Ang Eye of Heaven ay tila isang ilusyon habang malamig nitong sinuri ang limang Dragon Blessings.
Ang limang Dragon Blessing ay malaki at kinalaban ang bawat isa, wala sa kanila ang nakaramdam sa nasa ibabaw nila.
Maaring ang Eye of Heaven ay may kapangyarihang suriin ang lupa ngunit walang kapangyarihan para gantihan ang limang Dragon Blessings...
"Sage, ano iyon...?"
Ang puro at banal na Priestess ay sumigaw at ang mga Pari sa likuran ay nagtaka rin.
Kailangang malamang ang limang dragon Blessings ay nangangahulugang limang napakagaling na mga henyo. Bawat isa sa kanila ay may kapangyarihang makalagpas sa mga henyo ng ilang mga henerasyon.
Ang Eye of Heavenk kanina ay nakalagpas sa limang Dragon Blessings at may pakiaramdam na nalagpasan nito ang limang Dragon Blessings.
"Nagsimula ito dalawang taon na ang nakalipas."
Ang matandang anyo ng Sage ay nasa tuktok ng tore at ang kaniyang boses ay matatag.
Ang kaniyang makalumang mata ay misteryosong nagliwanag.
"Hindi kaya ang kontinenteng ito ay nagbigay ng buhay sa isang prodigy na makakalagpas sa limang nakapakalakas na mga prodigy?"
Ang mgaPari ay hindi naniwala.
Kung ito ay totoo, ang may-ari ng Eye of Heaven ay labis na nakakasindak.
"Hehe, nakita mo na ang Eye of Heaven ay hindi nakipag-ugnayan sa limang Dragon Blessings. Ang ibig sabihin nito ay hindi pa nito narating ang lebel na nakakabanta ito sa limang mga prodigy, kaya't paano sila mahihigitan nito?"
Ang Sage ay ngumiti.
"Ano nang ibig sabihin ng nangyari?"
Ang busilak na Priestess ay hindi maiwasan ang kaniyang kuryosidad.
Siya ay nagulat pa rin.
Ang Sage ay pumikit sa pagod at hindi na nagsalita.
Northern Star Stand.
Ang malaking Dragon Blessing ay sumabog sa langit at lumiwanag.
Ang misteryoso at magulong array ay lumitaw sa ilalim ng mga paa ng mga tao.
Weng~~
Ang Northern Star Stranf ay tumunog at lumiwanag nang sobra.
Sa sumunod na sandali...
Shua! Shua! Shua!
Ang mga anyo ay makikita na nawawala ang normal na mata habang may puting liwanag sa lugar nito.
Nakuha rin si Zhao Feng ng puting liwanag at nawala.
Makalipas ang isang hininga o dalawa.
Ang buong Northern Star Stand ay napakatahimik at walang natira.
Matapos umikot at mawalan ng balanse, ang paa ni Zhao Feng ay lumapat na sa lupa.
Shua! Shua! Shua!
Sa parehong sandali ay may lumitaw na mga puting liwanag mula sa pinanggalingan ng mga anyo.
Plop!
Ang mga wala pang karanasang baguhan ay nag-alala at nahulog sa lupa.
"Panginoon? Ito ba ang makalumang panahon?"
Maraming sumigaw sa lugar.
Sinuri ng mga mata ni Zhao Feng ang lugar at nagulat.
Ito ang malaking makalumang lugar at bawat bato at laryo ay halata ang kalumaan at nagbibigay ng isang misteryoso, makalumang aura, na tila pagmamay-ari ito ng makalumang panahon.
Ang lupa ng makalumang panahon ay gawa mula sa isang kakaiba at misteryosong pilak na berdeng materyal na hindi metal o bato ngunit ang katigasan nito ay maikukumpara sa normal na Spiritual grade na mga sandata.
Ang buong Sinaunang arena ay isang daang milya ang laki at papunta sa mga kalangitan at ulap.
Ang Sinaunang arena ay napapalibutan ng mga bundok na mas malaki pa sa huli at mga baotong rebulto sa gilid nito.
Ang mga batong rebulto ay nasa mga dosenang yarda ang laki hanggang sa daan daan. Ang pinakamataas na sampu ay malapit pa nga sa isang libong yarda.
Bawat rebulto ay masidhi at buhay na buhay. Ang mga ito ay gawa sa iba't ibang mga hugis tulad ng mga halimaw, mga tao at tila mayroong kapangyarihan na nakakagalang.
Ang sampung pinakamataas na rebulto ay tila katumbas ng mga kalangitan at lupa at bawat isa ay may sariling ekspresyon, kung hindi walang emosyon, dominante, o masamang nakangiti.
Ang libo libong mga batong rebulto ay nakagawa ng 'mga bundok' na pumaliot sa Sinaunang arena.
Ang makapagyarihang tanawin ay nagpakaba sa karamihan.
Tila ang mga demonyo at mga diyos ay pinapanoog bawat kilos sa arena na ito, na nagbibigay ng seryoso at makalumang pakiramdam.
"Walang nabubuhay pa ngayon ang makakagawa ng ganyan kagandang likha.
Si Zhao Feng ay labis na humanga.
Ang 'mga bundok' ng mga batong rebulto ay nakapalibot sa arena at tila tumutuloy sa alamat ng Sinaunang arena.
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay biglang tumalon at naramdaman ang mga batong rebulto na tila may sariling katalinuhan at puno ng misteryosong kapangyarihan.
Umiling si Zhao Feng. Ang mga batong rebultong ito ay siguradong patay na.
"Ang Sinaunang arena at nanggaling sa makalumang panahon at ang kasaysayan nito ay nagsimula sa kontinente nito. Kahit ang Ten Great Clans ay hindi malaman ang ugat nito.
Si Tiemo ay nakatayo sa tabi ni Zhao Feng at Jiiang Sanfeng, Die Ye at Dong Xue ay agad na nagtipon lahat.
Sa loob ng maiksing oras ng sampung hininga, libo libong mga anyo ang lumitaw.
Ang mga henyo ng bawat kontinente ay pumasok sa Sinaunang arena at nakipagkita sa kanilang mga kagrupo matapos magulat.
Ang Middle Continent, Northern Continent, Eastern Continent, Southern Continent at Western Continent.
Ang limang mga kontinente ay napunta sa limang magkakaibang lugar.
Sa ibabaw ng Sinaunang arena at ang lumulutang na gintong entablado na nasa sampu hanggang dalawampung yarda ang lapad.
Kumpara sa napakalaking Sinaunang arena, ang entablado ay tila isang tuldok lang.
Shua! Shua! Shua!
Ang ilang mga anyo ay nakadamit ng kakaiba at biglang lumitaw sa gintong entablado.
Ang bagay na kawaniwan sa kanila ay may napakalakas na puwersa ang bawat isa sa kanila. Bawat kilos ay tila may pagkakaisa sa Heaven Earth Yuan Qi.
"Ito ang mga tao mula sa Sacred Alliance."
"Ang mga hukom ng Sacred True Dragon Gathering ay palaging mula sa Sacred Alliance."
Ang pagsasalita sa ilalim ay naging tahimik dahil sa lahat ng mga anyo sa gintong entablado na nakalahgpas sa True Lord Rank, na nakapasok sa Origin Core Realm.
Nakita pa ni Zhao Feng ang isang youth na nakadamit ng mistiko na mukhang mabuti. Ito ang Mystic Sword Sovereign mula sa Rising Dragon Auction.
Hindi nagtagal...
Isang kabuuuan ng siyam na Origin Core Realm ang lumitaw sa gintong entablado, na nagpagulat sa mga henyo sa ibaba.
"Noon ay karaniwang may dalawa o tatlong Origin Core Realm lang ang nasa kuta. Ngunit ngayon ay kakaumpisa lang nito at mayroon nang siyam."
"Kahit ang Deputy Palace Lord ng Sacred Alliance ay narito."
Ang mga eksperto mula sa bawat kontinente ay nag-usap.
Ang Deputy Palace Lord ay umupo sa gitna at ito ay isang malaking anyo na may tansong balat. Ang kaniyang mga mata ay kahel at ang kaniyang buhok ay lilang itim, na tila isang nag-aalab na apoy.
Ang pinakanakakakuha ng pansin ay ang malaking patalim sa kaniyang likuran. Ito ay marahas at dalawang yarda ang haba na may pagitan.
Ang malaking lalaking may tansong balat ay umupo sa gitna ng gintong entablado, na tila pinipigilan ang mga multo at demonyo dito. Ang dalawang Origin Core Realm na katabi niya ay may magalang na ekspresyon at bawat Origin Core Realm ay yumuyuko sa kaniya bilang panggalang.
"Ang isang ito ay binabati ang Dominant Blade Sovereign Lord."
Ang Mystic Ice Queen mula sa Mystic Ice Palace ay magalang na yumuko sa Deputy Palace Lord.
Ang higanteng may tansong balat ay bahagyang tumango at kinausap na ang Origin Core Realm Sovereign.
"Ang Deputy Palace Lord na ito ay may nakakasindak na aura."
Hindi nangahas si Zhao Feng na gamitin ang kaniyang God's Spiritual Eye para suriin ang kahit na sino ay ang Origin Core Realm, lalo na ang hindi masukat na higante.
Ayon sa kanyang nalalaman ang Origin Core Realm ay nahati rin sa mga antas, tulad ng True Spirit Realm.
Ang tatlong Heaven of the True Spirit Realm ay: True Human Rank, True Mystic Rank, at True Lord Rank.
Sa tatlong antas na ito, lahat sa kanila ay itinuturing pa ring True Spirit Realm.
Ang Origin Core Realm ay nahati sa Small Origin Core at Great Origin Core.
"Deputy Patriarch, anong uri ng grupo ang Sacred Alliance? Bakit maraming Origin Core Realm Sovereign? Hindi ba ibig sabihin nito ay kahit ang Ten Great Clans ay kailangan silang sundin?"
Nagtatakang tanong ni Zhao Feng.
"Zhao Feng, hindi masyadong mahalaga para sa iyong lebel para malaman mo. Sa madaling salita, ito ay isang grupong may mga miyembrong nasa Origin Core Realm na pinananatili ang kapayapaan sa kontinente. Ang mga miyembro ay ang mga Sovereign ng Ten Great Clans at ang mga nag-iisa."
Paliwanag ni Tiemo na may kulay dugong buhok.
Si Zhao Feng ay nagulat na ang kontinente ay may ganoon kalaking organisasyon.
Ang mga miyembro ng Sacred Alliance ay binubuo ng maraming Sovereign mula sa Ten Great Clans.
Samakatuwid, ang mga desisyong ginawa ng mga miyembro ay matatag at mahirap para maapektuhan ng isang opinyon ang bu0ng kontinente.
"Kung walang Sacred Alliance, ang Ten Great Alliance ay mahihirapang magsama at sirain ang Scarlet Moon Demonic Religion. Ang suporta ng Rising Dragon Auction ay itong Sacred Alliance."
Dagdag ni Tiemo.
Walang duda.
Mukhang naintindihan na ni Zhao Feng. Kahit na malaki ang kontinenteng ito, ang kapalaran nito ay napagdesisyunan ng ng grupo.
"Ang Sacred True Dragon Gathering ay opisyal nang magsisimula sa loob ng tatlong araw."
Isang malakas na boses ang umalingawngaw sa Sinaunang arena.
Ang sumunof na tatlong araw ay para sa paghahanda.
Bawat henyo mula sa bawat grupo ay kailangang humilinh para sa isang "True Dragon Token" na magpapahintulot sa kanilang makalahok.
Sa oras na ito, matututunan din nila ang mga patakaran ng Sacred True Dragon Gathering.
Makalipas ang isang araw.
Ang mga henyo ng Canopy Great Country ay pumunta para kunin ang kanilang sariling True Dragon Token."
Habang nakatingin dito ay nakita ni Zhao Feng na ang kaniya ay purong puti na tulad na kina Xin Wuheng, Zhao Yufei, Bei Moi at iba pa.
Syempre, isang maliit na bilang ng iba ang may magkakaibang kulay.
Halimbawa, si Jiang Sanfeng, ang kaniyang token ay tanso dahil nakaabot na siya sa pinakamataas na tatlong daan noon.
Ang token ni Prince Jin ay nagliwanag na pilak at may linya ng fragon habang ang kay Mo Tianyi naman ay purong pilak na may mas maliwanag na simbolo ng dragon.
Pagkatapos ay sinuri ni Zhao Feng ang kay Goddess Bing Wei.
Ang kaniyang True Dragon Token ay kumikinang na gino at ang dragon ay tila gumagalaw habang tumutunog na tila isang totoong dragon, na pinanginig ang ibang mga True Dragon Token.
"Ang lahat ay lalahok sa parehong Sacred True Dragon Gathering ngunit bakit iba ang pakikitungo sa inyo?"
Maraming mga henyo ang dumaing.