Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 290 - Paglalaban ng Hundred Flowers (1)

Chapter 290 - Paglalaban ng Hundred Flowers (1)

Ang Hundred Flower Saint Liquid ay hindi mahalaga para sa tatlong nasa True Spirit Realm.

Subalit, para sa magandang babaeng mayroong bulaklaking kasuotan, ang daoist na naka-asul na kapa at ang mga taong nasa half-step True Spirit Realm, mas mahalaga pa ito kaysa sa isang Spiritual grade weapon.

Ang Qi ng True Spirit ng magandang babae ay nakaabot sa 70% at ang kaniyang cultivation ay napakalapit nasa True Spirit Realm.

Kung makukuha niya ang Hundred Flower Saint Liquid, halos tiyak na na makakarating siya sa True Spirit Realm.

Ang cultivation ng daoist na naka-asul na kapa ay hindi malayo sa kaniya at ang kaniyang pagiging desperado para sa Hundred Flower Saint Liquid ay hindi mas mababa kaysa Hundred Flower Sack.

Walang pagkakataon ang dalawang makuha ang Hundred Flower Sack – ito ay isang kagamitan na kaya lamang paglabanan ng tatlong nasa True Spirit Realm.

Sa puntong ito.

Ang galit at gigil sa kanilang mga puso ay hindi mailarawan habang pinapanood nilang makuha ng batang nasa 7th Sky ang Hundred Flower Saint Liquid na dapat ay sa kanila.

Shua!

Nakuha ni Zhao Feng ang Hundred Flower Saint Liquid at itinabi ito sa kaniyang interspatial bracelet.

"Bastardong bata, kung isusuko mo ang Hundred Flower Saint Liquid, mapapatawad kita at hindi kita papatayin.

"Little brother, ibigay mo ang Hundred Flower Saint Liquid kay sister, at kukumbinsihin ko ang aking senior martial brother na bigyan ka pa ng isang pagkakataong mabuhay."

Sumunggab ang magandang babae at ang daoist na mayroong asul na kapa patungo kay Zhao Feng na siyang nasa kaguluhan.

Qiu!!!

Si Zhao Feng ay parang guhit ng kidlat na matagumpay na naiwasan ang mga nanggigigil nilang mga atake.

Hindi lang niya nagawang maiwasan ito, hindi niya rin nakalimutang pumulot ng mga kagamitan sa daan.

Spiritual pills, mga crafting materials, sandata, at iba pang mga kagamitan… sunod-sunod na bagay ang nakuha ni Zhao Feng.

Ang munting pusang magnanakaw na nasa isang tabi ay napakabrutal din dahil nagnakaw ito ng sunod-sunod na mga kagamitan, hindi mas mabagal kaysa sa master nito.

Sa kabilang banda, ang Head ng pamilya ng Bi ay napanganga na lamang sa kaniyang pinagmamasdan.

Habang naglalaban ang tatlong magagaling na nasa True Spirit Realms, ang pusa at ang tao ay parang isda sa tubig na maaaring magpadala ng hangin at ulan kung kailan nila gugustuhin.

"Ang speed ng bastardong ito ay napakabilis. Ang kapang iyon… maaari bang isang Inheritance 'yon….?"

Kasakiman ang kumislap sa mga mata ng mga daoists na naka-asul na kapa.

"Naindintihan na niya ang pambihirang Laws of Lightning at matindi ang kaniyang speed."

Nakaramdam din ng pagod ang magandang nakabulaklaking kasuotan kahahabol.

Sa kaguluhan, pasimpleng kumilos si Zhao Feng at madaling tinunaw ang mga shockwaves mula sa sagupaan ng tatlong nasa True Spirit Realm. Ang ganitong lakas ay hindi mas mahina kaysa sa mga normal na mga ekspertong nasa True Spirit Realm.

Sa katotohanan, ayaw silang labanan ni Zhao Feng.

Hindi lang dahil lagpas pa ang mga lakas nila sa kahit isa sa mga Dark Wing Four Shadows. Kung makapatay o makapinsala si Zhao Feng ng isa sa kanila, masisira nito ang balance ng lugar na pinaglalabanan at makukuha nito ang atensyon ng mga nasa True Spirit Realm.

Dagdag pa rito, sa puntong ito, mas madaling magnakaw ng mga kagamitan. Litaral na ginto at pera ang bawat oras.

"Mystic Snake Blood Whip!"

"Ang latigong ito ay sa mga kilalang sandata mula sa Scarlet Moon Religion."

Isang matinding labanan na naman ang lumitaw.

Ang Severed Blood Pirates at ang pamilya ng Bi ay naglaban-laban.

Ang dark silver Spiritual grade Mystic Snake Blood Whip ay umikot sa himpapawid at mukhang naglalamanan ito ng pagnanais sa dugo.

Sa lahat ng mga kagamitan, mayroong lima hanggang anim na nasa Spiritual grade, ngunit ang halaga ng kagamitang ito ay halatang ang pinakamataas.

Sinuri ni Zhao Feng ang latigo gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye at bahagyang naging kakaiba ang pakiramdam niya dahil ang aura ng Mystic Snake Blood Whip ay mababa lamang sa low tier Spiritual grade, at hindi ito mas maganda kaysa sa ibang mga sandata.

Subalit, sa sandatang ito nakaramdamn siya ng isang aura na kagaya ng espadang nakuha niya mula sa Blood Corpse Protector. Subalit ang huling nabanggit ay gamit na gamit na.

"Kung kukuhanin ko ang mga pagkakataong ito, kailangan kong makakuha ng magandang sandata kapag nakaabot na ako ng True Spirit Realm. Ang mga sandatang gaya ng latigo ay bagay para sa Lightning Inheritance at sa malapitang laban."

Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng nang makagawa siya ng desisyon.

Noon, noong mababa pa ang cultivation ni Zhao Feng, walang kuwenta ang mga Spiritual weapons sa kaniya. Subalit, ang half step True Spirit Realm ngayon ay hindi na malayo mula sa kaniya at kaya niya nang gumamit ng isang Spiritual grade weapon.

Sa pagkakataong ito.

Ang ilang mga cultivaors na nasa half-step True Spirit Realm ay naglalaban-laban para sa Mystic Snake Blood Whip.

Sa lahat ng mga kasalukuyang kagamitan naroroon, ang halaga ng Mystic Snake Blood Whip ay halos nasa ibaba lamang ng Hundred Flower Sacks.

"Ang Mystic Blood Snake Whip na ito ay maaaring mapalago sa pamamagitan ng pagsipsip nito sa blood essence ng mga tao at maaari itong makatungtong sa Middle tier Spiritual grade bago pa ito lubhang maging malapit sa High tier Spiritual grade."

Kumislap ang mga mata ng daoist na naka-asul na kapa dahil siya ay naakit ng latigo.

Isa siyang grave robber at marami siyang alam tungkol sa mga kasaysayan ng mga kagamitan.

Hindi alam ni Zhao Feng ang tungkol sa mga attributes ng Mystic Snake Blood Whip at na maaari itong mapalago sa pamamagitan ng pagsipsip ng blood essence. Ibig sabihin nito na kagaya ito ng mga Inheritance items.

Subalit, sa pagkakataong ito, ang Head ng pamilya ng Bi, ang magandang babaeng nakabulaklaking pananamit, ang daoist na mayroong asul na kapa at ilang mga ekspertong nasa half step True Spirit Realm ay itinuon ang kanilang atensyon sa Mystic Snake Blood Whip.

Kahit ang tatlong mga ekspertong nasa True Spirit Realm ay nagambala dahil dito.

Ang Mystic Snake Blood Whip ay isang bagay na nagpapula ng mga mata ng mga nasa True Spirit Realm ngunit hindi nila maisuko ang Hundred Flower Sack lalo na dahil sa katotohanang kapag nakuha ng Fan Flying Pirate ang Hundred Flower Sack, maaari niyang mapatay ang lahat ng mga taong naroroon.

Kayang maapektuhan ng kapangyarihan ng Hundred Flower Sack ang buong sitwasyon at ito ang inaaalala nilang lahat.

Kaya naman, kahit na gusto nila ang Mystic Snake Blood Whip, hindi nila maisusuko ang Hundred Flower Sack.

"Pagtapos kong makuha ang Mystic Snake Blood Whip, tatakbo ako patungo sa ikalawang palapag."

Nagdesisyon na si Zhao Feng.

Kung makukuha niya parehas ang Hundred Flower Saint Liquit at ang Mystic Snake Blood Whip, aatras siya.

Para naman sa Hundred Flower Sack, hindi alam ni Zhao Feng ang mga kagamitan nito at hindi niya ito masiyadong binigyang-pansin.

Siyempre.

Kung alam ni Zhao Feng na kayang maapektuhan ng Hundred Flower Sack ang buong sitwasyon, malamang ay hindi niya 'to isasawalang-bahala.

"Nakawin!"

Nakipagpalitan ng tingin si Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw at magkasabay silang sumunggab patungo sa direksyon ng Mystic Snake Blood Whip.

Mayroong kabuuan ng apat hanggang limang eksperton nasa half step True Spirit Realm ang malapit sa latigo, ang pinakamalakas sa grupo ang daoist na naka-asul na kapa at ang magandang babae, sinundan ng Head ng pamilya ng Bi, sunod ang dalawang ekspertong nasa half-step True Spirit Realm.

"Nandito na naman ang batang iyan."

Pagkamuhi ang kumislap sa mga mata ng daoist na mayroong asul na kapa at nakita rin ng magandang babaeng may bulaklaking damit si Zhao Feng.

Nagdesisyon ang dalawa na humanap ng pagkakataong patayin si Zhao Feng habang naglalaban sila para sa latigo.

Ang halaga ng Yin Shadow Cloak at ng Hundred Flower Saint Liquid ay hindi mas mababa kaysa sa Mystic Snake Blood Whip.

Subalit, alam nila ang bilis at lakas ni Zhao Feng at kaya naman, hindi sila basta-bastang aatake.

Sa pakikilahok ni Zhao Feng, ang labanan para sa Mystic Snake Blood Whip ay mas lalong naging mainit.

Ang dalawang mas mahihinang ekspertong nasa True Spirit Realm ay hindi maharap ito at nagdesisyong umatras na lamang, iniwan na nila ang daoist na mayroong asul na kapa, ang magandang babae, ang Head ng pamilya ng Bi, at si Zhao Feng.

Zhao Feng's battle power was not to be underestimated and could hold his ground against the other three experts.

Ang battle power ni Zhao Feng ay hindi dapat maliitin at kaya niyang manatili sa kaniyang puwesto laban sa tatlong iba pang mga eksperto.

"This kid hid his abilities quite deeply."

"Matindi ang pagtatago ng batang ito sa kaniyang mga abilidad."

Ang puso ng daoist na mayroong asul na kapa, ang magandang babaeng mayroong bulaklaking pananamit, at ang Head ng pamilya ng Bi ay lumundag.

Si Heiyun Master at ang tatlong ekspertong nasa True Spirit Realm ay napagtanto rin ito.

Mas mataas kaysa sa iba ang speed ni Zhao Feng at kaya naman siya ang lamang sa magulong laban na ito.

Qiu!

Nabalutan si Zhao Feng ng kidlat habang ang kaniyang bilis ay nakaabot na sa hangganan nito habang kukuhanin niya ang Mystic Snake Blood Whip.

"Huwag ka nang magtangka!"

"Bastarado, sinusundo mo na si kamatayan!"

Ang daoist na mayroong asul na kapa at ang magandang babae ay nagpakawala ng mga atake patungo kay Zhao Feng.

Malamig na humagikhik ang Head ng pamilya ng Bi at tumalon mula sa kabilang banda.

Sa pagkakataong ito, hinarap ni Zhao Feng pinagsama-samang mga atake ng tatlong cultivators na nasa half-step True Spirit Realm.

Kung kukuhanin niya ang Mystic Snake Blood Whip sa himpapawid, kailangan niyang tanggapin ang mga take ng tatlong ekspertong nasa half step True Spirit Realm na hindi magiging mas mahina kaysa sa isang atake mula sa isang taong nasa True Spirit Realm.

"Ikaw na ang bahala rito."

Nalaglag ang anyo ni Zhao Feng.

Miao miao!

Ang munting kulay abong pusa na kasinglaki ng palad ay lumitaw sa himpapawid at dinakma ang latigo bago tuluyang maglaho.

Ano!?

P*tanginang pusa!

Nagulat ang tatlong nasa half step True Spirit Realm at sa ilalim ng matinding galit nila, hindi nila pinigilan ang mga atake nila. Sa kabaligtaran, mas pinalakas pa nila ang kanilang mga kapangyarihan.

"Papa…. Huwag…."

Si Bi Qiaoyu na nasa isang sulok ay namutla at puno ng pagdadalawang-isip.

Hindi nagpakita ng kahit anong senyales ng takot si Zhao Feng nang hinarap niya ang mga atake.

Ring of Lightning!

Huminga ng malalim si Zhao Feng at ibinukas ang kaniyang mga braso habang sumasabay sa ihip ng hangin ang kaniyang buhok, tila ba isa siyang diyos ng kidlat.

Sunod-sunod na mga arko ng kidlat ang mabilis na nabubuo at tumitira na para bang isang alon sa bawat direksyon.

Ang lugar sa paligid ni Zhao Feng ay biglang nangitim sa sunog.

"Ahhhh!'

Nagsimulang manginig ang tatlong mga ekspertong nasa half step True Spirit Realm na para bang sila ay nagkaroon ng seizure matapos matamaan ng mga alon ng kidlat.

Pamamanhid, pangininig, pangunguryente.

Matapos ang buong tatlong paghinga.

Ang kasindak-sindak na kapangyarihang mula sa Ring of Lightning ang nagpatalsik sa tatlo. Nanlambot ang mga bitni ng daoist na mayroong asul na kapa, ang magandang babaeng mayroong bulaklaking damit ang Head ng pamilya ng Bi, halos hindi na sila makatayo.

"'Yan na lahat!"

Hindi nagsayang ng oras si Zhao Feng nang siya ay umatras kasama ang munting pusong magnanakaw.

Dahil mayroon na siya parehas ng Hundred Flower Saint Liquid at ng Mystic Snake Blood Whip, nagdesisyon na si Zhao Feng na umalis.

Halatang ang pakay niya ay ang Silangang pinto. Hangga't ilalagay niya ang kamay niya sa pinto, maaari siyang makapasok sa pasukan ng ikalawang palapag.

"Senior martial brother, huwag mo siyang hayaang makatakbo…."

"Ang bastardong ito na mayroong asul na buhok…."

Nakaabot na sa hangganan ang pagkamuhi ng magandang babae at ng daoist na mayroong asul na kapa ngunit dahil sa tinamaan sila ng Ring of Lightning, hindi sila makakagalaw sa loob ng maikling oras.

Ang pagkilos ni Zhao Feng ay hindi ikinasaya ng tatlong nasa True Spirit Realm.

Malamig na humagikhik ang Fan Flying Pirate at ginalaw niya ang labanan para sa Hundred Flower Sack papunta sa direksyon ni Zhao Feng.

The three had silently decided to kill off Zhao Feng.

Nagdesisyon ang tatlo na tahimik patayin si Zhao Feng.

Habang lumapit ang Hundred Flower Sack at ang tatlong ekspertong nasa True Spirit Realm kay Zhao Feng, nagdilim ang ekspresyon ng huling nabanggit – ayaw siyang pakawalan ng tatlong ito.

"Sige, hahayaan kong masubukan ninyo…."

Binawi ni Zhao Feng ang Luohou Bow at ang tatlong Luohou Arrows ay dali-dali kumabit sa pana.

Habang pinapadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power, ang kaniyang Lightning Inheritance ay lumapag nasa ikalawang palapag.

Beng~~ Sou-- Sou--

Biglaan, ang tatlong Luohou Arrows ay natira na palabas at gumawa ito ng bagyo ng kidlat at yelo.

"Ice Lightning Wind Storm!"

Pinakalawan ni Zhao Feng ang tali ng pana at nakita niya ang tatlong pinakamakapangyarihang palasong tumutok patungo sa Hundred Flower Sack.

Boom!!

Bahagyang yumanig ang buong unang palapag.

Ang Hundred Flower Sack ay tinamaan ng tatlong pana na mayroong kapangyarihang maikukumpara sa True Spirit Realm at ang nakasisindak na damage nito ay nagdulot upang bahagyang mawarak ang Hundred Flower Sack.

Shuuuuu!

Nakalalasong usok ang nagmula sa Hundred Flower Sack at hindi kalaunan ay kinain na ng itim na apoy.

"Hindiiiiiii!"

Sumigaw ang Fan Flying Bandit dahil halos mabaliw na siya.

Natulala rin ang Severed Blood Bald Eagle at si Master Bi dahil hindi nila alam kung ano ang gagawin nila.