Ang Water Moon Cave ay patuloy na nagyayanig, sa sandaling ito, totoo n ito. Ang lihim na kweba ay maaring lumubog sa ilog at ang tanging daan lamang palabas ay ang berdeng pintuan.
"Mauna na kayong lumabas." Si Zhao Feng na pinaka malapit sa daan palabas ay pinauna sina Heiyun Master at Bi Qiaoyu.
Matapos ito, hinarangan niya ang daan gamit ang Three Flowered Treasured Lotus.
"Zhao Feng, anong gusto mong gawin?" Nagbago ang ekspresyon nina Master Bi at Severed Blood Bald Eagle.
Ngayon na natanggap na ni Zhao Feng ang Source of True Spirit mula sa Water Moon Pirate, ang kanyang lakas ay siguradong tumaas. Kung nais niya talagang harangan ang daan palabas, maari niyang gamitin ang God's Spiritual Eye at Three Flowered Treasured Lotus upang mapanatili ang iba.
Ang galaw na ito ay masyadong nakamamatay. Maging ang sandaling bago siya umalis, nasa kanya pa rin ang kontrol.
"Zhao Feng, sinabi na samin ni Master na huwag kang kalabanin," mabilis na saad ng babaeng naka bulak-laking bestida.
Sa pagguho ng Water Moon Cave, maging ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi sigurado kung makakatakas sila ng hindi nasasaktan.
Sa kabilang banda, mayroong Three Flowered Treasured Lotus si Zhao Feng, na mayroong malakas na depensa at maaring lumipad.
"Zhao Feng, alis! Hindi ka namin sasaktan," malalim na saad ng Fan Flying Bandit.
Kahit na hindi nila sina puso ang sinabi ng Water Moon Pirate, ang kasalukuyang sitwasyon ay hindi maganda. Kapag nagtungo n si Zhao Feng sa daan palabas at hinarang ang dalawang True Spirit Realm Experts, may tsansa na mawala silang lahat.
"Aye, Zhao Feng, ang isang ito ay hindi kilala ang Mt. Tai. Pakiusap, hayaan mo kaming mabuhay," saad ni Master Bi.
Noong bumalik ang buhay ng Water Moon Pirate at sinabi ang tungkol sa madilim na bitag, alam niyang natalo siya. Siya at ang Severed Blood Bald Eagle ay naloko ng ilang daang taon ng Water Moon Pirate. Sa karunungan naman, natalo sila kay Zhao Feng.
Sa kontrol, sa nakikita nila, madali silang natalo ni Zhao Feng at maging ang Water Moon Pirate ay pinuri siya. Siyempre, ang mahalaga ang kalakasan ni Zhao Feng.
"Kahit makipag tulungan ako kay Master Bi, makokontrol pa rin tayo ng kanyang eye bloodline at gagamiting sibat." Isang mapait n ngiti ang lumitaw sa Severed Blood Bald Eagle.
Ang dalawa ay natalo kay Zhao Feng.
Habang pinapanood ito sa malayo, nakita nila ang nais ng Water Moon Pirate. Bilng isang maalamat na tao, paano pagdududahan ang salita ng Water Moon Pirate?
Sa sandaling ito, may kakayahan si Zhao Feng na umalis kung gusto niya. Ang kanyang God's Spiritual Eye ay sinuri ang paligid.
Nakita niya ang pagbabago ng emosyon nina Mster Bi at Severed Blood Bald Eagle, ganoon din ang hindi pagsunod ni Fan Flying Bandit sa kanyang Master.
"Mauna na kayong umalis." Umalis si Zhao Feng at hinayaan si Master Bi at Severed Blood Bald Eagle na umalis.
"Oo, oo!" Naramdaman ng grupo na nakawala sila mula sa kamatayan at tumungo na sila sa daan palabas, habang naiwan si Zhao Feng na hinaharang ang dalawang natira.
"Bata, huwag mong masyadong isagad ang sarili mo. Kahit mayroon kang Three Flowered Treasured Lotus at Source of True Spirit, hindi mo magagawang maka abot sa True Spirit Realm aa maiksing panahon, kaya hindi mo ko kaya," saad ng Fan Flying Bandit.
Kung sa labanan naman, hindi siya takot kay Zhao Feng at naniniwalng mayroon siyang 80-90% na tsansang manalo. Gayunpamam, ang problema ay ang Water Moon Cave ay gumuguho na at ang masama pa ay lahat sila ay mababaon sa ilog.
"Dahil sa Water Moon Pirate, hahayaan ko kayong mabuhay." Ang Three Flowered Treasured Lotus sa ilalim ng paa ni Zhao Feng ay nagliwanag at dinala siya sa labasan.
Hu~~
Noon lamang nakahinga ang Fan Flying Bandit.
Kung gusto talagang harangin ni Zhao Feng ang daan, maari niya itong gawin gamit ang God's Spiritual Eye at Three Flowered Treasured Lotus. Sa sandaling ito, ang Water Moon Cave ay guguho at sila ay mamamatay.
Shua!
Sa isang sandali, napunta si Zhao Feng sa baybayin.
Ang berdeng pintuan ay mayroong maiksing oras ng teleportation array at sa pag-aaral niya ng arrays, alam ito ni Zhao Feng. Kung gayon, kung gusto niya maari niyang hindi palabasin ang Fan Flying Bandit at mga kasama nito sa loob.
Shua shua!
Ang Fan Flying Bandit at ang babaeng naka bulaklaking damit ay lumitaw rin sa baybayin.
Ang mga taong dumaan sa labasan ay nakarating na. Sila Master Bi, Bi Qiaoyu at Severed Blood Bald Eagle ay naroon na.
"Zhao Feng, hindi ikaw ang tagapag mana ng Hundred Flower Chapter at naglakas-loob ka na kuhanin ang mga gamit ng aking Master. Ibigay mo na sa akin ang Three Flowered Treasured Lotus at ang lahat, at pababain mo ang iyong cultivation, at hahayaan kitang mabuhay."
Matapso makatakas, ang ekspresyon ng Fan Flying Bandit ay bumalik sa dati.
Pang-aasar ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng. Inaashaan niya na ang sitwasyon na ito, ngunit hindi sila pinatay dahil sa Water Moon Pirate.
"Lahat kayo, sumuko na kayo."
Ang Three Flowered Treasured Lotus sa ilalim ni Zhao Feng at ang tatlong kulay ng ilaw ay tumungo sa Fan Flying Bandit.
Hindi niya gustong insultuhin ang iba. Kung gusto nilang lumaban, sige. Kidlat at kulog ang pumalibot kay Zhao Feng.
Ang paglipat ng 50-60% ng kanyang True Force sa Qi of half step True Spirit, ang Lightning Inheritance ni Zhao Feng ay nasa bagong lebel na. Ang kapangyarihan nito ay maikukumpara sa Ring of Lightning. Malaki ang nilakas ng kanyang Lightning Inheritance.
Ang babaeng naka bulaklaking damit ay agad na namanhid at nawala ang kanyang kalakasan. Ang Fan Flying Bandit ay umungol at nilabas ang kanyang Water Moon God Peach Fan, na nagdulot nang katakot-takot na alon sa hangin na humati sa mga puno sa paligid.
Boom!
Ang dalawang makapangyarihang enerhiya ay nagsalpukan sa hangin.
Alon na isang dosenang yarda ang taas ay sumabog sa dagat at ang nasa malapit n sina Master Bi at Severed Blood Bald Eagle ay nilawayan lamang ang kanilang mga labi. Ang lakas ni Zhao Feng na nakita ay maari ng ikumpara sa True Human Rank.
"Ang Qi of half step True Spirit ay sadyang iba sa Mga noemal na True Force. Lahat ng nasa unang palapag ng Lightning Inheritance ay nagamit na."
Tumango si Zhao Feng. Siyempre, kapag umatake siya, kailangan niya pa ring isanib ang kanyang bloodline power dahil angblakas ni Fan Flying Bandit ay higit na mas malakas sa mga normal na True Human Rank expert.
Ball of Lightning!
Ang ball of lightning ay nagsimulang matunaw sa palad ni Zhao Feng at agad niya itong hinagis sa Fan Flying Bandit.
Pinag-igting ng Fan Flying Bandit ang kanyang ngipin at sinubukang gumanti ngunit hindi niya nagawa. Sa opensa, mayroon siyang Water Moon God Peach Fan n mas malakas kay Zhao Feng.
Gayunpaman, mayroong Three Flowered Treasured Lotus si Zhao Feng, na malakas ang depensa. Sa Water Moon Four Treasures, ang Three Flowered Treasured Lotus ang pinaka malakas at ito ay kayang talunin ang Water Moon God Peach Fan.
"P*ta, hindi ko pa narefine ang Water Moon God Peach Fan kaya hindi ko magagamit ang buong kapangyarihan nito." Ang cultivation at lakas sa pakikipaglaban ng Fan Flying Bandit ay lampas na sa True Spirit Realm experts, ngunit hindi niya pa rin matalo si Zhao Feng.
Sa oras na lumapit siya, ang amoy mula sa Three Flowered Treasured Lotus ay magiging dahilan upang mapagod siya.
Habng nagpapatuloy ang labanan, mas naging pamilyar si Zhqo Feng sa Three Flowered Treasured Lotus. Kahit walang pang opensa ang Three Flowered Treasured Lotus, maganda ang depensa nito.
"Kahit na gumamit siya ng kapangyarihan na katulad ng lebel ng True Spirit Realm at magantihan ang Fan Flying Bandit gamit ang Three Flowered Treasured Lotus, ang kanyang totoong cultivation ay nasa half step True Spirit Realm at hindi agad makuha ang Heaven Earth Yuan Qi, kung gayon, hindi siya magtatagal sa labanan," malalim na saad ni Master Bi.
Gamut ang kapangyarihan mula sa ibang lebel, kahit bihir itong makita, hindi ito magagamit nang matagal.
Gayunpaman, ang sitwasyon ni Zhao Feng ay kakaiba. Ang kanyang bloodline power ay maaring pataasin ang lakas niya sa pakikipaglaban at ang kanyang God's Spiritual Eye ay hinahanap ang kahinaan ni Fan Flying Bandit. Ito ang alas niya.
Sa loob ng dantian ni Zhao Feng ay ng Source of True Spirit ni Water Moon Pirate at kapag nauubos na ang kanyang enerhiya, nakakakuha siya ng enerhiya mula sa Source of True Spirit.
Kung gayon, ang tibay ni Zhao Feng ay mas mlakas pa sa kanilang inaasahan.
Matapos maglaban ng ilang sandali, si Fan Flying Bandit ang napagod dahil sa hypnotic scent.
"Ito na ang pagkakataon!" Isang malamig na ilaw ang lumitaw sa mata ni Zhao Feng.
Shua!
Ang tatlong kulay na ilaw ay lumitaw at napunta si Zhao Feng sa tabi ng Fan Flying Bandit habang tumataas ang hypnotic scent na nilalabas nito.
"Ikaw…"
Ang Fan Flying Bandit ay aatake na, ngunit tumigil ito nang makita ang asul nitong mata.
Nagpumiglas at nahihirapan ang kanyang puso bigla. Isang kakaibang pwersa ang nabuo mula sa mental energy na pumasok sa kanyang kamalayan.
Sa mga normal na pagkakataon, ang Fan Flying Bandit ay kakayanin itong pigilan. Gayunpaman, matapos ang laban, pagod na pagod niya dahil sa hypnotic scent.
Mula sa senaryong ito, binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at dinala siya sa mental energy prison.
Sa isang ice blue dimension…
Nakagapos ang Fan Flying Bandit sa mga arko ng berdeng kidlat.
"Ikaw… paano nangyari ito…" Ang Fan Flying Bandit ay nagpupumiglas at nagsimulang mataranta.
Gamit ang God's Spiritual Eye, sampung oras dito ay isang hingahan lamang sa totoong mundo.
Sa totoong mundo…
Isang hing ang makalipas.
Naghirap ang Fan Flying Bandit ar sa wakas ay nagawa nang makatakas sa mental energy prison.
Shuuu Shuuu!
Isang arko ng kidlat ang kumutitap sa kanya.
"Ahhhhhhh!" Ang Fan Flying Bandit na bagong gising ay sumigaw.
Ang kanang braso ay nahati ni Zhao Feng, ng dugo ay nagkalat. Sa isang hinga, alam na kung sino ang nagwagi.
Sa sandaling ito, ang Fan Flying Bandit ay mahina, wala ng pag-asa, at nawala ang kanang braso.
Sin Master Bi at Severed Blood Bald Eagle na nanonood ay huminga nang malamig at mabilis ang tibok ng puso.
"Nakakatakot ang batang ito." Nagpalitan ng tingin ang dalawa at naramdaman nila na hindi sila naging kalaban ni Zhao Feng at nanood lamang sa malayo.
Naalala ni Master Bi ang sinabi ng Water Moon Pirate sa kanyang dalawang disipulo. Ayon sa Water Moon Pirate, hindi nila dapat kalabanin ang kabataan at maging tagapaglingkod nito.
At ngayon, ang Fan Flying Bandit ang natalo
"Karapat-dapat talaga ang Water Moon Pirate na maging maalamat. Nakikita niya ang hinaharap," naisip ni Master Bi. Sa sandaling ito, naintindihan niya na ng babala ng Water Moon Pirate.
"Bata, ang Hundred Flower Chapter ay hindi ito palalagpasin…" ang Fan Flying Bandit ay umungol at lumipad palayo. Sinuko niya na ang isa niyang braso at dinala ang babaeng naka bulak-laking bestida at umalis.
Ang babaeng naka bulak-laking damit ay puno ng pagsisisi tungkol sa karunungan ng kanyang Master habang buhay pa ito. Bakit hindi sila nakinig sa kagustuhan at payo nito?