Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 319 - Tian Yunzhi

Chapter 319 - Tian Yunzhi

Kahit ang mga paraan ng Fan Flying Bandit ay maikukumpara sa isang normal na True Mystic Rank, wala siyang lakas ng loob na patayin ang kaniyang sarili.

Ang pagkawala ng kaniyang mga braso ay nakapagpaisip sa kaniya ng pagkabuhay.

"Fan Flying Bandit, ito ang ikawalang beses ng inabala mo ako. Sinabi ko na sa iyo noong hihiwain ko ang isa mong braso at sisirain ang iyong cultivation."

Walang ekspreysong hinabol ni Zhao Feng ang Fan Flying Bandit gamit ang kaniyang Three Flowered Treasured Lotus.

Nang masunog ang kaniyang Qi of True Spirit, ang bilis ng Fan Flying Bandit ay nakalagpas sa Huma Rank na lebel at bahagyag mas mabilis kasysa sa normal na True Mystic Rank cultivators.

Ang distansya sa pagitan ni Zhao Feng at ng Fan Flying Bandit ay unti-unting naglalayo.

"Sa kasamaang palad, wala akong makapangyarihang sandatang pangmalayuan."

Bahagyang nagsisi si Zhao Feng.

Ang Luohou Bow ay hindi sapat para harapin ang Fan Flying Bandit, na nakaabot na sa peak True Human Rank.

"Chapter Leader, ang Hundred Flower Chapter ay na talo at ang Fan Flyug Bandit ay nawalan ng dalawang braso. Halos wala nang panganib na natira. Kung ipagpapatuloy natin ang pagsunod, ikinalulungkot kong..." babala ni Die Ye.

Mula sa kaniyang pananaw, ito ay hindi na kapani-paniwala para pilitin ang Fan Flying Bndit sa ganoong hakbang.

Alam ni Zhao Feng ang ibig sabihin ni Die Ye. Ang dahilan kung bakit hindi napagdesisyunan ng Fan Flying Bandit ang mamatay dahil mayroon pa siyang kaunting nararamdamang buhay.

Kung wala nang buhay na natira sa kaniya, ang Fan Flying Bandit ay siguradong susubukang hilahin ang kaniyang kalaban pababa.

"Susundan naming siya." Si Zhao Feng ay ngumiti.

Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay kayang makakita hanggang sa layong isang libong milya at ang tanging kailangan lang niyang gawin ay ang maghintay para sa pagkaubos ng Qi of True Spirit ng Fan Flying Bandit.

Hindi nagtagal ay nawala ang Fan Flying Bandit ngunit si Zhao Feng ay nakatuon pa rin sa kaniyang pakay, na hindi man lang nagmamadali.

"Walang duda."

Nagulat si Die Ye nang tumingin siya sa mga malamig na asul na mata ni Zhao Feng. Tila nakikita nito ang nasa loob ng kaniyang puso.

Ang eye bloodline ni Zhao Feng ay hindi na maaaring masukat ng normal na pamantayan.

Ang Fan Flying Bandit ay nanlamig. Tila isang mata ang nakatingin sa kaniya mula sa mga kalangitan.

Ang tibok ng kaniyang puso ay bumilis at nagyelo ang kaniyang dugo. Walang hanggang puwersa ang tila pumupunta sa kaniya at siya ay sinisira.

Bigla siyang lumingon at nakita ang isang 'Eye of the Sky' na tingin sa kaniya.

Shua!

Ang kaniyang mata ay nanlabo at nawala ang Eye of the Sky. Tila isa lang itong ilusyon.

Kung tama ang kaniyang mga pandama, ang eye bloodline ng kalaban ay labis na nakakasindak.

"Hmm? Anong nangyari?"

Si Zhao Feng ay napatalon sa gulat. Kakagamit niya lang ng lahat ng kapangyarihan ng God's Spiritual Eye at sinadyang tumuon sa Fan Flying Bandit at nagdagdag ng puwersa ng mental energy sa kaniya.

Sa isang sandali, naramdaman ni Zhao Feng na tila naalis sa kaniyang katawan ang kaniyang kamalayan at napunta sa kalangitan.

Sa sandaling iyon, naramdaman niyang tila siya ang Langit at Lupa, na nakatingin at kinokontrol ang lahat.

"Hindi ba ito aking guni-guni lang? Bakit biglang bumaba ang aking mental energy source nang 10%?"

Si Zhao Feng ay nagulat.

Sa kalahating oras ng paggawa ng tsaa, ang Qi of True Spirit ng Fan Flying Bandit ay tumigil sa pag-apoy at napagod.

Si Zhao Feng ay nagpanatili ng distansya ng isang daang milya mula sa kaniya at ng Fan Flying Bandit. Hindi makakakita sa ganitong layo ang Fan Flying Bandit o madama siya gamit ang Spiritual Sense.

Xiu---

Mula sa bundok ay may nanggaling na tunog ng paglipad.

Isang lalaki at babaw ang nakita ng Fan Flying Bandit.

"Kailan ka nakahabol? Hindi, ito ay imposible!"

Ang Fan Flying Bandit ay nataranta.

Kakasunog lang niya ng kaniyang Qi of True Spirit. Paanong nakahabol pa sila?

Habang nagsusuri, ang Fan Flying Bandit ay huminga nang malalim.

Ang lalaki at babae ay hindi si Zhao Feng at Die Ye.

Ang isa sa kanila ay isang youth na may gwapo at maputlang mukha. Nakasuot siya ng isang berdeng panlabang damit at may isang makalumang patalim sa kaniyang likod.

Sa kaniyang tabi at ang isang babaeng nakasuot ng pulang damit na may magandang mga labi.

Nakita rin sila ni Zhao Feng gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Ang cultivationg ng youth na nakapanlabang damit ay nasa mga unang bahagi ng True Human Rank at ang kaniyag edad at nasa 30 lang.

"Hindi kaya ang youth na iyon ay ang top genius ng pamilyang Yun na si 'Tian Yunshi'? Isang taong may bloodline ng parehong pamilyang Tian at Yun at ang ikatlong antas sa star ranking ng great country…"

Ang tingin ng Fan Flying bandit ay umiwas sa youth na nakapanlabang damit.

Ang lalaki at babae ay nakaupo sa isang lumilipad na kabayo at lumampas sa Fan Flying Bandit.

"Big brother, ang taong iyon ay nakakatakot tumingin. Ang parehong braso niya ay tinanggal. Sinong humahabol sa kaniya?"

Sabi ng babaeng nakapulang damit nang may simpatya.

Nang marinig ito, tila tumalon ang puso ng Fan Flying Bandit.

Ang youth na nakapanlabang damit ay hindi maiwasang tumingin sa Fan Flying Bandit.

"Wait."

Isang boses ang biglang umalingawngaw.

Ang anyo ng Fan Flying Bandit ay nanigas at pilit na ngumiti: "Anong kailangan ninyong dalawa?"

Ang youth na nakapanlabang damit ay umikot at sinuri ang Fan Flying Bandit. Naramdaman niyang ang taong ito ay tila pamilyar at halatang hindi siya mapakali kapag tumitingin sa kanila.

Itinaas ng nakapanlabang damit na youth ang kaniyang mga kilay: "Ikaw ba ay galing sa Hundred Flower Chapter?"

"Hindi! Paano akong magiging isang ungas na galing sa Hundred Flower Chapter? Isa akong elder mula sa pamilyang Yun, ngunit dahil sa aming pakikipaglaban sa Iron Blood Religion at natalo, hinabol nila ako rito. Maaari niyo ba akong tulungang pigilan ang mga kalaban? Walang hangggan akong magpapasalamat.

Sinadyang magpanggap ng Fan Flying Bandit na malakas ang loob at nagsimulang magsinungaling. Kung hindi siya nagkakamali, ang pamilyang Yun at Tian ay may maganda ugnayan.

Ang 'Tian Yunzhi' na ito ay may mga bloodline ng parehong pamilyang Yun at Tian at isang walang katulad na henyo.

Ang nakapanlabang damit na youth ay si Tian Yunzhi, na nakita na ng Fan Flying Bandit noon.

"Ano? Ang Iron Blood Religion at ang Thousand Water Yun family ay nag-aaway? Papunta kami sa panig ng pamilyang Yun…"

Ang babaeng nakapulang damit ay nagulat.

"Nang malamang lahat tayo ang magkaibigan, maaari niyo bang pigilan ang mga kalabang iyon?" hiling ng Fan Flying Bandit.

"Brother Tian, tulungan natin siya?" tanong nakapulang dami na babae nang nay simpatya.

Gayunman, naging mas malamig ang mukha ni Tian Yunzhi.

"Bandit, mamatay ka!"

Isang malamig at nangingibabaw na boses ang umalingawngaw.

Sa sumunod na sandali, isang azure na patalim ang kinuha at isang bilog ng liwanag ng patalim ang lumitaw sa hangin. Ang invisible blade intent ay nakapalibot na sa Fan Flying Bandit.

"Sky Cloud Blade Drawing intent… Huwag…"

Ang ekspresyon ng Fan Flying Bandit ay puno ng takot. Ang kaniyang pagnansang lumaban ay nawala nang makita ang blade intent. Ni hindi nga niya naisip na lumaban.

Kung siya ay nasa peak at mayroong Water Moon God Peach Fan, maaaring kaya niyang lumaban. Ngunit sa puntong ito, ni hindi niya kayang mag-isip na lumaban.

Sheww----

Ang nagliliyab na liwanag ng patalim ay tila humihiwa sa mga ulap.

"Blade intent? Ang umpisa ng blade intent. Halos malapit na sa pagbuo ng tunay na Blade Qi."

Sa isang daang milya ang layo, si Zhao Feng at huminga nang malalim habang nakatayo sa Three Flowered Treasured Lotus.

Ang blade intent at sword intent at parehong mental energy belief. Ang una ay isang Blade user, habang huli naman ay isang sword user.

Fuuush!

Ang katawang ng Fan Flying Bandit ay nahati sa dalawa.

"Hmph! Ang napakasamang Fan Flying Bandit ay dinungisan ang aking mga kamag-anak tatlong taon na ang nakalipas. Kahit na hindi pa kita nakita noon, ang iyong larawan ay kumalat sa buong siyudad."

Si Tian Yunzhi ay tumawa nang walang ekspresyon.

"Siya… siya ang Fan Flying Bandit? Ang disipulo ng kilalang Water Moon pirate?"

Naramdaman ng babaeng nakapulang damit na siya ay swerte.

Walang dudang agad siyang pinatay ni Tian Yunzhi.

Bilang isang Wicked force, ang Hundred Flower Chapter ay nagkaroon ng ilang mga mapanganib na paraan na hindi kayang mapigilan. Kung ang ilang miyembro ay may makapangyarihang mga lason tulad ng Sky Softening Collapsing Powder, kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay maaaring malinlang nito.

Kung ang mga miyembro ay mayroon na ng ganoong mga bagay, ano pang mayroon ang Fan Flying Bandit?

Makalipas ang isang sandali…

Si Zhao Feng ay nakatayo sa ibabaw ng Three Flowered Treasured Lotus at nakita si Tian Yunzhi at ang babaeng nakapulang damit.

"Salamat sa pagpatay sa tulisang ito."

Si Zhao Feng ay bahagyang ngumiti at binati sila.

Hindi niya nakilala si Tian Yunzhi at kasama nito, ngunit ang kaaway ng kaaway ay kanilang kaibigan. Dagdag pa rito, ang lakas at blade intetnt ni Tian Yunzhi ay nakapagbigay ng paghanga ni Zhao Feng.

"Three Flowered Treasured Lotus? Sino ka?"

Walang ekspresyong sinuri ni Tian Yunzhi si Zhao Feng at kasama nito.

Ito ay lalo na para kay Zhao Feng, na may Three Flowered Treasured Lotus at ang Water Moon God Peach Fan sa kaniyang mga kamay.

"Tian Yunzhi, huwag kang masyadong mayabang. Ito ang bagong Chapter Leader ng Iron Blood Religion. Kung hindi naming inatake ang tulisan noon, hindi mo siya mapapatay nang ganoon kadali," walang ekspresyong sinabi ni Die Ye.

Si Tian Yunzhi ay isa sa ten stars at ang top genius sa pangunahing pamilyang Tian.

"Chapter Leader?"

Si Tian Tunzhi at nagulat. Alam niya kung gaanong nakakasindak ang Iron Blood Religion, ngunit ito ang unang beses na nakakita siya ng batang Iron Blood Religion Chapter Leader.

"Hindi kaya… ikaw ang swerteng si Zhao Feng na tumakas sa kasal sa Flooding Lake City dinakip si Empress Qin?"

Ang mga mata ni Tian Yunzhi ay nagningning at isang battle intent ang rumagasa mula sa kaniya.

Sa sandaling ito, parehong si Tian Yunzhi at Zhao Feng ay kilalang mga junior.

SI Tian Yunzhi ay ang unang antas sa top ten stars.

Kahit na si Zhao Feng ang wala sa listahan, ang kaniyang nagawa ay nakagulat sa bansa.

Siya ay nakatakas mula sa kasal sa Flooding Lake City, dinakip si Empress Qin at naging pinakabatang Chapter Leader sa Iron Blood Religion. Lahat ng ito ay nagdulot ng kadiliman sa pag-asa ng ibang mga junior.

"Chapter Leader, mag-ingat ka. Ang Tian Yunzhi na ito ay ang top genius ng pangunahing pamilyang Tian at may bloodline ng parehong pamilyang Tian at Yun. Naintindihan na niya ang blade intent at ang kaniyang kapangyarihang lumaban ay ang pinakamataas sa henerasyong ito," lihim na sinabi ni Die Ye kay Zhao Feng.

Tumango si Zhao Feng at hinarap si Tian Yunzhi nang may ilang mga pangungusap na sinabi bago tumalikod at pabalik na sa Chapter.

Ang Iron Blood Religion Chapter ay kailangan pa rin.

"Brother Tian? Malinaw na nilinaw mong nais mo siyang kalabanin, ngunit bakit siya sumuko? Takot ba siya sa iyo…?"

Ang babaeng babaeng nakapulang damit ay tumawa.

"Takot? Kanino ako matatakot? Gayunman, ang kaniyang bloodline ay napuwersa kahit ang aking bloodline. Dahil umalis na siyang nagmamadali, sa susunod na kami maghaharap," sabi ni Tian Yunzhi.

"Sigurado ka bang may pagkakataon ka? Siya ay isang Chapter Leader at kailangang kontrolin ang lahat ng bagay."

Ang babaeng nakapulang damit ay tila natutuwang sumagot sa kaniya.

"Ang Iron Blood Religion ay siguradong irerekomenda siya sa Sacred True Dragon Gathering. At ang Xin Wuheng na iyon na tumalo sa akin noong nakaraang taon gamit ang isang kamay ang nakapag-igting ng aking blade intent. Papatunayan ko ang lahat sa Sacred True Dragon Gathering."

"Huwag mo na itong isipin, si Xin Wuheng ay ang mapaghimalang star na ng Northern Continent at tanging natalo lang sa Head disciple, si Mo Tianyi na mula sa 'Heaven Yuan Clan' ng Ten Great Forces. Si Mo Tianyi ay isang taong naging top ten sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering."