ay maiintindihan ito ni Zhao Feng sa paggamit ng kaniyang God's Spiritual Eye.

Sa pagtingin lang sa kanillang True Dragon Token, masasabi na kung gaano sila kalakas.

Si Qin Kunwu, Xia Xianshang at ang lalaking malamulto ang mata ay nagbigay kay Zhao Feng ng puwersa na mas mababa kay Goddess Bing Wei.

"Anong sitwasyon ng lalaking may malamultong mata?"

May kakaibang naramdaman ang eye bloodline ni Zhao Feng.

"Nabalitaan kong mula siya sa pamilyang Wu ng tatlong pangunahing pamilyang may eye bloodline."

Hindi siguradong sinabi ni Dong Xue nang tignan ang lalaking may malamultong mata.

Ito ang unang beses na lumahok siya.

Habang sinusuri ng dalawa ang lalaking malamulto ang mata ay tila naramdaman niya ito at isang pares ng maitim na matang may dalang lamig ang biglang tumingin.

Wu!

Ang mga henyo sa lugar ay biglang nakaramdam ng kakaibang lamig. Tila sila ay naglakas sa isang sementeryong puno ng mga puting buto.

Nagsimulang manginig si Dong Xue at hindi makapagsalita.

Kahit ang kasinglakas ni Zhao Feng ay naramdamang mahirap huminga at nakaramdam ng panganib.

Ang 'Ghost Eye Bloodline' ng lalaking may malamultong mata ay nagbigay ng sinauna at malamig na aura na tila nahawakan ang mundo ng mga Soul na palibutan ang pisikal na mundo.

"Isang makapangyarihang eye bloodline."

Ito ang unang beses na nakakita si Zhao Feng ng ganoon kalakas na eye bloodline. Ito ay sampung beses na mas malakas kaysa kay Lin Tong.

"Zhe zhe, sa kasamaang palad ay hindi ko akalaing may ganoong eye bloodline bukod pa sa tatlong pangunahing pamilyang may eye bloodline..."

Ang lalaking may malamultong mata ay halatang naramdaman ang eye bloodline ni Zhao Feng at umiling nang may pagsisisi.

Kahit na inisip niyang ang eye bloodline ni Zhao Feng ay hindi na masama, hindi rin ito masyadong malakas.

Pagkatapos na maranasan ang ghost eye at nakaramdam lang si Zhao Feng ng lamig na sinusubukang sirain ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Peng Peng peng Peng!

Ang God's Spiritual Eye ay biglang nagsimulang magbigay ng mapanganib na pakiramdam.

Sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, isang mahinang kulay abong aura ang nagbigay ng malakas na puwersa kay Zhao Feng.

Manira ka!

Ginawa ni Zhao Feng ang lahat para magawa ang kaniyang mental energy souece at ang lamig mula sa nagyeyelong lawa ay napatay ang kulay abong aura.

Hu~

Si Zhao Feng ay nakahinga na rin.

Ang eye bloodline ng lalaking may malamultong mata ay tunay na nakakasindak. Karapat-dapat siyang maging tagapagmana ng isa sa tatlong pangunahing pamilyang may eye bloodline.

"Ang lakas ng taong ito ay hindi mas mahina kay Mo Tianyi."

Pinakalma ni Zhao Feng ang kaniyang sarili.

Pagkatapos na maanalisa ang sitwasyon ng Northern zone ay si Goddess Bing Wei ang siguradong pinakamalakas.

Si Qin Kunwu, Xia Xianshang at ang lalaking may malamultong mata ay sumunod na tatlong pinakamalakas na walang laban si Zhao Fegn.

Kasunod nila ay ang mga nasa True Mystic Rank ngunit hindi sila kinatakutan ni Zhao Feng.

"Chapter Leader, ang lalaking iyon ay papunta sa itaas!"

Biglang sigaw ni Dong Xue.

Nang sumulyap, nakita ni Zhao Feng ang lalaking may malamultong mata sa Northern stage. Ang kaniyang kalaban ay isang lalaking nakagintong damit na nasa peak True Human Rank.

Ghost Eye Soul Burner!!!

Ang lalaking may malamultong mata ay ngumiti nang masama nang magsimulang masunog ang kaniyang isang pares ng malamultong mata.

Shua!

Ang lalaking nakagintong damit ay biglang sumigaw at dumura ng dugo.

Ang lalaki ay sumigaw nang umagos ang pawis sa kaniyang likod at umikot sa lupa na tila pinapahirapan.

Iwinagayway na ng hukom ang True Dragon Flag.

Ang nanalong lalaking may malamultong mata ay bumulong sa kaniyang sariling: "Kung hindi lang makakabawas ang pagpatay sa mga tao..."

Halatang nagpigil lang siya.

Pinatay ni Taiyun Shuangzi ang kaniyang kalaban at sa halip na makakuha ng dragon blessing, nawalan pa siya.

Nang umatake ang lalaking may malamultong mata, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay hindi na naalis sa kaniya.

"Isinama niya ang kaniyang Flame of True Spirit sa kaniyang eye bloodline, na nakabuo ng Ghost Eye Flame na sinunog ang kaluluwa ng kalaban."

Nakita ni Zhao Feng dahilan sa likod ng skill ng lalaking may malamultong mata.

Gayunman, hindi ibig sabihin nito ay makokopya na niya ito.

Makakakuha lang si Zhao Feng ng ideya sa mga bagay na may kaugnayan sa mga bloodline dahil magkakaiba ito. Angkop ito para sa iba, ngunit hindi ito angkop para sa iba."

"Ngunit ang Flame of True Spirit ay maaaring magawa ng kahit sinong nasa True Spirit Realm."

Pumikit si Zhao Feng at isinama ang kaniyang kamalayans sa kaniyang dantian.

Sa kaibuturan ng kaniyang dantian ay ang kaniyang Source of True Spirit na pabor sa elemento ng kidlat.

Ipinalaganap ni Zhao Feng ang kaniyang Qi of True Spirit ayon sa Lightning Inheritance at isang maliit na apoy na kasinglaki ng gisantes ang lumitaw sa kalaliman ng kaniyang Source of True Spirit.

Kasabay nito ay isang apoy ang nagliwanag sa kidlat.

Ito ay hindi isang normal na Flame of True Spirit, ito ay isang True Spirit Lightning Flame.

Pagkatapo na maabot ng True Spirit Realm ay hindi na pinansin ni Zhao Feng ang Flame of True Spirit dahil hindi niya tatahakin ang path of blacksmith.

Gayunman...

Ang aura na nanggaling sa True Spirit Lightning Flame sa kaniyang dantian ay gumulat kay Zhao Feng.

"Sa paggamit ng True Spirit Lightning Flame bilang panliwanag at isasama ito sa God's Spiritual Eye, magagawa ko kaya ang Lightning Flame God's Eye?"

May naisip si Zhao Feng.

Tumingin siya sa hindi kumpletong pahina ng Dark Eye may sapat na kaalaman sa mental energy.

Una...

Kailangan ni Zhao Feng ng tulay na magdudugtong sa kanyang God's Spiritual Eye at True Spirit Lightning.

Ang tulay na ito ay ang kanyang malabo at malamig na asul na dugo sa kaniyang katawan.

Matapos ang isang sandali...

Ang malabong asul na dugo ay naging sapot ng gagamba na umabot sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata papunta sa True Spirit Lightning Flame sa kaniyang dantian.

Lumipad ang oras habang ipinagpatuloy ni Zhao Feng sa pagpapagana rito.

Ibig sabihin ng magkakasunod na kabiguan ay malapit na siya sa tagumpay.

Weng~

Ang True Dragon Token ni Zhao Feng ay biglang nakaramdam ng isang bagay at tumuro sa Northern stage.

"Pagkakataon ko na ulit."

Napilitang tumayo si Zhao Feng. Malapit na siya magtagumpay noon.

Kapag nagtagumpay ang Lightning Fire God's Eye ay magiging isa itong makapangyarihang eye bloodline secret technique na hindi lang aatakihin ang kaluluwa.

Aatakihin din nito ang dimensyon ng mental energy at ang pisikal na mundo.

Sa Northern stage.

Umakyat muli si Zhao Feng sa ikalawang pagkakataon.

Ang kaniyang kalaban ngayon ay isang lalaking nakagintong baluti at nasa late stage.

Ang lalaking nakagintong baluti ay may maingat na ekspresyon at naglagay ng pangprotektang harang sa Qi of True Spirit para mapigilan ang bilis ni Zhao Feng.

Napagbuntong hininga ni Zhao Feng ang ibang mga henyo.

"Hmph, para matalo ang mga mabilis ay kailangan mo ng mas malakas na depensa at katahimikan para mapigilan ang galaw."

Pagkatapos na palakasin ang kaniyang depensa ay isang ngiti ang lumitaw sa mukha ng nakagintong baluting lalaki.

Ang kaniyang cultivation ay mas mataas kaysa kay Zhao Feng ay naniniwalang hangga't hindi nasisira ang kaniyang depensa, ang pagkakataong manalo ay mataas.

Gayunman...

Hindi sinubukang manalo ni Zhao Feng gamit ang bilis.

Eye of Illusion!

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at isang abyssal freezing pond ang tila lumitaw sa kaniyang kaliwang mata.

Plop!

Sa isang hininga lang ay napaluhod sa lupa ang lalaking nakagintong baluti at napuno ng malamig na pawis ang kaniyang likod.

Hua!

Ang Northern zone ay nagkagulo.

Ang ilang nasa peak True Human Rank at kahit ang mga henyong nasa True Mystic Rank ay nagulat.

Ang lalaking may malamultong mata ay nagulat: "Mukhang hindi niya alam ang lahat ng eye technique."

Weng~

Ang True Dragon Token ni Zhao Feng ay naging mas makinang kaysa dati habang nakatanggap ng dragon blessing mula sa kalaban. Gayunman, may kaunti pang distansya bago ang tansong token.

Pagkatapos manalo...

Mabilis na bumalik si Zhao Feng sa kaniyang lugar at nagsimulang suriin at siyasatin ang dimensyon ng kaniyang kaliwang mata.

Mabagal ngunit patuloy ay minsanang nagliwanag dahil sa kidlat ang kaliwang mata ni Zhao Feng at ang kaniyang pupil ay tila luminaw at umitim nang sabay.