Mayroon pang dalawang araw na natitira bago ang kanilang pag-alis.
Ang apat na mga henyong kumakatawan sa Iron Blood Religion ay nagawa na ang kanilang mga paghahanda.
Si Jiang Sanfeng at ang iba pa ay nagpunta upang manghingi ng payo mula kay Zhao Feng.
Nakaraang ilang araw, si Jiang Sanfeng, Die Ye at Dong Xue ay nakipaglaban sa isa't-isa subalit wala silang pagkakataon na makipaglaban sa mga henyong nasa tuktok ng Northern Continent.
"Sige."
Tumango si Zhao Feng at sinuri ang tatlo.
Hindi naman masiyadong nagbago ang cultivation ng tatlp. Matapos makaabot sa True Spirit Realm, mahirap na ang magprogreso sa cultivation at maaaring mas ilang beses pa itong mahirap kaysa noon.
Kung ang pagkakaiba lang sa cultivation ay isang rank gaya ng True Human Rank at True Mystic Rank para sa mga iisang edad, ang bilis ng kanilang cultivation ay magiging iba ng ilang beses.
Kabilang dito si Zhao Feng. Kahit na pumogreso ang kaniyang cultivation, ito ay nasa huling mga yugto pa rin ng True Spirit Realm.
Kung tutuusin, ang kaniyang eye bloodline ay hindi naman nakakatulong sa bilis ng cultivation at nakatuon lamang ito sa mga dapat intindihin.
Ang unang tao na umakyat ay si Dong Xue, na mayroong cultivation na nasa ika-unang mga yugto ng True Human Rank.
Sa kanilang apat, si Dong Xue ang pinakamahina.
"Sana ay maghinay-hinay lang si Chapter Leader Zhao sa akin." Magalang na sinabi ni Dong Xue.
Sumang-ayon si Zhao Feng sa tatlo na hindi niya gagamitin ang kaniyang eye bloodline sa pakikipaglaban.
Ang Ice Jade Technique na cinultivate ni Dong Xue ay isang ice elemental skill, na nagdadala ng sumisipol na malalamig na hangin kasabay ng kahit anong atake. Isang patong ng matamlay na asul na hangin ang bumalot sa kaniyang katawan habang nagpapalabas siya ng mga ragasa ng mapanirang hangin na dumaloy patungo kay Zhao Feng.
Hindi siya minaliit ni Zhao Feng kahit na ang elemento ng kaniyang skill ay kaparehas ng kaniyang eye bloodline.
Sa lababan, maingat niyang sinuri ang skill at matapos ang dose-dosenang suntok, mukhang may naintindihan ng bagay si Zhao Feng at sunod ay kumislap ang kaniyang anyo
Shua Shua!
Dalawang anyo ni Zhao Feng ang lumitaw sa kaliwa't kanan at parehas nitong inatake si Dong Xue.
Nataranta si Dong Xue at siya ay napaatras ng isang kumikidlat na palad at hindi siya makagalaw ng ilang sandali dahil sa pamamanhid.
"Hindi na masama ang iyong Ice Jade Technique at kaya nitong lubos na limitahan ang bilis ng kalaban subalit ang malapitang laban mo at ang liksi mo ay hindi pa sapat."
Pagsusuri ni Zhao Feng.
Inilabas ni Dong Xue ang kaniyang dila: "Naiintindihan ko. Kung ice element skills ang pag-uusapan, ang Mystic Ice palace ang pinakasupremo. Si Goddess Wei sa henerasyong ito na mula sa Mystic Ice Palace ay nakatanggap ng isang inheritance mula sa Mystic Ice Inheritance at nakaabot siya sa top three ng huling Sacred True Dragon Gathering."
Narinig na ni Zhao Feng noon ang tungkol sa Mystic Ice Palace. Ito ay isa sa mga Ten great clans.
Ang Mystic Ice Palace ay makikita sa kalayuan ng hilaga at napakasikat nito dahil sa Mystic Ice Inheritance.
Kada ilang dekada, binubuksan ng Mystic Ice Palace ang Mystic Ice Inheritance at ang mga nagsanay lamang ng ice element ang papasok dito.
Matapos noon, nagpunta na si Die Ye at nakipaglaban kay Zhao Feng.
Ang cultivation ni Die Ye ay nakarating na sa huling mga yugto ng True Human Rank at napakalapit na niya maging isa sa mga ten stars.
Nakipagpalitan ng mga suntok si Zhao Feng kay Die Ye, subalit mukhang hindi siya makahanap ng malaking kahinaan mula sa kaniya matapos ang ilang daang galaw.
Kung may kahinaang kailangang banggitin, ito ay hindi pa masiyadong sapat ang kaniyang mga pasabog subalit dahil ito sa katotohanang wala siyang bloodline o cultivation skill. Ang mga normal na babae ay kulang naman talaga sa mga pasabog.
Ito ang pinakamalaki nilang pagkakaiba ni Jiang Sanfeng.
Sa wakas, si Jiang Sanfeng na ang susunod.
Hindi pa rin gumamit si Zhao Feng ng eye bloodline power, kaya naman ang laban na ito ay napakatindi.
Makalipas ang ilang daang galaw.
"Claw of Lightning!"
Mag-isang gumawa si Zhao Feng ng ilang yardang haba na Claw of Lightning na kumukulog habang pababa ito.
Isang mapanirang alon ang unang nakarating sa sahig at ang presyon ng kidlat ay nagdulot upang mahirapang huminga si Jiqng Sanfeng.
Bam!
Si Jiang Sanfeng ay natulak sa sahig ng Claw of Lightning at siya ay nasunog kaya't sinambit niya sa sobrang gigil: "Ang galaw na naman na ito…"
Ang Claw of Lightning ay sa kasalukuyan ang pinakamakapangyarihan at pinakapraktikal na atake ni Zhao Feng, na kayang tumutok sa isang tiyak na layo, kaya't mas mahirap itong iwasan.
Kung ito ay gagamitin kasabay ng God's Spiritual Eye, halos hindi na ito maiiwasan ng kalaban maliban na lamang kung ang kaniyang cultivation level ay higit na mas mataas kay Zhao Feng.
Ngumiti si Zhao Feng, subalit hindi siya nagsalit. Kahit si Jiang Sanfeng ay isang beses na mas mabilos, hindi pa rin siya makakatakas mula sa Claw of Lightning.
Sa oras na bumalot ang Claw of Lightning sa isang tiyak na lugar, gagawa ito ng isang nakamamanhid na epekto na pipigil sa galaw ng kalaban.
Dagdag pa rito, tinantsa na ni Zhao Feng ang dadaanan ng kalavan gamit ang kaniyang mental energy. Kung gagamitin ito kasabay ng God's Spiritual Eye, kaya nitong sukatin ang susunod na galaw ng kalaban.
Sa kalahating oras na kakailangan upang masunog ang isang insenso, natalo na ni Zhao Feng ang tatlo.
Matapos matalo, hiniling ni Jiang Sanfeng na personal niyang maramdaman ang eye bloodline ni Zhao Feng.
"Baka hindi ka makasalag sa isang tingin mula sa akin sa level na mayroon ka."
Matamlay na umiling si Zhao Feng.
"Chapter Leader, ayaw naming talunin ang iyong eye bloodline. Subalit magkakaroon din ng iba pang mga henyo roon na may eye bloodlines."
Paliwanag ni Die Ye.
"Oh? Sigurado ka bang magpapakita sila?"
"Sigurado."
Ipinangako ni Jiang Sanfeng.
Sa pag-aalala, kahit sa Cloud area naroroon si Lin Tong na anv espesyalisasyon ay eye bloodline. Sa buong Azure Flower Continent, normal lamang na mayroon pang ibang eye bloodlines.
"Kahit na bihira ang mga eye bloodlines, mayroong halos isang daang sa kontinente at ang tatlong eye families ang mayroong pinakamalakas na eye bloodlines inheritances. Sa Sacred True Dragon Gathering, ang tatlong eye families na ito ay tiyak na magpapadala ng mga henyong makikilahok. Malamang ay talagang magiging mahirap ito."
Sa tuwing nababanggit ang tatlong eye families, si Jiang Sanfeng at ang jba ay mayroong taimtim na mga ekspresyon.
Depende kung mayroong hindi maikukumparang lakas ang isang tao, sila ay aapihin ng mga nagmula sa tatlong eye families.
"Sa huling Sacred True Dragon Gathering, nakilala ko ang Heaven Piercing Eye mula sa pamilya ng Tuoba. Isang tingin pa lang sakaniya, nahiwa na ang lalamunan ko."
Pagbabalik-tanaw ni Jiang Sanfeng sa takot.
Ito ay isang laban hanggang sa bingit ng kamatayan, ang Heaven Piercing Eye mula sa pamilya ng Tuoba ay kayang hiwain ang lalamunin ni Jiang Sanfeng o kaya'y tuhugin ang kaniyang puso.
Sa pagkarinig nito, natulala si Zhao Feng. Mukhang hindi lang siya ang mayroong isang makapangyarihang eye bloodline. Kasabay nito, nanabik at umaasa rin siya.
Ang makakita ng mas marami pang eye bloodlines ay makakatulong kay Zhao Feng upang matutunan ang sarili niyang eye secret technique.
Kailangang malaman ng isang tao na ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay pag-intindi ang forte at kaya nitong 'kopyahin' ang mga hindi gaano kakomplikadong mga skills.
""Sige, kung ano ang gusto mo."
Tumayo si Zhao Feng sa isang sulok at ang kaniyang asul na buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin.
Eye of Illusion.
Binuksan ni Zhao Feng ang God's Spiritual Eye niya at sinuri nito ang tatlo.
Plop! Plop! Plop!
Napadapa sa sahig si Jiang Sanfeng at ang mga kasama niya, basang-basa ng malamig na pawis at pagod na pagod.
"Kapag naranasan mo ang Eye of Illusion tataas ang resistensiya mo laban sa mental energy. Mayroon din akong Eye of the Heart, ang Soul Eye ang siyang kumukontrol sa puso at pinapaguho nito ang isipan…"
Tumawa si Zhao Feng.
Nagsimula nang mabuo ang kaniyang eye secret technique.
Makalipas ang dalawang araw, si Tiemo na mayroong kulay dugong buhok at ang dalawa pang Elders ay pinangunahan si Zhao Feng at ang iba upang umalis.
Dahil gumagalaw ang Golden Spear Blood Dragon Sedan, ang bilis nito ay mas mabilis kaysa sa mga normal na ekspertong nasa True Mystic Rank.
"Ang patutunguhan natin ay ang star stand, subalit dahil ang Canopy Great Country ay itinuturing lamang na iisang buo, makakaalis lamang tayo kapag dumating na ang lahat.
Sabi ng Deputy Patriarch.
Ang Imperials ng Canopy Great Country, sa isang kalupaan.
Si Prince Jin, Tian Yunzhi at ang iba pang ten stars ay dumating na.
Bukod doon, mayroon ding iba na mayroon ng tiyak na puwesto gaya nina Die Ye at ni Dong Xue.
Sa panlabas, ang Great Country ay mayroong sampung puwesto subalit sa totoo lang mayroon talagang labinganim.
Si Prince Jin ang kumakatawan sa mga henyo.
Mayabang na nakatayo si Prince Jin sa harapan, subalit ang kaniyang ekspresyon ay bahagyang naging madilim nang dumating si Zhao Feng.
Napatingin at nag-alala ang ibang mga tao sa pagdating ni Zhao Feng
Hindi siya kumibo at pinanatiling nakasara ang kaniyang mga mata sa pag-iintindi.
Nakarating na siya sa isang tiyak na pundasyon ng Ball of Ice Soul ngayon. Sunod naman, sinubukan niyang intindihin ang kulang na pahina ng Dark Eye.
Ang kulang na pahina ng Dark Eye ay ibinigay kay Zhao Feng ng elder na mayroong makapal na kilay.
Ang kulang na pahina ng Dark Eye ay isang offensive skill at pinagbabawal ito.
Hindi kalaunan pumasok na ang kamalayan ni Zhao Feng sa mundo ng kulang na pahina ng Dark Eye.
Kahit na nagdatingan na ang mga henyo, hindi pa rin binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata.
Sa paglalakbay, ang dalawang Elders ang namuno sa apat na mga henyo sa isang True Mystic Rank flying beast.
Hu~ Hu~
Malakas ang mga hangin sa ere at kaya nitong tangayin sila.
Nanatili pa rin si Zhao Feng sa pag-iintindi.
Miao miao!
Tumalon palabas ang munting pusang magnanakaw at dumighay ito habang naghahanap sa kaniyang amo.
Sa loob ng Golden Spear Blood Dragon Sedan.
Mayroong matamlay na ngiti ang Deputy Patriarch.
Ang unang plano niya ay papasukin si Zhao Feng sa sedan upang mag-intindi subalit hindi niya inakalang tutulong pusang itom
Kahit maliit ang munting pusang magnanakaw, ang kapangyarihan at abilidad nito ay hindi dapat maliitin.
Nakatayo ito sa balikat ni Zhao Feng at kahit gaano pa kapangyarihan ang mga hangin sa ere, mapapahina sila kapag lalapit kay Zhao Feng.
"Ang pusang ito…"
Tumitig ang Deputy Patriarch sa munting pusang magnanakaw at may naisip itong isang bagay.
Nakakita na siya mga kaparehas nito na spiritual pets, subalit tanging ang dalawa lamang sakanila ang tunay na misteryoso.
Isa sa kanila at ang nasa harapan at ang isa pa ay maaaring ang Sage ng Six Warlock Tower.
Nakita na noon ng Deputy Patriarch ang Six Warlock Sage. Ito ay noong ang Patriarch ay nasa Supreme pa ng Origin Core Realm.
Sa ilalim ng paggabay ng Six Warlock Sage, napunta sa malalim na tulog ang Patriarch, naghihintay para sa isang sagitsit ng pagasa ng hinaharap.
Miao!
Umikot ang mga mata ng munting pusang magnanakaw at para bang may naramdaman itong isang bagay at sumulyap ito sa Golden Spear Blood Dragon Sedan.
Ang katalinuhan sa mga mata nito ay tiyak na hindi mula sa isang nilalang na mayroong edad na isa hanggang dalawa.
Sa loob ng dimensyon ng kaliwaang mata ni Zhao Feng.
Sa mental energy dimension, isang gutay-gutay na lumang libro ang lumitaw.
Ang lumang libro ay parte-parte lamang at ang ilang nilalaman nito ay malabo.
"Ang kulang na pahina ng Dark Eye ay hindi nacucultivate ng mahinang eye bloodlines, at ang mga nasa ilalim ng Origin Core Realm ay kailangang maging maingat kapag nagcucultivate…"
Binasa ni Zhao Feng ang mga nilalaman at siya ay nanlambot.
Ang kakailanganin upang mapag-aralan ang skill na ito ay masiyadong marami.
Una, kailangan muna ay mayroon kang isang makapangyarihang eye bloodline.
Ikalawa, ang cultivation ay dapat nasa Origin Core Realm o mas mataas pa at ang pinakamababang basehan ay True Lord Rank.
Nakatingin lamang si Zhao Feng dito at hindi na siya masiyadong nag-isip.
Ang huling layunin ng kulang na layunin ng Dark Eye ay i-cultivate ang pinagbabawal na eye secret technique – ang Eye of Death.