Ang pagyanig ay nagsimulang kumalma.
Ang ikatlong palapag ng higanteng kabaong.
Lahat ay tahimik hbang tinitignan nila ang Mystic Flower Treasured Bible sa kamay ni Zhao Feng.
Mayroong basag ang Mystic Flower Treasured Bible na tila sasabog.
"Bata…. tumigil ka!"
Ang Fan Flying Bandit ay umungol habang pula ang mga mata. Ito ay banal na gamit mula sa Wicked path at masisira ito ngayon?
Ang Severed Blood Bald Eagle, azure robed daoist, magandang babae na naka bulaklaking bestida ay tensionado.
Bilang isang Wicked martial art, ang Mystic Flower Treasured Bible ay kinuha ng Yin upang lagyan muli ang Yang at kay nitong pataasin ang lebel ng cultivation nang mabilis.
Ito ang pundasyon nv Water Moon Pirate.
"Ikaw… sisirain mo ba talaga 'yan…" Hindi makapaniwalang saad ni Heiyun Master.
Hindi niya naisip na desedido si Zhao Feng na sirain ang Mystic Flower Treasured Bible sa isang suntok.
Puno ng luha ang mata ni Bi Qiaoyu habang tinitignan niya ng kabataan sa kanyang harapan. Napagdesisyonan niya nang ialay ng kanyang sarili upang magtagumpay ito, ngunit ang ginawa ni Zhao Feng ay gumulat sa lahat.
Kung guguho ang Water Moon Cave, hayaan mo itong gumuho.
Matapos ang ebolusyon ng God's Spiritual Eye, naging mas malamig at dominante si Zhao Feng, ginagawa ang mga bagay ng hindi iniisip ang mga kapalit nito.
Ang kanyang asul na mat ay tila isang nagyeyelong lawa.
Kaluskos!
Kidlat ang lumitaw sa palad ni Zhao Feng kasabay nang pagpira-piraso ng Mystic Flower Treasured Bible.
Matapos niyang sirain ang Hundred Flower Sack, sinira rin ni Zhao Feng ang country-shocking skill - ang Mystic Flower Treasured Bible.
Sa apat na Watwr Moon Four Treasures, dalawa na ang nasira ni Zhao Feng.
"Ikaw…"
Ang Fan Flying Bandit gulat habang ang galit at pagkamuhi ay sumabog sa kanya.
Wah!
Ang bahid ng dugo ay lumitaw sa gilid ng kanyang labi. Lahat ng kanyang plano at kalkulasyon, ang Hundred Flower Sack at Mystic Flower Treasured Bible ay nasira na ng kabataang ito.
"Ikaw… ikaw ang sumira sa Mystic Flower Treasured Bible."
Hindi makahing nang maayos si Master Bi.
Ang Severed Blood Bald Eagle, azure robed daoist at mga kasamahan nito ay gulat.
"Sinira ko ang Mystic Flower Treasured Bible. Ngayon, ang Water Moon Cave b ay guguho o…."
Kumislap ang mata ni Zhao Feng.
Kung tama siya, lahat ng pangunahing mekanismo ay nasa Mystic Flower Treasured Bible.
Boooom---
Ang Water Moon Cave at Purple Bronze Coffin ay nagsimulang magyanig muli, na naging dahilan upang mawala sila sa balanse.
"Hahahahaha…."
Isang mahabang tawa ang nangibabaw sa buong Water Moon Cave.
"Mas… Master…"
Ang kabataang may suot na brocade ay nayugyog habang tinitignan niya ang crystal coffin.
Ang mahabang tawa ay mula sa crystal coffin. Ang bangkay ng Water Moon Pirate ay muling "Nabuhay mula sa Nakaraan' at nagbigay ng aura na hindi malalayo sa mga nasa True Lord Rank.
Master!
Ang Fan Flying Bandit at magandang babaeng naka bulaklaking bestida ay lumuhod na mayroong takot at gulat.
"Fortuner, hinahangaan ko ang iyong pagka desidido."
Dahan-dahang bumangon ang Water Moon Pirate at ang aura ng buhay sa kanyang katawan ay tumaas.
"Master, buhay ka!"
Ang Fan Flying Bandit at mga kasamahan nito ay gulat.
Bumalik ang buhay.
Hindi makapaniwala ai Zhao Feng. Posible ba talagang mabuhay muli ang Water Moon Pirate?
Si Heiyun Master ay gulat din habang tinitignan ang Watwr Moon Pirate, na hindi naiiba sa normal na tao.
Ang mata ng Water Moon Pirate ay naglalaman ng karunungan, hindi ito normal na pagbabalik mula sa nakaraan.
"Gumawa ako ng dalawang patibong, isa sa liwanag at isa sa dilim. Ang liwanag ay nangangailangan ng Blood of Yin upang makuha ang Mystic Flower Treasured Bible at maipagpatuloy ang aking alamat. Para sa dalawang 'swerte' na nakatakas, sinadya ko iyon."
Katusuhan ang lumitaw sa mga mata ng Water Moon Pirate.
Ang dalawang nakaligtas, ang mapa at ang balita tungkol sa Blood of Yin.
"At ito ay magdudulot sa bagong Water Moon Pirate."
Pangungutya ang lumitaw sa mukha ng Water Moon Pirate."
Lahat ay natigilan.
Lubhang sikat ang Water Moon Pirate at ginagawa niya lahat ng kanyang nais.
Ang tagumpay na iyon ay nagdulot upang mainggit ang iba.
"Gayunpaman, ang aking pinaka malaking tagumpay ay makatakas sa mga nasa True Lord Rank at kunin ang Yin upang punuiin ang Yang ngunit wala dito ang Dao of Kings."
Ang Water Moon Pirate ay huminga nang malalim na may ibang ekspresyon.
"Ang aking Inheritance at Dao ay hindi nagawang harapin ang King Dao. Ito ang dahilan kung bakit ako nabigo noong nakita ko si Empress Qin."
Tumingin ang Water Moon Pirate kay Zhao Feng.
Puno nang pag-iingat si Zhao Feng ngunit walang bakas ng takot: "Kung gayon, ang iyong bitag ay nasa kadiliman…"
"Mula dito, makikita na ang bitag para sa liwanag ay maliit lamang. Kung gayon, gumawa ako ng daan para sa mga desedidong sirain ang Mystic Flower Treasured Bible. Pagbangon matapos bumagsak. Ang kanilang hinaharap ay lalagpasan ang akin - ang Water Moon Pirate ay magiging daan lamang para sa kanila."
Malalim na tumingin ang Water Moon Pirate kay Zhao Feng.
Isang liwanag, isang kadiliman, dalawang bitag.
Ang isa ay upang ipagpatuloy ang inheritance at ang isa ay lagpasan ang inheritance.
Sa dalawang iyon, ang pangalawa ang mas mahalaga.
Lumaktaw ang tibok ng bawat puso ng lahat matapos itong marinig at ang Fan Flying Bandit ay nahihiya. Ang kanyang nasa isip ay ipagpatuloy lamang ang inheritance ng kanyang Master.
Tanging ang mga mayroong tunay gayuma kagaya ng kabataang ito ang may kakayahang buksan ang totoong bitag ng Water Moon Pirate.
"Master, paano ka muling nabuhay?" Maingat na tanong nang magandang babae.
"Ito ay sikretong teknik mula sa Heaven's Legacy Inheritance na nag bibigay ng bagong buhay sa isang tao. Maging ang mga nasa Origin Core Realm ay hindi kayang makita ito. Matapos ang ilang kakaibang pangyayari, babalik sila sa buhay. Maari lamang ako mabuhay ng ilang sandali."
Pinaliwanag ng Water Moon Pirate at si Zhao Feng ay napansin na pawala na ang buhay ng Water Moon Pirate, kagaya ng isang to bago mamatay.
Ang sikretong teknik ay kuhanin ang 'buhay' bago sila mamatay at ilipat ito sa ibang 'timeslot', upang hindi ito lumabag sa batas ng Langit at Mundo.
Noong malaman nila ang katotohanan, ang tatlong True Spirit Realms ay huminga nang malalim.
Kung ng Water Moon Pirate y talagang bumalik ang buhay, silang tatlo ay hindi siya kakayanin.
"Ang Heaven's Legacy Inheritance ay karapat-dapat na maging pinaka misteryoso at antigong inheritance. Mayroon din itong mga sikretong teknik."
Puno ng papuri ang Heiyun Master.
Shua!
Sa isang iglap, ang Water Moon Pirate ay biglang naglaho at napunta sa harap ni Zhao Feng at sa sumunod na iglap. Dahan-dahan niyang iangat ang kanyang kamay.
Hindi nakaramdam ng kahit anong poot si Zhao Feng noong harapin niya ang Water Moon Pirate.
Pawala na ng buhay ng Water Moon Pirate at si Zhao Feng y hindi takot na gamutin ang knyang sikretong mental energy techniques upang nakawin ang kanyang katawan.
Pa!
Ang Water Moon Pirate ay tinapik si Zhao Feng kasabay nang paglipat ng purong enerhiyabsa katawan nito.
"Ano!? Ito ang Source of True Spirit!"
"Binigay ni Master ang kanyang True Spirit?"
Nagbago ang ekspresyon ng Fan Flying Bandit at mga kasamahan nito.
Ang Source of True Spirit ay ang pundasyon ng lakas ng mga nasa Teue Spirit Realm. Dito nananatili ang Qi of True Spirit.
Ang cultivation ng Water Moon Pirate ay malapit na sa True Lord Rank at kahit nakatago ito ng ilang taon at may ilang enerhiyang nawala, higit na mas malakas ito sa normal na True Mystic Rank.
"Ito kaya ang maalamat na Imbuing Cultivation Skill?"
Hindi gumalaw si Zhao Feng at ginamit niya ang kanyang God's Spiritual Eye upang makita ang pagbabago sa kanyang katawan.
Ang Water Moon Pirate ay hindi direktang sinanib ang kanyang Source of True Sprit sa katawan ni Zhao Feng dahil magyayanig ang pundasyon nito.
Una niyang ginamit ng kanyang Source of True Spirit upang linisin ang katawan ni Zhao Feng at buksan ang meridians nito. At nilagay ang karamihan ng kanyang kapangyarihan sa ilalim ng dantians ni Zhao Feng. Ang selyong ito ay lubhang misteryoso at maaring maging ibang anyo ng enerhiyang ito.
Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang Qi of half step True Spirit ay umabot na sa 50% at hindi nito masisira ang pundasyon ni Zhao Feng.
Una, ng mental energy ni Zhao Feng ay mataas, kaya posible sa kanya na kontrolin maging ang Qi of True Spirit kung hindi ito ganoon kalaki.
Ikalawa, ang Water Moon Pirate ay binuksan ang kanyang meridians, datian at mga parte ng kanyang katawan.
"Ang iyong mental energy ay sobrang taas! Kung gusto mo, maari kitang tulungan na umabot sa True Spirit Realm." Masayang saad ng Water Moon Pirate.
"Hindi pa sa ngayon."
Narinig ang bose ni Zhao Feng sa isip ni Water Moon Pirate.
Uunti-untiin niya ang hakbang upang maramdaman niyang ligtas siya.
Natigilan ang Water Moon Pirate at tumawa: "Mabuti, mabuti, Minaliit kita. Sa ganyan kalaking mental energy at makapangyrihan na bloodline, kahit walang Water Moon Treasury, malalampasan ng iyong hinaharap ang akin."
Hindi nagtagal, ang Source of True Spirit ng Water Moon Pirate ay selyado na kay Zhao Feng at ang Qi of half step Spirit niya ay umabot na sa 50-60%, nalampasan n ng kay Heiyun Master.
Sa sandaling ito, 80-90% ng kanyang buhay ay mula sa Water Moon Pirate ay nawala.
"Mayroon pang isang sikreto. Huwag mong pigilan ang iyong mental energy." Narinig ni Zhao Feng ang boses ng Water Moon Pirate sa kanyang isipan.
Kinontrol ni Zhao Feng ang kanyang mental energy at ilang impormasyon ang napunta sa kanyang isipan.
Ang impormasyon na ito ay kaugnay sa Heaven's Legacy Inheritance at kabilang ang iskrip ng mekanismo at mapa.
"Heaven's Legacy map!" Nagulat si Zhao Feng at halos maisigaw ito.
"Ito ay ninakaw mula sa mga Imperials. Mayroong 48 na iskrip at bawat iskrip ay naglalaman ng ilang lihim ng Heaven's Legacy Inheritance." Paliwanag ng water Moon Pirate.
Matapos gawin lahat ng ito, nagdilim ng mata ng Water Moon Pirate at ang kanyang buhay ay natapos na.
Bumalik siya sa crystal coffin at tinignan ang kabataan sa brocade at magandang babaeng naka bulaklaking bestida: "Jin'ee, Yue'er."
"Master." May respetong sabi nina Fan Flying Bandit at magandang babaeng naka bulaklaking bestida.
Kahit na ang Water Moon Pirate ay namatay, ang dignidad ng kanilang Master ay hindi.
"Tandaan niyo n huwag niyo siyang kalabanin. Kung gusto niyo, maari kayong maging taga pag lingkod niya. Ito ng nais at payo ko."
Matapos itong sabihin, ang buhay ng Water Moon Pirate ay natapos na at pinikit niya na ang kanyang mga mata.
Booom!
Ang buong Water Moon Cave ay biglang nagyanig at gumuho.
Isang berdeng kumikinang na malaking pintuan ang lumitaw sa harap nila.
"Huwag siyang kalabanin?"
"Maging tagapaglingkod ng batang ito? Paano nangyari iyon?"
Ang kabataang may suot na brocade at magandang babaeng naka bulaklaking bestida ay napaluhod sa lupa kasabay nang paglitaw ng kalamigan at panghahamak sa mga mata nila.
Halatang hindi nila sinapuso ang nais at payo ng Water Moon Pirate.