Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 289 - Labanan ng Hundred Flowers

Chapter 289 - Labanan ng Hundred Flowers

Kahit ang mga kagamitan sa unang palapag ay hindi ang pinakamaganda, naglalaman pa rin ito ng isa sa mga Water Moon Four Treasures.

Hindi palalampasin ng Fan Flying Bandit na ito ang Hundred Flower Sack.

Subalit, wala sa tatlo ang basta-bastang kumilos.

Ang libingan ng Water Moon Pirate ay puno ng panganib at hindi nila maaaring ibaba ang kanilang depensa sa ganito kakritikal na pagkakataon.

Sinuri ng maliit na elder ang kristal na kabaong at ang kaniyang ekspresyon ay bahagyang naging taimtim nang siya ay magsalita, "Ang mga mekanismo rito ay mas tiyak at mas delikado."

Ang mga mekanismo sa mga naunang silid ay maaaring maituring na larong pambata lamang kumpara sa mga mekanismong naririto.

"Master, huwag kang magmadali."

Ang batang nakasuot ng brocade ay matamlay na ngumiti at tumitig siya sa kristal na kabaong habang pinakakalat ang kaniyang Spiritual Sense upang tulungan ang maliit na elder.

Bilang ang pinakatalentadong disciple ng Water Moon Pirate, halatang may alam na siya tungkol sa mga mekanismo.

Marahang lumipas ang oras.

Bilang isang Mechanisms Master, ang skill ng maliit na elder ay ang pinakamataas sa Water Moon Pirates at kaya niyang solusyonan ang higit pa sa limampung porsyento nito sa loob ng kalahating oras na kakailanganin upang makagawa ng tsaa.

Isang warak na kasinglaki ng isang palad ang lumitaw sa kristal na kabaong.

Sa pagkakataong ito, ang tatlo ay kaya nang kumuha ng ilang mga kagamitan mula sa panlabas na mga parte ng kabaong at kaya naman labis silang nagagalak.

Sa unang palapag pa lamang ay mayroon ng mga gantimpala na kasinghalaga pa ng mga normal na eksperto na nasa True Mystic Rank. Dagdag pa sa Hundred Flower Sack, ang halaga ng unang palapag ay maaaring maikumpara sa isa True Lord Rank.

Creek!

Biglang bumukas ang pinto sa kuwarto at isang malamig na batang mayroong asul na buhok ang marahang lumakad palabas.

Ang biglaang tunog ay nagdulot upang mapahinto ang tatlo.

Matapos mapagtanto na ang bagong dating ay isang bata lamang na nasa 7th Sky, hindi nila mapigilang ngumiti.

Ang ngiti nila ay naglalaman ng matitinding kasamaan sa loob nila.

"Hahaha…. Ang batang ito ay mula sa ngayon ay nagtatagumpay na Silangan?"

Ang batang may suot na brocade ay mapaglarong tumingin sa maliit na elder at kay Zhao Feng.

Batay sa maliit na elder, ang mas maganda ang suwerte ng taong pumasok sa Silangang pasukan.

Katumbas ng Silangan ang pagkapanalo.

Tahimik lang ang maliit na elder at sunod ay bumuntong-hininga ng mayroong simpatya at awa nang siya ay tumingin patungo kay Zhao Feng.

Kahit ang pagpasok ni Zhao Feng ay ang pinakaswerte, masiyado siyang mahina.

Hindi magkokonsumo ng kahit anong enerhiya ang Fan Flying Bandit para patayin ang batang ito; ang kailangan lamang niya gawin ay pitikin ang kaniyang mga daliri.

Lumakad papasok si Zhao Feng sa silid at mabilis na natagpuan ang tatlong naghahanap ng solusyon para sa mga mekanismo.

Ang batang may hawak ng isang pamaypay ay nagbigay ng isang malakas na senyales ng panganib subalit kalmado pa ring sinuri ni Zhao Feng ang kaniyang kapaligiran hindi nagpapakita ng kahit anong senyales ng pagkataranta.

Ang silid ay mayroong apat na pintong nakakonekta rito. Ang mga pintong ito ang kumakatawan sa Hilaga, Silangan, Timog at Kanluran.

Ang Silangang bahagi kung saan naroon si Zhao Feng ay mayroong iisang palad na naka-imprinta sa kaniyang palad.

Ibig sabihin nito na hangga't nahahawakan ni Zhao Feng ang imprinta, maaari siyang makapasok sa ikalawang palapag.

"Little bluehead, malakas ba ang loob mong sumugal upang makita kung makakatakas ka ba mula sa akin bago mo mahawakan ang pinto?"

Binuksan ng batang nakasuot ng brocade ang kaniyang pamaypay na nasa kaniyang kamay at ngumiti.

Sa kaniyang level, larong-pambata lamang ang pumatay ng isang batang nasa 7th Sky. Ngayon, nakikipaglaro lamang siya sa junior na ito.

Nanatiling walang ekspresyon si Zhao Feng. Tiyak na, nakaramdam siya ng isang malakas na senyales ng panganib mula sa batang nasa harapan niya kahit na malakas ang loob niyang mayroon siyang abilidad na makatakas.

Subalit, ayaw talaga ni Zhao Feng na isuko ang mga kagamitan ng kristal na kabaong nang basta-basta, kaya naman hindi siya gumawa ng biglaang pagkilos.

Creek!

Ilang mga anyo ang tumapak palabas mula sa Hilagang pinto.

Ito ang Severed Blood Bald Eagle, ang daoist na may asul na kapa, at ang dalawa pang pirata.

Marurumi ang mga taong ito at gulo-gulo ngunit ang kanilang malupit na aura, lalo na ang aura na nagmula sa Severed Blood Bald Eagle na nagtaas ng atensyon nga batang may suot na brocade.

Nagkataon, na ito ang pagkakataong ito ang punto kung saan ang mga arrays na malapit sa kristal na kabaong ay nakaabot nasa kritikal na pagkakataon.

Ang hitsura ng mga piratang ito ay nagduloy upang itutok ng batang may suot na brocade ang kaniyang atensyon sa mga pirata at hindi bigyang-pansin si Zhao Feng na tanging nasa walang-kuwentang 7th Sky lamang.

"Ikaw 'yon… ang Fan Flying Pirate!"

Hindi mapigilan ng Severed Blood Bald Eagle na manlamig ang kaniyang paghinga nang makita niya ang batang may hawak ng pamaypay.

Silang parehas ay nasa True Spirit Realm, ngunit mas mataas sa kaniya ang kasikatan ng Fan Flying Pirate.

Malamig na umubo ang Fan Flying Pirate. Kahit na hindi niya binigyang-pansin ang Severed Blood Bald Eagle gamit ang kaniyang mga mata, hindi pa rin niya siya minaliit.

Ang Severed Blood Bald Eagle at ang iba pa niyang kasamahan ay nag-aalalang lumapit sa kristal na kabaong.

Ang pamaypay na hawak-hawak ng Fan Flying Pirate ay nagsimulang humampas sa ritmo habang may kalamigan ang lumitaw sa kaniyang mga mata.

Mas naging nakakataranta ang kapaligiran – wala sa kanila ang basta-bastang magsusuko ng mga gantimpala ng ika-unang palapag.

Crack!

Ilang mga anyo ang lumakad palabas mula sa pinto sa Timog.

Ang lider ay si Master Bi na may nangitim na mukha at lubhang gulo-gulo. Sa likod niya ay si Bi Qiaoyu, ang Head ng pamilya ng Bi, at isa pang ekspertong nasa half-step True Spirit Realm.

Isa pang partido na maaaring makaapekto sa mga nasa True Spirit Realm ay nagpakita.

Bahagyang bumuntong-hininga ang Fan Flying Pirate at sinara ang pamaypay sa kaniyang mga kamay.

Kahit na malakas ang loob niyang harapin ang dalawa, masiyadong mahirap na patayin silang dalawa.

Sa puntong ito.

Ang tatlong partido ay gumawa ng balance at hindi binigyang-pansin ng lahat ng naroroon si Zhao Feng na nasa 7th Sky.

"Heiyun Master."

Nagulat na tumingin sina Master Bi at Qiaoyu sa maliit na elder.

Ang maliit na elder na siyang si Heiyun Master ay sinosolsyunan ang mga mekanismo ngayon at isang mapait na ang lumitaw, "Master Bi, Qiaoyu. Sa kasalukuyang sitwasyon na ito hindi kami maaaring tumayo sa iisang panig."

Naintindihan ni Zhao Feng nang marinig niya ito.

Binanggit ni Master Bi na natuto si Bi Qiaoyu mula sa isang Mechanisms Master kahit na siya ay isang in-name disciple lamang.

At ngayon, lumitaw na sa harapan nila ang Master ni Bi Qiaoyu.

"Walang duda na ang tatlo sa kanila ay mabilis na nakapasa sa mga mekanismo. Mayroon silang isang Mechanisms Master."

Isang liwanag ang nagningning sa mga mata ni Zhao Feng.

Madaling mahuhulaan ng isang tao na si Heiyun Master ay pinagbantaan lamang upang magpunta at solusyunan ang mga mekanismo.

"Lahat kayo, bakit hindi tayo magdesisyon kung paano natin hahatiin ang kayamanan na nasa loob ng kristal na kabaong sa pagitan ng tatlong partido…."

Ang batang nakasuot ng brocade ay nagawang magpakita ng isang ngiti.

Ang mungkahing ito ay nagdulot upang mapahinga si Master Bi at ang maliit na elder.

Ang Fan Flying Pirate ay ang pinakatalentadong disciple ng Water Moon Bandit at mayroong hindi mabilang-bilang na tricks kaya't mahirap siyang harapin.

Kahit magkampihan pa ang dalawa ang tanging maabot lang nila ay isang tablang laban.

Matapos ang pag-uusap, ang panig ng Fan Flying Pirates ay makakauha ng 50% ng gantimpala dahil sila ang pinakanaghirap.

Ang natitirang 50% ay mahahati sa pagitan ng mga Severed Blood Pirates at sa Transverse Water Stronghold.

Dahil hindi naman nagreklamo si Master Bi at ang Severed Blood Bald Eagle, ibig sabihin nito na sang-ayon sila.

Para naman kay Zhao Feng, ang 'ikaapat' na grupo, ay halatang hindi naman binigyang-pansin ng tatlong partido.

"Hehehe, kapag nakuha ko ang Hundred Flower Sack, kasingdali lamang ng pagtaob ng palad ang pagtay sa lahat sainyo."

Malamig na tumawa ang batang may suot ng brocade sa loob-loob ng kaniyang puso.

Ang magandang katabi niya ay nakangiti rin nang siya ay makipagpalitan sa batang may suot na brocade.

Hangga't sila ang makakuha ng Hundred Flower Sack, maaari silang magpakawala ng isang makapangyarihang lason sa loob na madaling makakapatay ng mga normal na cultivators na nasa True Human Rank.

Hindi nangingibabaw ang Hundred Flower Sack dahil isa lamang itong sako at ang mga materyales nito ay hindi kasinghalaga gaya ng mga Spiritual grade weapons.

Kung hindi alam ng isang tao ang mga kagamitan ng Hundred Flower Sack, mas maganda kung magkaroon na lamang sila ng isang peak Mortal grade item.

Kaya naman, kahit ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay hindi rin binigyang-pansin ang Hundred Flower Sack.

"Ang Water Moon Bandit ay nagmula pa sa nakaraang daang taon at sa ganito karaming kagamitan pati na rin ang katotohanan na hindi pa nakikita ng mga taong ito ang Master's Hundred Flower Sack, maaaring hindi nila maintindihan ang halaga nito."

Subalit hindi naging madali ang sitwasyon gaya ng iniisip ng bata.

Bahagyang nagbago ang mga mata ng daoist na naka-asul na kapa nang siya ay mapasulyap sa Hundred Flower Sack.

"Boss Severed Blood, ang makulay na sakong iyon ay mukhang ang Hundred Flower Sack – isa sa mga Water Moon Four Treasures."

Pasikretong nagpadala ng mensahe ang daoist na naka-asul na kapa.

Naudyok ang puso ng Severed Blood Bald Eagle nang marinig niya ito at naintindihan niya ang intensyon ng Fan Flying Pirate.

Kasabay nito sa kabilang banda.

Bahagya ring nagbago ang ekspresyon ni Master Bi nang makita niya ang Hundred Flower Sack ngunit hindi siya nagsalita.

Halatang minaliit ng Fan Flying Pirate ang dalawang panig.

Ang daoist na mayroong asul na kapa ay isang grave robber master samantalang si Master Bi ay nakatira sa Transverse Water Stronghold sa loob ng mahabang panahon at may alam siyang mga bagay na hindi alam ng iba.

Sa lahat ng mga taong naroroon si Zhao Feng lamang ang walang alam sa halaga ng Hundred Flower Sack.

Sa halip tumutok ang kaniyang God's Spiritual Eye sa ibang mga kagamitan.

"Zhe zhe, mayroon pang ngang isang Hundred Flower Saint Liquid. Ang likidong ito ay isa sa mga lihim na nilikha ng Hundred Flower Wicked Chapter at nakakatulong itong maging Qi ng True Spirit ang True Force."

Sambit ng batang may suot na brocade at sinadyang ilipat ang atensyon ng iba sa isang asul na bote.

Bahagyang naudok ang puso ni Zhao Feng nang marinig niya ito. Ang Hundred Flower Saint Liquid ay mukhang pinataas na klase ng Shedding Spiritual Pill.

Craaack!

Nahulog ang kabaong sa sahig at kumunot ang puso ng lahat ng naroroon.

Bumukas ang kabaong, at sa segundong nangyari ito, dali-daling umalis sa bilog si Heiyun Master.

Halos kasabay nito, ang tatlong auras na nasa True Spirit Realm ay lumukso sa himpapawid at sumugod sila patungo sa kabaong.

Boom-----

Ang tatlong mga ekspertong nasa True Spirit Realm ay nagpalitan ng suntok at napatalsik nila ang kristal na kabaong, kaya't kumalat kung saan-saan ang mga nilalaman nito.

"Ehhh? Bakit hindi naglaban-laban para sa mga Spiritual grade items ang tatlo at sa halip nagpunta sa isang makulay na sako?"

Hindi naintindihan ni Zhao Feng.

"Lahat kayo, p*tangina niyo!"

Hinampas ang ng batang may suot na brocade ang pamaypay sa kaniyang kamay at nagpadala ng mga imahe ng mga bulaklak sa kung saan-saan.

Ang tatlong iyon ay naglalaban-laban para sa makulay na sakong iyon.

Karamihan sa mga natitirang tao ay na nasa half-step True Spirit Realm at ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para salagin ang natitirang enerhiya pati na rin kumuha ng mga natapong kagamitan.

"Nakawin!"

Nagliwanag ang mga ni Zhao Feng nang kumislap ang kaniyan Yin Shadow Cloak at naging isang arko ng kidlat na sumugod sa kaguluhan.

Dahil sa kaniyang Yin Shadow Cloak at sa Lightning Inheritance niya, ang bilis ni Zhao Feng ay hindi mas mabagal kaysa sa mga nasa normal na half-step True Spirit Realms.

Sa ilang paghinga lamang ay nakakuha na siya ng ilang mga sandatang nasa peak tier Mortal grade na lahat ay maikukumpara sa Luohou Bow at ang iba ay mga pambihirang materyales pa.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay nasa kaguluhan din at masayang kumukuha ng mga kagamitan.

"Hundred Flower Saint Liquid!"

Sigaw ng daoist na naka-asul na kapa habang siya ay nakikipaglaban sa magandang mayroong bulaklaking damit para sa asul na bote.

Ang dalawang ito ay parehas na nasa half-step True Spirit Realm at kung makukuha nila ang lihim na likhang ito na mula sa Hundred Flower Wicked Chapter, mayroon silang 90% na pagkakataong makaabot sa True Spirit Realm.

"Makakatulong ang Hundred Flower Saint Liquid na ito upang makatungtong ako sa haf-step True Spirit Realm, o kaya'y kahit sa True Spirit Realm!"

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng nang sumunggab siya asul na bote.

Ang kaniyang speed ay mas mabilis pa kaysa sa daoist na naka-asul na kapa at sa magandang babae.

Mabilis na lumitaw ang pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa.

"Bastardo, bitawan mo 'yan…."

Parang isang nagngangalit na kulog ang daoist na naka-asul na kapa at kaya niya lamang pagmasdan si Zhao Feng na kuhanin ang Hundred Flower Saint Liquid.