Ang malabong asul na dugo sa loob ng katawan ni Zhao Feng ay nakabuo ng isang maliwanag na tulay na nagdudugtong sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata ay kaniyang Source of True Spirit sa loob ng kaniyang dantian.
Ang tunog ng True Spirit Lightning Fire ay nagtagumpay sa pagsama nito sa nagyeyelong lawa.
Ang nagyeyelong lawa ay hindi lang ang Source of mental energy ni Zhao Feng, ito rin ang 'eye power' ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at ang kaibuturan ng kaniyang eye bloodline. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin ito.
Sa sinusubok na nagyeyelong lawa at True Spirit Lightning Fire ay maaaring mapagsama sa loob ng maiksing panahon at isang mahinang asul na lightning flame ang minsanang lumilitaw sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.
Sa puntong ito ay nakopya na ni Zhao Feng ang Flaming Eye Technique ng lalaking may malamultong mata.
"Ang mata ang pinakamahinang bahagi ng katawan ng tao at ang flaming eye technique na ito ay magandang gamitin nang saglit, hindi tuloy tuloy. Hindi kayang gawin ito ng normal na mata."
Napagtanto ni Zhao Feng.
Ang ibig sabihin nito ay ang mga walang makapangyarihan bloodline ay hindi magagamit ang skill na ito kahit na alam nila kung paano ito icultivate.
Ito ay dahil ang mga mata ng mga normal na tao ay mahina ay hindi kaya ang apoy.
Sa sandaling ito...
Ang Lightning Flame God's Eye ni Zhao Feng ay nabuo at sigruadong mas malakas kaysa sa iba.
Sa ngayon...
Ang mga eye technique ni Zhao Feng ay naglalaman ng: Eye of Illusion, Eye of Ice Soul at Eye of the Heart.
Ang Eye of the Ice Soul ay may makapangyarihang atake at katangi-tangi sa pananatili sa kalaban – hindi nangahas na gamitin ito ni Zhao Feng kaagad.
Sa kabilang banda ay ang Lightning Flame God's Eye ay isang mabilisang atake at siguradong mas malakas sa Eye of the Ice Soul.
"Hindi ko maaaring gamitin ang Lightning Flame God's Eye kaagad at kung hindi ay masusunog kaagad ang kaluluwa ng kalaban at mas malaki ang pinsalang magagawa. Dagdag pa rito, ang skill na ito ay nagbibigay ng malaking puwersa sa God's Spiritual Eye."
Bahagyang nagsisisi si Zhao Feng.
Kakaunawa pa lang niya sa Lightning Flame God's Eye at siguradong walang ganap na kontrol dito.
Kaya sa tuwing aakyat ang lalaking may malamultong mata ay susuriin ito ni Zhao Feng at may ilang matututunan mula rito.
Ghost Eye Soul Burner!!
Ang mga mata ng lalaking may malamultong mata ay lumiwanag nang may apoy.
"Ahhh!"
Isang ekspertong peak True Human Rank ang sumigaw at nahulog sa lupa at umikot na parang pinapahirapan.
Ang Ghost Eye Soul Burner ng lalaking may malamultong mata ay sobrang kontrolado at kung hindi ay madali niyang mapapatay ang kaniyang kalaban.
Kahit sinong natalo niya ay napinsala ang isip at siguradong hindi maghihilom habang may Sacred True Dragon Gathering pa.
Dahil dito, ang lalaking may malamultong mata ay isang kalahok na hindi pinangangahasang kalabanin ng maraming mga henyo.
"Ang pamilyang Wu na ito ay tunay na karapat-dapat na maging isa sa tatlong pangunahing eye families."
Si Qin Kunwu at Xia Xianshang ay parehong may seryosong ekspresyon.
Ang dalawang ito ay kapareho ng lebel ni Mo Tianyi ngunit labis na hindi mapakali sa lalaking may malamultong mata.
"Ang lahat sa tatlong pangunahing eye families ay nandito. Ang pamilyang Tuoba, pamilyang Wu, at pamilyang Qiu."
Sinuri ni Qin Kunwu ang lugar.
Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon ang karamihang henyo bukod sa napakahusay na prodigy ay ayaw na makaharap ang tatlong pangunahing eye families dahil ang kaniyang mga skill ay mahirap harapin."
"Tignan mo ang Eastern stage. Isang taong galing sa pamilyang Tuoba!"
Ang tingin ng maraming henyo ay napunta sa Northern stage.
Ang napanlululang prodigy mula sa Northern stage ay si Tantai Lanyue at madaling naging dakila.
Sa sandaling lumitaw ang tagapagmana mula sa pamilyang Tuoba sa Northern stage...
"Si Tuoba Qi mula sa tatlong pangunahing eye families."
Hindi naalis ang kanilang mga tingin sa makisig na youth.
Ang kalaban ni Tuoba Qi at isang gumagalaw na babaeng nakarosas na damit.
"Die Ye!"
Si Zhao Feng, Dong Xue, Jiang Sanfeng at mga kasama ay sumigaw.
Heavenly Piercing Eye!
Ang mga kalmadong mata ni Tuoba Qi ay biglang naging matalim.
Shua!
Isang malim na hiwa ang naiwan sa mukha ni Die Ye na umabot pababa sa kaniyang leeg.
"Ako... Ako ay sumusuko na..."
Sumigaw si Die Ye sa takot.
Kung babalikan kung paano niya hinabol ang Fan Flying Bandit kasama si Zhao Feng, ang kaniyang lakas ay nasa peak True Human Rank ngunit ngayon ay hindi man lang siya nakalaban.
Ang atake ng Heavenly Piercing Eye ay kayang makagawa ng invisible blade na sumusugat sa lalamunan ng kalaban.
"Ang Heavenly Piercing Eye ay makapangyarihan pa rin. Kung hinarap ko siya ay siguradong pareho kaming mapipinsala."
Ang ekspresyon ng lalaking may malamultong mata ay seryoso.
Syempre.
Ang mga tao mula sa iba't ibang zone ay hindi makalaban ang mga galing sa ibang zone ngayon.
Kahit abg mga galing sa parehong zone ay may mababang pagkakataong makalaban ang bawat isa.
"Ang atake ng Heavenly Piercing Eye na ito ay nakaksindak. At pabor pa ito sa pisikal na mundo."
Pinatunog ni Zhao Feng ang kaniyang dila.
Si Tuoba Qi ay napakabilis. Sobrang bilis na hindi nanatili ang God's Spiritual Eye rito.
Dagdag pa rito, ang Heavenly Piercing Eye ng kalaban ay may elemento ng hangin kaya kahit matutunan ito ni Zhao Feng ay hindi niya ito magagamit.
Northern stage.
Ang mga laban ay nagpatuloy at natalo ni Goddess Bing Wei ang kaniyang kalaban sa isang galaw lang.
Hindi nila alam, limang laban na ang napasok at naipanalo ni Zhao Feng.
Si Bei Moi ay dalawang beses nanalo at tatlong beses natalo habang si Dong Xue ay natalo lahat sa limang laban at may malungkot na ekspresyon.
Si Wang Xiaoguai ay limang beses ring nanalo at naging mas mahigpit sa bawat laban.
Isang kahanga-hangang bagay ang limang beses na panalo nang sunod sunod.
Syempre.
Si Qin Kunwu, Xia Xianshang at ang lalaking may malamultong mata ay nanalo rin nang limang beses.
Ang ikapitong laban.
Umakyat muli si Zhao Feng, ang kaniyang kalaban ngayon ay isang youth na nakaitim na damit at nasa peak True Human Rank na may token na may kaunting pilak.
Ang True Dragon Token ni Zhao Feng ay may kaunting tanso.
"Hehe, youth, ang iyong perpektong tala ay nagtatapos na rito."
Ang nakaitim na youth ay bahagyang ngumiti.
Ito ang pinakamalakas na kalaban ni Zhao Feng sa ngayon.
Ang kaniyang token ang nagsabi ng kaniyang kagitingan sa laban at kapangyarihan.
"Black Crow Li Chengyun. Ang pagkakaroon ng pangalang black crow ay nangangahulugang siya ay mabilis at kaunti lang ang nakakahuli."
"Ang narating lang ng lalaking ito ay ang pinakamataas na isang daan noon ngunit tumaas ito nang mabilis ngayon, at naging isang black horse na nakatalo sa dalawang henyong may tansong token nang magkasunod."
Maraming tao ang nakakakilala sa youth na itong may karanasan sa black.
Si Black Crow Li Chengyun ay sinuri rin si Zhao Feng.
Dahil pareho silang nasa northern stage ay alam rin ni Li Chenyun na anim na magkakasunod na laban na ang naipanalo ni Zhao Feng.
Masasabing ang dalawang ito ay mga black horse ng Northern stage.
"Ang bilis ang aking forte at ang aking cultivation ay labis na mas mataas kaysa sa iyo at samakatuwid ay mas kaunti ang epekto ng iyong eye bloodline sa akin."
Si Black crow Li Chenyun ay may kalmadong itsura ngunit sa totoo lang ay nag-iingat ito.
Shua!
Sa isang saglit ay nawala si Li Chengyun at sa sumunod na sandali, isang lalaking may itim na pakpak ang lumitaw sa hangin.
Shua! Shua!
Kasabay nito ay may mga malabong anyong lumitaw sa paligid ni Zhao Feng.
Sa larangan ng bilis ay bahagyang mas mabilis si Li Chengyun kaysa sa ibang mga cultivator na nasa beginning stage ng True Mystic Rank.
"Kahit sinong mas mababa sa True Mystic Rank ay walang silbi."
Biglang binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at pinanatili ito sa isang anyo.
Eye of Ice Soul!
Ang mayelong asul na mata ay naging isang nagyeyelong lawa at napuno ng lamig ang dimensyon ng kaniyang mental energy.
Ang kasindak-sindak na si black crow Li Chenyun ay biglang nanigas.
Tila napunta siya sa isang mundo ng yelo at napuno ng lamig ng mental energy ang kaniyang isip.
Ang kamalayan ng mental energy ni Li Chengyun ay nabalot ng mayelo at asul na liwanag ay sa huli ay nagyelo rin ang kaniyang mga kaisipan.
Sa oras na ito ay tila tumanda siya. Ang kaniyang mga reaksyon at galaw ay bumagal na tila isang suso. Dagdag pa rito, ang kamalayan ng kaniyang mental energy ay nabalot ng kapangyarihan ng ice soul at halos makatulog na nang malalim.
Bam!
Itinaas ni Zhao Feng ang kaniyang paa at sinipa si Li Chengyun paalis ng entablado.
Nang mahulog ito sa lupa ay sinisinok pa ito at naging mabagal na rin ang kaniyang pag-iisp at mga kilos
"Buti na lang mabilis akong tumigil."
Pinunasan ni Zhao Feng ang kaniyang malamig na pawis.
Pagkatapos na mapataas ng lebel ng kaniyang mental energy ang kapangyarihan ng kaniyang eye of Ice Soul ay naging mas nakakasindak rin ang mga atakeng tila dumidiretso sa kaluluwa, na mapanganib. Mas madaling makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya.
Pagkatapos manalo sa ikapitong laban ay naging purong tanso na ang token ni Zhao Feng at tumaas ang kaniyang dragon blessing.
Ang pagtalo kay Li Chengyun ay nangangahulugang napabilang na si Zhao Feng sa makapangyarihang mga black horse sa Northern zone.
Walong panalo, siyam na panalo, sampung panalo.
Ang mga laban ni Zhao Feng ay nagpatuloy at ang kaniyang tansong True Dragon Token ay mas nagliwanag.
Bukod pa sa napakahusay na prodigy na si Goddess Bing Wei at Qin Kunwu at mga kasama, ang iba pang mga henyo ay tumingin sa youth na may asul na buhok nang hindi mapakali.
Syempre.
Hindi lang si Zhao Feng ang naging isang blask horse sa Sacred True Dragon Gathering.
Sa Northern zone ay naroon rin si Wang Xiaoguai at ilan pang iba.
Kasabay nito…
Ang Eastern, Western, Southern at Middle zone ay may mga black horse.
Sa Southern zone, si Xin Wuheng, Liu Qinxin at mga kasma ay nagpatuloy sa pagkapanalo at binugbog pa ang ibang mga henyong nakakuha ng magandang resulta sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering.
Ito ay lalo na para kay Xin Wuheng na mag-isa at madaling natatalo ang kaniyang mga kalaban.
Sa Western zone ay naroon ang ilang mga black horse at ang isa sa kanila ay isang babaeng sword master na natalo ang kaniyang mga kalaban sa isang galaw.
Ito ay si Cang Yuyue.
Si Zhao Yufei ay naging isa rin sa apat na black horse sa Eastern zone.
Sa itaas ng arena ay ang mga Sovereign ng Sacred Alliance na pinapanood ang mga kapana-panabik na laban sa limang zone.
"Hehe, walang dudang isa ito sa mga peak generation."
"Sa mga nakaraang henerasyon ay mga iilan lang na black horse, hindi dosedosena."
Tumango ang mga Sovereign.
Ang Deputy Palace Lord sa gitna ay sinuri ang mga nakapaligid na batong rebulto:
"Ang genius dragon blessing ay patuloy na tumataas at patuloy na gumagalaw…."
Ang mga batong rebulto ay tila mga alamat ng sinaunang panahon na nagbigay ng misteryosong aura at ang kanilang mga ekspresyon ay tila nagbabago habang pinapanood ang mga laban.
Weng~~
Ang ilang mga batong rebulto ay tila nanginig at ang aura nito ay nagsimulang tumaas.
"Tignan ninyo!"
Ang isa sa mga Sovereign ay tumingin sa langit sa ibabaw ng sinaunang arena.
Sa pagitan ng mga ulap ay ilang mga malinaw na anyo ang lumitaw.
Ang mga malinaw na anyong ito ay makikitaan ng mga palasyo, bundok, at mga silid-aklatan.
"Isang inheritance ang konektado na kaagad sa kontinente?"
"Maganda! Ang Sacred True Dragon Gathering ay kakasimula lang. Karaniwang ang 'Imheritance Shadowings' ay lumilitaw habang sa mid-late stages ng Sacred True Dragon Gathering."
Ang mga Sovereign ng Sacred Alliance ay nagulat.