"Mukhang nakakuha ng magagandang kayamanan si Feng'er habang nasa labas."
Sinabi ng First Elder ng may kagalakan.
Lumaktaw ng isang tibok ang puso ni Yang Gan – masiyado siyang kinakabahan sa kaniyang junior martial brother.
Noong una ay naisip niya na ang pinakamalaking kompetisyon niya sa Clan ay si Bei Moi ngunit si Zhao Feng ay tinalunan lamang si Bei Moi at malapit na siya sa kaniyang posisyon na maging isang Head disciple.
"Siyang tunay, ngunit naging mapanganib din ito."
Si Zhao Feng ay bahagyang natatakot pa rin.
Ang kayamanan ay kadalasang may kaakibat na panganib – ito ang isang bagay na alam parehas nina First Elder at ni Yang Gan.
Mayroong walang katapusang bilang ng mga taong namatay kakahabol sa kayamanan.
Ang mga nanatili lamang kahit na may panganib ang mga tunay na henyo.
Sa pag-iisip hanggang dito binigyan ni First Elder ng mas malaking importansya si Zhao Feng.
Hindi mataas ang talento ng nabanggit ngunit nakatanggap siya ng pinakamagandang Inheritance sa loob ng Floating Crest Palace.
Nasira niya rin ang ten thousand year record ng Floating Crest Palace.
At ngayon.
Labis na umangat ang cultivation ni Zhao Feng sa loob lamang ng maikling sampung araw.
May normal na henyo bang ganito kapalad?
Ano ang ibig sabihin nito?
"Siguro ay mas mapalad pa ang batang ito kaysa kay Bei Moi."
Nang maisip ito ni First Elder, hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili kundi magalak nang bahagya.
Simula pagkapanganak hanggang ngayon, hindi pa siya nakakakita ng isang henyong ganito kapalad.
Kahit si Bei Moi ay hindi maikukumpara kay Zhao Feng.
Parehas silang lumabas para makakuha ng karanasan ngunit ang pagtaas ng cultivation ni Bei Moi ay hindi kasing halata ng kay Zhao Feng.
Dagdag pa rito, ang mga mapapalad ay kadalasan nakakaapekto sa mga taong nakapaligid sa kanila, kaya nga mayroong linyang "Kapag ang isang tao ay nakatanggap ng Dao, kahit ang manok ay lilipad."
Nag-aalala si Yang Gan at hindi niya alam ang gagawin niya katapat ng kaniyang junior martial brother na may lakas na patuloy na tumataas ng labis-labis.
Kung magpapatuloy pa ito ang kaniyang posisyon bilang isang Head disciple ay mawawala.
Nakita rin ni First Elder na nag-aalala ang kaniyang mga disciple at hindi mapigilan kundi bumuntong hininga sa kaniyang puso.
Sa mismong pagkakataon na ito nagsalita si Zhao Feng: "Brother Yang, huwag kang mag-alala. Hindi ako intereaso sa posisyon ng Head disciple."
Matapos sabihin ito.
Nagulat si First Elder at si Yang Gan ay hindi alam kung ano ang sasabihin o ano ang gagawin.
Masiyadong prangka ang mga salita ni Zhao Feng at medyo bastos.
Ngunit dahil may iisa silang Master, mas magandang sabihin ito sa ganitong paraan.
Dagdag pa rito, nalaman na agad ni Zhao Feng kung ano ang buhol sa puso ni Yang Gan habang nagsasanay siya ng mental energy.
"Hmph, brother Zhao, malakas ba talaga ang loob mong matatalo mo ako?"
Hindi masayang sinambit ni Yang Gan.
Ngunit nang sinabi niya ito, hindi masiyadong malakas ang loob niya.
Sa katotohanan, hindi malakas ang loob niya na mananalo siya laban sa misteryosong junior martial brother niya na ito.
Nang sila ay nagsasanay nakaraan, ang mental energy technique ni Zhao Feng ay gumana na at ngayon mabilis na tumaas ng labis-labis ang cultivation ni Zhao Feng.
"Sa kasalukuyang lakas ko, mayroon ako sigurong pitumpung porsyento na matalo si Ao Yuetian."
Pumihit ang mga salita ni Zhao Feng.
Hindi niya sinabing kaya niyang talunin si Yang Gan, ngunit ginamit niya si Ao Yuetian bilang batayan.
"Talunin si Ao Yuetian?"
Nanlamig ang hinga ang Yang Gan. Ito ay isang bagay na hindi siya maglalakas-loob na maisip.
Sa Three Clan Party nakaraan, ang makapangyarihang lakas ni Ao Yuetian ay tumatak sa kaniyang puso at walang dudang talo siya.
Nang marinig ito ni First Elder, kumislap ang kaniyang mga mata. Ang kagalakan mula sa disciple niya na ito ay hindi niya lubos na inaasahan.
Ngunit hindi niya tuluyang paniniwalaan ang mga salita ni Zhao Feng. Sa buong buhay niya marami na siyang nakitang mga henyong masiyadong nagtitiwala sa kanilang sarili na nagkaroon ng mga pangit na katapusan.
"Hmph, huwag kang maging mayabang. Nakaraang kalahating buwan, si Ao Yueitian ng Lin Moon Clan ay nakatungtong na sa 7th Sky ng Ascended Realm at ang Core disciple nila na si Zhao Yufei ay umabot na sa peak 6th Sky."
Malamig na umubo si First Elder at sinabi ito upang itaboy ang mga apoy ni Zhao Feng.
7th Sky ng Ascended Realm?
Nagulat si Yang Gan. Mahirap paniwalaan na ang isang tao mula sa nakababatang henerasyon ay talanga nakabot na sa 7th Sky ng Ascended Realm.
Normal lang ang ekspresyon ni Zhao Feng ngunit bumuntong hininga siya sa loob-loob niya. Natantsa na niya na mayroong maliit na tyansa na susubukang makatungtong ni Ao Yuetian sa 7th Sky bago ang Alliance Banquet at nangyari nga talaga ito.
"Salamat Brother Zhao sa pagtulong sa buhol sa aking puso."
Tumingin si Yang Gan kay Zhao Feng ng mayroong pasasalamat at komplikasyon.
Prangkang sinabi ni Zhao Feng kung ano ang mali at ginamit ang kapangyarihan niya upang ayusin ang buhol sa puso ni Yang Gan.
Kung hindi ito sinabi ni Zhao Feng, siguro ay labis na kakabahan si Yang Gan at maaaring magselos pa siya, magdudulot upang mahulog siya sa isang bangin.
Hindi gusto ni Zhao Feng na magkaroon ng pag-aaway sa pagitan nila kaya naman dineretso na niya.
Sa pagkakataong ito ang estado ng puso ni Yang Gan ay mas lalong lumawak at wala ng pumipigil sa kaniya, nagbibigay ito sa kaniyang mas marami pang pagkakataon upang mapalago ang kaniyang cultivation.
Sinamsam ni First Elder ang lahat ng ito sa kaniyang mata at siya ay tumango.
Mukhang mayabang at basta-basta ang mga kilos ni Zhao Feng ngunit nasolusyunan nito ang problema sa pinakasimple at pinakadirektang paraan.
Matapos umalis ni Yang Gan, sina Zhao Feng at First Elder na lamang ang natira.
"Feng'er, ano pa ang nandiyan?"
Tanong ni First Elder.
Inilabas ni Zhao Feng ang balat ng halimaw mula sa Forbidden land of One Hundred Graves at ini-abot ito kay First Elder.
Sinuri ni First Elder ang mga sulat sa balat ng halimaw at naging pabago-bago ang kaniyang ekspresyon.
Halatang alam ni First Elder ang mga salitang naaksulat sa balat ng halimaw at mukhang nakakita siya ng sikreto mula rito.
"Hindi ako nakapaniwalang buhay ka pa rin kahit na pumasok ka sa Forbidden lands of One Hundred Graves."
Huminga ng malalim si First Elder at inihayag ang kaniyang pagkagulat at ang hindi niya paniniwala.
Ang Forbidden land of One Hundred Graves ay isa sa mga pitong pinagbabawal na mga lugar sa kontinente at sa nakaraang ilang libong taon ang Scarlet Moon Patriarch lamang ang nakabalik mula rito ng walang pinsala.
Hindi pa rin mapakali si First Elder at sinuri ang katawan ni Zhao Feng.
"Kung ang disciple na ito ay tinamaan ng sumpa, tataas ba ang aking cultivation?"
At gaya ng inaasahan walang nakita ang First Elder mula sa katawan ni Zhao Feng.
Kung matamaan si Zhao Feng ng sumpa, kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay maaaring hindi ito masira.
Siyempre, ang dahilan kung bakit inabot ni Zhao Feng ang balat ng halimaw kay First Elder ay dahil nais niyang magtanong ng ilang mga tanong.
"Totoo bang mayroon talagang mga rankings sa pagitan ng mga Clans? Gaano kalakas ang 1-Star Clan?"
Tinanong ni Zhao Feng ang kaniyang mga tanong.
"Alamat lamang ito. Kung ang mga dibisyon ay nakapuwesto ayon sa Stars, walang kahit anong puwersa o dibisyon ang makakaabot sa mas mataas kaysa sa 1-Stars sa kasaysayan ng Azure Flower Continent."
Nagpakita ng mapait na ngiti si First Elder.
Sa pagkarinig nito natulala si Zhao Feng. Hindi ba't ibig sabihin nito na hindi man lang 1-Star ang Broken Moon Clan?
"Batay sa Star rankings, ang sampung pinakamalalakas na dibisyon sa kontinenteng ito ay hindi man lamang maituturing na one stars. Mahigpit na sinasabi, na ang Scarlet Moon Demonic Religion lamang, mula pa sa nakaraang daang taon ang maaaring ituring na totoong 1-Star na dibisyon. Para naman sa Broken Moon Clan, hindi man lamang ito isang kalahati ng Star. Dagdag pa rito, ang distansya sa pagitan ng kalahating star at ng 1-Star ay sampu hanggang daan-daang beses pa. Siyempre, hindi naman natin ito maituturing na totoo."
Nang magsalita si First Elder, siya ay napailing.
Ang ranking ng mga puwersa batay sa Stars ay alamat lamang.
Batay sa ranks, ang Broken Moon Clan ay hindi man lamang umabot sa kalahati ng star at ang 1-Star na mga puwersa ay sampu hanggang daan-daang beses na mas malakas kaysa sa mga kalahating Star na puwersa.
Kung magpapatuloy ito, 1.5 star..... 2 stars..... Hanggang 5 Stars, gaano katindi ang isang 5 Star na puwersa?
Ilang mga alalay mula sa isang 2 Star na puwersa ay kaya nang wasakin ang Broken Moon Clan, kaya't huwag ka ng mag-isip pa tungol sa isang 5 Star na puwersa.
"Masiyadong maraming alamat. Maaari kang magpunta sa silid-aklatan at basahin ang mga tala roon."
Bumuntong hininga si First Elder at mukhang hindi na niya gusto pang magsalita.
Nagbalik si Zhao Feng sa Central Hall Division at siya ay pumasok sa silid-aklatan.
Hindi kalaunan.
Nakita ni Zhao Feng ang mga tala tungkol sa mga Stars.
Batay dito, ang isang kalahating star na Clan ay kinakailangan ng kahit isang tao na nasa True Lord Realm at sampung iba pa na nasa True Spirit Realm pati na rin ang isang bungkos ng iba pang mga pangangailangan.
Mukha hindi lamang isang kalahating star na dibisyon ang Broken Moon Clan, malayo pa ito rito.
Sa isang tiyak na oras.
Nagsimulang magbasa si Zhao Feng tungkol sa kauna-unahang panahon.
Batay sa mga tala, mayroong umiral na isang "Desolate Continent".
Napakalaki ng Desolate Era at umiiral na siya sa simula pa lamang ng oras, ito ay nagbigay-buhay sa mga diyos at mga demonyo na may kontrol sa matinding kapangyarihan at halos imortal na sila.
Sa pagdaloy ng oras, walang hanggang mga lahi ang lumitaw sa Desolate Continent.
Hanggang sa isang araw.
Isang laban ang nangyari kung saan ang mga diyos, demonyo, at ang mga sinaunang godkings ay nakisali.
Ang laban na iyon ang yumanig sa araw at buwat at ito ang humati sa mundo, sa wakas ay napasali na rin ang mga Ancestral Gods sa laban, na siyang gumamit ng isang pinagbabawal na kapangyarihan, nagdulot upang may mabuong isang mapanirang ipo-ipong bagyo na sumira sa Desolate Continent.
Hindi natapos ang mundo makalipas ang pagkasira ng Desolate Continent. Sa halip, ang higanteng kontinenteng ito ay nahati sa bilyon-bilyon at trilyon-trilyong mga piraso at ang bloodline ng mga Ancient Gods ay sumanib sa mga pira-pirasong ito.
Sinasabi ng alamat.
Ang Azure Flower Continent ay isa sa mga bilyon-bilyon at trilyon-trilyong piraso ng Desolate Continent.
Hindi makapaniwala si Zhao Feng nang makita niya ang alamat na ito.
Kung totoo ito, kung ganoon masiyadong malaki ang Desolate Continent, ang katiting lamang nito ay katumbas na ng laki ng isang mundo.
Halatang hindi siya naniniwala rito, gaya ng kung paano niya halos pinaniwalaan ang Star rankings.
Isinara ni Zhao Feng ang mga tala, tumalikod siya at umalis.
Hmm?
Biglang napagtanto ni Zhao Feng na kumislap ang mga mata ng munting pusang magnanakaw nang mabasa niya ang mga alamat na ito.
Sa mismong pagkakataon na tumalikod siya, isang alaala ang narinig: "Ang Ancient ay nasira at ang mga Ancient Gods na napaslang ay magiging isang trilyong alikabok..."
Napakapamilyar ng boses na ito at ito ang unang narinig ni Zhao Feng nang matanggap niya ang misteryosong kaliwang mata.
Nanigas ang katawan ni Zhao Feng at hindi niya mapigilang huminga ng malalim.
Ang Ancient ay nasira at ang mga Ancient Gods na napaslang ay magiging isang trilyong alikabok.
Ang maili, at simpleng mga salita na ito ang nakasiguro sa mga talang nakita ni Zhao Feng.
Hindi ba't ibig sabihin nito.... Na ang mga alamat na iyon ay totoo? Kung susumahin ito sa pangkalahatang direksyon.
Kung totoo ang mga alamat, kung ganoon ang Star rankings ng mga puwersa ay totoo rin.
Sa pagkakataong ito.
Hindi makapaniwala ang isip ni Zhao Feng ngunit hindi kalaunan ay kumalma na siya.
Simula sa pagsanib niya sa misteryosong kaliwang mata naging kalmado at matatag na siya. Kahit gaano pa kapanganib o kadesperado ang sitwasyon, nagagawa niya pa ring mabawi ang kaniyang pagiging kalmado.
"Ibig sabihin nito na ang aking kaliwang mata ay isang mata ng Ancient God?"
Naisip ni Zhao Feng ngunit halos matiyak niya na totoo nga ito.
Isang mata na nagmula sa isang Ancient God na nagmula sa panahon ng Desolate Continent.
Malakas ang loob ni Zhao Feng sa pagsusuri niya, siyempre, inaasahan nito na totoo ang mga alamat.
"Kung ganoon, papangalanan ko ang aking kaliwang mata na God's Spiritual Eye."
Binulong ni Zhao Feng.
Peng Peng Peng Peng….
Biglang bumilis ang pagtibok ng kaliwang mata at isang matamlay na asul na dugo mula sa kailaliman ng mata ang para bang nasusunog, tila ba may isang Emperador na nagigising.
Isang mas malalim na aura pa ang sumanib sa bloodline ni Zhao Feng na nagdulot upang mas lalo pang maging malalim ang kulay ng buhok ni Zhao Feng.