Ang pana sa kamay ni Yun Haiyang ay gawa sa kakaibang materyales at ang aura nito ay lagpasa sa peak grade Mortal weapons; ang antas nito ay napakalapit na sa isang Spiritual Tier grade.
Archery?
Hindi tumanggi si Zhao Feng. Ang kaniyang Luohou Bow ay kakapaayos pa lamang at nakaabot na ito sa panibagong level. Hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na subukan ito.
Kasabay nito, nagpalitan ng tingin habang nakangiti sina Liu Qinxin at ang City Lord, wala silang intensyong tanggihan ang hiling na ito.
Nang tinawag ng City Lord si Zhao Feng, naintindihan na ni Liu Qinxin ang intensyon ng kaniyang ama.
Hindi kuntento si Yun Haiyang sa kasalan ni Liu Qinxin at ngayong nakita na niya si Zhao Feng paano niya gagalangin ito?
Subalit, nang magpakita ng pagkamuhi at pandidiri si Yun Haiyang patungo kay Zhao Feng, walang ginawa ang City Lord.
"Maaari bang mayroong natatagong dahilan kung bakit papakasalan ni Qinxin ang batang ito? Mukhang may pagasa pa ako."
Nakita ni Yun Haiyang ang pag-uugali ng City Lord at lubos siyang nagalak dahil habang pinipigilan ang pananabik sa kaniyang puso.
Hindi niya alam na hindi naman talaga siya binibigyan ng pagkakataon ng City Lord. Sinusubukan lamang ng City Lord si Zhao Feng.
"Feng'er, hindi ka naman tutol dito, hindi ba?"
Tumingi nang may pag-asa ang City Lord kay Zhao Feng.
Suspetiya ni Zhao Feng na sinusubok lamang siya ng City Lord simula pa lang ngunit dahil gusto rin niyang subukin ang lakas ng Luohou Bow, hindi siya tumanggi.
Hindi kalaunan.
Pumasok sina Zhao Feng at Yun Haiyang sa isang bukas na archery field.
Noon ay maraming archers rito ngunit hindi kalaunan ay naubos na sila.
"Ano ang ginagawa nila?"
"Ang manugang na lalaki ng City Lord ay susubukin ang kaniyang archery skills kasama ang isang kamaganak?"
Sa paligid ng archery field ay mayroong maliit na lipon ng tao.
Nakatayo sina Zhao Feng ay Yun Haiyang nang magkaugnay.
Batay sa mga normal na mga archers ito ay pagkukumpara sa archery skills at precision.
Ilang mga archers ang naglabas pa ng ilang mga targets.
"Nakakabagot ang archery skills. Ang mga tunay na archers ay kailangang makaranas ng dugo at apoy."
Isang ngiti ang nabuo sa mga labi ni Yun Haiyang.
Biglang nagusap-usap ang mga manonood. Sina Yun Haiyang at Zhao Feng ba ay papunta nasa labanan ng buhay o kamatayan?
Gaya ng inaasahan nila, nagmungkahi si Yun Haiyang ng labanan sa pagitan ng mga archers sa City Lord.
Hindi na ito tungkol sa pagsusukat ng archery skills; labanan na ito.
"Feng'er, wala ka namang reklamo diba?"
Pagkonsulta ng City Lord.
Sa pagkakataong ito, hindi mahirap para sa lahat na makita na nandirito lamang si Yun Haiyang upang manggulo.
Dahil isa itong laban, magkakaroon ng mga pinsala.
Puno ng kalamigan ang puso ni Yun Haiyang, "Ang batang ito ay nagmula sa labas ng Canopy Great Country at hindi pa siya nagiging asawa ni Qinxin. Kahit patayin ko siya dito, walang magtatanggol sa isang patay na henyo."
Kung pagkakakilanlan ang pag-uusapan, nagmula siya sa isa sa mga Apat na Pamilya, ang pamilya ng Yun. Kung ganoon, kahit na patayin niya si Zhao Feng, ang Flooding Lake City Lord ay walang magagawa sa kaniya.
"Wala akong reklamo."
Marahang inilabas ni Zhao Feng ang Luohou Bow.
Kasunod nito, ang buong archery field ay nabalutan ng isang array kaya naman ang labanan sa loob ay hindi makakapinsala sa mga manonood.
Sa pagkakataong ito, hindi mapigilan ni Liu Qinxin na bahagyang maawa kay Zhao Feng dahil nararamdaman niya na walang magandang intensyon si Yun Haiyang.
"Huwag kang mag-alala. Dahil nandito ako, hindi magkakaroon ng kahit anong patayan."
Malakas na loob na sinabi ng City Lord habang tinatapik niya ang balikat ng babae at nakangiti.
Bahagyang kumalma si Liu Qinxin at medyo nakonsensya dahil ginagamit lang ng kaniyang ama si Yun Haiyang upang subukin si Zhao Feng, nagdulot upang mailagay sa panganib ang nabanggit.
Sa loob ng archery field.
Nagtapatan sina Yun Haiyang at si Zhao Feng.
Dahil isa itong palitan ng archery skills, mayroong mga patarakang nagsasabi na ang tanging magagamit lamang nila ay ang kanilang mga pana at wala ng iba.
Ang cultivation ni Yun Haiyang ay nakaabot na sa half-step True Spirit Realm at ang kaniyang tunay na lakas ay malapit na kay Liu Qinxin.
Subalit, dahil isa lamang itong palitan ng pana at ng mga palaso, hindi siya kinatakutan ni Zhao Feng.
"Nagsimula na...."
Hinatak ni Yun Haiyang ang green scarlet bow na nasa kamay niya at isang naglalagablab na apoy ang lumitaw mula sa pana at sumanib sa kaniyang kulay pulang True Force.
Sa taas nito, isang berdeng patong ng matalim na hangin ang lumitaw sa paligid ng katawan ni Yun Haiyang; para 'tong isang barrier.
"Flame element bow na dinagdagan ng wind. Walompung porsyentong tsansa ng isang pagsabog...."
Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang kalaban at lumukso ang kaniyang puso.
Ang cultivation ni Yun Haiyang ay nakaabot na sa half-step True Spirit Realm at mayroon siyang mas malakas na True Force. Ang pana na nasa kamay niya ay mayroong attribute ng fire at dinagdagan ng wind; ang damage nito ay mabilis na makakapaslang nga mga normal na cultivators na nasa half-step True Spirit Realm.
Sa pagkakita nito, napagdesisyunan ni Zhao Feng na mabilis nang tapusin ang labang ito.
Makinis ang kaniyang mga pagkilos, at sa oras na nailabas ang Luohou Bow, tatlong Luohou Arrows ang bumalik sa pana at isang patong ng yelo ang bumalot sa katawan ni Zhao Feng.
Ang katawan ni Zhao Feng ay napalilibutan ng yelo at mga arko ng kidlat na walang tigil na kumikislap.
Sa dulo ng tatlong Luohou Arrows, ay mayroong katiting na matatalim na mga kidlat na lumilitaw habang ang buntot naman ng mga palaso ay mga bola ng hangin.
"Ang pana at palaso ng batang ito ay naglalaman ng tatlong elemento ng ice, lightning at ng wind. Sila rin ay maituturing na magnanay na sandata."
Sambit ni Yun Haiyang at hindi mapigilan kundi bahagyang magselos.
Mahilig siya sa mga pana, ngunit ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng ganito kapulidong produkto.
Halos masiguro na niya na ang ganitong bagay ay nagmula sa isang Master-level na blacksmith.
Mabilis itong tapusin.
Pinakawalan ni Yun Haiyang ang tali na nasa kaniyang kamay ng mayroong mala-kulog na pagsabog.
Qiu-----
Isang maitim na panang naglalagablab ang nakatutok patungo kay Zhao Feng na tila isang dragon ng apoy at hangin.
Nagtagumpay siya na siya ang unang aatake, nagdulot upang makuha niya ang kalamangan.
Ang puso ni Yun Haiyang ay puno ng kagalakan. Ang laban sa pagitan ng mga archers ay labis na mabilis at ang isang segundo ang magdidikta ng laban.
Subalit, sa oras na itinira niya ang kaniyang pana, nanginig ang tali sa Luohou Bow ni Zhao Feng.
Beng~
Isang matingkad na asul na pana ang nagpadala ng mga kislap habang lumilipad ito sa ere, gumawa ng isang malakas na pagsabog.
Naramdaman lamang ni Yun Haiyang ang pag-ikot ng kaniyang mga mata bago dumeretso patungo sa kaniya ang isang arko ng kidlat pati na rin ang magugulong hangin.
Booom--
Sa una ay tumama ang pana sa kulay pulang pana na nasa himpapawid. Ang malamig na hangin at ang naglalagablab na apoy ay nagdikit bago sumabog, nagdulot upang ang isang bungkos ng usok ang bumalot sa kalahati ng kalupaan.
Tumitig ang mga archers na nasa labas sa eksena habang nakanganga.
Qiu---
Isang pana ang tumagos sa usok at tumira patungo kay Yun Haiyang. Ang speed nito ay napakabilis at nakalagpas pa sa bilis ng tunog.
Labis na nagbago ang ekspresyon ni Yun Haiyang habang nagngangalit niyang pinadaloy ang kaniyang True Force, gaumagwa ng mga ahas ng apoy na sumasanib sa hangin, gumagawa ng isang barrier ng hangin at apoy.
Sa kalahating hingahan, nakontrol ni Yun Haiyang ang sitwasyon. Nang makalapit ang pana ni Zhao Feng, sampu hanggang dalawampung porsyento na lamang ng lakas nito ang natitira. Ang kalamigan at ang kidlat lamang ang nagdulot sa kaniyang ng kaunting gulo.
Huminga siya ng malalim at nilipon ang kaniyang Qi na nasa half True Spirit, naghahanda upang magpadala ng mas lalo pang malalakas na mga atake.
Subalit, sa puntong ito pa lamang ay may dalawang kislap ang tumira sa himpapawid at nagpadala ng isang ragasa ng mala-yelong hangin.
Tumira ng isang pana ng apoy si Yun Haiyang ngunit siya ay nabalutan ng pagsabog ng kidlat at kalamigan.
Sa isang iglpa na ito, umungol ang hangin samantalang ang yelo at ang kidlat ay nasira.
Nagsimulang manigas ang katawan ni Yun Haiyang.
Ang kaniyang ikatlong pana ay hindi pa niya natitira ngunit ang kalamigan at ang kidlat sa kaniyang katawan ay tumaas sa panibagong level.
Dumating ang ikatlong pana ni Zhao Feng.
Sa archery field.
Nahawi si Yun Haiyang ng kumikislap na mga tusok ng kidlat.
Sumigaw at umungol siya ngunit ang tunog ng kaniyang boses ay naglaho dahil may isang patong ng yelo ang bumabalot sa kaniya.
Sa kalahating hingahan lamang, naging isang buhay na yelong ukit si Yun Haiyang.
Napahinga ng malalim ang mga manonood at nagising sila sa kanilang pagkagulat.
Natulala ang Flooding Lake City Lord at ang kaniyang ekspresyon ay bahagyang nagbago habang tumakbo siya kasama ang Qi na nasa True Spirit upang mailigtas si Yun Haiyang.
"Totoong pinananatili ni Tiegan Master ang reputasyon ng kaniyang pangalan. Ang ikatlong pana ko ay maaaring maging banta kahit sa mga nasa True Spirit Realm ngunit ang halaga ng True Force ay kasindak-sindak..."
Sambit ni Zhao Feng habang itinatabi ang Luohou Bow at mabilis na huminga.
Tumaas ang lakas ng Luohow Bow matapos ang refining dito ngunit kani-kania lamang ay kinonsumo ni Zhao Feng ang singkapat ng kaniyang True Force.
Kapag nakaabot lamang ng half-step True Spirit Realm ang isang tao atsaka lamang nila magagamit ayon sa kagustuhan nila ang Luohou Bow.
Sa archery field.
Matapos ang pagtulong ng City Lord, ang buhay ni Yun Haiyang ay natanggal na sa panganib ngunit nakakagulat ang kaniyang pinsala – isa sa kaniyang mga kamay ay nabali.
Natapos ang pinsala na ito na mayroong pinsalang naidulot.
Ang mga panganib sa pagitan ng labanan ng mga archers ay makikita mula rito.
"Bakit mo siya labis na pininsala?"
Tumaas ang mga kilay ni Liu Qinxin nang siya ay magsalita.
Halos lumuwa na ang mga mata ni Zhao Feng. Ngayon siya pa ang biktima?
Sinubukan ng City Lord na subukan si Zhao Feng at gamitin si Yun Haiyang bilang sibat.
Nais patayin ni Yun Haiyang si Zhao Feng. Ang huling banggit ang tunay na biktima ngunit tinapos niya ang laban gamit ang tatlong pana lamang.
Masiyadong delikado ang laban ng mga archers. At kung nagpatuloy ang laban, maaari ring mamatay si Zhao Feng.
Matapos maayos ng Luohou Bow, ang halaga ng True Force ay masiyadong malaki. Kahit na, ang pana ni Yun Haiyang ay hindi naman masama kung ikukumpara sa pana ni Zhao Feng, dulot sa pagkakaiba ng kanilang cultivation, ang naunang nabanggit ang maaaring manalo kung nagpatuloy ang laban.
Sa pagkakataong ito.
Kumunot ang mga kilay ng Flooding Lake City Lord. Si Yun Haiyang ay isang direktang tagapagmana ng pangunahing pamilya ng Yun at mayroon siyang isang komplikadong pagkakakilanlan. Ngayon na nasira ang kaniyang braso, hindi maliit ang gulong maidudulot nito.
Una ay tinantsa niya na ang mga pagkakataon na manalo sa pagitan nina Yun Haiyang at Zhao Feng ay 60-40%.
Kung tutuusin, kilala si Yun Haiyang sa kaniyang archery skills sa pamilya ng Yun at mas mataas siya kay Zhao Feng kung cultivation ang pag-uusapan.
Ikinagulat ng City Lord at ni Liu Qinxin ang kinalabasan.
Tumawa si Zhao Feng sa loob-loob niya dahil nagdulot siya ng kaguluhan para sa City Lord.
Ang pagsusulit ng nabanggit ay nagdulot upang mapilitan si Zhao Feng na tumakas. Kung natalo siya ngayon, ipagtatanggol niya ba si Zhao Feng?
Bumuntong hininga si Liu Qinxin sa loob ng kaniyang puso at alam niya na hindi ito kasalanan ni Zhao Feng. Ang kaniyang ama ang unang sumubok kay Zhao Feng at ang kaniyang pinsan ay mayroong masamang intensyon.
Subalit.
Ang kampeon ay hindi ang City Lord o kaya'y si Yun Haiyang.
Nagkaroon ng kapansanan si Yun Haiyang at sasakit ang ulo ng City Lord upang maresolba ang suliraning ito.
Si Zhao Feng lamang ang walang problma.
Matapos ang pagsusulit na ito, natuklasan ng Flooding Lake City Lord na ang batang ito ay kayang magdala ng maraming supresa pati na rin ng mas marami pang kaguluhan.
Dagdag pa rito, natuklasan din ni Liu Qinxin na ang kaniyang mapapangasawa ay mas lalo pang nagiging misteryoso. Para bang napapalibutan siya ng isang patong ng hamog.
Siya ang nag-iisang nakatadhana para sa kaniyang buhay.
Sa iisang gabi.
Nakadekuwatro si Zhao Feng sa sahig at maingat na hinawakan ang Luohou Bow na nasa kaniyang kamay.
Pagtapos ng pagrefine dito, ang kapangyarihan ng Luohou Bow ay tumaas ngunit kasama ang kasalukuyang cultivation ni Zhao Feng, mahirap gamitin ito sa pinakapotensyal nito.
Ipinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at nagpatuloy sa pag-intindi ng huling seksyon ng unang Lightning Inheritance.
Sa kaniyang isipan.
Lumitaw ang mga eksena mula sa Lightning Inheritance.
Sunod-sunod na arko ng kidlat ang bumuo ng matingkad na mga liwanag gaya ng mga paputok.
Lumipas ang mga araw at sa isang tiyak na pagkakataon.
Isang tingin ng pagtatagumpay ang lumitaw sa mga mata ni Zhao Feng. Ang mga arko ng kidlat na kasingnipis ng sapot ng gagamba ay nagtatak ng isang kakaibang simbolong katulad ng isang bumubukas na bulaklak sa kaniyang kamay.