"Zhao Feng laban kay Xu Zixuan."
Ang mga nanonood ay agad na pumunta sa ikatlong area.
Isa sa mga pinaka agaw pansin na mga henyo, si Xu Zixuan ay dakilang naglakad sa itim na buhanging entablado.
Kapag ang isa sa mga Four Stars ang pumunta sa entablado, nakakukuha agad ito ng pansin. Mayroon pang mga hiyawan mula sa mga batang babae.
Sa Four Stars, si Cang Yue ay babae at nag-iisa, si Lin Tong ay sobrang lamig makitungo at misteryoso at si Ao Yuetian ay mayabang at walang galang. Tanging si Xu Zixuan lang ang kalmado at madaling kausap.
May maganda siyang relasyon sa lahat at siya ang pinapangarap ng mga babae.
Siyempre, ang dahilan kung bakit malaking atensyon ang ibinibigay sa labanan n ito ay hindi lamang dahil kay Xu Zixuan, ito ay dahil din sa kanyang katunggali.
Zhao Feng.
Isang kakaiba, makapangyarihan at malupit na itim na kabayo.
Maaring sabihin na siya ang pinaka itim na kabayo sa lahat.
Halos papangitin niya na si Gu Lanyue noon at ito ay naging dahilan upang magalit ang maraming lalaki.
Siyempre, dahil sa lakas ni Zhao Feng, karamihan ay takot sa kaniya.
Ang labanan sa pagitan nila Gu Lanyue at Tan Lin ay nagpatunay nang kalupitan at kalakasan ni Zhao Feng.
Kung hindi dahil dito, hindi makukumbinsi ang lahat sa kanyang abilidad. Ngunit hinarap ni Zhao Feng si Lin Tong na nagpa misteryoso pa lalo sa kanya.
Siya ay misteryosong kabataan na maging si Lin Tong ay interesado sa kaniya.
Mula sa hiyawan ng mga tao, isang kabataan na may isang mata at kulay asul ang buhok ang naglakad sa entablado.
Isa sa Four Stars laban sa Darkest Horse. Ang labanang ito ay karapat-dapat na panoorin.
Isa pa, ang labanan na ito ang magpapakita sa totoong kahalagahan ni Zhao Feng.
Sa oras ding ito, ang mga pamilyar kay Zhao Feng ay tumitig maigi sa kinaroroonan nito.
Sila Yang Gan, Bei Moi, Lin Fan, Ran Xiaoyuan, Liu Yue'er… Lahat ng mga disipulo mula sa Broken Moon Clan ay tumingin sa ikatlong area.
"Feng'er ang iyong layunin at halaga maging ang pag-asa ng Broken Moon Clan ay naka salalay sa labang ito."
Huminga nang malalim ang Unang Elder at halos pigilan niya na ang kanyang pag-hinga.
Uto ang pinaka talentado niyang disipulo sa kanyang buong buhay at nasa bingit siya nang pag-gawa ng kasaysayan.
Tagumpay at pagkatalo ang pagpipilian.
"Zhao Feng, malupit ka at ginagawa mo kung ano ang gusto mo. Kung hindi ka makararanas ng pagkatalo, sinong makakaalam kung ilang mga inosenteng buhay ang mapapahamak?"
Pagka makatwiran ang lumitaw sa kalmadong mukha ni Xu Zixuan.
Sa sandaling sinabi niya ito, pagsang-ayon ang nangibabaw sa ikatlong area.
"Tama iyon. Siya ay malupit na may isang matang bastardo. Kailangan mo siyang turuan ng leksyon!"
"Kung kaya niyang maging malupit sa magandang si Gu Lanyue, tiyak na mas sasaktan niya pa ang ibang tao. Kailangan niyang matuto ng leksyon dito."
Sumang-ayon ang grupo ng mga kabataan.
Kung sa normal na mga sitwasyon, sila ay mananahimik lamang, ngunit isa sa mga Stars ang lumabas. Sa ganitong punto ng oras, maaari nilang sabihin ano man ng gusto nila.
Sa oras na ito, naging 'demonyo' si Zhao Feng, habang si Xu Zixuan ay naging makatwiran na 'tagapagligtas'.
Habang nakikita nila kung paano kutyain si Zhao Feng ng mga tao, ang ekspresyon ng mga disipulo mula sa Broken Moon Clan ay bahagyang umismid.
Hindi makapag-salita si Zhao Feng. Sinaktan lang naman niya ang maganda?
Ang Xu Zixuan na ito ay sadyang pahirap. Ilang mga salita lamang ang kaniyang binitawan at nailagay niya na ang kanyang sarili sa landas ng mga makatwiran.
Kung gayon, kung talagang tuturuan ni Xu Zixuan nang marahas na leksyon, walang maiinis. Salungat nito, ang kanyang gagawin ay pupurihin.
"Zhao Feng, kung handa ka na humingi ng tawad kay Go Lanyue at magsimulang muli, ang labanang ito ay magiging normal at handa akong maging kaibigan ka." Bahagyang ngumiti si Xu Zixuan at tapat itong sinabi.
Halos mailuwa ni Zhao Feng ang kanyang mata, ang Xu Zixuan na ito ay katawa-tawa. Ano, iniisip niya ba na isa siyang banal na nagkatawang-tao muli?
Hindi lamang si Xu Zixuan ang nag-iintay ng kanyang sagot, lahat.
Ayon sa lohika, ang isang malamig at malupit na kabataang katulad ni Zhao Feng ay hindi sasang-ayon at biglang aatake.
Naghanda na rin si Xu Zixuan kung mangyayari ito.
"Handa akong matutunan ang mga ituturo mo… Ngunit iyon ay kung may kakayahan ka na 'gawin akong banal mula sa landas ng kasamaan'." Isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa labi ni Zhao Feng.
Handang matutunan ang iyong mga aral?
Ang unang bahagi ng kanyang pangungusap ay naging dahilan upang mapahinto ang mga manonood, ngunit ang sumunod ay nagbunsod ng galit sa puso ng lahat.
Ang lalaking ito ay ipinapahiya sila.
Sa harap ng lahat, si Zhao Feng ay 'nilaro' si Xu Zixuan.
Agad na nagbago ang ekspresyon ni Xu Zixuan: "Tinanggihan mo ang maayos na tagayan para lamang uminom nang kaparusahan."
Jiang!
Isang nagliliwanag na gintong espada ang lumipad mula sa likod ni Xu Zixuan at dumiretso ito kay Zhao Feng.
Ang bilis at ang kapangyarihan ng flying swords ay umabot sa hindi kapani-paniwalang lebel, na tila sumisimbolo ito sa galit ng puso ni Xu Zixuan.
Hindi hinayaan ni Zhao Feng na mawala siya sa pokus. Ang isang espada mula kay Xu Zixuan ay hindi kayang harangin ng mga normal na cultivators na nasa 7th Sky. Isa pa, si Zhao Feng ay nasa 5th Sky pa lamang.
Shuuu!
Ang gintong espada ay humiwa sa pigura ni Zhao Feng na nag-iwan ng lamat sa sahig.
Sa sabay na pagkakataon.
Sheeeew!
Isang tunog ng kidlat, isang pigura ang lumitaw mula sa kabilang gilid.
"Anong movement skill ito na nakaiwas sa atake ni Xu Zixuan?"
Ang mga nanonood ay nag diskusyon. Isang atake pa lamang ay nagpa-igtad na sa puso ng karamihan.
Mula sa simula ng Alliance Baquet hanggang ngayon, walang kalaban ang madaling nakaiwas sa flying sword ni Xu Zixuan dahil ang bilis ng espadang ito ay katakot-takot.
Maging ang mga nasa 7th Sky ay mahihirapang iwasan ito. Ngunit madali itong naiwasan ni Zhao Feng.
Ang ekspresyon ni Xu Zixuan ay hindi nagbago. Sa halip, isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi.
Shuaaa----
Ang gintong flying sword ay tila may mga mata. Matapos hindi matamaan ang unang subok, patuloy nitong tinutugis si Zhao Feng.
Ang Yin Shadow Cloak ay lumipad sa likod ni Zhao Feng at kasama ang mga nagliliwanag na kidlat, ang kanyang kilos ay mas naging mabilis.
Ang bilis sa pagdating niya ay natalo pa ang bilis ng flying sword.
Target: Xu Zixuan.
Kasama ang mga sirit ng kidlat at tunog ng kulog, nakarating siya sa harap ni Xu Zixuan.
Ayon sa pagsusuri ni Zhao Feng, ang kahinaan ni Xu Zixuan ay malapitang labanan sapagkat ang kanyang kalakasan ay kontrolin ang flying swords.
Bahagyang nagbago ng ekspresyon ni Xu Zixuan - ito ang unang beses sa Alliance Banquet na may nakalapit sa kanyang harapan.
Peng!
Ang pinagsamang kidlat at kulog, mga arki ng kidlat ang lumitaw sa harap ni Xu Zixuan.
Hindi siya nataranta at ang green blade ay lumipad mula sa kanyang likuran, na bumuo ng pader na nakipag sagupaan sa atake ni Zhao Feng.
Sa isang 'Bang', ang palad ni Zhao Feng ay naharang ng flying swors at ang kayang pigura ay natulak pabalik.
Ang tatlong espada sa likod ni Xu Zixuan ay maaring gamitin bilang opensa o depensa, mabuti na lamang at ang kidlat mula kay Zhao Feng ay bahagyang napatamlay si Xu Zixuan.
Gayunpaman, ang gintong espada ay sinusundan si Zhao Feng. Ang berde at gintong espada ay inatake si Zhao Feng.
Kung ito ay ibang tao maliban sa Four Stars, sila ay mapupunta sa mahirap at mapanganib na sitwasyon.
Qiuu----
Naglakbay si Zhao Feng na tila isang kidlat at imbis na umurong, patuloy siyang umabante. Sa kanyang palad, malapot na arko ng kidlat ang lumitaw.
Sa sandaling ito, ang Lightning Wind Palm ay natulak sa ika-anim na lebel, na doble sa kapangyarihan ng ng orihinal na ika-anim na lebel.
Sa pagharap sa prodigy na ito na nakatayo sa tuktok ng Thirteen Countries, hindi na magawang itago ni Zhao Feng ang kanyang lakas. Kaya ginamit niya ang 'Lightning Inheritance' upang mas mapabuti ang kanyang opensa, galaw at True Force.
Ding--- Peng!
Patuloy na ginagamit ni Zhao Feng ang kanyang Lightning Wind Palm laban kay Xu Zixuan at ang ekspresyon niyo ay nagbago na habang nararamdaman niya ang pamamanhid na dumadaloy sa kanyang katawan.
Matapos na atakihin ni Zhao Feng, nilabas niya ang ikatlong asul na espada na mula sa kanyang likod na may kasamang 'jiang' at gumawa nang maraming atake.
Ang berde at asul na espada ay ginamit na pang depensa at kung gayon, ang tanging makakapinsala lamang kay Zhao Feng at ang gintong espada.
Ang dalawang defensive sword ay humarang para kay Xu Zixuan at gumawa sila ng hindi tatagusan na depensa. Ito ay lalo na sa asul na espada, na naglalaman ng mga elemento ng tubig na nababagay para sa depensa.
Huminga nang malalim si Xu Zixuan na may taimtim na ekspresyon - ang panganib ay nalampasan na. Hindi niya naisip na ang kanyang kalaban ay makakakuha ng ganoong klaseng upper hand.
Ang mga manonood ay natulala sa gulat.
Ang makasabog na bilis at opensa na ipinakita ni Zhao Feng ay nakaabot na sa hindi kapani-paniwalang lebel gamit ang lahat ng kanyang lakas na nagtataglay ng kapangyarihan ng kidlat.
"Kailan pa nagkaroon ng ganoong klaseng lakas si Zhao Feng sa pakikipaglaban?"
"Sobrang puro ng kidlat na iyon!"
Ang mga matataas na tao sa Broken Moon Clan ay nagulat at madilim ang ekspresyon ni Hai Yun Master.
Ang kadalubhasaan sa labanan ay hindi kayang ipaliwanag ng karanasan o kamalayan ang ipinakita ni Zhao Feng.
Ang ganoong kapuro at kalalim na kidlat ay hindi tinataglay ng Lightning Wind Palm.
Ang makawasak na kapangyarihan at katakot-takot na bilis.
Ito ay dahil nakamit ni Zhao Feng ang upper hand laban sa isa sa Four Stars, si Xu Zixuan - kahit ito ay sa ilang sandali pa lamang.
"'Yang Zhao Feng na yan… Paano 'yon nangyari?"
Sila Ao Yuetian, Bei Moi, Quan Chen at ang iba pa ay nagulat.
Ang ekspresyon ni Gu Lanyue ay namumutla at ang kanyang puso ay nanginginig habang tinitignan niya ang pigura na nababalot ng kidlat.
Three Sword Formation!
Kumislap ang mata ni Xu Zixuan at ang tatlong flying swords ay bumuo ng isang linya sa kanyang harapan. Hiniwa nito ang mga atake ni Zhao Feng.
Kahit na gaano pa makapinsala ang opensa ni Zhao Feng, lahat sila ay walang laban pagdating sa three swords.
Bilang isa sa Four Stars, ang tinatagong alas ni Xu Zixuan ay hindi basta-basta.
May taimtim na ekspresyon si Zhao Feng. Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan, maliban sa kanyang bloodline power, ngunit hindi man lamang niya mahawakan ang kanyang kalaban.
Gayunpaman, matapos na mabuo ang Three Sword Formation ni Xu Zixuan, may mga senyales ng pabalik na atake.
Sa sandaling nabuo niya ang kanyang opensa, ang kapangyarihan ng Three Sword Formation ay makahihiwa pira-piraso sa cultivators na nasa 7th Sky at kahit pa ang kasing lakas ni Zhao Feng ay hindi ito kayang harapin.
Qiu!
Naglabas si Zhao Feng ng arko ng mga kidlat kasabay nang pagharang ng Yin Shadow Cloak, na naging dahilan upang tumalon siya sa hangin.
Kaaabay nito, isang pan at taltlong palao ang lumitaw sa kanyang kamay.