Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 273 - Dalawampung Hininga

Chapter 273 - Dalawampung Hininga

Ang pagkakakilanlan ni Zhao Feng bilang isang beast tamer ay perpekto para sa kasalukuyang sitwasyon at ang mga taong pinapanood siya ay hindi man lang nagtaka.

"Siguraguhin ninuo ang kaligtasan ng young master."

Kailangang kontrolin ni Liu Yuan ang sitwasyon.

Kahit na anong mangyari, parte pa rin siya ng upper echelon ng pamilyang Liu at hindi kayang hindi ito pansinin.

Dagdag pa rito, sa sandaling ito,, ang tanging may silbi lang ay ang mga ekspertong nasa True Spirit Realm.

Si Liu Yuan ay ipinadala para pigilan ang ilang magulong mga lumilipad na halimaw kung saan sinundan ng apat na maitim na anyo si Zhao Feng.

"Ang planong ito ay mas matagumpay pa kaysa sa inaasahan...."

Habang nakatingin sa kaguluhan sa loob ng City Lord palace, isang maliit na ngiti ang mababakas sa mukha ni Zhao Feng.

Dahil sa sitwasyong ito, mas malaki ang kaniyang pagkakataong makatakas.

Ang pagmamalupit ng mga halimaw ay gawa niya at ng munting psuang magnanakaw.

Si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw ay ilang beses na nag-ugnayan at gamit ang panlilinlang at iba pang taktika, nakumbinsi nila itong magtaksil sa kanilang mga amo.

Karamihan sa mga nangyari ay ginawa ng munting pusang magnanakaw.

"Ungas, tigil!"

Si Zhao Feng ay lumipad sa hangin at hinabol ang scarlet black giant eagle. Ang lapad ng pakpak ng agila ay ilang dosenang yarda at kapag iginagalaw ito, isang napakapulang kuryente ang lumalabas na nakakatunaw ng bakal.

Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, kahit ang mga nasa half-step True Spirit Realm ay mahihirapang kontrolin ito.

Ang pagdating ng tao at agila ang nagdala ng kaguluhan sa iba.

Hahabulin ito ni Zhao Feng gamit ang kaniyang beats taming skill, pinahirapan niya ang scarlet black giant eagle.

Ang paggawa nito ang magpapakaunti ng paghihinala ng apat ng half-step True Spirit Realm.

Hindi niya alam, hinabol ni Zhao Feng ang agila palabas ng City Wall.

"Lahat ay tumabi, papaamuhin ko ang ungas na ito."

Utos ni Zhao Feng.

Sa pananatili sa Flooding Lake City sa loob ng halos kalahating taon, si Zhao Feng ay kilala na, kaya ang mga guwardiya at nagsitabi.

Sa sandaling ito...

Ang higanteng agila ay mukhang kontrolado.

"Masunurin, masunurin..."

Si Zhao Feng ay unti-unting lumapit.

Ang katotohanan, ang lahat ng ginagawa ng scarlet black giant eagle ay kontrolado ni Zhao Feng.

Ngayong mas malakas na ang mental energy level ni Zhao Feng kaysa sa mga ekspertong nasa half-step True Spirit Realm, anng pagkontrol sa isang halimaw na nasa Seventh Sky ay napakadali.

"Ang beast taming skills ng young master ay totoong mahusay."

Ang apat na itim na anyo sa City Wall ay tumango.

Ang magulong ibon ay naging napakamasunurin na.

Gayunman...

Nang lumapit si Zhao Feng sa kaniyang pakay.

Ang scarlet black giant eagle ay naglabas ng isang malakas na liwanag at sumigaw nang lumipad palayo.

"Young master!"

Ang mga ekspresyon ng apat na itim anyo ay nagbago.

"Ungas! Mapanlinlang!"

Si Zhao Feng ay natawa at inilabas ang Azure Sharp Swallow at tila hindi magpapatalo, at hinabol ang scarlet black eagle.

gamit ang bilis ng Azure Sharp Swallow, nakahabol so Zhao Feng sa kaniyang pakay at sinumulang manguna.

Teka....

Ang apat na itim na anyo ay nag-usap at nakaramdam ng kakaiba. Ang skill ni Zhao Feng ay higit pa sa sapat para paamuhin ang halimaw a parehas na cultivation.

"Young master, huwag mo na itong habulin."

"Young master, sinabi ng City Lord na hindi ka pwedeng umalis ng Flooding Lake City."

Ang apat na anyo ay sumigaw ngunit hindi sumagot si Zhao Feng dito at lalong lumayo at hindi na pinansin ang scarlet black eagle.

Dagdag pa rito...

Ang scarlet black giant eagle ay tumalikod at bumuwelong umatak sa apat na itim na anyo.

"Huwag niyong pakawalan!"

Ang apat na anyo ay sumigaw at pinasabog ang kanilan Qi of half-step True Spirits.

Shua shua!

Apat na kulat abong mga anyo ang lumipad paharap at nang tumalikod, napagtanto niyang ang apat ay may kulay abong pakpak na nasa kanilang likod na nakakatulong sa pagtago at paglipad. Kaparehas ito ng kaniyang Yin Shadow Cloak.

Sa tulong ng mga kulay abong pakpak, ang bilis ng apat ay biglang tumaas at nakahabol sa Azure Sharp Swallow sa loob lang ng maiksing panahon.

Sa larangan ng tibay, hindi sila maikukumpara sa Azure Sharp Swallow. Gayunman, sa pagpapasabog, nasa parehong lebel sila.

Kinontrol ni Zhao Feng ang scarlet black giant eagle ngunit bigla itong nahati nang lumapit ito sa apat.

Kaagad na napatay!

Kung hindi dahil sa God's Spiritual Eye, hindi niya makikita kung anong ginawa ng itim na anyo.

"Napakalakas! Ang kanilang Qi of half-step True Spirit at siguradong nakaabot na sa 50% at mahusay sa bilis at pagsubaybay.

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay naging seryoso.

Sa larangan naman ng lakas, ang apat ay mga elite at mahusay sa pagsubaybay at palihim na gawain.

Sa mga normal na sitwasyon, magiging mabuti kung makakaharap ni Zhao Feng ang dalawa sa kanila.

Ngunit ngayon, mayroong apat.

Ang pinakamapanganib na katotohanan ay ang sabay na pag-atake ng apat na ito nang sabay mula sa iba't ibang sitwasyon.

Ang mga problema ay hindi pa natatapos dito.

Ang oras ni Zhao Feng ay limitado.

Sa pag-antala lang sa kaniya sa maiksing panahon, maraming mga eksperto ang makakarating at kahit pa magkaroon siya ng pakpak ay hindi siya makakatakas.

Hindi nagtagal...

Ang apat na itim na anyo ay bumuo ng bilog at pinalubutan si Zhao Feng.

Hindi sila nangahas na saktan si Zhao Feng at ito lang ang maaari nilang gawin. Kung ito ay ibang tao, patay na siguro ito.

"Young master, bumalik na kayo. Ito ang kautusan mula sa City Lord."

Magalang na sinabi ng pinuno ng mga itim na anyo.

Walang ekspresyong inalis ni Zhao Feng ang Azure Sharp Swallow at nahulog sa lupa.

Ang apat na itim na anyo ay tumayo sa Hilaga, Silangan, Timog, at Kanlurang direksyon at hindi gumawa ng pagkakamali.

Shua!

Ang Yin Shadow Cloak sa likod ni Zhao Feng ay biglang gumalaw at siya ay nawala.

"Invisibility!"

Ang mga ekspresyon ng apat ay bahagyang nagbago ngunit hindi sila nataranta at mas itinuon ang kanilang pandama.

Ang isa sa kanila ay kumuha ng isang mabalahibong aso para masundan ang amoy sa hangin.

Lahat sila ay mahusay sa palihim na gawain kaya alam nilang ayusin ang problemang ito.

Gayunman, kahit anong technique o skill ang kanilang ginamit, hindi nila makita ang posisyon ni Zhao Feng.

"Siguradong napapalibutan pa rin natin siya. Kahit na hindi natin siya makita, magkakamali rin siya kapag siya ay gumalaw."

Sabi ng pinunong itim na anyo nang may lakas ng loob.

Qiu----

Isang kidlat ang lumitaw sa hangin nang isang anyo ang lumitaw papunta sa isa sa mga anyo.

Ang ekspresyon ng taong may matingkad na damit at nagbago nang ang nakakanginig na pakiramdam ay naramdaman niya sa kaniyang katawan at isang malaking palad ng kidlat ang tumama sa kaniyang balikat.

"Huwag mong subukan!"

Ang nangungunang anyong may damit na matingkad at hindi sumuko at nagpadala ng isang kulay abong liwanag mula sa kaniyang pakpak na tumama kay Zhao Feng.

Boom!

Sa palitan ay bahagyang umingit ang anyong may matingkad na damit nang may naiwang marka sa kaniyang braso.

Si Zhao Feng ay bahagyang nagulat. Inisip niyang seryosong mapipinsala ang isa sa kanila ng galaw na iyon ngunit kaunting pinsala lang ang naidulot nito.

Ang apat ay mahusay sa bawat aspeto.

"Young master, huwag ka nang lumaban."

Ang dalawa pa ay umatake rin kay Zhao Feng.

Mga punyal, pakpak, hinahagis na patali, mga pluta.

Bawat isa sa kanila ay may gamit na iba't ibang sandata.

Ang katotohanan, mahusay sila gamit ang mga sandatang ito at kapag nagsama, nagiging napakalakas sila.

Ang pluta ay naglalabas ng matinis na mental energy sound waves, na nakakagawa ng mga ilusyon.

Ang punyal ay ginamit sa malapitang labanan habang ang hinahagis na patalim ay para sa pangmalayuang supoorta.

"Young master, hinihimok kitang sumuko na. Noon, kahit ang isang ekspertong nasa True Human Rank ay aming napigilan.

Malakas na loob na sinabi ng anyong may hinahagis na patalim.

"Hehe, talaga? Hindi ako naniniwala."

Si Zhao Feng ay bahagyang tumawa at naglabas ng isang ragasa ng mental energy na nagpanginig sa dugo ng apat na anyo at halos mapadura na nito.

Qiu---

Sa sandaling ito, sinuot ni Zhao Feng ang Yin Shadow Cloak at naging isang azure na liwanag na lumitaw kasama ng kidlat papunta sa dulo.

Gayunman...

Ang mga anyong may matingkad na damit ay mas mapanganib pa kaysa sa kaniyang inaasahan. Matapos nito, ang taong may pakpak ay lumitaw sa harap ni Zhao Feng.

Sa larangan ng bilis, ang taong ito ang siguradong pinakamabilis at kapantay si Zhao Feng.

Kasabay nito, ang anyong may hinahagis na patalim ay umatake kay Zhao Feng.

Ang taong may pluta ay naglabas ng matinis na shock wave papunta sa tainga ni Zhao Feng.

"Mapanganib."

Naramdaman ni Zhao Feng na sumakit ang kaniyang ulo.

Ang apat ay hindi pa siya pinapahirapan o nasa desperadong sitwasyon na siya.

"Bilang apat, bumalik ka at iulat na ang young master ay sinusubukang tumakas."

Utos ng pinunong may hinahagis na patalim.

Shua!

Ang anyong may pluta ay kaagad na umalis papunta sa direksyon ng Flooding Lake City.

Ang puso ni Zhao Feng ay nayanig. Ang apat na ito ay napakadalubhas at alam kung ang mental energy attack ay hindi nakaapekto kay Zhao Feng masyado, kaya pinabalik ang isa.

Ang natitirang tatlo ay kailangang pigilan si Zhao Feng sa pagtakas.

Si Zhao Feng ay makakatakas lang sa tatlong direksyon dahil ang isa ay bumalik sa Flooding Lake City.

"Matalino, nakakamatay, mapanganib..."

Hindi maiwasang huminga nang malalim ni Zhao Feng.

Sa wakas ay napagtanto na niyang kung hindi niya ginawa ang kaniyang makakaya, talagang mapipigilan lang siya.

Habang nandito ang gumagamit ng punyal, hinahagis na patalim. at may pakpak, walang ibang nagawa si Zhao Feng kung hindi panoorin ang taong may plutang pabalik sa Flooding Lake City.

Ang natitirang tatlo ay bumuo ng tatsulok at hindi humiling ng tagumpay. Ang kanilang pakay ay ang mapigilan lang si Zhao Feng.

"Mayroon na lang natitirang dalawampung hininga para sa akin."

Kalkula ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Sa loob ng sampung hininga, ang taong may pluta ay kayang makahingi ng tulong at sa natitirang sampu, ang mga eksperto sa paligid ay makakarating na.

Makalipas ang dalawampung hininga, si Liu Yuan na nasa True Spirit Realm ay makakapansing may kakaiba at magdadala pa ng dagdag na mga eksperto.

Dagdag pa rito, sa kalahating oras na ginugugol sa paggawa ng tsaa, ang Flooding Lake City ay makakatanggap ng ulat ng 'pagtakas' ni Zhao Feng.

Dahil dito...

Si Zhao Feng ang hahabulin ng Flooding Lake City kapag siya ay napigilan.

Ang ibig sabihin nito ay tanging dalawampung hininga ang makapagsasabi ng kapalaran ni Zhao Feng.