Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 335 - Mga Paghahanda

Chapter 335 - Mga Paghahanda

Dahil walang kumalaban kay Prince Jin, siya na ang mangunguna sa iba patungo sa Sacred True Dragon Gathering.

Pinunasan ni Prince Jin ang malamig na pawis sa kaniyang noo nang pasikreto.

Ang kompetisyon at puwersa ng henerasyong ito ay nakakasindak. Bawat prodigy ay mas halimaw kaysa sa dati.

Mula sa ikalawang bilang hanggang sa ikaapat na bilang, lahat sa kanila ay kayang pumalit sa posisyon ni Prince Jin.

Si Wang Xiaoguai ay nasa ikalawang bilang at kaunti lang ang lamang sa kaniya.

Kung maganda ang kaniyang ipinamalas, maaaring maiba ang sitwasyon.

Ang ikatlong bilang na si Tian Yunzhi ay mas tumaas matapos ang kaniyang pahgkabigo at ang kaniyang kapangyarihang lumaban ay hindi na masukat.

Gayunman, ang ikalawang bilang at ikatlo ay nagulat kay Zhao Feng.

Noong una ay gustong kalabanin ni Tian Yunzhi si Prince Jin, ngunit nawala ang kaniyang kagustuhan nang makita ang lakas ni Zhao Feng.

Sa upper echelon ng walong pangunahing puwersa, si Zhao Feng na nasa ikaapat na bilang ay maaaring mas malakas pa kaysa kay Prince Jin.

Sa pangalan, si Prince Jin ang pinakaunang star ngunit sa mga mata ng iba ay si Zhao Feng ang totoong dapat na tawagin nito.

Gayunman, mukhang hindi interesado si Zhao Feng bna maging pinakauna habang nakapikit at nagpatuloy sa pag-intindi.

Ang ball of Ice Soul ay dinala siya sa isang mundo ng Dao of the Soul na may walang hanggang kaalaman na naghihintay para maintindihan niya.

Ang bloodline technique ay nagpahintulot kay Zhao Feng na simulan ang kaniyang bloodline path.

Ang Sacred True Dagon Gathering ay malapit nang magsimula sa loob ng ilang buwan at kailangang gamitin ni Zhao Feng ang bawat segundo.

Ang kompetisyon ay kaagad na lumapit at umalis na ang walong pangunahing puwersa.

Si Zhao Feng ay nakatuon lang sa pag-intindi habang hindi iniintindi ang kaniyang paligid.

Si Tiemo ay tumango at iniutos na huwag istorbohin si Zhao Feng.

Iron Blood Religion great hall...

Si Tiemo ay ngumiti: "Sa pagkakataong ito, nakuha natin ang dalawa sa sampung lugar. Mabuti."

Ang mga upper echelon ng Iron Blood Religon ay may mga namumulang mukha at masayang ekspresyon.

Ang pagkakaroon ng dalawang lugar ay isa sa mga dahilan. Maraming nasa upper echelon ang tumingin kay Zhao Feng nang may kabutihan.

Kahit na nakapikit ang youth na may asul na buhok, walang nag-iisip na siya ay mayabang.

Sa kompetisyon, pinalipad ni Zhao Feng si Prince Jin sa isang sipa at isang palad at tinalo rin si Wang Xiaoguai sa isang mata. Kahit naisip lang nila ito ay natuwa na sila.

Kahit na hindi nanguna si Zhao Feng, ang una at ikalawang bilang ay nagulat sa kaniya.

Sa kanilang mga puso, si Zhao Feng ang unang bilang.

"Ang kompetisyon sa Great Country ay isa lamang maliit na proseso. Ang tunay na labanan ay nasa Sacred True Dragon Gathering. Ang pagkabuhay ng isang daang True Dragon Geniuses ang maaaring makapagpabago ng kapalaran ng kontinenteng ito at pangunahan ang panahong ito.

Ang mga mata ng may buhok na kakulay ng dugong si Tiemo ay napuno ng pag-asa.

Nakasaksi na siya ng mga dosena ng Sacred True Dragon Gatherings, ngunit ang panahong ito ay iba. Ang mga henyo ay ipinapanganak na tila labong pagkatapos ng ulan. Nahigitan na nila ang mga naunang henerasyon at kung hindi ay ang pagkakataong maipamana ang Legacy Inheritance ay hindi gaanong mataas.

Sa sandaling ito, dumilat si Zhao Feng at naramdaman ang kalakihan ng panahong ito. Sinong nakakaalam kung ito ay swerte o gulo.

"Ang mga taong kumakatawan sa amin sa Sacred True Dragon Gathering ay si Zhao Feng, Jiang Sanfeng, Die Ye, at Dong Xue, ang kabuuan ay apat.

Utos ni Tiemo.

Bakit bigla itong naging apat na tao?

Si Zhao Feng ay naguguluhan.

"Tila ganito iyon. Bilang isang half star faction at halos full star faction sa sukdulan nito, ang Iron Blood Religion ay may dalawang nakumpirmang lugar. Sa buong Canopy Great Country tanging ang mga Imperial, Iron Blood Religion, Qin Sword Palace at iba pa ang mayroon ng karangalang ito. Ang apat na malaking pamilya ay bahagyang hindi pa kasama."

Paliwanag ng isang Chapter Leader sa paligid.

Naintindihan ni Zhao Feng. Sa larangan ng lakas, ang Iron Blood Religion ay mas malakas pa sa Strong Countries.

Kung ang Strong Countries ay mayroon nang dalawang lugar, paano sila mawawala sa Iron Blood Religion?

Ang Countries ay may sarili nilang mga lugar at ang mga grupo ay magkakaroon rin ng sarili nila kung sila ay may sapat nang lakas.

Ang mga antas ay hinati sa makalumang paraan.

Ang half star forces tulad ng Iron Blood Religion ay may dalawang lugar.

Ang one star forces tulad ng Heavenly Yuan Clan sa Northern Continent ay may sampu.

"Ang one star force ay nangangailangang magkaroon ng isang Supreme sa Origin Core Realm at iba pang mga kinakailangan. Mukhang ang bawas isa sa sampung malaking grupo ay may Origin Core Realm."

Napagtanto ni Zhao Feng.

"Sa loob ng kalahating buwan, kayong apat ay pupunta sa star stand at gagamitin ang Northern Star Teleportation array para marating ang gitna ng Middle Continent. Kasabay nito, ang mga henyo mula sa iba pang Strong Countries, mga sect at grupo kasama na ang Heavenly Yuan Clan ay pupunta rin doon."

Sinabi ni Tiemo ang kanilang plano.

Ang Northern Star stand ay isang punto ng pagtitipon ng Northern Continent.

Sa Azure Floweer Continent, naroon ang Hilaga, Silangan, Timog at Kanlurang lugar.

Sa gitna ng bawat lugar, mayroong isang star stand na direktang naabot ang Middle Continent.

Syempre, hindi lahat ang maaaring makagamit nito.

Nang malaman ang plano, si Zhao Feng ay bumalik sa kaniyang lugar at agad na pumasok sa seklusyon.

Si Jiang Sanfeng, Die Ye at Dong Xue at minsanang mag-uugnayan sa pamamagitan ng paglalaban ngunit wala sa kanila ang nakakita kay Zhao Feng.

Ang tatlo sa kanila ay hindi niya kasinglebel.

Kahit si Jiang Sanfeng ay walang magawa kung hindi manood.

Sa bulwagan, si Zhao Feng ay umupo nang nakade kwatro nang nakapikit. Patuloy niyang sunibukan ang bloodline technique sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata.

Ang techinique ay kinopya si Prince Jin at mga kasama niya at inilipat sa kaniyang sarili.

Sa kasalukuyan, ang technique at masyadong magaspang at hindi perpekto.

"Ang aking bloodline ay kakaiba. Ito ay base sa God's Spititual Eye. Maaari lang akong tumingin sa iba pang secret technique at subukan ito mismo."

Nagbuntong hininga si Zhao Feng.

Kung gugustuin ni Zhao Feng, bibigyang siya ng Iron Blood Religion ng bloodline technique ngunit ang kaniyang bloodline ay umaasa sa kaniyang sarili.

Ilang araw ang nakalipas, si Zhao Feng ay tumingin sa mga bloodline technique na nagpahintulot sa kaniyang maperpekto ang kaniyang sarili.

Kasabay ng pag-isip, ang kaniyang bloodline power ay naging mga dosena ng mga linya na pumalibot sa kaniyang katawan at tila may sariling isip at hindi nagbabanggaan.

Bumukas ka!

Bahagyang sumigaw si Zhao Feng nang ang mga dosena ng mga linya ay naging daan daan at sumama sa kaniyang Qi of True Spirit habang ang ibang parte ay dumikit sa balat.

Sa isang saglit, isang manipis na yelong tattoo ang lumitaw sa kaniyang katawan at isang malabong asul na anyo ang lumitaw sa kaniyang likuran.

Naintindihan ni Zhao Feng na ang mahinang asul na anyo ay naipakita ang bahagyang kalagayan ng 'ninuno ng bloodline.' Kung ang kapalaran ng dugo ay masyadong mababa, tanging ang hugis ng milyon milyong ninuno ang lilitaw.

Para ganap na magawa ang anyo ng mga ninuno, ang bloodline ay nangangailangang balikan ang halos kalahati sa ninuno nito.

Hu~

Sa isa pang kaisipan, ang bloodline power ay nagamit at bumalik sa kaniyang katawan.

Sa oras na ito, ang kaniyang bloodline power ay mas malakas pa kaysa noon sa kompetisyon lalo na sa pagkapamilyar at kontrol.

Pagkatapos na mapatatag ang bloodline technique, pinasok muli ni Zhao Feng ang Ancient Dao of the Soul.

Ang Ancient Dao of the Soul ay isang malaking sangay na ang mga mental energy technique ay maliit na parte lang nito.

Ang kapangyarihan ng mental nergy ay nagmula sa kaibuturan – ang Soul.

Ang ball of Ice Soul ay may imposmasyon tungkol sa Ancient Dao of the Soul, ngunit mas marami nito ang tungkol sa Ice Soul.

Ang Ice Soul ay nakatuon sa elemento ng yelo sa kaluluwa.

"Ang Dao of the Ice soul ay labis na angkop sa kasalukuyang katangian ng aking God's Spiritual Eye. Ang pag-unawa rito ay mas madali."

Tumango si Zhao Feng.

Ang tanging pagsisisi at ang impormasyon sa loob ng ball of Ice Soul na hindi pa kumpleto, nagawa ito para ang buong sistema ay hindi kumpleto.

Gayunman, kahit na ganoon ay masaya si Zhao Feng.

Kung hindi niya nakuha ang ball of Ice Soul, hindi niya magagawang maungkat ang potensyal ng kaniyang bloodline.

Sa ilalim ng sitwasyon, siguradong maaabot niya ang pinakamataas na limampu sa Sacred True Dragon Gathering, ngunit ngayong nasa kaniya na ang ball of Ice Soul ay tumaas ang kaniyang pagkakataon, na magpapahintulot sa kaniyang makaabot sa pinakamataas na dalawampu.

Sa isang kisammata, isang dosenang araw na ang nakalipas.

Naintindihan na ni Zhao Feng ang mahigit sa kalahati ng nilaalaman ng Ice Soul Foundation.

Ang ikalawang lebel ng Power of Ice Soul ay mas malalim at mas mahirap intindihin. Ngunit sa pagkaunawa sa ancient Dao of the Soul, ang mental energy ni Zhao Feng ay tumaas nang maraming beses.

Sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, ang nagyeyelong lawa ay humaba nang siyam na yarda. Kahit isa ay makakapagpahintulot na sa lebel ng mental energy ni Zhao Feng maging katumbas ng sa True Mystic Rank.

"Wala sa ilalim ng True Mystic rank ang kayang makapigil sa mata mula sa akin. Kahit ang mga normal na nasa True Mystic Rank ay maaaring malinlang."

Sinabi ni Zhao Feng nang may lakas ng loob.

Sa larangan ng mental energy, narating na niya ang peak True Human Rank ngunit ang kaniyang mental energy source ay nakalagpas na sa parehong lebel.

Ang mga normal na eksperto ng True Mystic Rank na may mahinang layunin ay maaaring maisiwalat ang kanilang mga kahinaan kay Zhao Feng ay malinlang.

Sa araw na ito, si Zhao Feng ay lumabas sa seklusyon.

Mayroon lamang dalawang araw na natitira bago ang kanilang pag-alis.

May naalala siya at ito ang misyon ni Tiegan Master.

"Chapter Leader, ito ay ang sandatang ginawa ni Tiegan Master para sa iyo."

Inilabas ni Die Ye ang itim na bakal na kahon. Binuksan ni Zhao Feng ang kahon at nakaramdaman ng malamig na hangin na lumabas mula rito.

Sa sandaling nabuksan ang bakal na kahon, isang asul na liwanag ang lumitaw.

Inilabas ni Zhao Feng ang isang asul na pana na tila kristal na may kaparehong estruktura ng Luohou Bow ngunit mas malaki.

Ang tali ng pana ay lumiwanag nang may kidlat at angkop sa Qi of True Spirit sa loob ng katawan ni Zhao Feng.

Xiu—Xiu-- Xiu—

Ang tatlong matingkad na pilak na palaso ay lumitaw sa posisyon.

"Aang mayelong katangian ng pana ay maikukumpara sa aking bloodline at ang katangiang may kidlat ng tali ng pana ay angkop sa aking Lightning Inheritance. Ang tatlong palaso na ito at nakakasaksak at kayang magdala ng kapangyarihan…"

Kongklusyon ni Zhao Feng matapos masuri ang mga bagay.

Ang bagong Luohou Bow ay malapit sa Middle tier Spiritual grade.

Pinahanga nito si Zhao Feng.

Ang mga normal na eksperto ng True Human Rank ay gumamit ng Low tier Spiritual grade na mga bagay. Kung gumamit sila ng Middle tier Spiritual grade na mga bagay, gagamit ito ng maraming enerhiya.

Tanging ang mga nasa True Mystic Rank ang kayang gumamit ng Middle tier Spiritual grade na mga sandata sa sukdulan.

May isa pang punto.

Ang bagong Luohou Bow at Luohou Arrows ay ginawa sa dalawang grupo. Kapag ginamit na nila ito, ang ibig sabihin ay ang paggamit ng dalawang Spiritual grade na sandata nang sabay, na gumagamit ng mas malaking enerhiya.

Pareho ay malapit sa Middle tier Spiritual grade, ngunit hindi pa sa Middle tier Spiritual grade.

"Ang kombinasyon ng dalaawang ito ay mas mabuti na kaysa sa isang normal na middle tier Spiritual grade. Magagamit ito hanggang sa True Lord Rank."

Bahagyang hinawakan ni Zhao Feng ang Luohou Bow na bahagyang nanginig at nagliwanag ng malabong asul. Ang pagkaangkop ay mas mababa kaysa noong una.

Ngayon ay mayroon na si Zhao Feng ng lahat ng kaniyang kailangang mga sandata para sa Sacred True Dragon Gathering.