Ang pana ay may kulay asul na ice lotus symbol sa gitna nito.
Maraming tao ang nagulat nang ilabas ni Zhao Feng ang Louhou Bow.
Bihira na lamang ang mga cultivators na gumagamit ng oana sa kontinenteng ito.
"Pana?"
Malamig na tumawa si Xu Zixuan sa kanyang puso. Ang kanyang flying sword ay kayang umatake ng malayuan at dumepensa at ang Three Sword Formation ay mabigat din ang kakayahan.
Noon, si Ao Yuetien ay natalo sa Three Sword Formation at kahit ngayon,hindi pa rin ito nakahahanap ng solusyon dito.
Gayunpaman, sa sandaling ito kinuha ni Zhao Feng ang kanyang pana. Nangangarap siya kung iniisip niya na matatalo ng pana ang Three Sword Formation.
Jiang!
Ang gintong espada sa Three Sword Formation ay humiwa sa hangin patungo kay Zhao Feng.
Ang kalamangan ni Xu Zixuan ay perpekto ang espada para sa malayuan at malapitang labanan dahil ito ay sobrang liksi.
"Hehe, sa lahat ng armas, ang pana ang may pinaka malayong saklaw."
Bahagyang tumawa si Zhao Feng at sa isang pagaspas ng kanyang Yin Shadow Cloak at palakpak ng kulog, nakalayo siya kay Xu Zixuan.
Kung sa bilis naman, ang bilis ni Xu Zixuan ay hindi mas mabagal kay Zhao Feng sapagkat ang kanyang cultivation ay nasa 7th Sky, nangangahulugan na wala siyang halatang kahinaan.
Ngunit… Kung nais ni Xu Zixuan na kontrolin ang flying sword at umatake rin, malaki ang ibababa ng kanyang bilis.
Kahit na mayroon siyang tatlong espada na gawa sa mga kakaibang materyales na nagbibigay sa kanya ng kakayahan na kontrolin ito, naka pokus pa rin siya maigi dito.
Ang distansya sa pagitan nina Zhao Feng at Xu Zixuan ay mas lumayo.
Ang espasyo sa entablado ay sapat na upang gawin ni Zhao Feng ang kanyang atake.
Hindi alam ni Xi Zixuan n ang isang puntong ito ay magagawang bumaligtad sa labanan.
"Ang tatlong flying sword ni Xu Zixuan ay malapit na sa High grade Mortal weapons at matapos na ito ay espesyal na ginaya naging pamilya sila na madaling makokontrol. Sa sandaling makabuo ito ng 'Three Sword Formation', ang kapangyarihan nito ay lalakas."
Napagtanto ni Zhao Feng na ang kalamangan ni Xu Zixuan ay nagmumula sa tatlong espada.
Ang kapangyarihan ng Three Sword Formation ay lubhang katakot-takot at maging si Ao Yuetian ay matatalo kung harapan niya itong kakalabanin.
Hindi nagawang harangan ni Zhao Feng ito, kahit gamit ang kanyang Lightning Wind Palm maliban na lamang kung aabot ito sa ikapitong lebel.
Sa Four Stars, si Cang Yuyue marahil ang tanging makatatalo sa Three Sword Formation ni Xu Zixuan.
Beng~~ Sou-- Sou--
Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Louhou Bow at nagpadala ng mga palaso na lasing bilis ng tunog patungo kay Xu Zixuan.
Isang katakot-takot na lamig sa gitna ng kidlat ang sumagupa sa flying swords ni Xu Zixuan.
Isang palaso, dalawang palaso, tatlong palaso.
Naninigas ang katawan ni Xu Zixuan sa bawat palitan at pagguho ng kidlat at yelo at siya ay walang masabi.
Matapos ang sumanib ang Lightning Inheritance sa Louhou Bow, umabot sa panibagong lebel ang kapangyarihan nito.
Gayunpaman, na kay Zhao Feng pa rin ang 'Archery God's Left Eye technique', na naging dahilan upang maging misteryoso ang bawat galaw niya.
Ang mga palaso na tinira ni Zho Feng ay madalas na mapupunta sa kalagitnaan ng hangin at niloloko rin ang paningin ng nakatingin dito, pumupunta sa mga hindi makitang sulok at lamat.
Qiu-- Qiu-- Qiu---
Ang mas katakot-takot pa rito ay matapos itira ang mga palaso, ito ay agad na bumabalik sa Louhou Bow dahil sila ay tila ina at anak.
Mga arko ng kidlat at lamig ang bumuhos kay Xu Zixuan. Nagsisisi na siya na minaliit niya noong simula si Zhao Feng.
Sa sandaling ito, ang buong sitwasyon ay kontrolado na ni Zhao Feng.
Hindi na kailangan pa na makipag sagupaan ni Zhao Feng kay Xu Zixuan at siya ay unti-unting ginigiling ang ang kalaban. Walang duda, ang saklaw ng atake ng Louhou Bow ay mas malawak sa flying sword ni Xu Zixuan.
Hindi halos kayanin ng mga nasa Ascended Realm na kontrolin ang flying swords at ang dahilan lamang kung bakit ito na kontrol ni Xu Zixuan ay dahil sa mga kakaibang materyales nito.
Tungkol naman sa saklaw, ang Louhou Bow ni Zhao Feng ay kayang umabot ng ilang milya at ang palaso nito ay kasing bilis ng isang tunog.
Sa kabilang banda, ang flying sword ni Xu Zixuan ay hanggang dalawapung yarda o higit pa lamang. Kapag lumagpas ito sa saklaw nito, bababa ang kapangyarihan nito. Limampung yarda ang hangganan nito.
Kung gayon, si Xi Zixuan ay maaari lamang dumepensa. Ngunit ang lamig ng kidlat mula sa Luohou Bow ay mapapababa ang kanyang bilis ng kalahati.
Kailangan na gamitin ni Xu Zixuan ang kanyang True Force sa bawat segundo upang malabanan ang pagguho ng lamig at kidlat.
Beng~~ Sou-- Sou--
Ng opensa mula sa Louhou Bow ay mas naging mabangis. Ang bawat Louhou Arrow ay nahaharangan ang flying sword at bumabalik nang mabilis sa pana upang 'mabawi ang enerhiya'. Ang kapangyarihan at bilis ng bawat palaso ay umaabot muli sa rurok ang kalakasan nito.
Ang tatlong flying swords ni Xu Zixuan ay pumalibot sa kanyang katawan at hinarang nito ang makamatay na archery skill ni Zhao Feng na may 'ding ding ding' na tunog.
Ngunit dahil dito, malaki ang ginamit niyang enerhiya sa dahil kailangan niyang kontrolin ang Three Sword Formation at kasabay nang paglaban sa pagguho ng kidlat at kalamigan.
Mula sa pagbuhos ng kidlat at yelo, ang kanyang katawan ay napinsala at ito ay kanyang pilit na tinatago.
Umiiyak na si Xu Zixuan sa kanyang puso, ngunit hindi siya maaring umatras sa ganitong sitwasyon.
Ang Three Sword Formation ay isa sa kanyang mga atake na nangangailangan ng buong kalakasan. Kapag tinigil niya na ang Sword Formation, hindi niya na kakayanin na harangin ang archery skill ni Zhao Feng.
Bagsak ang mga panga ng mga nanonood at luwa ang kanilang mga mata.
Hindi pa sila nakakakita ng ganito kahirap at kahusay na archery skill.
Gamit ang kalamangan ng kanyang Luohou Bow, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang grinding tactic.
Ang three flying swordz ni Xu Zixuan ay napilitan na dumepensa kahit na gusto nitong umatake, hindi niya iyon magawa dahil sobrang lapit nito.
Tumayo ang manonood, ang True Mystic Clan.
"Aye."
Ang True Mystic Clan Master ay bumuntong-hininga: "Si Zixuan ay masyadong mapanupil at ang resulta nito sa kanya ay napilitan siyang pumasok sa ganitong sitwasyon."
"Ang mga elemento sa archery skills ng batang iyan ay masyadong komplikado, hindi nito napapakibo ang kanyang kalaban at kapag lumayo na ang kanyang kalaban, nawawalan na ng bisa ang flying swords."
Mapait na bumuntong-hininga ang True Mystic Clan Master.
Sa pakikipag laban, si Xu Zixuan ang pinaka mahusay maliban kay Cang Yuyue, ngunit siya ay napigilan ng walang hiyang battle tactic ni Zhao Feng."
"Ang magwawagi ay hindi pa rin sigurado. Matapos ang lahat, ang cultivation ni Zixuan ay nasa 7th Sky pa rin at mayroon siyang puro at malaking supply ng True Force. Kung maayos siyang makadedepensa, maaring mapagod ang kanyang kalaban." Mungkahi ng Elder.
Ikatlong area.
Ang labanan sa pagitan nina Zhao Fenv at Xu Zixuan ay umabot na sa red hot stage.
Napilitan si Xu Zixuan na dumepensa. Ngunit ang kakakayahan ng flying swords na umopensa at depensa ay nakita.
"Hanggang tumagal pa ako ng kaunti, mapapagod din ang batang 'to." Saad ni Xu Zixuan sa kanyang puso.
Gayunpaman, ang ice attribute na nagmumula sa Luohou Bow at ang lightning effect mula sa Lightning Inheritance ay nagbibigay nang malakas na kapangyarihan kay Zhao Feng. Karamihan dito ay mula sa Louhou Bow.
Ngunit sa kabilang banda, kailangan ni Xu Zixuan nang maraming enerhiya upang patuloy na magamit ang Three Sword Formation.
"Kung magpapatuloy ito, mayroon akong 70% tsansa na manalo, ngunit…"
Naging matalim ang mata ni Zhao Feng habang patago niyang sinsanib ang parte ng kanyang bloodline power sa Luohou Bow.
Beng~~~ Sou--- Sou---
Ang guhit ng ilaw mula sa palaso ay natalo pa ang bilis ng tunog at nakaabot sila sa bagong lebel.
Ding Ding Peng-------
Kumalat ang kislap sa buong lugar ng nag sagupaan ang kidlat at ang yelo ay tumalsik sa bawat direksyon, na naging dahilan upang magbago ang ekspresyon ni Xu Zixuan at siya ay mabilis na umatras.
Ngunit bagi pa man siya makahinga, ang ikatlong louhou arrow ay nasira at ang sound barrier buto ay nagdulot ng alon ng mental energy.
Boom!
Nakarinig si Xu Zixuan ng pagsabog at mapanirang lightning bolt charge sa kanyang isipan.
"Hindi ito maganda, ang atake ay mayroong 'mental energy'."
Nagulat ang puso ni Xh Zixuan kasabay ng mabilis niyang pagkabawi ngunit maputla ang kanyang mukha
"Huli ka na."
Ang ikaltong Louhou arrow ay tumama sa lamat ng Three Sword Formation na nagdulot sa pagtalsik ng mga kislap nito nang tumama ito sa sword net at tumusok sa braso ni Xu Zixuan.
Boom-----
Ilang yarda ang niatras ni Xu Zixuan dahil sa palaso at nakulayan na ang palaso ng kanyang dugo.
Kasabay nito, isang malakas na kidlat at kalamigan ang bumalot sa kanyang katawan n naging dahilan upang 'di siya makagalaw
"Natalo ka na."
Hinawakan ni Zhao Feng ang Louhou Bow at siya ay bumagsak na sa lupa kasabay ng pagbalik ng tatlong palaso.
Sa sandaling iyon, si Xu Zixuan ay sobrang apektado sa kidlat at kalamigan. Kung magpapatuloy si Zhao Feng, hindi na niya ito kayang tiisin pa.
"Panalo si Zhao Feng!"
Ang hurado sa True Spirit Realm sa ikatlong Area ay nagbigay ng kakaibang tingin kay Zhao Feng.
Hua!
Nanginig ang lahat ng nanonood habang ang lahat ng kanilang mata ay gulat na tinignan si Zhao Feng.
Tumatmyo ang nanonood mula sa Iron Dragon Country.
"Pinalitan niya noong una ang kanyang tricks, at tinalo niya ang kalaban gamit ang kahinaan nito… hindi simple ang batang ito." Sigaw ng isa sa kanila.
Tumango ang lahat nang nakaramdam sila ng gulat sa pagkapanalo ni Zhao Feng.
"Ang totoong nagpanalo kay Zhao Feng ay ang paglabas niya ng kanyang bloodline power. Hindi ito normal na bloodline power." Isang misteryosong tao na may malamig at malinaw na boses ang nagsalita.
Lahat ng mula sa Iron Dragon City ay nagulat, ngunit halata na wala silang pagdududa sa mga sinabi nito.
"Nanalo siya! Si Feng'er ay nanalo!"
Hindi mapigilan ng Unang Elder ang kasabikan sa kanyang puso. Ang Broken Moon Clan Master ay tumawa. Si Hai Yun Master lamang ang may pilit na ngiti.
Ikatlong Area.
Itinabi na ni Zhao Feng ang Louhou Bow at dahan-dahan siyang naglakad pababa sa entablado.
Isang bagong bituin ang isinilang sa Thirteen Clans.
Kahit saan pa dumako ang kanyang mata, ang mga disipulo sa ikatlong Area ay yumuyuko. Lalo na si Gu Lanyue, na nagkulay berde at pula na ang mukha dahil sa takot na tumingin kay Zhao Feng.
Noong matalo ni Zhao Feng su Xu Zixuan, nagbago ang ekspresyon ni Ao Yuetian.
"Ito… Paano ito nangyari?"
May makulay na ekspresyon si Ao Yuetuan at ang kanyang boses ay kakaiba, na tila hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan. Iniisip niya kung paano niya tignan si Zhao Feng na may panghahamak noon sa Three Clan Party.
Natalo ni Zhao Feng si Xu Zixuan, na mas mataas ang antas sa kanya.
"Walang hindi karaniwan sa kanya." Ngumiti si Zhao Yufei at matamis itong sinambit, na tila hindi na siya nagulat sa resulta.
Nagpatuloy ang pag-uusap sa mga nanonood. Walang nakaisip na ang darkest horse ay sobrang heaven-defying at naglakad sa landas ng mga milagro upang pantayan ang Four Stars.
Ngunit mayroon ding dalawang tao na sobrang kalmado: sina Cang Yuyue at Lin Tong.
Kahit na si Xu Zixuan ay malakas, maging ang isang espada ni Cang Yueyue o ang isang sulyap ni Lin Tong ay hindi niya kayang labanan.
"Zhao Feng, natalo ako ngayon dahil sa kayabangan. Kapag naglaban muli tayo, hindi na ako mag pipigil pa." Nalampasan ni Xu Zixuan ang sakit ng kanyang mga pinsala at sinabi ito ng labag sa kanyang kalooban.
Gayunpaman, hindi man lamang siya tinignan ni Zhao Feng.
Nagpatuloy si Zhao Feng na maging kauna-unahan sa ikatlong Area na walang talo.