Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 334 - Pinakauna ng Country (3)

Chapter 334 - Pinakauna ng Country (3)

Bam--

Ang palad ni Zhao Feng ay tumunog kasama ng hangin at yelo. May mahinang liwanag dito na puno ng tagos sa butong lamig.

Sa kaniyang tabi, si Tian Yunzhi at Liu Qinxin ay tumingin kay Zhao Feng nang may nagulat na ekspresyon.

Nang naging aktibo ang bloodline power ni Zhao Feng, isang malabong mayalong asul na anyo ang lumitaw sa kaniyang likuran. Mukha itong isang diyos mula sa makalumang panahon.

Ang sumugod na si Prince Jin ay walang magawa kung hindi harapin ang atakeng ito ni Zhao Feng.

Peng!

Ang mga bilog ng kidlat ay lumipad kahit sa saan at ang liwanag ay sumabog nang palibutan nito si Prince Jin.

Wah!

Si Prince Jin ay dumura ng dugo, ngunit nagyelo ito sa kaniyang bibig. Kahit sa kaniyang mga nakakasindak na katangian, isang nakakakilabot na lamig ang kumalat sa kaniyang katawan, na nakapagpatunog sa kaniyang ngipin.

"Bwisit!" Si Prince Jin ay mas napinsala na ngayon at ang kaniyang dugo ay nagyeyelo. Kahit ang kaniyang bloodline at Qi of True Spirit ay nagpakita ng mga bakas ng pagyeyelo. Ang pagpapalaganap sa mga ito ay napakahirap.

Sa tingin ng lahat, si Prince Jin ay nababalot ng isang patong ng yelo at ang kaniyang katawan ay naging malamya at malamig.

"Zhao Feng, bakit mo ako inatake?" sigaw ni Prince Jin nang mambintang, habang lihim na ginawang aktibo ang kaniyang bloodline power at ang Qi of True Spirit para matunaw ang nakakasirang lamig.

Shua!

Ang youth na may asul na buhok ay lumitaw sa tabi ni Prince Jin nang walang sinasabi at sumipa.

Pa!

Si Prince Jin ay napatalsik mula sa mataas na entablado, at ang kaniyang malaking anyo ay lumipad sa ilang dosenang yarda.

Plop!

Sa sandaling nahulog si Prince Jin sa lupa, dumura ulit siya ng dugo, hindi sigurado kung dahil ito sa pinsala o sa kaniyang galit.

Ang mga eksperto ay nagtipon at tinignan ito nang may malaking mata at nakangangang bibig.

"Ang batang ito ay isang purong ancient bloodling at mukhang bahagyang mas malakas kaysa kay Prince Jin."

"Ang pagtaas ng bloodline ay maikukumpara kay Prince Jin at Wang Xiaoguai, ngunit mayroon itong misteryosong elemento ng yelo."

"Anong bloodline ang kinakatawan ng anyo sa kaniyang likuran? Hindi kaya isa ito sa Great Ancient Ten Thousand Races? Ngunit hindi ito posible!"

Ang mga eksperto mula sa buong bansa ay sumigaw at nagsuri.

"Gamit ang secret technique para mabuksan ang bloodline, ang kapangyarihan nito ay tumaas ng mas marami sa isang lebel at ang mga atake ng bloodline ay naglalaman ng elemento ng yelo."

Ang palad noon ay kayang mapagbantaan ang mga nasa True Mystic Rank, at ang normal na nasa True Human Rank ay magiging yelo.

Kung ito ang Fan Flying Bandit, wala siyang pagkakataong makatakas sa oras na ito. Ang mga bloodline prodigies ay tunay na mga anak ng kalangitan.

Syempre, ang depensa mula sa Golden Boar bloodline ay mas malakas kaysa sa inasaha ni Zhao Feng. Ang kalaban ay tumanggap ng isang palad nang harapan at kahit na siya ay bahagyang napinsala, hindi siya nakatangap ng kritikal na pinsala. Karapat-dapat ngang maging pinakamalakas na bloodline sa bansa.

At ito ay pagkatapos ring magkaroon ng mahabang laban ni Prince Jin!

"Zhao Feng, anong uri ng mga bayani ang umaatake sa isang taong nasa kanilang likuran? Kung may tapang ka, maglaban tayo nang harapan. Si Prince Jin ay gumapang mula sa lupa, ang kaniyang puso ay puno ng poot at galit.

Gusto lang niyang patayin si Zhao Feng, ngunit hindi niya inasahan ang reaksyon nitong ganoon kabilis, ginawa pa nitong aktibo ang kaniyang bloodline power!

"Hehe, nangangahas ka ba talagang kalabanin ako ngayon?" Isang mapaglarong ngiti ang mababakas sa mga labi ni Zhao Feng.

"Ikaw..." Tumigil sa pagsasalita si Prince Jin nang may panget na ekspresyon.

Sa kaniyang kasalukuyang kalagayan, siya ay napinsala at gumamit ang malaking bloodline power at Qi of True Spirit, na walang itinirang lakas ng loob sa kaniya na talunin si Zhao Feng.

Ang galaw na ito ang nakapagpalagpas sa depensa ng kaniyang bloodline at naglalaman ng kapangyarihan ng yelo na napunta sa knaiyang dugo at pinabagal ang pagdaloy ng kaniyang Qi of True Spirit at bloodline. Kung nagtulak si Zhao Feng ng ilang dosena ng mga palad sa halip na isa, ang resulta ay mahirap nang isipin.

"Walang hiyang mga ungas, ang Prinsipeng ito ay hindi ninyo maloloko. Kakalabanin ko kayo kapag nanumbalik na ang aking lakas," sigaw ni Prince Jin, nang maramdamang siya ay napahiya.

Kung nagpanggap talaga siyang maging isang bayani, ang pagkakataon niyang matalo ay mas mataas kaysa sa pagkapanalo.

"Zhao Feng... ang ungas na ito ay malakas na bloodline. Sa ilalim ng sukdulang mga kondisyon,si Prince Jin ay maaaring hindi siya matumbasan.

"Ang bloodline ni Jin'er ay may katangi-tanging lakas at depensa, hindi bilis. Kapag naglaban na sila, si Zhao Feng ay makakaganti sa kaniya."

Ang mga Elder ng upper echelon mula sa mga Imperial ay nag-usap-usap.

"Si Prince Jin ay hindi niya katumbas maliban na lang kung gagamit siya ng isang ipinagbabawal na skill nang hindi iniisip ang magiging kabayaran..." nagbuntong hininga si Empress Qin nang tignan nang seryoso si Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay katangi-tangi sa bilis, at ang kaniyag bloodline power ay naglalaman ng elemento ng yelo, na nililimitahan ang mga galaw at bilis ng kaniyang kalaban. Kapag naglaban na sila, si Prince Jin ay wala nang pagkakataon para gumanti pa."

"Hahaha... hindi siya nangahas na labanan ka, ngunit ako ay oo!" Isang natutuwang tawa ay nanggaling sa kabilang panig. Ang taong nagsalita ay si Wang Xiaoguai.

Kahit na si Wang Xiaoguai ay napinsala, palagi siyang lumalaban na tila isang baliw. Dagdag pa ang kaniyang bloodline na napakakakaiba at madadagdagan nito ang kaniyang kapangyarihan lumaban kapag mas napinsala siya.

Dahil dito may mga nain ding magpalitan ng atake kay Wang Xiaoguia, at kahit si Tian Yunzhi na bumangon mula sa kaniyang pagkabigo ay bahagyang mas mahina kaysa sa kaniya.

Tanging si Prince Jin lang ang nakalaban kay Wang Xiaoguai nang maging aktibo ang napakalaking depensa ng kaniyang Golden Boar bloodline.

"Ang Wang Xiaoguai na ito…" ang mga kilay ni Zhao Feng ay nagsalubong, ngunit hindi siya gumalaw.

"Asul na buhok, mukhang mas malakas ka pa kaysa kay Prince Jin. Lumapit ka at lumaban!" Si Wang Xiaoguai ay tumalon at sumigaw sa sirang arena.

"Ungas na Zhao Feng lumaban ka!"

"Lihim na atake lang ang kayang gawin ni Zhao Feng. Kung mayroon kang skill, lumapit ka at lumaban nang patas."

"Hehe, inatake ng hayop na ito si Prince Jin kanina lang, at ngayon isa na siyang pagong."

Ang mga nanonood na mga henyo ay nanghamak.

Ang kanilang hinahamak ay isang youth na labingpitong taong gulang na kilala sa buong bansa. Nakatanggap ng Water Moon Treasury… dinakip si Empress Qin… ang pinakabatang Chapter Leader ng Iron Blood Religion… pinuno ng Thousand Water River.

Ngayon, may mga bakas na kaya niyang abutin ang lugar ng pinakaunang henyo sa bansa. Ang pagkakaroon ng maraming tagumpay sa murang edad ay nakapagpa-inggit sa ibang mga henyo.

Gayunman, si Zhao Feng ay umupo sa upuan at pumikit. Kakagamit niya lang sa kaniyang bloodline power at pineperpekto pa ito. Kahit na kayang kumopya ng mga simpleng galaw ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, ang mga bagay na para sa iba ay mananataling para sa kanila at hindi ang pinakaangkop para sa kaniya.

"Batang may asul na buhok, kailangan mong lumaban kahit na ayaw mo." Si Wang Xiaoguai ay tumawa at iwinasiwaas ang kaniyang ginto at pilak na patpat patungo kay Zhao Feng.

Ang Imperial at grupo na nagbabantay ay sinadyang hindi ito pigilan at may natutuwang ngiti pa sa kanilang mga bibig.

"Xiaoguai, huwag kang manggulo. Si Zhao Feng ay galing sa Iron Blood Religion at ito ay kakampi ng ating Wind Cloud Sect!" Nagbago ang ekspresyon ng Wind Cloud Sect Leader habang nagsasalita.

Gayunman, si Wang Xiaoguai ay pumasok sa isang galit na kalagayan at hindi siya nakinig sa kahit ano. Likas na ito sa kaniya at kadalasang hindi nakikinig sa mga nakakatanda.

Eye of Illusion! Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay naging aktibo. Ang kaniyang malabong asul na mata ay naglabas ng walang katapusang nagyeyelong lawa.

Habang kaharap ang malahalimaw at makapangyarihang kalabang ito, ayaw ni Zhao Feng na harapin sila.

Shua!

Ang kamalayan ni Wang Xiaoguai ay nanlamig habang nanuot sa kaniyang isip ang ginaw.

Kalahating hininga, isang hininga, isa at kalahating hininga…

Plop.

Si Wang Xiaoguai ay napaluhod ang isang tuhod, basing basa sa malamig na pawis. Nagngalit ang kaniyang mga ngipin at tumingin kay Zhao Feng nang may pag-aalala at gulat. "Ikaw…"

Siya ay pinahirapan ni Zhao Feng sa loob ng isang buong araw at gabi sa mental energy illusion prison.

Inaamin ni Zhao Feng na ang kaniyang isip ay malakas.

Si Wang Xiaoguai ay mahusay sa pagpapalakas ng katawa, at gayundin ang kaniyang layunin. Ngunit laban sa isang taong mahusay sa mental energy at nakarating na sa Ancient Dao of Soul, ay hindi pa rin sapat.

Siii!

Ang mga manonood at mga henyo ay nanlamig. Ang pangyayaring ito ay labis na nakakagulat. Natalo ni Zhao Feng si Wang Xiaoguai sa isang kisapmata.

Kahit si Prince Jin, na kakabalik lang sa kaniyang upuan, ay nanlamig, at ang kaniyang galit at inis ay nawala.

Syempre, si Zhao Feng ay may sariling mga dahilan sa paggamit ng Eye of Illusion sa halip na ang Ice Soul Eye.

Ang Ice Soul Eye ay tinatanggal ang kamalayan ng kalaban at maaaring malagay sa panganib ang kalaban, habang ang Eye of Illusion ay bahagyang mas ligtas dahil tungkol ito sa mga illusion at sa totoo ay pinapagod ang mental energy ng kalaban hanggang sa mawalan na ng lakas.

Si Wang Xiaoguai ay nanggaling din sa Wind Cloud Sect, isang kakampi ng Iron Blood Religion.

Halatang nagpigil lang si Zhao Feng. Pagkatapos matalo si Wang Xiaoguai, pumikit muli si Zhao Feng. Ni hindi siya umalis sa kaniyang upuan.

"Saan ba nanggaling ang eye bloodline ng ungas na ito?"

"Siguradong tanging ang mga pinakamataas na pamilya ng eye bloodline lang sa kontinente ang mayroong ganoong lakas."

Ang mga mata ng upper echelon ng bansa ay nagniningning at mababakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Ang mga kilos at eye bloodline ni Zhao Feng ay bahagyang napigilan ang mga henyon naroon.

"Hehe, huwag mong paypayan ang kaniyang apoy. Ang kaniyang cultivation ay wala pa sa peak True Human Rank, kaya maiintindihan namang natalo siya ng isang mental energy skill," sabi ng isang Elder mula sa mga Imperial. "Sa pagkatalo naman ni Prince Jin, siya ay napinsala na, at inatake nang palihim ng kalaban. Kung nasa peak state si Prince Jin, gamit ang kaniyang peak True Human Rank at isang pangprotektang soul item, ang pagkakataong manalo ay nasa 60%."

Ang kongklusyon ay nakatanggap ng pagsang-ayon mula sa ilang mga tao.

"Mga panauhin, ang nangyari ay isa lamang aksidente. Ngunit ang atake ni Chapter Leader Zhao Feng ay hindi mabuti." Ang hukom mula sa mga Imperial ay ngunmiti at yumuko sa paghingi ng pasensya.

Ang upper echelon mula sa Iron Blood Religion ay kaagad na nainis. Nakita nilang sinadyang sumugod ni Prince Jin kay Zhao Feng.

Walang pakialam dito si Zhao Feng at pumikit pa rin.

"Ang laban ni Prince Jin at Wang Xiaoguai at nagtapos na si Prince Jin ay bahagyang matagumpay. Kung walang ibang kakalaban kay Prince Jin, siya na ang magiging pinuno." Ngumiti ang hukom mula sa mga Imperial.

Ang mga tao ay tahimik.

Si Wang Xiaoguai ay pagod na pagod na at hindi na kayang lumaban pa. si Tian Yunzhi ay biglang nawalan ng kagustuhang lumaban at si Lin Qinxin ay nais na kakalmahan.

"Hehe, mukhang walang tumututol sa pagiging pinakaunang star ni Prince Jin." Ang mga Imperial ay puno ng mga ngiti.