Hindi lamang si Xu Zixuan ang nakakaalam ng dahilan sa kung ano ang dapat pagtuonan ng pansin. Alam din ito ni Zhao Feng.
Ito ang dahilan kung bakit sinuko na niya ang body strengthening. Kahit na malakas ang body strengthening, masiyadong mahirap ang cultivating at mapipigilan nito ang pagprogreso.
Ang mga labanan sa apat na lugar ng Alliance Banquet ay nagpatuloy nang hindi tumitigil.
Ang mga mata ni Zhao Feng ay hindi lamang nalilimitahan sa ikatlong lugar. Nakatingin din siya sa labanan sa ibang mga lugar, lalo na sa tuwing lumalaban ang Four Stars.
Hindi gusto ni Zhao Feng na makalaktaw ng isa sa kanilang mga laban at napanalunan ng Four Stars ang halos lahat ng kanilang laban sa isang galaw lamang.
Siyempre, hindi lamang si Zhao Feng ang natatanging itim na kabayong nagpakita.
Mayroon tatlo hanaggang apat na iba pang mga itim na kabayo na nagpakita pagtapos niya. Hindi sikat ang mga itim na kabayo, ngunit ang lakas nila ay nangingibabaw at napatunayan ito sa pagtalo sa mga matatandang elites.
Nakilala ni Zhao Feng na sina Bei Moi at si Zhao Yufei ang dalawa sa mga iyon.
Parehas sina Bei Moi at si Zhao Yufei ay mga prodigies na nakatanggap ng mga Inheritances at bukod sa Four Stars, madali lang nilang napanalunan ang kanilang mga laban.
Mayroon pang isang itim na kabayong nagngangalang Yan Chuan, na ang forte ay body strengthening. Ang katawan ni Yan Chuan ay nakaabot na sa kamangha-manghang antas – kaya niya nang salagin ang mga nasa 6th Sky gamit lamang ang kaniyang katawan.
Ang Head disciple ng Broken Moon Clan na si Yang Gan ay ginulat ang lahat sa kaniyang pagpapakitang gilas, ngunit natalo siya ni Yan Chuan sa halos isang daang palitan ng galaw.
Si Yan Chuan ay nasa 6th Sky at dagdag pa ang kaniyang nakakatakot na body strengthening, parehas ang kaniyang opensa at depensa ay kasindak-sindak. Lalo na para sa kaniyang depensa at iyon ang pangunahing rason para sa kaniyang pagkapanalo.
"Mukhang hindi naman masiyadong magaling ang Head disciple ng Broken Moon Clan." Tumawa si Yan Chuan.
Matapos ang isang daan o higit pang mga galaw, hinihingal na si Yang Gan kung saan normal lamang ang paghinga ni Yan Chuan.
Biglang napakita ang pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa.
Si Yan Chuan ang pinakamalaking itim na kabayo kasunod ni Zhao Feng at ang kaniyang kasikatan ay nasa ibaba lamang ng Four Stars.
Sumulyap ang mga mata ni Zhao Feng sa katawan ni Yan Chuan at hindi na nagpakita pa ng kahit anong atensyon.
Sa mismong pagkakataon na ito, sa ikaunang lugar, isang matingkad na kislap ng liwanag ang para banag tumuhog sa mga ulap.
Isang babaeng may simpleng kasuotan at mayroong balat na kasing puti ng nyebe at mayroong hawak na tatlong yardang berdeng espada ay naroon. Tila ba isa siyang diyosa na nasa ipininta.
Natalo ni Cang Yuyue ang kaniyang kalaban sa iisang galaw na naman.
Bawat galaw na ikinilos niya ay nagawa sa isang iglap at pinapahina nito ang mga labanan sa ibang lugar.
Ang natatanging hindi mapalad na nangyari ay ang mga ikinilos ni Cang Yuyue ay masiyadong mabilis at walang malinaw na nakakakita ng kaniyang mga galaw.
Ngunit mayroong isang naiiba at si Zhao Feng ito.
Gamit ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, kaya niyang panoorin ang eksena ng nag-iisang espada na iyon at pabagalin ng halos isang daang beses.
Natulala siya sa kapangyarihan ng isang espadang iyon.
Siguro ay nakaabot na ito sa kapangyarihan ng peak 7th Sky at ang mga normal na cultivators na nasa 7th Sky ay maaaring mapatay agad ng isang espada na iyon.
Mayroong pakiramdam si Zhao Feng na kung makakatapat niya ng harapan ang espadang iyon, mapapaslang din siya sa isang galaw lang.
Ang opensa ni Cang Yuyue ay nakalagpas na sa bawat henyong naroroon at siya ang nakatayo sa tugatog, walang talo at nag-iisa.
Kahit na ang depensa niya ay hindi kasing ganda ng kay Yan Chuan at Bei Moi at ang mga galaw niya ay hindi kasing misteryoso gaya ng kay Lin Tong at Xu Zixuan, habang hawak-hawak niya ang na-iisa niyang espada, ang bawat atake na makakapat niya ay malulusutan ng espada niya.
Isang espada lamang na lumalampas sa sampung libong mga teknik.
"Ayan ang Sword Dao..."
Hindi mapigilang huminga ng malalim ni Zhao Feng. Naipaalala sak niyan ni Cang Yuyue si Xin Wuheng, na misteryosong umalis noong araw na iyon.
Kung may isang tao na mapipili sa Alliance Banquet na kayang lumaban kay Cang Yuyue, maaaring si Lin Tong ito.
Ang huling nabanggit ay nakakatalo rin ng kaniyang kalaban sa isang galaw lamang at ang kaniyang mental energy techniques ay napakamisteryoso at nalagpasan nito ang naka-kapang anyo mula sa araw na iyon.
"Yang Gan laban kay Lin Tong." Sambit ng isang boses.
Hindi mapigilang tumingin ni Zhao Feng.
Sa pagtapat sa ikawalang bilang ng Four Stars, isang mapait na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Yang Gan.
Siyempre, hindi pa siya sumusuko at ang kaniyang puso ay kasingtigas ng bato.
Noon sa Broken Moon Clan, si Yang Gang sumailalim sa 'pagsasanay' ni Zhao Feng at nagkaroon na siya ng resistensya laban dito.
Nakatayo ng maigi si Lin Tong habang kumakalat ang isang malamig na aura sa kapaligiran at mukhang nanigas ang hangin dulot dito.
Nanginig ang puso ni Yang Gan nang maramdaman niya ng para siyang nahuhulog sa isang bangin.
Kumalat hanggang sa isipan niya ang malamig na aura.
Sa puntong ito, namutla an mukha ni Yang Gan.
Kung tutuusin, sumailalim siya sa pagsasanay ni Zhao Feng at mayroon siyang malakas na resistensya laban sa mental energy techniques.
"Hmm?"
Bahagyang nasurpresa si Lin Tong – ito ang unang beses na hindi niya natalo agad-agad ang kaniyang kalaban.
Sa pagkakataon pa lamang na ito mayroon ng karapatan si Yang Gan upang magmalaki.
Agresibong pumalag si Yang Gan habang ang kaniyang mata ay biglang kumislap at inilabas niya ang kaniyang espada. Hinawi niya ito kay Lin Tong.
Ang huling nabanggit ay walang ekspresyon habang mayroong isang pulang liwanag na lumitaw sa kaniyang mga mata.
"Heavenly Absent Eyes!" Sigaw ng mga manonood.
Heavenly Absent Eyes.
Ang pinakamahalang teknik ng Ancient Shrine na nangangailangan din ng bloodline power upang macultivate ito.
Sa pagkakataon na ginamit ni Lin Tong ang kaniyang Heavenly Absent Eyes, nagmukha siyang isang emperador. Ang hindi makitang misteryosong kapangyarihan na nagdulot upang manginig ang mga kalapit na disciples.
Sa pagkakataong ito, mukha mayroong abilidad si Lin Tong upang tumayo laban kay Cang Yuyue.
"Hindi maganda."
Pinigil ni Yang Gan ang kaniyang paghinga habang nararamdaman niya ang paninigas ng kaniyang katawan.
Malamig siyang sinuri ni Lin Tong.
Plop.
Natumba sa sahig si Yang Gan na punong-puno ng malamig na pawis at siya ay pagod na pagod.
Ang kailangan lamang gawin ni Lin Tong ay suriin si Yang Gan at ito na ang nakapagpatumba sa nabanggit.
Ang tunog ng mga malalamig na paghinga ay naglitawan.
Parehas sina Ao Yuetian at Xu Zixuan ng Four Stars ay mayroong nag-aalala at taimtim na ekspresyon.
"Hindi kasinungalingan ang mga sabi-sabi. Ang kailangan lamang gawin ni Lin Tong ay tumingil sa kaniyang kalaban ng isang beses gamit ang kaniyang Heavenly Absent Eyes at matatalo na niya ang mga ito."
"Masiyado siyang nakakatakot. Sa lahat ng Four Stars, walang dudang si Lin Tong ang pinakamisteryoso."
Lahat ng mga kalahok na disciples ay natulala.
Matapos matalo ni Yang Gan, parehas sina Zhao Feng at Lin Fan ay nagpunta upang tingnan siya.
Dahil nag-ensayo rin si Zhao Feng sa landas ng mental energy, may karapatan siyang ihayag ang kaniyang mga naiisip.
Sa pagkakataong ito, gulat pa rin si Yang Gan at labis siyang nanghina.
"Brother Yang, ang pag-alala at pagkaantok mo ay nagmumula sa paggamit ng mental energy. Nasaan ang 'Returning Deity Spiritual Pilll' na sinabi ko sa'yong ihanda mo?" Paalala ni Zhao Feng.
Mabilis na kinain ni Yang Gan ang Returning Deity Spiritual Pill at nagsimula ulit magkakulay ang kaniyang mukha.
Sinusuwerte siya, hindi basta-bastang kumilos si Lin Tong at hindi niya napinsala ang mental energy ni Yang Gan.
"Brother Zhao, nang matamaan ako ng mental energy technique na iyon, pakiramdam ko nakulong ako sa isang kulungan sa bangin at kahit anong gawin ko hindi ako makatakas..." Kinapos ng hininga si Yang Gan.
"Oh, mukhang isa itong mental energy illusion technique." Sinabi ni Zhao Feng pagtapos mag-isip ng ilang sandali.
"Bakit pakiramdam ko napakaraming oras na ang lumipas?" Nagtatakang tanong ni Yang Gan.
"Ang bilis ng mental energy ay iba kaysa sa katotohanan. Parang kung paano mo maisip ang iyong mga alaala sa iisang pag-iisip lamang, ngunit sa katotohanan, isang segundo lamang ang nakalipas." Matamlay na ngumiti si Zhao Feng.
Ang Mental Energy Illusion Techniques ay forte rin ni Zhao Feng, ngunit ang Heavenly Absent Eyes ni Lin Tong ay mas malalim at mas sanay kaysa sakaniya.
Habang nakikipag-usap si Zhao Feng kay Yang Gan, si Lin Tong, na hindi masiyadong malayo, ay tumingin din.
Tila ba may naramdaman si Zhao Feng at tumitig siya bigla sa mga mata ni Lin Tong.
Biglang nagkaroon ng mga alon ng hindi makitang mental energy na nagsagupaan, na nagdulot upang manigas ang hangin.
Maitim at misteryoso ang mga mata ni Lin Tong, kung saan ang isang mata ni Zhao Feng ay malalim ngunit hindi ito matalim.
Sa puntong ito.
Lahat ng bagay ay lubhang naging tahimik.
Bukod kay Zhao Feng at kay Lin Tong, pakiramdam ng lahat ng naroroon na hindi sila makahinga.
"Ang paglalaban ay hindi pinapayagan bukod sa mga taong lumalaban mismo."
Ang aura ng isang taong nasa True Spirit Realm ay biglang sumira sa sitwasyon.
Tumalikod si Zhao Feng at bumalik siya sa ikatlong lugar nang walang ekspresyon.
"Kawili-wili ang lalaking 'yon. Bakit ang Heavenly Absent Eye ko ay nanginginig dahil sa kagalakan? At ang takip niya sa mata..." Bulong ni Lin Tong sa kaniyang sarili.
Ang mga kalapit na disciples ay lahat naglabas ng mahabang paghinga. Nang hinarap ni Zhao Feng si Lin Tong, nakaramdam sila ng puwersa sa kanilang kaluluwa na para bang lubhang masama.
Matapos ang palitang ito, marami ang mas nag-alala pa kay Zhao Feng.
Ang posisyon ng nangungunang itim na kabayo ay hindi nagagalaw.
Sa buong Alliance, sino ang maglalakas-loob harapin si Lin Tong?
At kung titingnan ang sitwasyon, ang laban sa pagitan ng dalawa ay pantay lamang.
Ikatlong lugar.
Ang isang mata ni Zhao Feng at ang kaniyang asul na buhok ay lubhang nangingibabaw.
Bukod kay Xu Zixuan, lahat ng naroroon ay biglang nag-alala at ilan pa sa kanila ay kinatakutan si Zhao Feng. Kahit si Gu Lanyue ay nabalisa. Ang mga pakiramdam niya bilang babae ang nagsasabi sa kaniya na si Zhao Feng ay isang napakamapanganib na tao.
Kumislap ang kaniyang mga mata at hindi niya mapigilang mag-alala na masiyadong malala ang pagturing niya sa kaniya bilang kalaban.
At kung titingnan ang Alliance Banquet na ito, ang mga pagpapakitang-gilas ng mga disciples ng Broken Moon Clan ay hindi na masama.
Sina Zhao Feng at si Bei Moi ay dalawang itim na kabayo at hindi dinumihan ni Yang Gan ang titulo ng pagiging Head disciple. Ang ibang Core disciples, gaya nina Lin Fan at ni Ran Xiaoyuan, ay lahat mayroon ding magagandang pagpapakitang-gilas.
Sa poste ng mga manonood.
Ang Lin Moon Clan, Silver Moon Clan at ang Secluded Jade Palace, na malapit sa Broken Moon Clan, ay nagulat sa pagpapakita ng lakas ng mga nakababatang henerasyon ng Broken Moon Clan.
Lalo na para sa Silver Moon Clan at sa Secluded Jade Palace, na mas maayos pa ang ipinakita kaysa sa Broken Moon Clan sa nakaraang Alliance Banquet.
Ngunit sa oras na ito, madali lamang nalamangan ng huling nabanggit ang dalawang Clans.
Ang mga nakatataas na awtoridad ng Lin Moon Clan ay bahagyang mas magaling.
"Kahit na magaling ang mga nakababatang henerasyon ng Broken Moon Clan ngayon, walang tunay na lider sa kanila at wala sa kanila ang magiging isa sa mga Stars." Ngumiti ang First Elder ng Lin Moon Clan.
Subalit sa panig ng Lin Moon Clan, mayroon pa rin silang isa sa mga Four Stars, si Ao Yuetian at si Zhao Yufei, na isa sa mga itim na kabayo.
Kasabay nito.
Sa isang sulok ng poste ng mga manonood.
Ang mga tao mula sa Iron Dragon Country ay lahat nananahimik habang pinagmamasdan nila ang Alliance Banquet ng mayroong kalamigan, pang-iinsulto at pagkamuhi.
"Mukhang ang Thirteen Countries ay walang masiyadong henyo. Ang Four Stars lamang ang tanging kapasa-pasa." Isang malamig na boses ang maririnig mula sa isang misteryosong anyo na nakasuot ng itim kung saan hindi makikita ang kaniyang mukha.
Sa panig ng Broken Moon Clan.
"Hindi ba't mayroong gyera sa pagitan ng Iron Dragon Country at ng Sky Rich Country? Bakit may panahon pa silang manood ng Alliance Banquet?" Walang ekspresyong tanong ng First Elder.
Sa mismong oras na ito, isang boses ang maririnig sa ikatlong lugar: "Zhao Feng laban kay Xu Zixuan."