Sa kaniyang daan pabalik, narating atnahawakan ni Zhao Feng ang Water Moon God Peach Fan habang nakaupo sa kaniyang balikat ang munting pusang magnanakaw, na ipinagmamalaki ang pagiging malaking tulong nito.
"Chapter Leader, ngayong parehong nasa iyo na ang Three Flowered Treasured Lotus at Water Moon God Peach Fan, siguradong wala nang makakatapat sa iyo sa mga katulad mo ng lebel ng cultivation. Maaari mo pang matapatan ang mga normal na True Mystic Rank na cultivator.
Si Die Ye ay ngumiti at binati siya.
Sa mga Water Moon Four Treasures, ang Water Moon God Peach Fan ay mas ginawang katangi-tangi para sa pag-atake at ang Three Flowered Treasured Lotus para sa depensa.
Ang mga kakayahang umatake at dumepensa ay ang pinakagandang kombinasyon.
Wala ring nakakaalam na minana rin ni Zhao Feng ang Mystic Flower Treasured Bible.
"Ang Water Moon God Peach Fan na ito ay labis na sakto at naglalamat ng pitong puwang na maaaring paglagyang ng pitong nakamamatay na mga sandata."
Si Zhao Feng ay nakatanggap ng inheritance ng Water Moon Pirate at mas naintindihan ang Water Moon Four Treasures kaysa sa kahit sinong miyembro ng Hundred Flower Chapter.
Ang Water Moon God Peach Fan ay maaari ring maging isang pangdepensang hugis payong.
Ang bagay na labis na nakapagpasaya kay Zhao Feng ay ang kakayahang magpadala ng mga mental energy illusion ng Water Moon God Peach Fan at pataasin ang epekto ng mga mental energy technique ng isang tao.
Sa lahat, pagkatapos makuha ang Water Moon God Peach Fan, wala nang kahinaang natira kay Zhao Feng.
Sa daan pabalik, si Zhao Feng ay umupo sa ibabaw ng Three Flowered Treasured Lotus at nagsimulang padalisayin ang Water Moon God Peach Fan.
Ang Water Moon God Peach Fan ay isang bagay na inheritance na nangangailangan ng natatanging skill o bloodline para mapadalisay.
Ang pagkakaroon ng Mystic Flower Treasured Bible, siguradong alam ni Zhao Feng kung paano ito padalisayin.
Makalipas ang isang oras, si Zhao Feng at Die Ye ay bumalik na sa Iron Blood Religion Chapter.
Sa puntong ito, si Zhao Feng ay napadalisay na ang Water Moon God Peach Fan nang 60 hanggang 70%.
Ang mga normal na sandata ay hindi na kailangang mapadalisay. Maaari silang gamitin ng ganoon lamang. Tanging ang mga bagay na Inheritance at iba pang kakaibang mga bagay ang nangangailangan ng natatanging bagay.
"Nag-uulat sa Chapter Leader, ang Hundred Flower Chapter at ang panig ng pamilyang Yun ay sumuko na nang may nakakalungkot na pagkatalo."
"Nag-uulat sa Chapter Leader, nakahuli kami ng dalawang True Spirit Realm at siyam na half step True Spirit Realms mula sa Hundred Flower Chapter at panig ng pamilyang Yun…."
"Sa pagkakataong ito, ang Hundred Flower Chapter ay tatanggalin na mula sa Thousand Water Area at ang panig ng pamilyang Yun ay hindi na makakalaban sa Chapter."
Si Zhao Feng ay umupo sa pinuno ng bulwagan at nakinig sa mga ulat.
Si Yun Sha at Chen Mengzhen ay umupo sa tabi ni Zhao Feng nang may kaguluhang mababakas sa kanilang mga mata.
Si Chen Mengzhen ay nagpapasalat kay Zhao Feng at sumunod sa kaniya nang tapat. Kahit na si Yun Sha ay hindi ito nais, mas mayroong pag-aalala sa kaniyang mga mata.
Alam ng lahat na ang bagong Chapter Leader ay napawala na ang panganib at natalo ang parehong panig ng pamilyang Yun at Hundred Flower Chapter nang sabay.
Gumala ang mga mata ni Zhao Feng sa bulwagan at agad na tumahimik sila. Ang lahat ay nakaramdam ng puwersa mula sa mga malamig na mata ng Chapter Leader.
"Yun Sha, ikaw ang responsible sa pangunguna sa isang grupo ng tao at pagpatay sa grupo ng Hundred Flower Chapter. Kahit habulin niyo lang sila palayo sa lugar ng Thousand Water."
"Chen Mengzhen, ikaw ang responsible para sa pagmamasid sa panig ng pamilyang Yun at iba pang mga puwersa. Kung may kahit anong kakaiba, iulat mo ito sa akin."
Walang emosyong hinati ni Zhao Feng ang mga gawain.
Ngayong napagdesisyunan na ang kalalabasan, nagsumikap siya para sa katatagan at kasiguraduhan.
"Kakalampas ko lang sa True Spirit Realm at ako ang bagong Chapter Leader. Kailangan kong dagdagan ang aking lakas para maayos ang sitwasyon."
Si Zhao Feng ay mayroong sariling plano.
Hindi ginamit ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang lakas ngayon. Halimbawa, hindi lahat ng kaniyang bloodline power ang nagamit at ang kaniyang Source of True Spirit at hindi napalaganap nang may galit.
Una, kailangan niyang patatagin ang kaniyang cultivation at kailangan din niyang maglagay ng tagong alas.
Hangga't mayroong sapat na oras si Zhao Feng para mapadalisay ang Water Moon God Peach Fan, kapag napatatag ang kaniyang Source of True Spirit at malikom ang kahalagahan ng Mystic Flower Treasured Bible pati a ang Lightning Inheritance, ang kaniyang lakas ay makakaabot na sa ibang lebel.
Sa parehong araw, ang Iron Blood Religion Chapter ay naglagay ng karagdagang puwersa sa pagpatay sa mga magmumula sa Hundred Flower Chapter.
Sa loob ng kalahating buwan, ang Hundred Flower Chapter ay halos masira na lahat at tanging maliit na bilang ng mga tao lang ang nakatakas mula sa lugar ng Thousand Water.
Ito ay dahil sa pagpapaubaya ni Zhao Feng sa Water Moon Pirate at sa pagdesisyon hindi sila patayin lahat.
Sa oras na ito, ang ibang mga puwersa ng lugar ng Thousand Water ay maingat ng kumilos.
Si Chen Mengzhen ay responsable para sa mga kilos ng ibang mga puwersa.
Makalipas ang kalahating buwan, ang Source of True Spirit ay ganap nang napatatag at ang lebel nito ay hindi na mas mahina kaysa sa mga naunang hakbang ng True Human Rank.
Ang Water Moon God Peach Fan ay matagumpay na napagdalisay at nakontrol ni Zhao Feng.
Gamit ang Water Moon God Peach Fan, hindi na kinailangan ni Zhao Feng ng ibang sandata, kaya ibinigay niya ang Mystic Snake Blood Whip sa munting pusang magnanakaw.
Sa kahalagahan, ang Mystic Snake Blood Whip ay malapit sa Water Moon God Peach Fan ngunit mas natatangi ito sa suporta. Kaya nitong mas pagalingin ang sarili sa paghigop ng blood essence ng mga kalaban.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay labis na natutuwa nang paikutin nito ang Mystic Snake Blood Whip nang maliksi sa kaniyang kamay. Ito ang ginamit ng hayop para dakpin si Empress Qin.
"En."
Si Zhao Feng ay tumango sa pagsang-ayon.
Ngayon ay opisyal na siyang aalis ng seklusyon.
Ang lahat ay napatatag na, ang Mystic Flower Treasured Bible at Lightning Inheritance ay nagtulungan at ito ay isang maghabang proseso.
Ang Lightning Inheritance ay isang ganap na inheritance at mas nababase sa teorya at kapangyarihan, ngunit ang kahinaan nito ay ang liksi at praktikal na gamit. Ang Mystic Flower Treasured Bible, gayunman, ay nakalikom na ng kahalagahan ng Hundred Flower Chapter at ibang Wicked path inheritance. May ilang ibang mga movement at speed technique pati na ang ibang taktika na labis na kakaiba at maaaring gamitin sa iba't ibang mga kondisyon.
"Nag-uulat sa Chapter Leader, ang grupo ng Hundred Flower Chapter ay naialis na sa lugar ng Thousand Water," pag-ulat ni Yun Sha.
Hindi nagtanong ng kahit ano si Zhao Feng tungkol sa Hundred Flower Chapter dahil hindi na naman ito mapanganib para sa Thousand Chapter.
Gayunman, ang panig ng pamilyang Yun, Bi at iba pang mga puwersa ay isa pa ring panganib.
Sang Thousand Water Chapter ay mayroon ding mga pinsala pagkatapos ng labanang ito.
"Chapter Leader, matapos matalo ng panig ng pamilyang Yun, dalawang tao mula sa pangunahing pamilyang Tian ang bumisita sa kanila. Isa sa kanila ang top genius ng pamilyang Tian na si Tian Yunzhi. Ang panig ng pamilyang Yun ay sinusubukan ding makakuha ng tulong mula sa panig ng pamilyang Bi. Malamang ay nag-aalala sila sa ganti ng Iron Blood Religion Chapter," ulat ni Chen Mengzhen.
"Ang Tian Yunzhi na ito ay mula sa pamilyang Tian para maktia ang kaniyang mga kamag-anak sa panig ng pamilyang Yun?"
Naramdaman ni Zhao Feng na ito ay kakaiba.
"Chapter Leader, nakalimutan ninyong si Tian Yunzhi ay may mga bloodline ng pamilyang Tian at Yun. Ang ina ni Tian Yunzhi, na namayapa na, ay naging isang elder mula sa Thousand Water Yun family," babala ni Die Ye.
Walang duda.
Si Zhao Feng ay tumango. Ang paghihiganti ng Iron Blood Religion Chpater ay magiging mas mahirap nangayon.
Kapag inatake ng Iron Blood Religion ang pamilyang Yun, si Tian Yunzhi ay hindi tutunganga at manonood lang.
Kung ito ay isang normal na True Human Rank, hindi ito pagtutuunan ni Zhao Feng ngunit si Tian Yunzhi ay isang prodigy na nakaintindi na ng blade intent at may dalawang makapangyarihan bloodline. Ang blade intent at sword intent ay kayang makasira ng mental energy ay magkaroon ng pagkasanay sa mental energy.
"Chapter Leader, iminumungkahi ko ang pag-atake habang tayo ay nangunguna pa. Kung tatalunin natin ang panig ng pamilyang Yun, ang lugar ng Thousand Water ay magkakaroon na ng tunay na pinuno."
Si Yun Sha ay isang baliw sa paglaban at agad na iminungkahi ito.
Nagtama ang mga kilay ni Chen Mengzhen: "Maghintay tayo sa pag-alis ni Tian Yunzhi bago magplano. Siya ang pinakamataas na henyo ng pamilyang Tian."
"Hmph, habang nandito ang Chapter Leader, si Tian Yunzhi ay walang binatbat. Dagdag pa rito, ang labanan sa pagitan ng panig ng mga pamilya at chapter ay hindi papakialaman ng pangunahing mga pamilya," sabi ni Yun Sha.
Ang dalawang tinyente at nagsimula nang mag-away.
"Die Ye, ano sa tingin mo?"
Tumingin si Zhao Feng kay Die Ye.
Pagkatapos ng labanan, itinaas ni Zhao Feng ang katungkulan ni Die Ye at ginawang Chapter Protector na sa kaniya lang kumukuha ng mga kautusan. Kahit ang mga tinyente ay hindi siya maaaring utusan.
"Kung kahit sino sa atin ay kayang pigilan si Tian Yunzhi, magkakaroon tayo ng pagkaktaong manalo. Kailangan rin nating mag-ingat sa panig ng pamilyang Bi na tinutulungan ang pamilyang Tian."
Hindi kaagad sinabi ni Die Ye ang sa tingin niyang tama, kaya sinunod niya ang sitwasyon.
Ang kritikal na punto ay kung sino ang haharap kay Tian Yunzhi at dedepensa sa puwersa ng panig ng pamilyang Bi.
Sa totoo lang, ang panig ng pamilyang Bi at Yun sa lugar ng Thousand Water ay hindi gaanong malakas.
Ang panig ng pamilyang Yun ay itinuturing na karaniwan, ngunit ang panig ng pamilyang Bi ay itinuturing na mas mahina.
"Kakarating ko lang sa Thousand Water Chapter at kailangan kong ayusin ang sitwasyon bago ako kalmadong makapaghanda para sa Sacred True Dragon Gathering."
Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng sa katahimikan.
Ang nakakagulat na kautusan ang umalingawngaw sa bulwagan: "Aatakihin natin ang parehong panig ng pamilyang Yun at Bi ngayon."
Ang kautusan ay agad na nagulat ang upper echelon ng Iron Blood Religion Chapter.
Kahit ang baliw sa labanan na si Yun Sha ay napatalon sa takot at inisip na: "Sa tingin mo ba talagang madali lang harapin si Tian Yunzhi? Kahit na ang dalawang panig ng pamilyang ito ay bahagyang mahina, malakas pa rin sila."
"Chapter Leader, sa tingin ko ay masyado itong minadali."
Hindi sang-ayon si Die Ye na ito ang tamang plano.
"Ang aking desisyon ay pinal na. Ang ating pinakamalaking kalamangan ay ang bilang at mayroon tayong sampung ekspertong nasa True Spirit Realm, kasam ang mga nagtatago at hindi. Mayroon ring ilang mga elite," sabi ni Zhao Feng nang buong loob.
Hindi nagtagal, ang Iron Blood Religion Chapter ay nagsimula nang ayusin ang kanilang puwersa. Ang ma espiya at ibang puwersa na nabibilang sa Iron Blood Religion Chapter ay nagtipon rin.
Sa oras na ito, ang puwersa ng lugar ng Thousand Water ay natakot lahat.
Ang mga normal na maliit na puwersa ay maaaring walang ekspertong nasa True Spirit Realm at kahit na mayroon, ito ay dalawa o tatlo lang.
Ang Iron Blood Religion Chaptyer ay nagsumila nang umatake si panig ng pamilyang Yun. Ang mga anyong may kulay dugong damit ay nagsimula malapit sa teritoryo ng panig ng pamilyang Yun.
Kasabay nito, ipinadala ni Zhao Feng si Chen Mengzhen para umatake sa panig ng pamilyang Bi. Ngunit sa totoo lang, naroon lang siya para pigilan sila.
Ang panig ng pamilyang Bi ay mahina. Mayroon lang silang isang peak True Human Rank at dalawang normal na ekspertong nasa True Human Rank.
Kailangan lang pigilan ni Chen Mengzhen ang panig ng pamilyang Bi para hindi nito matulungan ang panig ng pamilyang Yun.
Ang totoong labanan ay nasa panig ng pamilyang Yun.
Pinangunahan ni Zhao Feng si Yun Sha, Die Ye at ibang mga eksperto patungo sa panig ng pamilyang Yun.
Ang panig ng pamilyang Yun ay humaharap sa malaking panganib at nayanig ang mga puso ng mga tao roon.
Sa bulwagan ng panig ng pamilyang Yun…
"Old Head ng Pamilya, hindi mo kailangang mag-alala. Hangga't mapapatay o matatalo ko ang bagong Chapter Leader, matagumpay natin itong maliktad."
Unti-unting tumayo si Tian Yunzhi habang ang kaniyang boses ay napuno ng pangingibabaw at kalamigan na nakapagparamdam sa mga tao sa paligid na tila sila ay sinaksak.
Ang Head ng panig ng pamilyang ay nagbuntong-hininga: "Sa kabutihang palad, dumating ka sa tamang oras. Ang bagong Chapter Leader ng Iron Blood Religion ay nakakasindak. Kaya niyang talunin ang karamihan ng mga ekspertong nasa True Spirit Realm sa isang tingin lang."
"Ang mental energy ay isang maliit na daan. Ang aking blade intent at kayang makahiwa sa kawalan at gantihan ang Dao na ito. Dagdag pa rito, nais kong makalaban siya."
Rumagasa ang battle intent mula kay Tian Yunzhi.