Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 274 - Ring of Lightning

Chapter 274 - Ring of Lightning

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay sinuri ang sitwasyon.

Gayunman, ang tatlong itim na anyo ay alam na ito.

Ang kaisa-isa nilang pakay ay ang mapanatili si Zhao Feng.

"Simulan na natin, tatalunin kita sa loob ng dalawampung hininga."

Ang azure na buhok ni Zhao Feng ay nilipad habang an kaniyang God's Spiritual Eye ay mas naging matalim.

Weng~

Isang malabong azure na dugo ang gumalawa sa loob ng katawan ni Zhao Feng at nakabuo ng tila isang salamin na tatoo, na nagbigay ng elegante at misteryosong pandama.

Matapos na maibunyag ang bloodline power, ang mga kilay ni Zhao Feng ay naging azure at kapansin-pansing tumaas ang kaniyang aura.

Ta!

Sigaw ni Zhao Feng nang maglabas ng mental energy wave papunta sa direksyon ng tato.

"Ancient bloodline!"

Ang mga ekepresyon ng tatlo ay halatang nagbago nang ipinalaganap nila ang kanilang True Force sa sukdulan at isinara ang kanilang bibig, ilong, at mga tainga.

Gayunman, kahit na ganoon, may lumabas na dugo sa taong nasa harapan.

Lumalaban sa tatlong mga cultivator na nasa half-step True Spirit Realm at may kalamangan pa rin.

"Huwag na kayong magpigil ngayon! Gamitin ang lahat ng ating lakas para pigilan siya!"

Ang itim na anyong may hinahagis na patalim ay ikinumpas ang kaniyang kamay at hinarangan ang daang maaaring takasan ni Zhao Feng.

Kasabay nito…

Parehong ang may pakpak at punyal ay mas umatake nang mas mabilis.

Ang kapangyarihan ng tatlo ay nakaabot na sa panibagong lebel.

Ayon sa nakaraang karanasan, wala pang nasa True Spirit Realm ang kayang makatagal ng sampung hininga sa mga pinagsamang atake ng tatlo. Noong ang magkakasama pa silang apat, kahit ang mga normal na ekspertong nasa True Human Rank ay mapipigilan.

Gayunma, ang youth sa kanilang harapan ay mayroong bloodline power at ang atakeng may kidlat at kayang makipagpalitan ng atake sa tatlong nasa True Spirit Realm.

Habang mas lumalaban ang tatlo, mas nagugulat sila. Kahit anong technique ang kanilan gamitin, ang lahat ng ito ay napipigilan ni Zhao Feng.

Matapos mailabas ang kaniyang bloodline power, kahit sino ay kayang durugin ni Zhao Feng.

Kung hinid dahil sa katotohanang perpekto ang pagtutulungan nang magkakaksama. Mahihirapan pa rin silag mapigilan si Zhao Feng.

Shua----

Ang mga galaw ni Zhao Feng ay tila kidlat at ang kaniyang God's Spiritual Eye ay lumalaban.

Makalipas ang sampung hininga..

Mababakas sa tatlong anyo ang mga sunog at marka ng dugo sa tatlong anyo.

"Mayadong kakaiba, lahat ng ating mga galaw ay hindi makaiwas sa kaniyang mga mata."

"Ito ang eye bloodine ng young master. Kaming tatlo ay hindi niya katumbas kapag pinagsama.

"Itinago niya ang kaniyang sarili nang napakalalim. Malamang ang City Lord hindi ito pinag-isipang naaayos ito.

Ang mga mata ng tatlo ay napuno ng gulat.

Sa bawat hiningang lumipas, ang kalamangan ni Zhao Feng ay magyayabong at pipigilan sila.

Ang Lightning Inheritance ni Zhao Feng ay nakumpleto na ang unang hakbang at ang kaniyang kontrol at paggamit sa kidlat, ang paggamit ng kidlat ay nakalagpas na sa hangganan ng Lightning Wind Palm.

Atake, depensa, galaw, skill…. ang bawat galaw ni Zhao Feng ay may kidlat.

"Hindi pa ba kayo kikilos?"

Si Zhao Feng ay lumapit nang may malamig na ekspresyon.

Siya ay nagpipigil ngayon dahil ayaw niyang mapatay sila.

Kahit na gusto niyang tumakas, hindi niya nakita ang Flooding Lake City Lord o kahit si Liu Qinxin bilang mga kalaban. Kahit na anong gawing plano ng City Lord, hindi siya nagkaroon ng masamang pagnanasa para kay Zhao Feng.

Dagdag pa rito, ang mga taong ito ay sinubukan lang siyang pigilan at hindi patayin siya.

Ang ibig sabihin nito ay nagpipigil lang ang parehong panig at ayaw masaktan ang bawat isa.

"Young master, hinahangaan namin ang iyong lakas. Kahit na ang lahat ng "Dark Wing Four Shadows" ay nandito, hindi pa rin namin nais na makatapat mo."

Sabi ng nangungunang naghahagis ng patalim.

Sa puntong ito, hinangaan niya ang kapangyarihan ni Zhao Feng sa labanan.

Ang Dark Wing Four Shadows ay isang grupo ng mga dalubhasa sa pagsubaybay at patagong gawain, kasama na ang pataksil na pagpatay.

Sa loob lang ng sampung hininga ay nakagamit sila ng hindi mabilang na mga skill at ang mga karaniwang cultivator na nasa half-step True Spirit Realm ay ilang beses na sanang napatay.

Gayunman, ang mata ni Zhao Feng ay tila walang magawa at gumamit ng kidlat-na madaling paraan para sirain ang kanilang pagsasama.

Kung nanaisin ni Zhao Feng, kaya niyang patayin ang isa sa mga ito.

"Young master, alam naming nagpipigil ka ngunit ang aming katungkulan ay ang pigilan ka, kahit na ang kapalit nito ay ang aming kamatayan."

Sabi ng gumagamit ng punyal nang may naiinis na ngiti ngunit ang kaniyang mga mata ay puno ng pagdedesisyon.

"Young master, bakti ninyo kami pinipilit? Ang itsura ng anak na babae ng City Lord ay perpekto, talentado at ipinanganak nang maharlika….."

Paghikayat ng tatlong itim na anyo.

Kung ang mahirap na paraan ay hindi gumana, ang gagamitin na lang nila ay ang madaling paraan.

Sa kabilang banda…

Ang gumagamit ng pluta mula sa Dark Wing Four Shaows ay dumating na sa City Wall.

Sa City Wall…

Isang youth na may lilang baluti ang tumingin sa nangyayari at nagtatakang sinabi: "Anong nangyayari? Mukhang sila ay nag-aaway. Si Zhao Feng at ang Four Shadows?"

Ang youth na may lilang baluti ay ang taong bumati kay Zhao Feng, Uncle Liu, at ang kanilang kompanya, "Liu Yuan," isang henyo ng mas batang henerasyon.

Siya rin ang nagsabi kay Zhao Feng ng labanan para sa asawa.

Matapos na maging magang na lalaki ng City Lord ni Zhao Feng, si Liu Yuan ay walang magawa hund hindi mainggit, magselos, at magbuntong-hininga.

"Bakit aatakihin ng Four Shadows si Zhao Feng? Hindi ba siya ang manugang na lalaki ng City Lord?"

Naisip ni Liu Yua ngunit kahit na anong isip niya, hindi niya inakalang su Zhao Feng ay tatakas mula sa kasal.

Ito ang pangarap ng hindi mabilang na mga lalaki na mapakasalan ang taong katulad ni Liu Qinxin.

"Ang manugang na lalaki ng City Lord ay gustong tumakas mula sa kasal. Lahat kayo ay tumulong!"

Ang gumagamit ng pluta ay kumuha ng isang token.

"Ano? Gustong tumakas ni Zhao Feng sa kasal?"

Ang bibig ni Liu Yuan ay malaki para makasubo ng isang mansanas.

"Bakit ka nakanganga? Kailangan kong mag-ulat sa City Lord."

Ang itim na anyo ay nawala nang nagmadali papunta sa Flooding Lake City.

"Dali! Dali! Pumunta ang mga elite at hulihin ang manugang na lalaki ng City Lord."

Noon lang naapektuhan si Liu Yuan.

Sa sandaling ito, ang kaniyang mga emosyon ay napakagulo.

Siya ang taong tumanggap kay Zhao Feng sa Flooding Lake City at nagmungkahi sa kaniyang pumunta sa labanan.

Ngayon ay siya rin ang huhuli kay Zhao Feng.

Nang matipon na ni Liu Yuan ang mga elite, sampung hininga na ang nakalipas.

Sampung hininga…. Siyam na hininga… Walong hininga…

"Ang suporta ay darating na rito."

Ang tatlong anyong may itim na damit ay kumapit kay Zhao Feng at ipinalaganap ang kanilang Qi of True Spirit.

"Mukhang ito ang magiging kabayaran."

Si Zhao Feng ay bahagyang nagbuntong-hininga nang biglang lumitaw sa gitna ng tatlo.

Isang mahinang azure na hangganan ng kidlat ang lumitaw na tila mga sapot ng gagamba. Kahit anong atakeng lumapit ay magiging abo dahil sa kidlat.

Ang depensang ito ang dahilan kung bakit hinarap ni Zhao Feng ang tatlong nasa half-step True Spirit Realm nang may lakas ng loob.

Ang God's Spiritual Eye ay lumaki at bigla niyang ibinuka ang kaniyang mga braso.

Ang Heaven Earth element ng Kidlat ay biglang naging magulo.

Sa sandaling ito…

Ang pag-intindi sa Lightning Inheritance sa isip ni Zhao Feng ay nakarating na sa hangganan.

Ang katahimikan bago ang bagyo ang nagpatigil sa paghinga ng tatlo.

"Hindi ito maganda!"

"Siya ay gumagamit ng malakas na technique!"

Nahirapan ang tatlong huminga at ang hangin ay tila nagpapamanhid ng kanilang buong katawan.

"Ring of Lightning!"

Ibinuka ni Zha0 Feng ang kaniyang mga braso habang sunod-sunod na mga bilog ng kidlat ang nabuo at kumalat sa lahat ng direksyon.

Ang mga bilog ng kidlat at kumalat sa lahat ng direksyon sa dalawampung yarda ang layo sa hangin at ang lupa malapit sa paa ni Zhao Feng ay nasunog.

"Ahh!"

Ang tatlong anyong may itim na damit na nakapaligid sa kaniya ay agad na nanginig na tila nagkakaroon ng kombulsyon.

Ang unang hininga…

Ang tatlo ay patuloy na nanginig.

Ang ikalawang hininga…

Ang pinakamalapit na anyong may itim na damit ay nahulog sa lupa nang may itim na paa.

Ang ikatlong hininga, ikaapat na hininga…. Ang dalawa pa ay nahulog sa lupa nang hindi makontrol.

Ang "Ring of Lightning" ay isang malaking atake na nakakapagpamanhid sa kalaban.

Plop! Plop! Plop!

Ang tatlong anyong may itim na damit ay nahulog sa lupa nang may gulat.

Kung hindi nila nagamit ang lahat ng kanilang Qi of half-step True Spirit Realm para protektahan ang kanilang katawan, sila ay magiging tatlong bagay na sunog.

Hu~

Si Zhao Feng ay huminga nang malalim at ibinaba ang kaniyang mga kamay habang nawala ang kaniyang mga bilog ng kidlat.

Gamit ang Ring of Lightning sa ilang hininga ay naranasan ang isang kapat ng True Force ni Zhao Feng. Mula rito, makikita kung gaano karamingn lakas ang kailangan ng galaw na ito.

"Young… young master…."

Ang tatlong anyng may itim na damit ay hindi makapagsalita nang maayos.

Sa sandaling ito, ang tatlong ekspertong nasa half-step True Spirit Realm ay nahulog sa lupa nang may tanging 30% lang ng kanilang natirang lakas, walang naibibigay na panganib kay Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay naglabas ng mahalagang True Yuan Pill para manumbalik ang kaniyang lakas.

Sa parehong oras, pinlabas niya rin ang Azure Sharp Swallow bago maghandang umalis.

"Zhao Feng….. Huwag mong subukang tumakas."

Pinangunahan ni Liu Yuan ag dalawang pinunong guwardiyang nasa half-step True Spirit Realm na may mahigit 100 na grupo sa kanilang likod.

Habang nakatingin sa tatlong anyong may damit na itim, si Liu Yuan ay nagulat. Nasaksihan niya ang Ring of Lightning ni Zhao Feng at kung paano niya napawala ang kanilang lakas.

"Liu Yuan, huli ka na masyado."

Si Zhao Feng ay ngumiti at pumunta sa Azure Sharp Swallow. Hindi niya kailangang alalahani kung napapaligiran na siya. Ang kapangyarihan ng Dark Wings Four Shadows ay ang manggaya.

Malakas ang loob ni Zhao Feng na durugin ang grupong ito hanggang sa mawala.

"Zhao Feng, kung mayroon kang mga skill, labanan mo ako nang mag-isa!"

Sigaw ni Liu Yuan habang tumaas ang kaniyang pagnanasang lumaban.

Ang pagkasaksi sa lakas ni Zhao Feng ang nakapagpalabas ng kaniyang lumaban.

Ang pagtakas ni Zhao Feng ay siguradong makakapagpagalit sa City Lord at sa pamilyang Liu.

"Hehe, kalabanin ka nang mag-isa?"

Si Zhao Feng ay nakatayo sa Azure Sharp Swallow at tumingin kay Liu Yuan at kaniyang grupo nang may panloloko.

"Susubukan mo ba? Lahat kayo ay lumayo nang dalawampung yarda."

Sinubukang galitin ni Liu Yuan si Zhao Feng at sinabihan ang mga taong tumigil.

Hindi naman problema kung gustong lumaban ni Zhao Feng o hindi. Ang dapat lang niyang gawin ngayon ay ang gumawa ng sitwasyon kung saan kahit na matalo siya, ang mga suporta ay darating.

"Bakit hindi?"

Si Zhao Feng ay tumayo nang nasa likod ang mga kamay at tumingin sa grupo ng 100 mga tao.

Kahit na nagamit na ang karamihan ng kaniyang True Force, mayroon pa rin siyang mental energy at ang pagtapos sa grupong ito ay mas madali.

"Hahaha… lalaban kami nang patas."

Si Liu Yuan ay napakasaya at sumigaw nang sumugod kay Zhao Feng.

"Pagdesisyunan ang laban sa isang galaw."

Si Zhao Feng ay hindi gumalaw at binuksan ang kaniyang God's Spiritual Eye. Isang azure abyss ang tula umikot.