Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 345 - Laban ng Limang Zone

Chapter 345 - Laban ng Limang Zone

Ang punto ng pag-uumpisa ng mga kalahok ng Sacred True Dragon Gathering ay iba, na pinapatunayang walang patas.

Ayon sa mga pagsusuri ni Zhao Feng, ang mga True Dragon Token at nahahati sa iba't ibang mga tier.

Ang puting True Dragon Token: Karamihan ng mga henyo ang nakakuha nito.

Tanso: Isang maliit na bilang ng mga henyo ang nakakuha nito. Nakaabot na sila sa pinakamataas na ilang daan sa nakaraang henereasyon.

Pilak: Nakaabot na sa pinakamataas na isang daan. Mula sa nagniningning na pilak hanggang sa purong pilak.

Ginto: Nakaabot na sa pinakamataas na dalawampu noon.

Ang lahat ng mga napakahusay na prodigy, kahit nakapasok na sila sa Sacred True Dragon Gathering noon o hindi, ay may kumikinang na gintong token.

Si Zhao Feng ay nakakuha ng katulad ng karamihan: isang puting True Dragon Token.

"Ang Sacred True Dragon Gathering ay iba sa ibang kompetisyon. Ang huling antas ay depende sa Dragon Blessing ng True Dragon Token.

"Kung mananalo ang isang tao, maaari nilang nakawin ang biyaya ng kalaban at ang mga natalo ay mawawalan ng kaniyang genius blessing."

Paliwanag ni Jiang Sanfeng sa mababang tono.

Pagkatapos maintindihan ang mga pakatakaran, maraming tao ang nagtataka.

Nagtanong si Die Ye: "Hindi ba ibig sabihin ay hindi ito patas para sa mga unang beses na lumahok?"

Ito rin ang naisip ni Zhao Feng.

Halimnbawa, ang mga peak genius tulad ni Mo Tianyi ay may isang daang beses na maraming biyaya sa kaniyang token simula pa sa umpisa.

Ang limang kilalang mga prodigy ay may isang libong beses na mas marami.

"Hehe, ang mga patakaran ay maaaring sabihing patas o hindi patas."

Bahagyang ngumiti si Jiang Sanfeng.

"Oh? Anong ibig sabihin mo?"

Ang lahat ay nagtataka.

"Ang mga may kaunting biyaya ay mas mananalo laban sa mga may mas maraming biyaya. Sa kabilang banda, ang mga may marami nang biyaya ay kaunti lang ang mapapalanunan mula sa mga may mababang antas. Minsan ang dami ay maaari pang hindi pansinin."

Paliwanag ni Jiang Sanfeng.

Nang marinig ito ay naintindihan na ng lahat.

Halimbawa, ang biyaya ng limang napakahusay na prodigy ay napakalaki at isang libong beses na mas marami kaysa sa isang normal na henyo. Kapag sila ay natalo, ang mawawala sa kanila ay napakalaki rin.

Sa kabilang banda…

Ang mga unang beses na kalahok na henyo ay may kaunting biyaya at kahit na manakaw ito ni Goddess Bing Wei o Mo Tianyi, wala rin itong saysay.

"Mukhang kahit ang mga napakalakas at kayang makaipon ng sapat na biyaya para kalabanin ang limang napakahusay na prodigy kahit ito man ay kanilang unang beses na sumali sa Sacred True Dragon Gathering o hindi."

Si Zhao Feng ay tumango.

Ito ang ibig sabihin ng patas at hindi patas.

Ang hindi patas na parte ay ang punto ng pag-uumpisa ng lahat ay magkakaiba tulad ng ang isa ay maaaring anak ng Emperador habang ang isa ay anak ng isang mahirap.

Ngunit ang patas na parte ay kapag ikaw ay malakas, ang lahat ay maaaring mabago.

Nang maisip ito ay tumingin si Zhao Feng sa kaniyang puting True Dragon Token nang may pag-asa.

Ang oras ay mabilis na lumipad at sa loob ng dalawang araw, ang lahat ay nakatanggap ng ng kanilang True Dragon Token.

Sa oras na ito…

Ang mga nakapaligid na manonood ay puno ng mga elite mula sa buong kontinente, kasama ang mga henyong hindi nakalahok.

Tinantya ni Zhao Feng na may nasa isang daang libong mga manonood.

Dagdag pa rito, ang pagnood sa Sacred True Dragon Gathering ay nangangailangan ng malaking bilang ng primal crystal stone na hindi makakayang ibigay ng mas mababa sa True Spirit Realm.

Weng~~ Huang!

Ang sinaunang arena ay nagsimula nang manginig at ang mga nakapaligid na batong rebulto ay tila napuno ng kapangyarihan.

Bawat rebulto ay tila isang maalamat na anyo na 'sinuri' ang loob ng arena.

Ang sumunod na sandali…

Weng~

Sa sinaunang arena ay isang malaking entablado mula sa Hilaga, Silangan, Timog, Kanluran at Gitna.

Bawat arena ay may laking sampung milya at nakakahanga. Ang mga skill ng bawat uri at mga pangmalayuang laban na sandata ay maaaring gamitin dito.

Hua!

Ang isang libong manonood ay naghiyawan.

Bawat kalahok na genius ay nag-aalab na ang damdamin.

Ang Sacred True Dragon Gathering ay ang tuon ng pansin sa buong kontinente.

Ang nakakakabighaning hiyaw ng isang 'napakahusay na prodigy' ay nagrinig sa lahat ng entablado.

Sa Eastern stage: Tantai Lanyue

Sa Western stage: Shi Chengtian

Sa Southern stage: Taiyun Shuangzi

Sa Northern stage: Goddess Bing Wei

Sa Middle stage: Yu Tianhao

Ang mga True Dragon Token ng limang napakahusay na prodigy ay kumikinang na ginto at ang mga dragon ay tila gumagalaw.

Lalo na kay Yu Tianhao. Isang mahinang gintong dragon blessing ang makikita sa kaniyang paligid at pinuwera ang ibang biyaya ng ibang mga henyo.

Sa ibabaw ng arena ay ang upper echelon ng Sacred Alliance ay nagtinginan.

Sa wakas ay tumango rin ang Deputy Palace Lord na may tansong balat.

"Ang unang hakbang ng Sacred True Dragon Gathering 'Laban ng Limang Zones'

Isang malakas na boses ang umalingawngaw sa arena.

Ayon sa mga patakaran…

Ang mga henyo ay hinati sa limang zone ayon sa kanilang True Dragon Token at nakadepende sa swerte at biyaya ng isang tao.

Weng~

Ang True Dragon Token ni Zhao Feng ay bahagyang nanginig at kumonekta sa Northern stage, na kinakatawan ang direksyon kung saan siya pupunta.

Ang ilan sa mga henyong naroon ay hindi ito pinaniwalaan at sinadyang pumunta sa ibang direksyon.

Ang resulta ay ang mga henyong ito ay nanginig ang mga puso at naramdaman ang puwersa mula sa mga nakapaligid na 'batong rebulto' na hindi nagpagalaw sa kanila.

Tanging ang pagsunod sa True Dragon Token ang makakapagpagalaw sa kanilang tila mga isda sa tubig.

Madaling narating ni Zhao Feng ang Hilagang Arena.

Makalipas ang isang oras…

Ang ilang libong mga henyo ay pantay na nahati sa hilaga, silangan, kanluran, timog, at Middle stage.

Bawat zone ay may sariling napakahusay na prodigy at ang napuntahan ni Zhao Feng ay si Goddess Bing Wei.

Sinuri ng kaniyang mata ang mga tao ay nakita ang ilang 'pamilyar' na mukha na ipinadala rito.

"Wang Xiaoguai, Dong Xue at Bei Moi....."

Nakita ni Zhao Feng na hindi niya kilala ang karamihan dito.

Si Wang Xiaoguai ay nagmula rin sa Canopy Great Country habang si Dong Xue naman ay nagmula sa Iron Blood Religion.

Ang nakakagulat lang na resulta ay si Bei Moi, na kaniyang martial brother dati, ay ipinadala rito.

Bahagyang tumango si Zhao Feng kay Bei Moi bilang pagbati.

Si Bei Moi ay sabay na hindi mapakali, kinakanahan at natutuwa.

Syempre, alam ng dalawang ang hakbang na ito ay hindi pinili at hindi lahat ay makakalaban nila.

Samakatuwid, ang pagkakataon ni Zhao Feng na makita si Bei Moi ay hindi mataas. Ang mga antas ay depende sa True Dragon Blessing.

"Ang laban ng mga zone ay magsisimula na. Gamit ang mga pandama ng True Dragon Token, pumunta kayo sa stage kapag kayo ang kailangan."

May puwersang sinabi ng hukom mula sa Origin Core Realm. Siya ang may hawak ng kuta ng Hilagang arena.

Pagkatapos niyang magsalita…

Weng~

Isang True Dragon Token ang tumunog mula sa Hilagang zone, na senyas ng kaniyang pag-akyat.

"Aye, ang aking swerte ay bwisit."

Ang early stage True Human Rank ay nagalit.

Ang kaniyang kalaban ay si Goddess Bing Wei.

"G*g*, puting True Dragon Token lang. Ang aking swerte ay bwisit."

Kumunot ang mga kilay ni Goddess Bing Wei nang suriin ang kalaban.

Bilang isa sa limang napakalaks na prodigy, ang kaniyang dragon blessing ay malaki ngunit ang sa kalaban ay maliit. Kahit na siya ay manalo, hindi siya makakakuha ng maraming dragon blessing.

Para madagdagan ang kaniyang dragon blessing, ang kaniyang kalaban ay dapat nasa lebel ng tanso o pilak.

"Limitless Wind Sword!"

Ang early stage Human Rank ay nagngalit ang ngipin at gumawa ng isang mabilis na umiikot na liwanag ng espada na ipinatama kay Goddess Bing Wei.

Dahil nakatapak na siya sa entabladong ito, hindi niya hinayaang siya ay matalo kahit na ang kalaban ay isang napakahusay na prodigy.

Extreme Northern Ice Wind

Tumuro si Goddess Bing Wei at isang mayelong asul na hangin ang makikita ng normal na mata at tumama sa kalaban.

Shewww~

Ang henyong True Human Rank ay agad na nagyelo dahil sa hangin.

Ang kaniyang bibig ay nakabukas nang malaki at ang kaniyang espada ay nasa hangin na naging yelong rebulto.

"Alisin siya."

Sabi ng Sovereign na nasa Origin Core Realm at dalawang nasa True Lord Rank na pangalawang hukom ang pumunta at kinuha ito.

Weng~

Isang maliit na dragon blessing mula sa True Dragon Token ng natalong henyo ang lumipad kay Goddes Bing Wei.

Ang kay Goddess Bing Wei ay nagniningning pa rin tulad ng dati at halos walang nagbago.

Hindi niya maiwasang madismaya. Ang kalaban ay masyadong mahina na maaaring hindi pansinin ang dragon blessing.

Kasabay nito…

Ang Silangan, Timog, Kanluran at Middle stage ay agad na natapos.

Middle stage…

Hindi maikukumpara sa ilalim ng mga kalangitan!

Iwinasiwas ni Yu Tianhao ang isang kamay at isang kamao ang tila dumurog sa lahat ng tamaan nito.

Bam!

Ang kaniyang kalaban ay nasa peak True Human Rank na napalipad sa entablado.

Eastern stage…

Ang maliksing anyo ni Tantai Lanyue ay umikot sa hangin nang ang latigong may limang kulay ay pinalipad ang kaniyang kalaban.

Nanggaling siya sa pamilyang nagpapaamo ng mga halimaw ngunit wala sa kaniyang mga spiritual pet ang nagamit.

Western stage…

Isang matangkad na anyo ang tila gawa sa metal na hindi gumagalaw tulad ng isang bundok.

Roar!

Sa isang sigaw lang, ang ekspertong nasa True Mystic Rank na kalaban ay biglang dumura ng dugo at nahimatay.

Isa sa limang napakahusay na prodigy, si Shi Chengtian.

Southern stage…

Isang taong may dalawang ulo ang tumawa.

"Hayaan mo ako… hayaan mo ako…"

"Hindi, ako muna."

Ang dalawang ulong natutuwa ay nag-away.

May iisang katawan ngunit dalawang ulo at ang bawat isa ay kontrolado ang isang espada at patalim.

Siya/Sila ay ang Tianyuan Shuangzi, isa sa limang napakahusay na prodigy.

Hell Curse Nine Flaming Blade!

Earth Freezing Sword!

Ang espada at patalim ay parehong ipinalipad at nag-ugnayan ang apoy at yelo, na nagbigay ng nakakasindak na aura. Ang kalabang True Human Rank ay hindi man lang lumaban.

Shua!

Ang youth na nasa late stage ng True Human Rank ay biglang nagutay at kumalat ang mga dugo sa paligid.

"Ahhh!"

"Siii!"

Nanlamig ang daang libong manonood.