Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 244 - Palaging Nag-iiwan ng Daan ang Langit

Chapter 244 - Palaging Nag-iiwan ng Daan ang Langit

Ang pangkat mula sa Iron Dragon Country ay nagbayad ng malaking halaga sa pagmamaliit ng kanilang kalaban.

Agad na ginamit ni Zhao Feng ang kanyang mental energy sound attack at gaya ng palakpak ng isang kidlat, nasira nito ang orgnaisasyon ng kanilang kalaban.

Dalawa hanggang tatlong kalaban ang agad na napatay niya at halos kalahati nila ang bahagyang nasugatan.

Ang dalawang pinuno ay puno ng pagsisisi; ang kabataang nasa harap nila ay isa pa lang mapanganib na tao.

Pero huli na ang lahat.

Bago pa sila maging kalmado, nagkaroon ng sinag sa mga mata ni Zhao Feng habang pinapadaloy niya ang kanyang bloodline power.

Shua!

Ang Yin Shadow Cloak ni Zhao Feng ay pumagaspas at naging isa siyang asul na guhit, at saka sumugod sa mga kalaban.

Hindi nila makita si Zhao Feng gamit ang kanilang mga mata – halatang nagpipigil talaga siya dati.

Wind Lightning Destruction-----

Madilim ang mukha ni Zhao Feng, tila naging isa siyang Diyos ng Kidlat habang napakaraming arko nito ang nakapalibot sa kanya.

Ang pangkat na ito, na kakaalma pa lang mula sa mental energy sound attack na natanggap nila, ay napalibutan ng malulupit na guhit ng kidlat na siyang nagpanginig ng kanilang mga binti.

Noon rin mismo, isang nakakawindang na aura ng kidlat ang pilit na sinusugpo sila.

Dahil sa katotohanang binuksan ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power sa isang kritikal na pagkakataon, bukod sa dalawang pinuno, hindi siya kayang labanan ng kahit sino.

Peng----

Naabot na ni Zhao Feng ang ikapitong antas ng kanyang Lightning Wind Palm kung kaya madali niyang napatay ang isa sa mga pinunong nasa Half-Step True Spirit Realm.

Ang isang pinuno ay lubhang sugatan at napatakbo na lang sa pagkataranta.

Qiu--

Kumikislap ang anyo ni Zhao Feng habang nasa hangin siya at nag-iiwan ng mga labing-imahe.

"Ahhh!"

Bawat pagkislap niya ay nagreresulta sa pagkamatay ng isang cultivator na nasa 7th Sky.

Ilang saglit lamang ang nagdaan.

Ang buong grupo ay napaslang na.

Parehong ang mga kalaban at nagpapanggap na kakampi ay mga malamig na bangkay na.

Mukhang kitang-kita naman kung nakanino nakapanig ang kapalaran ngayon.

Sa huli.

Tanging ang lubhang sugatan lamang na pinuno na nasa Half-Step True Spirit Realm ang buhay. Kalahati ng kanyang katawan ay sunog at kulay itim na at takot na takot na rin siya.

Isang bigla, nakaramdam siya ng kakaibang lamig na nagmumula sa kaliwang mata ni Zhao Feng habang sinusuri siya nito.

Tila ba tumatagos ang paningin ng mga matang ito sa kanyang puso.

Nayanig ang kanyang isip at kahit pa naramdaman niya na ang aura ng kamatayan, hindi niya agad napagtanto na ito na pala ang huling pagkakataon na masisilayan niya ang mundo.

Plop!

Ang pinuno na nasa Half-Step True Spirit Realm ay nalaglag mula sa hangin at nabasag ang kanyang mga buto dahil sa lakas ng atake.

Ang mental energy technique mula sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay higit pa sa Heavenly Absent Eye ni Lin Tong. Walang kahit sino ang may kaparehong cultivation sa kanya na kayang salagin ang mga atake niya.

Ang pinuno ay lubhag naugatan at natatakot, kung kaya hindi na siya nakalaban pa.

Sa loob lamang ng sampung hininga, ang buong pangkat ay napatay ni Zhao Feng nang mag-isa.

Pagkatapos niyang matalo ang pangkat, dumating na ang Broken Moon Clan. Hindi niya sigurado kung sakto lang ba ang pagkakataon o sinadya ito.

Ang mga miyembro ng Broken Moon Clay ay lubhang natuwa, tila ba ginanahan sila.

Ang mga humahabol sa kanila na nagmula sa Iron Dragon Country ay puno ng lamig at ang tatlong nagmula sa True Human Rank ay napatingin kay Zhao Feng nang may pagkabahala.

"Magpatuloy lang kayo sa Hilagang-Kanluran."

Patuloy pa ring nangunguna si Zhao Feng.

Ang kanyang God's Spiritual Eye ay kayang makakita kahit ilang daang milya pa ang layo, halos kaya nitong labanan ang kalangitan.

Pagkapatay niya sa pangkat, walang ng kahit ano ang kahaharapin nila na kaya silang pigilan na tumakas.

Ang tanging panganib lamang na mayroon sila ay nasa kanilang mga likuran.

Si Hai Yun Master at ang dalawa pang cultivators na nasa True Spirit Realm ay patuloy silang hinahabol.

Ang First Elder at si Granny Liuyue ay binigay ang kanilang lahat pero hindi nila halos masalag ang atake ng tatlong nsa True Spirit Realm.

Sumikip ang mga kilay ni Zhao Feng nang maging taimtim ang kanyang ekspresyon.

Hanggat hinahabol pa sila ng tatlo, imposible para sa Broken Moon Clan ang makatakas nang matagumpay.

Kahit gaano pa siya kabilis, hindi naman niya malalagpasan ang mga nasa True Spirit Realm at hindi rin siya makakatagal na tumakbo lamang mula sa kanila.

Kung tatlo lamang talaga sana sila, hindi naman ganoon kapanganib pero natatakot siya na magpadala pa ito ng mga dagdag na kalaban mula sa Iron Dragon City.

Mayroon lamang siyang dalawang plano.

Una: Sasalagin nina First Elder at Granny Liuyue ang tatlo habang tatakas ang iba at maghihiwa-hiwalay.

Ikalawa: Paslangin o kaya lubhang saktan ang isa sa mga True Spirit Realm cultivator para mapilitan silang umatras.

Hanggang ngayon, kaunti lang naman talaga ang humahabol sa kanila maliban sa tatlong pinakamahuhusay na True Spirit Realm cultivators na kanina pa sila sinusundan.

"Patayin ang isa sa mga nasa True Spirit Realm."

Patuloy na inanalisa ni Zhao Feng ang kanilang mga tsansa at napag-alaman niyang napakababa ng bahagdan na maaaring silang magwagi.

Kung dalawa lamang sana ang ekspertong nasa True Spirit Realm na hinahabol sila at magkakaroon ng dalawa laban sa dalawang labanan, mayroong 50% na magtagumpay ang Broken Moon Clan.

Pero ang problema ay mayroong tatlong eksperto sa True Spirit Realm ang humahabol sa kanila na madaling magagapi ang dalawa mula sa Broken Moon Clan.

Bukod pa roon, ang pagpatay ni Zhao Feng sa isang buong pangkat ng mga kalaban ang siyang nagpagising sa atensyon ng tatlong eksperto kung kaya hindi talaga sila lalong magtatagumpay nang ganoon na lamang.

Kung kaya ang tsansa na mapatay niya ang isa sa kanilang tatlo ay napakababa at maaaring pagbayaran niya pa ito ng kanyang buhay.

Lalo na at gusto pa naman talagang patayin ni Hai Yun Master si Zhao Feng kung kaya hindi niya agad na bibitawan ang pagkakataong ito.

Ang analisis na ginawa ni Zhao Feng ay lumabas sa kanyang isip.

Sa totoo lang, kung naiisip ni Zhao Feng ang mga ganitong paraan ganoon rin siguro ang naiisip ng First Elder.

"Feng'er, dalhin mo ang lahat pabalik at tumakas kayo papunta sa Cloud Country. Kung hindi ligtas roon, umalis na kayo sa Thirteen Countries…."

Ang nagmamadaling boses ng First Elder ay umalingawngaw sa isip ni Zhao Feng.

Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng. Gustong gamitin ng First Elder ang unang plano, pero magtatagumpay kaya ito?

"Wind God Vanquish!" Isang malalim na boses ang maririnig.

Sa isang bigla, habang nasa gitna ang First Elder, mga sinag ng kulay berdeng hangin ang nabuo at dumiretso sa tatlong eksperto, na siyang nagpaatras sa kanila.

Biglang tumaas ang aura ni First Elder at ang Qi ng kanyang True Spirit ay tila nagliliyab.

"Matandang bastardo, ayaw mo na bang mabuhay? Sinusunog mo ang iyong Source of True Spirit."

Nagulat si Hai Yun Master nang matamaan siya ng isa sa mga sinag na siyang nagpabagal sa kanya nang lubos.

Sa parehong pagkakataon.

Tumaas rin ang aura ni Granny Liuyue nang mabilis at isang berdeng liwanag ang makikitang binabalot ang kanilang mga sarili sa tatlong nasa True Spirit Realm na tila mga ugat ng isang puno.

Dahil sa pagliliyab ng Source of True Spirit ng First Elder, ang buong sitwasyon ay bumaliktad at nagbago.

Sina Hai Yun Master at ang kanyang mga kasama ay nalagay sa isang desperadong sitwasyon.

Kasabay nang pagpapaliyab ng First Elder sa kanyang Source of True Spirit ay ang paglalabas niya ng isang Mid-Grade Spiritual Weapon at saka binaling ang kanyang atensyon kay Hai Yun Master.

Ang dalawa mula sa Iron Dragon Country ay may kanya-kanyang Spiritual Weapons at nakakalaban naman sila pero walang ganoon si Hai Yun Master sapagkat nag-iiwan ito ng malalalim na sugat sa kanyang katawan.

"First Elder!"

"Master!"

Napabulalas ang mga natirang mga tao mula sa Broken Moon Clan.

Lalo na si Yang Gan, ang kanyang mga mata ay basang basa na at ang kanyang mga kamay ay nanginginig.

"Sinusunog ni First Elder ang kanyang Source of True Spirit. Ito ang pundasyon ng mga nasa True Spirit Realm. Kapag naubos na ito, may panganib na bumaba nang sobra ang kanyang cultivation."

Naging mabilis ang hininga ng mga Vice Heads habang tumutulo ang luha sa kanilang mga mata.

"Sundan niyo akong lahat."

Isang malamig na boses ang narinig sa isip ng lahat.

Ang nagsasalita ay si Zhao Feng. Ang mga binibigkas niya ay tila punong-puno ng hindi maipaliwanag na kapangyarihan.

"Zhao Feng, ganyan ka ba kawalang puso?"

"Ang First Elder ang iyong Master! Hindi natin siya pwedeng iwan!"

Umiyak sina Yang Gan at ang mga Vice Heads.

"Umalis na kayo!"

Ang boses ng First Elder ay narinig ng lahat sa kanilang mga isip.

"Kung hindi niyo lamang pinapabagal ang Master, matagal na siguro siyang nakatakas."

Sinuri agad ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng sina Yang Gan at ang kanyang mga kasama.

Pagkatapos niyang sabihin ito, tumalikod na siya at tumungo sa kaliwa.

Ang mga puso nila Yang Gan at ng kanyang mga kasama ay nanginig, pero hindi nila alam kung dahil ba ito sa dalang presyur ng God's Spiritual Eye o sa kalamigan ni Zhao Feng.

Kahit hindi nasisiyahan ang lahat, nakinig pa rin naman sila sa kay Zhao Feng.

Ang kabataang ito ay gumawa ng mga milagro at nakamit ang unang puwesto sa Alliance Banquet, nakapagbibigay talaga siya ng pakiramdam na mapagkakatiwalaan at maasahan siya.

Subalit.

Ang ipinakitang ekspresyon ni Zhao Feng ay napakalamig. Tila ba walang bakas ng pag-aalala.

"Wala man lang siyang pakialam kahit ang buhay ng kanyang Master ay nasa bingit na ng kamatayan."

Bumulong ang isa sa mga Vice Heads.

Masyado nang mapanghamak si Zhao Feng kapag nagpaliwanag pa siya.

Dahil sa pagbubukas ng kanyang God's Spiritual Eye, nasa estado si Zhao Feng na kalmado lamang siya at rasyonal, wala siyang kahit anong makataong mga emosyon.

Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, ginagawa lamang ni Zhao Feng ang pinakamabuting aksyon.

Lahat ng ginawa nila First Elder at Granny Liuyue ay upang makatakas sila. Kung hindi, sa lakas na mayroon sila, ang pagtakas ay mahirap.

"Kung mas malayo ang matatakbo natin, mas mabilis rin ang pagtakas nila Master at Granny Liuyue at mababawasan ang magagamit nilang Yuan Qi."

Ang isip ni Zhao Feng ay malinaw pa rin.

Bago siya umalis, ginamit niya ang kanyang God's Spiritual Eye at nagbato ng dalawang pumpon ng ilaw kay First Elder at Granny Liuyue.

"Hmm?"

Parehong sina First Elder at Granny Liuyue ay nakahanap ng mental energy mark sa kanila na nagpapanatili ng isang misteryosong relasyon sa pagitan nila at kay Zhao Feng.

"Ang isip ng sutil na iyon ay malinaw pa rin kahit nasa isang delikadong sitwasyon na."

Nagpalitan ng tingin sina First Elder at Granny Liuyue at nakakita sila ng papuri at init sa mga mata ng bawat isa.

Mukhang malamig lamang si Zhao Feng, pero pasikreto siyang nag-iwan ng dalawang mental energy marks sa dalawang elders.

Kung gayon, matutulungan pa rin ng dalawang panig ang bawat isa.

Hindi naman talaga sinukuan ni Zhao Feng ang dalawang elders, sa halip, napagplanuhan niya pa nga ito nang higit pa sa kahit sino.

Takbo.

Pinamunuan ni Zhao Feng ang grupo at tumungo sa mga lupaing mahirap baybayin.

Basta makatakas lang sila, hindi na ganoong malalagay sa panganib sina First Elder at Granny Liuyue.

Ilang oras ang makalipas.

Naiwan na ng grupo ang Dragon Concealing Lake at nakapasok na sila sa isang napakasukal na kabundukan na punong-puno ng iba't ibang mga kagubatan.

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng. Ligtas na sila at sa pamamagitan ng God's Spiritual Eye, nararamdaman niyang parehong si First Elder at Granny Liuyue ay buhay pa rin.

Pero sa pagkakataong ito.

Napakislot ang noo ni Zhao Feng nang makaramdam siya ng kakaibang pakiramdam.

Ganoon rin, isang karumal-dumal na pakiramdam ang sumilakbo sa kanya.

Miao miao!

Nagpakita ang maliit na pusang magnanakaw at binuksan nito ang kanyang bibig habang sinusuri ang paligid.

"Junior, mayroon kang 'Ghost Mark', nararamdaman ko ito mula sa ilang libong milya."

Isang matandang mallit na may hawak na tungkod ang nakatayo sa punong nasa harap nila. Nagpakita siya na tila isang multo mula sa kung saan.

"Sino ka?"

Ang mga puso ng Broken Moon Clan ay nanlamig. Ang maliit na taong ito ay nakahabol sa kanila nang hindi nila napapansin.

Tanging si Zhao Feng lamang at ang kanyang pusa ang nakaramdam ng kakaiba.

"Ghost Mark?"

Nagngitngit ang ngipin ni Zhao Feng. Ang nakakadiring pakiramdam na ito ay iniwan sa kanya ng isang misteryosong kalansay.

Kahit ngayon, hindi niya matanggal ang Ghost Mark. Mahirap isipin kung anong antas na siguro ang misteryosong kalansay na iyon.

"Ang matandang ito ay ang 4th Elder ng Ancient Shrine at naririto para hulihin ka sa utos ng Grand Elder. Sutil, uupo ka lang ba dyan nang walang gagawin at hahayaan mo kung hulihin ka o pagagalawin mo pa ako?"

Marahang sabi ng matanda na tila ba nasa kanya na ang tagumpay.

Napakatahimik ng buong kagubatan.

Ang hininga ng lahat mula sa Broken Moon Clan ay naging mapakla dahil sa aura ng kamatayan na pumapalibot sa kanila.

Maghihintay na lang ba sila roon na walang ginagawa at mahuli na lamang?

Napakapait ng pakiramdam ni Zhao Feng habang inaanalisa ng kanyang isip ang sitwasyon pero sa ilalim ng mga normal na pangyayari, ang dosenang katao ay hindi makakatakas maliban lang kung may dalawa hanggang tatlo silang Zhao Feng o Cang Yuyue. Sa pagkakataong iyon lamang sila saka makakalaban sa isang nagmula sa True Spirit Realm.

O kaya sa isang magulong sitwasyon lamang magkakaroon ng tsansa si Zhao Feng na mabuhay.

Pero, ang problema ay siya lamang ang gustong patayin ng elder.

Miao miao! Inihagis ng kanyang pusa ang isang tansong barya kahit ganoon na lamang ang sitwayong kinalalagyan nila. Masasabi agad ng isang tao na napakawais nito.

Miao miao!

Inialis ng pusa ang barya nang may ligalig, tila ba may magandang mangyayari sa hinaharap.

Halos matamaan na ito ni Zhao Feng. Ang kanyang kalaban ay nasa harap niya na at mukhang nakikipaglaro lang ito.

Hong Long ----

Sa mismong pagkakataong ring iyon, nandilim ang langit at nagsimulang gumalaw ang mga ulap.

Hualalala~

Nagsimula nang umulan at mula sa langit maririnig ang malaks na tunog ng kidlat.

Umuulan ngayon?

Nalaglag ang mga puso ng nasa Broken Moon Clan.

"Ulan na may dalang kidlat??"

Napabulong si Zhao Feng sa kanyang sarili habang nawawala ang kapaklaan sa kanyang puso at napalitan ng saya, "Palagi talagang nag-iiwan ng daan ang langit."

Related Books

Popular novel hashtag