Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 271 - Kumpletong Plano

Chapter 271 - Kumpletong Plano

Nang nasiwalat ang katotohanan, parehong si Zhao Feng at Tiegan Master ay nagulat.

Ang taong hinanap ni Zhao Feng ay ang Empress Qin ng Imperial family.

Sa Great Canopy Country, ang mga Imperial ang mga pinuno at bilang karapatan, ang tatlong sect at apat na pamilya ay dapat na makinig sa kanila.

Nang maisip ito, nagsalubong ang kaniyang mga kilay at nagbago ang kaniyang ekspresyon nang alalahanin ang impormasyon.

Kung hindi siya nagkakamali, ang mga Imperial at ang Iron Blood Religion ay parang apoy at tubig.

Ang mga Imperial ang mga pinuno sa pangalan habang ang Iron Blood Religion ay isang relihiyong gumagamit ng hindi magandang paraan para durugin ang kanilang mga kalaban.

"Si Empress Qin ay isang taong inaakit ang bawat may buhay at gustong kontrolin ang bansa. Siya ay isang mortal na kaaway Iron Blood Religion."

Sabi ni Tiemo nang walang ekspresyon.

Nang marinig ito, kinabahan si Zhao Feng.

Ang Iron Blood Religion at Imperial family na pinanggalingan ni Lin Qinxin ay mga kalaban.

"Kung kukunin ko ang mensahe at pupunta kay Empress Qin, ang ibig sabihin ba nito ay...."

Hindi maiwasang mag-alala ni Zhao Feng. Napagtanto rin ni Tiegan Master ang puntong ito at tumingin kay Tiemo.

Ang mga mata ng may kulay dugong buhok na si Tiemo ay nagliliwanag bago siya magsalita, "Kahit na anong mangyari ay nagsilbi ka para sa Iron Blood Religion at sa akin. Pinaghiwalay ko ang aking pagtanaw ng utang na loob at sama ng loob, kaya hindi kita aabalahin.

Nakahinga nang maluwag si Zhao Feng nang matanggap ang sagot.

Nag-alala siyang ang Iron Blood Religion ay pipilitin siyang gumawa ng desisyon ngunit kahit na hindi niya inabala si Zhao Feng, naramdaman nitong sumakit ang kaniyang ulo.

Ang Iron Blood Religion at ang Imperial family ay hindi makatiis sa bawat isa.

Kapag bumuo siya ng magandang relasyon kasama ang Iron Blood Religion, maaari siyang maging kaaway ng Imperial family na kasama si Empress Qin.

Gayunman, kung iniabot niya ang mensahe at napagkasunduan ng Imperial family, nangangahulugan itong magiging kalaban siya ng Iron Blood Religion.

Kahit anong piliin niya, magiging kaaway si Zhao Feng ng isang panig.

Pagkatapos magawa ang sandata, agad na nagpaalam si Zhao Feng para umalis.

Ang pinakamahalagang gawain sa kaniyang harapan ngayon ay kung paano siya makaatakas sa 'kasal' na ito.

Pagkatapos mapaalis si Zhao Feng, tinanong ni Tiegan Master, "Deputy Patriarch, hindi ka ba nag-aalalang baka gamitin ng Imperial family si Zhao Feng? Ang bloodline power ng kaniyang mata ay pambihira."

"Kailangan mong tignan ang lahat nang mas malalim pa. Kung pinilit ko siya ngayon, hindi siya magiging tapat. Dagdag pa, si Empress Qin ay ipinanganak dito. Anong relasyon ang kaniyang mabubuo kasama ang isang taong mula sa labs ng Canopy Great Country?"

Ang mga mata ng lalaking may buhok na kulay dugo ay malalim.

"Sinasabi mo bang si Zhao Feng at Empress Qin ay walang masyadong koneksyon sa pagitan nilang dalawa?"

Mukhang naiintindihan ni Tiegan Master.

"Hehe."

Isang kakaibang ngiti ang mababakas sa mukha ng lalaking may buhok na kulay dugo, "Ang sagot ay mabubunyag sa hindi katagalan. Makikita natin kung ako ba ay tama o mali sa oras na iyon."

Pagkarating sa siyudad..

Kaagad na ipinatawag ng City Lord si Zhao Feng.

Tanging kalahating buwan na lang ang natitira bago ang kasal ni Zhao Feng at Liu Qinxin.

"Wala ka nang kailangang gawin simula ngayon. Ituon mo na lang ang iyong pansinsa paghahanda para sa kasal."

Sabi ng Flooding Lake City.

Sa oras na ito, ang balita ng kasal ni Zhao Feng at ang anak ng City Lord ay kumalat na sa buong Flooding Lake City.

Ang City Lord Palace ay naghahanda na at ang buong Flooding Lake City ay puno ng saya ang kapaligiran.

Mas nahirapan si Zhao Feng.

Habang lumalapit ang araw ng kasal, mas bumaba ang pagkakataon niyang magtagumpay sa balak niyang pagtakas.

Ang lahat ng ito ay naplano na ng City Lord ang bawat hakbang; hindi niya binigyan ng daan si Zhao Feng para makatakas.

Kung kahit sinong lalaki itong nakaharap ang isang babaeng tulad ni Liu Qinxin, kahit na alam nilang plano lang ang kasal para panatilihin siya, sila ay papayag pa rin.

Si Liu Qinxin ay isang walang kapintasahang magandang babae at tila isang diyosa.

Ang kaniyang talento, karanasan, at iba pang mga aspeto ay perpekto lahat.

Gayunman, si Zhao Feng ay walang balak na maikasal.

Siya ay tanging 16 taong gulang at gustong ituon ang pansin sa cultivation. Wala siyang alam sa mga lalaki at babae.

Ang lahat ng ito ay plano ng City Lord at 'itinadhana' dahil ang munting pusang magnanakaw ay kinuha mula sa belo ni Liu Qinxin.

Ngunit sa harapan ng City Lord, si Zhao Feng ay sumang-ayon sa lahat.

"Kung magiging manugang na lalaki ka ng pamilyang Liu, huwag kang lumapit sa Iron Blood Religion."

Babala ng Flooding Lake City.

Hindi nagtagal ay napagtanto ni Zhao Feng na si Empress Qin ay nagmula sa sangay ng pamilyang Zhao.

Bilang parte ng Imperial family, as partilukar na antas, kinakatawan nito ang relasyon sa pagitan ng pamilyang Liu at Imperial family.

Kung ang pamilyang Liu at Imperial ay may mabuting relasyon, ibig sabihin ay ang Iron Blood Religion ay nasa kabaligtaran.

Matapos magpaalam sa City Lord...

Si Zhao Feng ay bumalik na sa kaniyang bahay at sinuri ang paligid gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Sa oras na ito, ang kaniyang puno pagkaseryoso.

May isang eksperto ngayon na nasa True Spirit Realm.

Dahil malapit na ang kasal at ang kaniyang relasyon kasama ang Iron Blood Religion, ang Floofing Lake City ay nagpadala ng isang ekspertong nasa True Spirit Realm para 'protektahan' si Zhao Feng.

Habang may isang ekspertong nasa True Spirit Realm na nagbabantay kay Zhao Feng, ang hirap ng kaniyang pagtakas ay lubhang tumaas.

Huminga nang malalim si Zhao Feng at nagsimulang palaganapin ang kaniyang cultivation.

Dahil may isang ekspertong nasa True Spirit Realm, hindi na kailangang itago ang kaniyang lakas.

Sa parehong gabi, siya ay 'nakalagpas' na sa Seventh Sky.

Ang paglagpas sa pagkakataong ito ay hindi na kailangang patatagin dahil si Zhao Feng ay 'bumabalik' sa kaniyang orihinal na cultivation.

"Parehong ang cultivation at pundasyon ay mas matatag kaysa dati."

Si Zhao Feng ay tumango.

Kahit na nasa Seventh Sky na siya noong una, siya ay mas malakas ngayon kaysa noong siya ay nasa Alliance Banquet.

Pagkatapos ng Alliance Banquet, nakapasok na si Origin Core Ruins at ang kaniyang mental energy ay nakalagpas na sa True Spirit Realm.

Dagdag pa rito, ang unang hakbang ng Lightning Inheritance ay kumpleto na ngayon. Ang lahat ng kaniyang katangian ay mas mabuti kaysa noon.

Ang balita ng nagawa ni Zhao Feng ay nakarating agad panig ng City Lord.

"Ang young master ay nakalagpas na at nagsasabing kailangan niyang patatagin ang kaniyang cultivation, kaya isinantabi ang paghahanda para sa kasal."

Sabi ng isang tagapaglingkod.

"Ang makalagpas sa isang lebel ay mabuti. Gawin mo ang lahat para matanggal ang mga maliliit na bagay para sa kaniya."

Ang Flooding Lake City Lord ay mababakasan ng paghanga sa kaniyang mukha.

Una, ang paglagpas sa cultivation ay totoong kailangang mapatatag. Ikalawa, ang bagong cultivation ni Zhao Feng ay mas mahalaga kaysa maging asawa ni Liu Qinxin.

"Isa pang bagay, sabihin mo sa kaniyang tanggalin ang kaniyang takip sa mata sa araw ng kasal. Ang isang henyo na may bloodline power ay higit pa sa sapat para kay Liu Qinxin."

Sabi ng City Lord at hindi nagtagal ay nakarating na kay Zhao Feng ito.

"Mabuti, ang pagtakas ngayon ay mangangailangan ng kapangyarihan ng God's Spiritual Eyes."

Dahan-dahang tinanggal ni Zhao Feng ang takip sa mata.

Matapos makarating mula sa Tiegan Palace ay nakatanggap siya ng isang bagong takip sa mata. Ito ay kulay malabong pilak at kasignipis ng isang patalim, at napakaganda.

Sumunod…

Gamit ang rasong pagpapatatag sa kaniyabng pundasyon, nagsimula ni Zhao Feng sa kaniyang pagtakas.

Kahit na hindi siya gaanong lumalabas, siya ay palaging nagpaplano.

Ipinapadala nga niya ang munting pusang magnanakaw para magawa ang mga bagay na hindi niya magawa.

Ang munting pusang magnanakaw ay maliit at magaling sa pagtatago kaya nagagawa nito ang mga bagay nang napakadali.

"Ang tanawin ng City Lord's Palace at Flooding Lake City ay pamilyar na lahat sa akin…"

Inisip ni Zhao Feng.

Sa kaniyang kasalukuyang cultivation, hindi siya takot sa paghabol ng dalawa hanggang tatlong mga cultivator na nasa half-step True Spirit Realm.

Ang mga pinakamapanganib na tao ay ang ekspertong nasa True Spirit Realm na kakarating lang.

Ang pangalan ng taong ito ay Liu Yuan (ibang tao) at sinasabing pamangkin ng City Lord. Siya ay nagcultivate na sa Qin Sword Palace noon at ginagamit ang ngalan ng pagpoprotekta sa manugang na lalaki ng City Lord para manatili ito.

Ang araw ng kasal ay lumalapit na – tanging lima hanggang anim na araw na lang ang natitira.

Sa araw na ito.

Ang mga paghahanda ni Zhao Feng ay kumpleto na at handa nang 'lumabas sa pagpapatatag.'

Ang unang ginawa ni Zhao Feng ay hindi ang hanapin si Liu Qinxin o batiin ang City Lord.

Ang kaniyang pakay ang ang ekspertong nasa True Spirit Realm.

"Uncle Yuan, kakatapos ko lang patatagin ang aking cultivation at mayroon akong maraming tanong tungkol sa martial arts."

Si Zhao Feng ay pumunta sa ekspertong nasa True Spirit Realm.

"En."

Si Liu Yuan ay tumango. Bilang mas matanda, hindi siya tumanggi – maraming mga junior ang nagtatanong ng panubay mula sa kaniya. Dagdag pa rito, ang youth sa kaniyang harapan ay ang manugang na lalaki ng City Lord at ang young master ng Flooding Lake City sa hinaharap.

Kasabay nito…

Inisip ni Lin Yuan, "Gagamitin ko ang pagkakataong ito para subukin ang batang ito."

Si Zhao Feng ay napapalibutan ng misteryosong belo at ang kaniyang eye bloodline power at isang bagay na kahit ang City Lord ay gustong malaman.

Unang nakita ni Zhao Feng si Lu Yuan para magtanong ng mga bagay tungkol sa cultivation at nagmungkahing magharap nang saglit.

Ang kaniyang layunin ay halatang para masubok ang ekspertong ito.

Si Liu Yuan ay maaaring maituring na isang half-disciple ng Qin Sword Palace.

Ang Qin Sword Palace ay isa sa tatlong sect ng bansa at may mabuting relasyon sa pamilyang Liu at Imperial family.

Sa larangan ng labanan, karaniwan silang gumagamit ng mga Qin, espada, panulat, ang mga pluta na may taglay na pagkamaharlika.

Ang sandata ni Liu Yuan ay isang itim na panulat at sa tuwing iwinawasiwas niya ito, ang Qi of True Spirit ay naglalabas ng malaking aura.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay bumukas at sinuri ang paraan ng paglaban ni Liu Yuan.

"Maharlika, kaaya-aya, elegante…Ang atake at depensa ay parehong karaniwan ngunit ang kaniyang bilis at liksi ay siguradong hindi mabagal."

Ang nagsuri ni Zhao Feng.

Ang lakas na kaniyang ipinakita ay malapit sa karaniwang cultivator ng half-step True Spirit Realm sa Canopy Great Country na bahagyang mas malakas kaysa sa half-step True Spirit Realm sa Thirteen Countries.

Dahil sa God's Spiritual Eye, si Zhao Feng ay nakapagpalitan ng mga galaw kay Liu Yuan. Syempre, ipinakita lang ni Liu Yuan ang 30% ng kaniyang totoong lakas. Ang pagitan ng True Spirit Realm at Ascended Realm ay masyadong malaki.

Pagkatapos ng paghaharap nang halos isang oras, natapos na si Zhao Feng na suriin si Liu Yuan at para magpasalamat dito, nag-alok siyang sanayin ang lumilipad na alaga ni Liu Yuan.

Noong una ay gustong tumanggi ni Liu Yuan ngunit sa katapatan at layunin ni Zhao Feng na tumulong, pumayag na siya. Nabalitaan niya ang beast taming skills ni Zhao Feng.

Dalawang oras ang makalipas…

Si Zhao Feng at ang kaniyang munting pusang magnanakaw ay nagsama para paamuhin ang "Phosphorous Coloured Swallow." Ang alaga at mukhang matalino at malapit sa amo nito.

"Maraming salamat."

Si Liu Yuan ay labis na natuwa ngunit hindi alam na simula noong umpisa ay nagplano na si Zhao Feng laban sa kaniya at nagtagumpay na.

Tagumpay!

Si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw ay nagtinginan bago bumalik.

Ang lahat ay naaayon sa plano.