Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 243 - Pagtakas

Chapter 243 - Pagtakas

Ang senaryong nasa harap ni Zhao Feng ay ikinagulantang niya – hinding-hindi niya ito makakalimutan sa buong buhay niya.

Sa ibabaw ng isla, ang mga ulap ay mukhang nasisira habang ang labanan sa pagitan ng mga nasa True Mystic Rank ay nagdulot ng mga alon ng hangin na sumisimoy sa bawat direksyon.

Sa pagitan ng ere.

Ang labanan sa pagitan ng mga eksperto sa True Human Rank ay nagdulot ng ipo-ipo na siyang pumaslang sa mga disipulong nasa Ascended Realm at pinagpirapiraso sila, nagkalat tuloy ang dugo at mga laman sa buong lugar.

Sa kalupaan, ang mga kasalukuyang disipulo ay tumatakbo sa takot.

Sa ilang kaunting hininga lamang, nasaksihan ni Zhao Feng ang mga disipulong minsan niyang nakalaban na namamatay nang walang hustisya.

Kahit na ang Iron Dragon Country ay kakaunti lamang ang mga tao, ang pinakamahihina nila ay nasa 6th Sky at ang karamihan ay nasa 7th Sky pataas.

Ang mga cultivators na ito ay ang mga taong naisabak na sa hindi mabilang na mga laban at may mga magagandang karanasan.

Nagmula sila sa mga labanan na namagitan sa dalawang bansa, at sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, kaya nilang makatalo ng dalawang disipulo na may kapareho nilang cultivation dahil sa kanilang katapangan at kagalingan.

Sa hindi malamang dahilan, ang Thirteen Clans ay nagkakagulo at hindi makapag-isa para makipaglaban.

Ang isa pang pinakamahalagang punto ay sa aspeto ng pagkakaroon ng mga eksperto sa True Mystic Rank, ang Thirteen Clans rin ay nagapi.

Dahil sa pagtatraydor ng Grand Elder ng Ancient Shrine, ang Thirteen Clans ay mayroon na lamang na dalawang eksperto sa True Mystic Rank, pero ang Gradn Elder ng Cloud Sword Clan ay sugatan rin.

Sa pagkakataong iyon.

Ang kabataang may kulay lilang buhok mula sa Ancient Shrine at ang babaeng may pilak na maskara ay kasalukuyang tinatalo ang Grand Elders ng Cloud Sword Clan at True Mystic Clan.

Para naman sa misteryosong anyong nakaitim na nagsisilbing kanilang pinuno, may hawak siya na watawat at okasyonal niyang iwinawagayway ito bilang isang utos para patayin ang mga eksperto sa True Spirit Realm.

Ang nakaitim na anyong ito ay ang puso ng Iron Dragon Country at siya ang kumokontrol kung sino ang mabubuhay at mamamatay.

Ang Thirteen Clans ay napwersa sa isang desperadong sitwasyon at tanging sarili na lamang nila ang kaya nilang ipaglaban.

Sa ibaba ng lawa.

Huminga muna nang malalim si Zhao Feng bago kumalma.

Napag-alaman ng kanyang God's Spiritual Eye na may grupong patungo sa kanyang direksyon at ito ay ang Broken Moon Clan.

Syempre, ang Broken Moon Clan ay hahabulin talaga, at isa sa mga humahabol rito ay si Hai Yun Master.

Ang First Elder at si Granny Liuyue ay puno ng galit at pagmakakaawa habang nagsisitakbo sila.

Ang mata ni First Elder ay madalas na mapatingin tungo sa Origin Core Ruins.

"Mukhang gusto akong iligtas ni Master habang nasa daan."

Ang puso ni Zhao Feng ay napuno ng pasasalamat at init.

Sa mga ganitong desperadong sitwasyon, ang lahat ay lumalaban na lamang para sa kanilang sarili at bibihira na lamang ang mga taong gusto pang tulungan ang iba.

Nang makita ang sitwasyong ito, hindi na nag-alangan pa si Zhao Feng at binuksan niya ang kanyang bloodline power ganoon rin ang kanyang True Force na siyang nagdulot ng bitak ng kidlat para magpakita.

Biglaan, ang kanyang aura ay tumaas sapagkat nasa 7th Sky na talaga siya.

Gamit ang mga kakayahang pangmedisinal, ang pagtuntong ni Zhao Feng sa 7th Sky ay naging matagumpay at kumpleto.

Ganoon rin, sinabi niya ang balita kay Cang Yuyue na nasa malapit lamang.

Nagulat ang puso ni Cang Yuyue nang marinig ang balita at isang liwanag ang gumuhit sa kanyang mga mata.

Nagsususpetsa siya, pero nang makita niya ang God's Spiritual Eye, lahat ng kanyang pag-aalangan ay naglahong bigla.

Matapos maunawaan ang seed of sword intent, agad siyang nakadama ng panganib.

Ang labanan sa itaas ay napakalakas, at naririnig nila ito kahit nasa ilalim sila ng lawa.

"Magtulungan tayo para makalabas rito."

Nagpalitan ng tingin sina Zhao Feng at Cang Yuyue habang lumangoy sila pataas ng tubig.

Para naman kay Lin Tong, nagtago lamang siya sa isang sulok ng Ruins, ni hindi niya sinubukang pigilan ang dalawa.

Sa kadahilanang napakadelikado na ng sitwasyon, hindi na nag-abala pa si Zhao Feng na hanapin si Lin Tong kung kaya dumiretso na lamang siya pataas kasama si Cang Yuyue.

Sa pagkakataong nakalabas na siya sa tubig, ang grupo ng Broken Moon Clan ay nakarating na.

Halata namang kalkulado lahat ni Zhao Feng.

"Feng'er!"

Ang First Elder at si Granny Liuyue ay puno ng saya. Nangyari na naman ang lahat iba sa kanilang inaasahan.

Si Zhao Feng ay lumabas para makipagkita sa kanyang Clan.

Mabilisang tinignan niya ang grupo at napansin ni Zhao Feng na halos kalahati ng Broken Moon Clan ang nawala.

Pinagtaksilan sila ni Hai Yun Master at lubhang napinsala ang kanilang Clan Master na namatay rin habang kinakalaban ang Iron Dragon Country.

Mula sa sampung core disciples, sina Quan Chen, Yuan Zhi at Bei Moi ay tinraydor rin silang lahat kasama ni Hai Yun Master.

Sa pagkakataong iyon.

Tatlong eksperto mula sa True Spirit Realm ang pinangungunahan ang 20 katao o higit pa para habulin ang Broken Moon Clan.

Qiu----

Isang asul na kidlat ang biglang nabuo sa palad ni Zhao Feng na siyang pinatama niya sa isang cultivator sa 7th Sky na agad ring namatay.

Nakakasirang kapangyarihan nga naman talaga!

Ang mga mata ng grupo ng Broken Moon Clan ay nagningning. Mukhang lumakas na namang muli si Zhao Feng.

Sa kabilang banda, mas lalong tumaas ang paghahangad ni Hai Yun Master na patayin sila.

"Feng'er, huwag kang lumaban."

Binalaan siya ng First Elder sa kabila ng saya nito.

Ang Thirteen Clan Alliance ay kasalukuyang pinagpapapatay, at kapag napakalakas ng isa, makukuha nito ang atensyon ng kalaban at magdadala lamang ng lalong panggigipit.

Tumango si Zhao Feng at nagtapon lamang ng kakarampot na kidlat sa mga humahabol sa kanila.

Pah!

Ang mga kakarampot na piraso ng kidlat na ito ay sumabog at pinamanhid ang katawan ng mga humahabol sa kanila kung kaya ikinabagal nila ito.

"Paalam na Zhao Feng, kailangan kong makipagkita sa aking Clan."

Wika ni Cang Yuyue bago siya umalis.

Ang grupo ng Cloud Sword Clan ay ilang milya lamang ang layo mula sa kanilang kasalukuyang puwesto at sa ilalim ng normal na sitwasyon, hindi naman ito malayo.

Subalit, sa ngayon, napakalayo nito.

"Cang Yuyue, ang tsansa mong mabuhay kapag sumama ka sa amin ay doble. Bukod pa roon, dahil kayo ang Top Clan, ang pwersang hahabol sa Cloud Sword Clan ay higit at ilang beses pa na mas marami kaysa sa humahabol sa atin."

Pagpupumilit ni Zhao Feng.

"Salamat sa iyong magandang intensyon."

Ang magandang mukha ni Cang Yuyue ay puno ng pagiging desidido at matatalim ang kanyang mga mata.

Napabuntong hininga si Zhao Feng. Alam niyang may sariling mga paniniwala si Cang Yuyue, at kapag may kahit napakaliit lamang na pag-asa, makikipagkita pa rin siya sa kanyang Clan.

Jiang!

Inilabas niya ang kanyang berdeng ispada na tatlong yarda ang haba at nang humiwa siya, dalawang cultivator mula sa 7th Sky ang napaslang habang patungo siya sa direksyon ng Cloud Sword Clan.

Ang kanyang biglaang pagpapakita ng lakas ay nagdulot para sa isang eksperto ng True Spirit Realm mula sa Iron Dragon Country na puntahan siya.

Walang takot si Cang Yuyue at agad na sumugod nang direkta.

Nang makalapit na ang eksperto mula sa True Spirit Realm, humiwa siya paharap, at tila ba nahihiwa niya rin sa dalawa ang mga ulap!

Subalit, kahit na nasalag niya ang atake mula sa ekspertong ito, sugatan pa rin siya.

Sa kabutihang palad, napansin agad ng Cloud Sword Clan si Cang Yuyue at agad na sumaklolo. Halos mapatay na ito ng taga-True Spirit Realm na iyon pero nakatakas pa siya nang sakto sa oras.

Ngunit, nangangahulugan ito na naakit na naman ng Cloud Sword Clan ang karamihan sa mga kalaban at ang kanilang pagtakas ay magiging mas mahirap.

Kumpara sa Cloud Sword Clan, ang Broken Moon Clan ay walang halaga. Naabot nila agad ang labas na mga teritoryo kahit na hindi nila nailigaw ang mga humahabol sa kanila.

Ang bilis ng mga eksperto sa True Spirit Realm ay napakabibilis talaga at mukhang itinadhana na hindi silang lahat ay makakatakas mula rito.

Si First Elder at Granny Liuyue ay nagkampihan, at hindi nila halos mapigilan ang tatlong humahabol sa kanila na nasa True Spirit Realm.

Ilang beses na sinubukan ni Hai Yun Master na patayin si Zhao Feng pero hindi siya nagtatagumpay.

Ito ay sa kadahilanang ang bilis ni Zhao Feng ay napakataaas at matapos niyang maunawaan ang Lightning Barrier, ang kanyang depensa ay higit na tumatag rin.

Bukod pa roon, sa lakas na mayroon si Zhao Feng, kaya niya nang makipagpalitan ng suntok o atake sa isang ekspertong nasa True Spirit Realm.

Ang First Elder at iilang mga Vice Heads na nasa Half-Step True Spirit Realm ay nakabaling ang atensyon sa kung paano nila poprotektahan si Zhao Feng.

Sinabihan ng First Elder ang mga Vice Heads nang pasikreto, "Kahit mamatay pa tayo, kailangan nating iligtas si Zhao Feng, At hangga't nabubuhay siya, ipaghihiganti niya tayo."

Kahit hindi alam ni Zhao Feng kung ano ang sinabi ng First Elder, nahulaan niya na agad ito dahil kita naman sa ikinikilos ng Clan.

"First Elder, kung gusto mong iligtas ang buhay ng mga kabataang iyan, mamamatay lamang kayo nang magkakasama."

Malamig na bigkas ni Hai Yun Master.

Ang lakas ni First Elder ay masasabing malakas sa aspeto ng True Human Rank experts, at kung gusto niyang tumakas mag-isa, magagawa niya naman ito basta hindi siya makasagupa ng mga eskperto na kaparehas niya ang cultivation o mas mataas pa.

"Huwag mong subukang gawin iyon!"

Alam ng First Elder kung ano ang pakahulugan ni Hai Yun Master kung kaya hinarap niya ito at umatake, na siyang nagpaatras kay Hai Yun Master nang ilang hakbang.

Pero sa pagitan ng paglalabanan ng mga nasa True Spirit Realms, nagkakaroon ng okasyonal na pagkamatay.

Nabawi na ni Zhao Feng ang kanyang pagiging kalmado at muli niyang binuksan ang kanyang God's Spiritual Eye, na siyang pumapatay at sinasaktan ang mga humahabol sa kanila na 7th Sky nang okasyonal.

Ang kanyang battle power rin ay mas malakas kaysa sa mga cultivators na nasa Half-Step True Spirit Realm.

"Master, itinuro niyo po sa aking ang daan."

Nagbigay ng suhestiyon si Zhao Feng habang nagniningning sa kulay asul na kulay ang kanyang God's Spiritual Eye na tila ba mata ito ng agila at kaya nitong makita ang lahat sa kalangitan.

"Sige."

Malalim na tingin ang ipinukol sa kanya ng First Elder.

Sa totoo lang, sa ganitong sitwasyon, walang kahit sinong nakaalam ng tamang daan para makaligtas pero pinili ng lahat na paniwalaan si Zhao Feng.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nakakakita mula sa malayo at kayang tumagos ng paningin nito sa mga bagay-bagay basta hindi ito ganoon kakapal.

"Hilagang-Kanluran ang direksyon."

Si Zhao Feng ang namumuno sa paghahanap ng daan.

Tatlong direksyon lamang ang pwede nilang takbuhan: Kanlura, Hilagang-Kanluran at Timog-Kanluran.

Mayroong maliit na pangkat ng mga kalaban sa Hilagang-Kanlurang direksyon samantalang sa Kanluran at Timog-Kanluran ay kakaunti lamang ang naroroon.

Hindi alam ng mga tao sa Broken Moon Clan kung bakit ang dalawang eksperto na nasa True Spirit Realm at hinahabol sila ay may kakaibang mga paningin.

Kahit walang halos tao sa Kanluran at Timog-Kanluran, mas mataas ang panganib roon.

Lalo na sa Kanlurang bahagi. Mukhang walang tao roon, pero sa totoo lang, may dalwang eksperto na nasa True Human Rank ang kayang makapatay ng isang Broken Moon Clan Elder kung mabibigyan sila ng pagkakataon.

Ang direksyong pinili ni Zhao Feng ay Hilagang-Kanluran dahil ang pangkat nga kalaban na naririto ay binubuo ng dalawang cultivator na nas Half-Step True Spirit Realm at isang dosenang nasa 6th o 7th Sky.

Ang grupong ito ay responsable sa paglilinis ng mga taong tumatakas. Kahit hindi sila ganoon kalakas, panganib pa rin ito sa Broken Moon Clan na kasalukuyang tumatakbo ngayon.

Wind Lightning Destruction----

Isang asul na kidlat ang bumalot kay Zhao Feng nang pangunahan niya ang atake sa linya ng mga kalaban.

"Zhe zhe, ang sutil na iyan ay baliw na. Alam niyang andito tayo pero tumatakbo siya papunta rito."

Nagulat talaga ang dalawang pinuno na nasa Half-Step True Spirit Realm.

Ang pinagsamang lakas nilang dalawa ay kayang pasabugin si Zhao Feng at maging alikabok na lang.

100 na yarda.… 80 na yarda… 60 na yarda….

Agad na nakalapit si Zhao Feng at iniwan niya ang grupo ng Broken Moon Clan. Mula sa magkaibang panig, isa itong napakamapangahas na galaw.

20 na yarda.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagningning at nang buksan niya ang kanyang bibig, isang palakpak gg kidlat na may mental energy ang binigay niya sa grupo.

"Hindi ito maganda!"

Ang ekspresyon ng dalawang nasa Half-Step True Spirit Realm ay talagang nagbago nang maramdaman nila ang pagyanig ng kanilang mga dugo.

Plop plop!

Ang tatlong cultivator na nasa 6th at 7th Sky na nasa harap ay agad na namatay, ang dugo ay lumabas mula sa kanilang mga mata, ilong at bibig. Ang mga iba naman na hindi rin handa ay nasuntok at napatumba.

Ito pa lamang ang simula ng isang bangungot.