Ang pagdating ng City Lord ay nagdulot upang makaramdam ng kaba ang buong Tiegan Palace. Kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay nabalisa.
Kung tutuusin, ang Flooding Lake City Lord ang masasabing ang panginoon ng lugar na ito. Ang lakas at kasikatan niya ang namumuno sa lugar na ito.
Malinaw na, noong bata pa ang Flooding Lake City Lord, siya ay isang prodigy ng pamilya ng Liu sa Flooding Lake at siya ang pinakaasahan na makaabot ng True Lord Rank.
Sinusuwerte sila, mukha walang kapootan ang City Lord at naparito lamang upang hanapin ang kaniyang manugang na lalaki.
"City Lord, ang inyong manugang na lalaki ay nasa palasyo na maingay na nakikipag-usap kay Master."
Magalang na sinabi ng ekspertong nasa True Spirit Realm na nagbabantay sa Tiegan Palace.
Bahagyang huminto ang Flooding Lake City Lord at pinaatras ang kaniyang aura.
"Sigurado ka bang hindi siya nagdulot ng kaguluhan?"
Tiniyak ng City Lord.
Isa sa mga blacksmiths ang mapait na ngumiti, "Kanina ay nagdudulot siya ng kaguluhan ngunit nang makita niya si Master, siya ay naimbitahan sa nakapaloob na bulwagan."
"Oo nga, hindi pa ako nakakakita ng kahit sinong nanggugulo at naging bisita."
Namangha ang mga blacksmith disciples at naging lubhang makulay ang ekspresyon ng Flooding Lake City habang kumikinang ang kaniyang mga mata.
Hindi kalaunan.
Pumasok si Liu Qinxin sa Tiegan Palace.
"Ang anak na babae ng City Lord ay naparito."
"Mukhang ang manugang na lalaki ng City Lord ay itinuturing na napakahalaga ng pamilya ng Liu."
Nagsimulang magusap-usap ang mga taong nasa bulwagan at natuklasan ni Liu Qinxin na bahagyang kakaiba ang ekspresyon ng kaniyang ama.
"Nagdulot ba ng malaking kaguluhan si Zhao Feng?"
Maingat na tinanong ni Liu Qinxin.
Ang mga emosyon niya ngayon ay napakakomplikado. Sa isang banda siya ay naaawa sa kabilang banda naman, siya ay umaasa.
Kung nagdulot ng malaking kaguluhan si Zhao Feng at madidismaya ang kaniyang ama, ang nabanggit ay maaaring parusahan siya.
Subalit, hindi agad-agad sumagot ang City Lord. Sa pagkakataong ito, sina Zhao Feng at Tiegan Master ay sabay na lumakad palabas ng nakapaloob na bulwagan.
Bahagyang nagsisisi si Tiegan Master tungkol sa talento ni Zhao Feng sa forging.
"Brother Zhao, kung may oras ka, magpunta ka rito sa Tiegan Mountain. Kung nais mong maging isang blacksmith, palaging bukas ang aking pinto."
Ngumiti si Tiegan Master at hinatid paalis si Zhao Feng.
Ang eksenang ito ay nagdulot upang mahilo si Liu Qinxin.
Hindi ba't gumagawa ng kaguluhan si Zhao Feng? Bakit siya tinatrato ng may ganitong paggalang?
Makikita ng kahit sino na lubos na humahanga si Tiegan Master kay Zhao Feng na labis na kasalungat ng pakikitungo niya sa City Lord, na siyang binigyan niya ng pagkawalang-bahala. Para bang siya ay isang estranghero.
"Oo naman, magpupunta ako kapag nakolekta ko na lahat ng mga materyales."
Sa ilalim ng mga nagulantang na ekspresyon ng ibang mga tao, nagpaalam na si Zhao Feng kay Tiegan Master.
Matapos lumakad palabas ng Tiegan Palace, ang City Lord at si Liu Qinxin ay tumingin nang kakaiba kay Zhao Feng; ang bata ay nababalutan ng isa patong ng hamog na mahirap makita
Sa ilalim ng pagkuwestiyon ng City Lord, mapagkumbabang sinabi ni Zhao Feng ang nangyari.
Ang dahilan kung bakit itinuring ni Tiegan Master si Zhao Feng bilang isang importanteng tao ay dahil sa kaniyang magkamisteryoso pati na rin ang talento niya sa forging.
Sa pagkarinig ng paliwanag na ito, ang City Lord at si Liu Qinxin ay nagtinginan.
Tinitigan nang malalim ng City Lord si Zhao Feng. Naisip niya na nahuli na niya ang batang ito ngunit ang nabanggit ay nagdulot pa sa kaniya ng mas malaking surpresa.
"Paano kung ganito? Dahil ikaw ay nakatakda nang pakasalan si Qinxin, parte ka na ng pamilya ng Liu. Ang mga babayaran para maayos ang Luohou Bow ay babayaran ng City Lord Palace. Bukod pa roon, kailangan mong subukang gumawa ng isang magandang relasyon kay Tiegan Master."
Ang mga salita ng Flooding Lake City Lord ay nagdulot upang makitipid si Zhao Feng ng malaking halaga ng pera.
"Salamat senior, oh ang ibig kong sabihin.... aking biyanang-lalaki."
Lubos na nagagalak si Zhao Feng.
Nang gumawa siya ng kasunduan kasama si Tiegan Master kanina, ang mga materyales na ay aabutin ng isang daan hanggang dalawang daang libong primal crystal stones dahil ang munting pusang magnanakaw na ito ay hindi sumang-ayon sa pakikipagpalitan ng misteryosong lalagyan ng alak. Kung hindi ito ang nangyari, ang mga materyales ay sasagutin ni Tiegan Master.
Iniisip pa lamang ni Zhao Feng ang problemang ito at hindi niya na isip na maliligtas siya ng isang simpleng pangugusap mula sa City Lord.
Tumango sa pagkakuntento ang City Lord dahil ang opinyon niya tungkol kay Zhao Feng ay mas lalong pang gumanda.
Hindi alam ni Liu Qinxin kung ano ang kaniyang naramdaman. Kung magpapatuloy ito, ang posisyon ni Zhao Feng sa puso ng kaniyang ama ay tataas lamang nang tataas.
Kasabay nito, ang misteryosong hamog sa paligid ng kaniyang mapapangasawang lalaki ay mas kumakapal nang kumakapal.
Isang batang beast tamer na may tiyak na archery skills at isang Eye Bloodline... isang talentadong blacksmith na nagdulot upang kahit si Tiegan Master ay mapabuntong hininga... at ang munting pusang magnanakaw na iyon na kayang hindi makita.
Ilang sikreto ba ang mayroon ang batang ito?
Sa wakas ay napagtanto ni Liu Qinxin na hindi basta-basta ang kaniyang mapapangasawa, ngunit ang interes nito sa kaniya ay mas naging mababa, halos tuluyan na siyang hindi bigyang-pansin.
Nang maisip ni Liu Qinxin si Zhao Feng, pinanggigilan niya ang kaniyan mga ngipin at inalis ito sa kaniyang paningin.
Matapos bumalik sa City Lord Palace, ginamit ni Zhao Feng ang mga koneksyon ng pamilya ng Liu upang manmanan ang mga materyales na kakailanganin upang ayusin ang Luohou Bow. Ang mga bayarin ay sinagot na lahat ng City Lord.
Halatang hindi alam ni Zhao Feng ang salitang walanghiya dahil naglista pa siya ng mga resources na wala pa siya upang ayusin ang Yin Shadow Cloak.
Sa ngayon, napakaimportante niya para sa City Lord kaya't ang tagapangasiwa ng City Lord ay magalang ang pakikitungo sa kaniya at hindi siya kinukuwestiyon.
Ang lahat ng mga materyales na kakailanganin ay napagtipon-tipon na sa loob ng sampung araw.
Kinuha ni Zhao Feng ang mga resources at nagtungo sa Tiegan Mountain.
Tiegan Palace.
"Kailangan ko ng kanang-kamay upang palaguin ang Luohou Bow kaya't kailangan mong tumulong."
Hiling ni Tiegan Master.
"Walang problema."
May kaunting kaalaman si Zhao Feng tungkol sa forging at ang maging isang kanang-kamay ng isang blacksmith master ay pangarap ng mga nakararami.
Subalit, natuklasan niya na kataka-takang siya mismo ang kinailangan ni Tiegan Master.
Dahil ba ito sa kaniyang talento?
"Ang batang ito ay maraming kaalaman tungkol sa mga resources. Gagamitin ko ito upang subukin siya."
Pasikretong nagbigay ng striktong mga batayan si Tiegan Master kay Zhao Feng.
Ang God's Spiritual Eye ng nabanggit ang sumuri sa mga resources kaya naman hindi makakatakas ang bawat pagkakamali sa kaniyang mga mata.
Ang kaniyang pang-unawa, kontrol at pokus ay mas nakakaangat kaysa sa iba ng ilang beses.
Maaaring mapalaki at mapalapit ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang mga bagay ng ilang daang beses.
Dahil dito kaya't madali niyang nakikita ang mga kahinaan ng kahit anong bagay.
Habang tumutulong si Zhao Feng, malinaw ang kaniyang mga pagkilos at napakaresponsable niya dahil ang mga susunod na hakbang ang magiging kakalabasan ng Luohou Bow.
Tinandaan ni Tiegan Master ang mga ikinikilos ni Zhao Feng at lubha siyang nagulat.
"Napakatiyak..... Kahit ang mga may karanasan na matatandang blacksmiths ay hindi ganito kapulido."
Pinigilan ni Tiegan Master ang gulat sa kaniyang puso.
Sa pagkakataong ito, para bang nakakita siya ng pinakamagandang jade sa buong mundo.
Sa pagre-refine ng Luohuo Bow nangangailangan ito ng halos apat hanggang limang araw, at sa prosesong ito, nagbigay ng malaking parte ng gawain si Tiegan Master kay Zhao Feng habang binibigyan din siya ng mga payo.
Noon nang natutunan ni Zhao Feng ang pill refining pati na rin ang pagsasaayos ng mga arrays. Ngayon na mayroon siyang isang Master level na gumagabay sa kaniya, mas lalo pang tumaas ang kaniyang kaalaman.
Ang pinakaimportanteng punto ay ang 'pagkontrol ng apoy' na ipinagawa rin ni Tiegan Master kay Zhao Feng.
Mayroong iba't ibang hakbang sa pagkokontrol ng apoy na ang antas ng kahirapan ay katulad ng sa pill making.
Muli ulit ikinagulat ni Tiegan Master ang kinalabasan.
Bukod sa karanasan at sa paglilimita ng cultivation, ang kontrol ni Zhao Feng ay perpekto.
"Isang natural na prodigy sa forging...."
Pinigil ni Tiegan Master ang kagalakan sa kaniyang puso.
Makalipas ang ilang araw.
Nagtagumpay na ang Luohou Bow sa pagpapalakas.
Nagbago na ang mga attributes ng orihinal na Luohou Bow matapos ang pagsasanib sa mga misteryosong kasangkapan, at matapos ang refining na ito, pinagsama pa ito sa isang napakahalangang Ice Soul Mystic Crystal. Ang ganito kahalagang mga materyales ay hindi basta-bastang natatagpuan kung hindi dahil sa mga koneksyon ng pamilya ng Liu.
Ang bagong Luohou Bow ay bahagyang mas malaki kaysa sa orihinal na sukot nito at mayroon bang isang asul na kulay sa panlabas nito. Ang sukat ng ice lotus mark ay mas lumaki at nagkaroon ng mas malalim na kulay.
Matapos ipagsama ito sa mga bagong materyales, tumaas ang damage ng Luohow Arrows.
Batay sa kaalaman ni Zhao Feng, ang Luohou Arrows ay naglalaman ng mga elemento ng wind at lightning. Dagdag pa sa katakot-takot na lamig nito, para kang nagdadagdag ng pakpak sa isang tigre.
"Ang Luohou Bow at ang Luohou Arrows ay nakaabot na sa peak tier Mortal weapon at sa naaayon na High grade Mortal Weapon. Ang kombinasyon ng dalawang ito ay labis na malapit na sa Spiritual grade. Kaya nitong sakupin ang kahit anong Mortal tier weapons."
Lubos na kuntento na si Tiegan Master sa produktong ito.
Mas lalo pa itong nagustuhan ni Zhao Feng. Ang kapangyarihan at ang attributes nito ay perpekto na at ang halaga nito ay maaari nang maikumpara sa Spiritual grade weapons.
Nang makumpleto na ang Luohou Bow, inilabas ni Zhao Feng ang kaniyang Yin Shadow Cloak.
Sa katotohanan, ito talaga ang tunay na pakay ni Zhao Feng at ang halaga nito ay labis na mas mataas kaysa sa Luohou Bow.
"Isang napinsalang Inheritance item..."
May taimtim na ekspresyon si Tiegan Master.
Kahit na natipon na ang lahat ng mga materyales, kailangan pa ring maghanap ng paraan ni Tiegan Master kung paano aayusin ito.
Tumango si Zhao Feng at iniwanan ang Yin Shadow Cloak bago siya bumalik sa City Lord Palace.
Sa oras na makabalik siya at ipinatawag agad siya ng City Lord.
City Lord Palace.
Sa isang tahimik na silid-pahingahan.
Ang City Lord at si Liu Qinxin ay nagtya-tsaa habang nag-uusap at habang nakangiti.
Sa silid-pahingahan ay mayroong isa pang bata.
"Zhao Feng, halika rito. Ito ang pinsan ni Qinxin, si Yun Haiyang..."
Pinsan ni Liu Qinxin?
Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kaniyang sarili kundi bahagyang magulat dahil ang pangalan ng taong ito ay halos katulad ng kay Yun Hai Master.
Ang buong pangalan ni Hai Yun Master ay Yun Hai kung saan ang tawag naman sa pinsan ni Liu Qinxin ay Yun Haiyang.
Habang siya ay ipinakikilala, isang malamig na kislap ang lumitaw sa mga mata ni Yun Haiyang.
"Sister Qin, ito ba ang mapapangasawa mong lalaki?"
Pagkamuhi at pandidiri ang lumitaw sa mukha ni Yun Haiyang, ang perpektong diyosa sa kaniyang puso ay ipapakasal lamang sa kakaibang batang ito na mayroong asul na buhok at iisang mata?
Habang nagsasalita sila, naintindihan ni Zhao Feng na ang Yun Haiyang na ito ay nagmula sa isa sa mga apat na pamilya, ang "pamilya ng Yun", at noong mga bata pa lamang sila, mayroon nang magandang relasyon sina Yun Haiyang at si Liu Qinxin.
Nagpakita ng bakas ng kapootan at pagkamuhi si Yun Haiyang habang sila ay nag-uusap, galit sa katotohanang ipapakasal si Liu Qinxin kay Zhao Feng.
Sumipsip ng tsaa ang nabanggit at hindi binigyang-pansin ito, nagdulot upang magwala si Yun Haiyang sa loob-loob ng niya.
Nakita ito ng City Lord sa kaniyang mga mata ngunit hindi ito pinigilan.
Biglang tumayo si Yun Haiyang at ngumiti, "Nabalitaan ko na ang archery skills ni Brother Zhao ay top tier. Nagkataon din na may alam ako sa archery, bakit hindi natin ipagkumpara ang mga skills natin?"
Shua!
Hindi na nag-abalang tingnan kung papayag ba si Zhao Feng o hindi, isang green scarlet ancient bow ang lumitaw sa kamay ni Yun Haiyang. Isang misteryosong marka ng apoy ang makikita sa pana, tila ba sinisimbolo nito ang galit at paglalayon sa laban ng may-ari nito.