Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 272 - Kaguluhan

Chapter 272 - Kaguluhan

Ang buong Flooding Lake City ay napuno ng masayang kapaligiran dahil sa kasal.

Tanging tatlong araw na lang ang natitira bago ang kasal ng anak ng City Lord at ang mga puno sa loob ng City Lord's Palace ay nilagyan ng mga pulang selda.

Sa oras na ito, hindi lang natapos ang plano ni Zhao Feng, pati ang paghahanda para sa kasal ay tapos na rin.

"Oras na. Mas maraming tao ang narito, mas madali ito."

Si Zhao Feng ay lumabas ng silid.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw at umupo sa kaniyang balikat at sinuri ang paligid gamit ang mga obsidian nitong mata habang nakikiapag-usap ito sa ilang mga halimaw na malapit.

Sa sandaling umalis si Zhao Feng, si Liu Yuan at ang apat na nas ahalf-step True

Spirit Realm ay sumunod sa kaniya, na hindi lumalayo sa isang daang yarda mula sa kaniya.

Sa mga karaniwang pagkakataon, habang may nagbabantay sa kaniyang apat na nasa half-step True Spirit Realm, halos imposible na para kay Zhao Feng na makatakas.

Dagdag pa rito, si Liu Yuan ay nasa True Spirit Realm din.

Si Zhao Feng ay naglakad patungo sa lokasyong may maraming tao at tumango: Ang kaniyang plano ay mag-uumpisa na.

Kapag nag-umpisa na ang plano, ang City Lord Palace ay magkakagulo.

Sa mismong sandaling ito…

"Young master, sinusubukan ni mistress ang kaniyang damit. Ipinapatawag kayo ng City Lord."

Ang tagapagbantay ng City Lord Palace ay pumunta nang may namumulang mukha.

Ang katawan ni Zhao Feng ay nanigas nang pilit na pinigilan ang kaniyang kilos.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw sa kaniyang balikat ay mukhang hindi nasisiyahan.

"Sige."

Si Zhao Feng ay tumango at nag-isip, "Ay, bibigyan ko ang aking magiging asawa ng paliwanag, o kahit isang sulat."

Ang tagapagbantay ay dinala si Zhao Feng sa isang maliwanag na silid at ilang mga tagapaglingkod ang pumunta para ayusin ang kaniyang buhok.

Hindi nagtagal ay nagsuot na si Zhao Feng ng suit na nakapagpaningning ng mga mata ng mga nasa paligid.

Ang anyo ni Zhao Feng ay matangkad at ang kaniyang azure na buhok ay tila isang purong jade, na mas maganda sa selda.

Ang ang kaniyang dalawang mata ay parang mga bituin.

Lalo na ang kaniyang kaliwang mata, ito ay azure na tila isang kayamanan ngunit kasabay nito, ito ay kasinglalim ng abyss.

Si Zhao Feng ay nababalot ng kakaibang misteryosong aura at pagkatapos magdamit, napuno siya ng kaunting init.

Nang makalabas ng silid, nakita rin ni Zhao Feng ang nakabihis na si Lin Qinxin.

Ang mga kilay ni Lin Qinxin ay tila isang disenyo, at tila tubig ang kaniyang mga mata. Sa oras na ito, ang kaniyang belo ay tinaggal na, na nagpakita sa kaniyang walang katulad na ganda at naibunyag ng kalmadong aura ang kaniyang pagka-elegante.

Dahil sa pampaganda, ang mga pisngi ni Liu Qinxin ay bahagyang mapula, na naipapakita ang kaniyang alindog.

"Hindi na masama, hindi na masama! Makisig na asawa, magandang maybahay!"

Tumawa sa kagalakan ang City Lord.

Si Lin Qinxin ay perpekto. Mahihirapan si Zhao Feng na makakita ng ganitong antas ng kagandahan.

Dahil sa takip sa mata ni Zhao Feng, ang kaniyang bloodline power ay naipakita ang kaniyang misteryosong pagkamaharlika.

Sa Canopy Great Country, ang mga bloodline ay hindi alamat. Ang Imperial at ang apat na pamilya ay may bloodline lahat; na isang tanda ng pagkamaharlika.

Dagdag pa rito, si Zhao Feng ay mayroong hindi karaniwang bloodline.

Samakatuwid, ang Zhao Feng sa oras na ito ay walang ekspresyon, maharlika, at misteryoso. Nakamit na niya ang pinapangarap ng karamihan.

Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay mayroong makalumang aura at nagdadala ng puwersa kahit saan mapadpad ang kaniyang tingin.

Ang maliit na bilang ng mga taong may bloodline na naroon ay nakaramdam ng pagkabalisa at panginginig ng kanilang bloodline.

Kasama rito si Liu Qinxin at ang Flooding Lake City Lord.

"Ang bloodline ng batang ito ay mas malakas kaysa sa inaasahan ko. Siguradong maikukumpara ito sa Imperial bloodline, kung hindi ito mas malakas dito. Dagdag pa, ito ay kakaibang bloodline."

Sa mas madalas na pagtingin ng City Lord kay Zhao Feng, mas natutuwa at nagmamalaki siya sa kaniyang 'plano'.

Habang nag-iisip na ang kaniyang hinaharap na manugang ay may isang maharlikang bloodline na maaaring makalagpas sa Imperial family, siya ay labis na nagmamalaki.

Sa Canopy Great Country, ang mga pamilyang may bloodline ay pumipili ng mga karelasyong may bloodrine din.

Ang eye bloodline na mayroon si Zhao Feng ngayon ay walang kakulangan na makita ang upper echelon ng pamilyang Liu.

Dagdag pa, ang youth na ito ay isang kakaibang beast tamer din.

Si Liu Qinxin ay nakadamit ng pula at mukhang isang pinakaperpektong maybahay.

Sinuri ng kaniyang kaakit-akit na mata ang kaniyang magiging asawa.

Masasabing naaabot nito ang kaniyang pamantayan para sa kaniyang gustong asawa sa lahat ng aspeto.

Ang punto ay siya ang 'itinadhana' sa kaniyang buhay.

Sinabi ng kaniyang Master na kahit na gaano kapanget walang kwenta ng itinadhanang tao para sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ito.

Ngunit sa kasamaang palad, ang taong ito ay misteryoso at mayroong eleganteng bloodline.

Syempre, kung mas mabait siya, magiging perpekto na ang lahat.

"Gusto kong kausapin si Qin'er nang kami lang dalawa."

Ang hindi karaniwang mahinang boses ni Zhao Feng ay narinig, na nagpayanig sa puso ni Qinxin.

Hindi niya maiwasang maisip ang kaniyang Master na nagpakadalubhasa sa Dao ng kaniyang buhay. Ang kaniyang Master ang dahilan ng kaniyang pagbabago ng pangalan at nakawin ang hinaharap, na nagbigay sa kaniya ng napakahusay na asawa.

Habang nag-iisip nito, mababakas sa kaniyang mga mata ang pagmamalasakit.

"Hahaha, maaari kayong mag-usap na dalawa. Aalis na ako."

Ang Flooding Lakr City Lord ay ngumiti at nawala, na nagbigay ng 'personal na oras' sa dalawa.

Gustong paalisin ni Zhao Feng ang City Lord dahil mas mabuti ito para sa kaniyang plano.

Gayunman, sa sandaling ito, ang kaakit-akit na magandang babae na ang mga mata ay mangiyak-ngiyak na ay nagpahirap sa kaniyang planong pagtakas sa unang pagkakataon.

Ngunit, ang pagdedesisyon at pagkakalmado ni Zhao Feng ang hindi nagpabagay kay Zhao Feng sa kasal. Ang kautusan ng kaniyang Master ay hindi pa nakukumpleto.

Sa kalaliman ng kaniyang puso, may isa pang kahilingan si Zhao Feng: ang mabago ang sitwasyon ng Thirteen Countries at maabot ang tuktok ng Continent.

Si Zhao Feng at Liu Qinxin ay pumasok sa silid nang magkatabi. Sila lang ang tao naroon.

Ang mapagmalasakit na ugali ni Zhao Feng ang nagpasaya at ipinagpapasalamat ni Liu Qinxin sa kaniyang Master na namatay na.

"Feng'er, mayroon akong sikretong sasabihin sa iyo."

Si Liu Qinxin ay ngumiti nang misteryoso.

"Oh?"

Si Zhao Feng ay tumingin sa kaniya at inilabas ni Liu Qinxin ang isang luma at sirang tansong barya: "Ang bagay na ito ay pagmamay-ari ng aking Master. Sinabi niyang ibigay ko ito sa aking magiging asawa.

Kinuha ni Zhao Feng ang barya.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay lumitaw at nang may kasakiman.

"Ang aking totoong pangalan ay Liu Qinxin(琴歆) ngunit para mabago ang aking kapalaran, binago ito ng aking Master sa Qinxin(琴心) at sinabihan akong ibalik ang tunay kong pangalan kapag nakita ko na ang aking asawa."

Matamis na sinabi ni Liu Qinxin.

Liu Qinxin(柳琴歆)..... Liu Qinxin(柳琴心)...."

Sinabi ni Zhao Feng ang dalawang salita at halos makapagmura na.

Ang 歆 at 心 ay binibigkas nang parehas.

Gusto niya talagang hanapin ang orihinal na Liu Qinxin(柳琴心)ngunit, ang master ni Liu Qinxin ay pilit na pinalitan ang kaniyang pangalan para mabago ang kaniyang kapalaran.

P*t*!

Gustong sumabog ni Zhao Feng ngunit biglang nagparamdam ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Ang Master ni Liu Qinxin ay nag-utos na baguhin ang pangalan ng kaniyang disipulo, kaya nagkita sila at naging asawa niya ito. Paano ito naging nagkataon lang?

Umikot ang mata ng munting pusang magnanakaw sa pag-iisp at hindi maiwasan ni Zhao Feng ng tignan ito.

Kumaway ang munting pusang magnanakaw kay Zhao Feng.

"Ano? Kasama ako sa kaniyang pagkalkula?"

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na patunugin ang kaniyang dila.

Ang munting pusang magnanakaw ay umiling, tumango at kumaway ulit. Gayunman, maaaring magulo ang nais nitong sabihin kaya hindi ito maintindihan ni Zhao Feng.

Ngunit ang isang punto ng munting pusang magnanakaw ang naipakita.

Sumenyas itong kunin ni Zhao Feng ang barya. Ito lang ang paraan para mabawi ang mga nawala sa kanila nitong mga nakaraang araw.

"What's wrong?"

Napansin ni Liu Qinxin na ang mukha ni Zhao Feng ay bahagyang kakaiba.

"Wala."

Tahimik na kinuha ni Zhao Feng ang barya at hinila si Liu Qinxin papunta sa kaniyang dibdib. Ang kailangan niyang gawin ay ang mapanatili ito.

Ang mukha ni Liu Qinxin ay kasingpula ng cherry ngunit hindi siya lumaban.

"Tagumpay!"

Nang makita si Zhao Feng na nakuha na ang barya, ang munting pusang magnanakaw ay masayang sumayaw.

Si Lin Qinxin ay bahagyang nahiya at maingat ng itinulak si Zhao Feng palayo. Ang ipinaramdam ng munting pusang magnanakaw sa kaniya ay ang tila pagiging mas matalino pa nito kaysa sa isang lobo. Kung may iba silang kasama, paano niya ipaparamdama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang asawa?

"Qinxin, hindi ko pa natatapos ang aking mga tungkulin sa Canopy Great Country.

Kaya humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng abala na naibigay ko sa iyo sa nakaraan o sa hinaharap."

Malalim na sinabi ni Zhao Feng bago umalis.

Iniisip ni Liu Qinxin na nanghihingi ng paumanhin si Zhao Feng sa hindi niya pamamansin noong una, ngunit hindi ito inisip sa ibang paraan.

Pagkatapos magpaalam kay Qinxin, tinanggal ni Zhao Feng ang kaniyang damit at lumabas sa kaniyang silid.

Hindi nagtagal…

Nakarating na siya sa pasukan ng City Lord Palace.

Ang lugar ay puno ng mga tao.

"Nagsimula na ito."

Sumenyas si Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw.

Sa isang saglit…

Sa kalaliman ng God's Spiritual Eye, isang azure abyss ang nagsimulang umikot.

Isang mahinang tunog ng mental energy ang humalo sa hangin.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay kumaway at dahil napakaraming tao sa paligid, si Liu Yuan at ang apat na nasa hlf-step True Spirit Realm ay walang napansing kakaiba.

Sa mismong sandaling ito…

Puro sigaw at dagundong ang umalingawngaw sa City Lord Palace.

Ang mga alaga ng City Lord Palace ay hindi na makontrol.

Ito ay lalo na sa Spiritual Precious Garden ng City Lord Palace. Ang mga makapangyarihang lumilipad na mga halimaw ay nagsama at sinira ang mga tarangkahan.

Sa sandaling ito, ang mga apoy, hangin, at kidlat ay nagkalat sa hangin.

Ang mga bahay sa paligid ay nasira at nabalot ng usok ang lahat.

Ang mga lumilipad na halimaw na ito ay may nakakasindak na lakas at karaniwang napakamasunurin.

Gayunman, sa sandaling ito, karamihan sa kanila ay hindi na makontrol.

Sa loob lang ng maiksing panahon, ilang mga lumilipad na halimaw ay lumupad palabas ng City Lord Palace at nagdala ng kaguluhan sa Flooding Lake City.

Sa loob ng City Lord Palace, ang mga tagapaglingkod na may mababang cultivation ay nagulat at nagsigawan sa takot.

Ang City Lord Palace ay nasa gitna ng Flooding Lake City at palaging mapayapa. Ang biglaang kaguluhan ay nagdala ng takot sa maraming tao.

Ang mga pinsalang gawa ng mga halimaw na ito ay malaki at kapag nakalabas na ang mga ito sa City Lord Palace, mahirap isipin kung anong klaseng kaguluhan ang dala nito.

"Mabilis niyong tipunin ang lahat ng mga beast tamer para makontrol ang mga ungas na ito."

Ang mga upper echelon ng City Lord Palace ay agad na nagpadala ng kautusan.

Sa sitwasyong ito, ang pagpipilian lang ay ang patayin ang mga halimaw o paamuhin ito.

Ang kawalan ay napakalaki at kahit na ang mga ekspertong nasa True Spirit Realm ay kayang sapilitan itong paamuhin, masyado itong mapanganib.

"Hayaan ninyo ako!"

Sigaw ni Zhao Feng at malakas na loob na hinabol ang isang lumilipad na halimaw na nakaalis sa City Lord Palace.

Ang mga tao sa paligid ay alam na isa siyang beast tamer, kaya sinadya nilang magbigay ng daan para sa kaniya.

Related Books

Popular novel hashtag