Naramdaman ni Zhao Feng ang mga pagbabago sa kaniyang katawan at nakita niya na mas kumapal ang bloodline power niya.
Bumalik siya sa silid. Naglabas siya ng isang salamin at nakita niya na ang kaniyang kaliwang mata at buhok ay bahagyang naging mas naging malalim ang kulay.
Napahinga ng saglit si Zhao Feng at pinadaloy niya ang kaniyang asul na dugo. Sa isang iglap, isang manipis na patong ng asul na ilaw ang bumalot sa kaniyang balat at nagpakawala ito ng isang kakaiba, ngunit maharlikang aura.
Pakiramdam ni Zhao Feng na ang kaniyang dugo at mga buto ay puno ng isang hindi maipaliwanag na kapangyarihan at mas lalong napalago ang kaniyang enerhiya.
"Ang lakas ko ay tumaas ng 10-20% at mukhang protektado ako."
Sinuri ni Zhao Feng ang mga pagbabago sa kaniyang bloodline power nang malapitan.
Mayroong dalawang pangunahing punto.
Una, ang kaniyang bloodline power ay mas kumapal at ang mga attributes na nakuha niya ay tumaas. Ikalawa, nang padaluyin niya ang kaniyang bloodline power, isang kulay asul na parang salamin na tato ang bumabalot sa kaniyang katawan at pinoprotektahan siya nito.
Naramdaman ni Zhao Feng na ang bloodline ng God's Spiritual Eye ay isang hakbang na lang bago tuluyang magising.
Hindi kalaunan ay ibinalik na niya ang takip sa mata at itinago niya ang kaniyang bloodline power, na nagdulot upang maglaho ang asul na parang salamin na tato.
Parang bang walang pinagkaiba si Zhao Feng bukod sa bahagyang pagdilim ng kulay ng kaniyang buhok.
Para sa sumunod na araw, naging pamilyar na si Zhao Feng sa kaniyang bloodline power at nilipon niya ang kaniyang cultivation.
Ngayon, ang cultivation niya ay umabot na sa hangganan ng 5th Sky at nasa likuran na lamang siya ni Yang Gan sa lahat ng Core disciples.
Sa sumunod na umaga.
Ang sampung Core disciples ng Broken Moon Clan ay naupo sa tatong magkakaibang lumilipad na halimaw at nagtungo sila sa Hilaga.
Ngayong oras, sila ay pinamumunuan ng Broken Moon Clan Master. First Elder, Granny Liuyue, Hai Yun Master, Vice-Head Li at ng ilan pang nakatatandang henerasyon.
Nakaupo si Zhao Feng sa Two Headed Silver Crowned Bird ni Vice Head Li at tinulungan niyang paamuhin ito.
Sa puntong ito, ang Two headed Silver Crowned Bird ay naging napakamasunurin.
Si Vice Head Li ay punong-puno ng paghanga: "Kadalasaan, ang mga matatandang lumilipad na halimaw na gaya nito ay mahirap paamuhin. Maraming gaya nito ang dapat pinapaamo simula bata pa lamang."
Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, aabot ito mula kalahating taon hanggang ilang taon upang paamuhin ang ganito katandang Two headed Silver Crowned Bird.
Ngunit sa tulong ni Zhao Feng, kalahating buwan lamang ang kinailangan.
Sina Lin Fan at Liu Yue'er ay nakaupo rin sa Two headed Silver Crowned Bird, pamilyar si Zhao Feng sa dalawang taong ito.
"Senior, gaano katagal bago tayo makarating?" Masunuring tanong ni Liu Yue'er.
"Siguro ay dalawa – hanggang tatlong araw, kabilang na ang mga pahinga." Sagot ni Vice-Head Li.
Ang Alliance Banquet ay ginaganap sa mga teritoryo ng thirteen countries at ito ay kilala sa 'Dragon Concealing Lake'.
Ang lawang ito ay nasa sentro ng mga teritoryo ng thireen countries.
Sa paglalakbay, nakade-kuwatro si Zhao Feng at pinadaloy niya ang kaniyang True Force upang maramdaman ang enerhiya ng kalangitan at ng mundo. Habang pinapadaloy ito, nararamdaman niya ang kapangyarihan ng kidlat sa himpapawid sa itaas.
Simula noong Floating Crest Trial, lahat ng skills ni Zhao Feng ay ginagamit ang Lightning Inheritance bilang kanilang pundasyon.
Ang Lightning Inheritance ay naglalaman ng bawat aspeto kabilang na ang pagkilos, bilis, opensa at depensa. Si Zhao Feng ay kasalukuyang mayroong dalawang landas ng cultivation.
Isa ay ang Lightning Inheritance at ang isa naman ay Mental Energy. Halos sumuko na si Zhao Feng sa body strengthening matapos ang Floating Crest Trial.
Noon, kaya niyang ipagpatuloy ang pagcultivate sa Nine Twist Golden Wall Technique dahil nakumpleto na niya ang Silver Wall Technique. Ngunit ang body strengthening ay mahirap at mabagal ang progreso nito. Gumagamit din ito ng malaking bilang ng resources.
Ang Nine Twist Golden Wall Technique ay isang peak tier Mortal skill at kung kinailangan ito ni Zhao Feng, madali lamang niya itong makukuha sa estado na mayroon siya sa loob ng Clan.
Kailangang malaman ng isang tao na si Zhao Feng ay mayroon ding Spiritual tier skills sa kaniyang isip at ang mga normal na Spiritual skills ay mayroong matinding pangangailangan. Ngunit hindi sila mas maganda kaysa sa Lightning Inheritances dahil ang mga Inheritances ay kumpleto sa bawat espirito.
Kung halaga ang pag-uusapan, ang isang low tiier Spiritual skill ay tiyak na hindi kasing ganda ng Lightning Inhertiance, gaya ng kung paanong ang isang Spiritual Weapon ay hindi kasinghalaga ng isang Inheritance item.
Nagawa na ni Zhao Feng ang body strengthening nang siya ay nasa Consolidated Realm at nakabuo na siya ng isang matibay na pundasyon, kaya naman mabilis na umaangat ang kaniyang cultivation.
Subalit ngayon, wala ng patutunguhan ang body strengthening kung hindi niya gusto magpatuloy sa landas ng body strengthening.
"Kahit gaano pa kalakas ang katawan ng isang tao, kaya kong durugin ang kanilang depensa sa isang pag-iisip ko pa lamang at kahit gaano kakapangyarihan ang depensa ng isang tao, kaya itong wasakin ng Lightning Wind Palm ko."
Mukhang mayroong naintindihan si Zhao Feng. Walang kahit anong bagay gaya ng pinakamalakas na Dao, mayroon lamang ang pinakanababagay na Dao.
At pinili ni Zhao Feng ang misteryosong mental energy techniques at Lightning, na nagnanais ng pagkawasak.
Habang nakaupo at sa pag-iintindi, biglang nakaramdam si Zhao Feng ng sagitsit ng paglalayong pumatay. Kahit na sagitsit lamang ito at magaling na naitatago, hindi ito nakatakas sa mga pandaman ni Zhao Feng.
Sa taas ng Giant Golden Ashen Eagle.
Nagbigay ng malamig na kislap ang mga mata ni Hai Yun Master habang nakatitig ang mga ito kay Zhao Feng.
Nakaraang ilang araw nang bumalik si Zhao Feng at nalagpasan si Bei Moi, nakaramdam ng panganib at pagkakaba si Hai Yun Master na hindi niya pa nararamdaman kahit kailan.
Sa pamamagitan ng sunod-sunod na pagtatanong, naintindihan ni Hai Yun Master na ang landas ni Zhao Feng patungo sa pagtanda at nag-alala siya. Ang landas ni Zhao Feng patungo sa pagtanda ay naging posible mula sa imposible.
Sa kalahating taon lamang, gaano na karaming milagro ang nagawa ni Zhao Feng?
Ang pangingibabaw sa mga Outer disciples, ang pagiging numero uno.
Ang pagcultivate ng Lightning Wind Palm.
Binuo niya ang kaniyang pagkadominante sa Scarlet Moon Cave, naging disciple ni First Elder.
Nasira rin niya ang ten thousand year record ng Floating Crest Trial.
Ginulat ang lahat sa Three Clan Party.
At ngayon, maraming mga disciples ang nagusap-usap tungkol sa kung mas malakas ang tunay na lakas ni Zhao Feng kaysa sa Head Disciple.
"Ito na ang huling beses... Alliance Banquet."
Ginawa ni Hai Yun Master ang lahat upang pakalmahin ang pag-aalala sa kaniyang puso.
Kung kaya ni Zhao Feng makagawa ng milagro sa Alliance Banquet na ito, papaslangin niya ang nabanggit ano man ang presyo nito.
Makalipas ang tatlong araw.
Isang kumikinang na asul na lawa ang makikita.
"Nandirito na tayo."
Mula sa tuktok ng tatlong lumilipad na mga halimaw ay may maririnig na mga tunog ng pag-asa at kagalakan.
Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at nakita niya na ang lawa ay isang libong milya ang laki.
Sa gitna ng lawa, mayroong isang maliit na isla na kasing laki ng Sun Feather City.
Sa puntong ito.
Ang mga kalapit na lumilipad na mga halimaw ay nagtungo sa maliit na isla sa kalagitnaan.
"Ito ang lugar na pagtitipunan ng Thirteen Clans – ang Dragon Concealing Lake." Ngumiti si Vice Head Li.
Maraming mga alamat tungkol sa Dragon Concealing Lake.
Maliwanag na, nakaraang ilang libong taon, isang cultivator ang nagcultivate dito ng halos isang daang taon at sa wakas naging isang matingkad na bituin na siya na lumilipad sa buong Azure Flower Continent.
Ang cultivator ay kilala bilang 'Concealed Dragon', na mayroong cultivation na sinasabing nasa Origin Core Realm at siya ay sikat na sikat.
Sa kontinenteng ito, kahit sinong nakaabot sa Origin Core Realm ay itinuturing na mga alamat.
"Ang alamat ng 'Concealed Dragon' ay totoo." Lakas-loob na sinabi ni Vice Head Li, na nag-udyok sa pagtataka ni Liu Yue'er.
"Talaga? Paano ka nakasisiguro?" Nagtatakang tanong ni Liu Yue'er.
Tumawa si Vice Head Li: "Ang top three na gantimpala ng Alliance Banquet ngayon ay may kinalaman sa 'Concealed Dragon'.
"Ano ang gantimpala?" Hindi mapigilang magtanong nina Zhao Feng at ni Lin Fan.
"Nang magcultivate ang Concealed Dragon sa Concealing Dragon Lake, mayroong isang ruin na naglalaman ng kaalaman at ng pagkaintindi mula sa isang eksperto na nasa Origin Core Realm. Ito ang isa sa pinakamahahalagang lugar ng thirteen countries." Sabi ni Vice Head Li.
Ang 'Origin Core Ruins' sa Concealing Dragon Lake ay binabantayan ng top three Clans: Ang Cloud Sword Clan, Ancient Shrine at ang True Mystic Clan.
Kadalasan, ang mga pinakahenyo lamang ng tatlong Clans ang pinapayagang pumasok.
Ngunit ang mga natitirang sampung Clans ay halatang hindi pumapayag. Kaya naman, ang Alliance Banquet bawat sampung taon ay isang kaganapan para sa paglalaban-laban nila at isang paraan upang maipamahagi ang resources.
Hindi kalaunan, pumasok na sa islang ito ang mga taga-Broken Moon Clan.
Ang maliit na isla ay isang lugar kung saan mismong ginagamit upang pamahalaan ang Alliance Banquet.
Sa gitna ng maliit na isla, mayroong isang array stage na ilang milya ang laki.
Ito ang unang beses na nakakita ang lahat ng ganito kalaking array stage at ito ay binuo gamit ang napakaitim na mga batong buhangin.
Ang napakaitim na batong buhangin ay napakatigas at ang mga Mortal weapons ay hindi pa ito kayang mapinsala. Dagdag pa rito, ang ganito kalaking bilang ng batong buhangin ay nakakabawas pa sa kapangyarihan.
Sa paligid ng itim na mga batong buhangin na entablado ay labinglimang estante.
Ang bawat Clan ay mayroong kani-kanilang estante at para naman sa dalawang natitirang estante, sila ay inihanda parasa Iron Dragon Country at sa Sky Rich Country.
"Ang dalawang dibisyon ng dalawang bansa na iyon ay kadalasan nagpapadala ng mga disciples dito, ngunit bigla na lang silang tumigil sa pagpunta." Pagpapaliwanag ni Vice Head Li.
Hindi kalaunan.
Ang grupo mula sa Broken Moon Clan ay inihatid sa isang estante. Ang estante ay hindi lamang ginagamit para makanood, may pabahay din dito.
Makalipas ang ilang oras.
Sunod-sunod na dumating ang Lin Moon Clan at ang Silver Moon Clan at sila ay ipinuwesto sa kaliwa ng Broken Moon Clan.
Ang tatlong Clans ay dating isang Clan at kadalasan ay hinaharap nilang magkasama ang mga kalaban.
Ang pinagsama-samang lakas ng tatlong Clans na ito ay hindi dapat minamaliit.
"Tingnan niyo, isa ito sa mga Four Stars!"
Ilang mga tao mula sa estante ang nagtinginan.
Tiyak ngang isa sa mga pinakahenyo si Ao Yuetian. Ang pagdating niya ay nagdulot ng pagkakagulo.
Ang cultivation niya ay nakaabot na sa 7th Sky at inapula na niya ang mga katingkaran ng maraming mga henyo.
Sa sumunod na araw.
Ang lahat ng labingtatlong grupo mula sa Thirteen Clans ay nagdatingan na.
Sa hindi inaasahan, ang Iron Dragon Country ay nagpadala rin ng isang grupo ng tao para manood. Ang Iron Dragon Country ang pinakamakapangyarihang bansa sa Hilagang Kontinente at ang kanilang puwersa ay mas malakas pa kaysa sa Thirteen Clans.
"Hehe, ang Alliance Banquet ngayon ay labis na mas sikat kaysa sa noon."
Nagliwanag ang itim na batong buhangin na entablado at isang patong ng manipis gintong ilaw ang humati sa array stage sa apat na parte.
Kasabay nito, apat na eksperto na nasa True Spirit Realm ang nagpunta upang pangasiwaan ang array sa bawat apat na parte.
"Ang array stage ay nahahati sa apat na parte at ang top three mula sa bawat lugar ay ira-rank. Pagtapos, ang apat na mga parte ay magiging isa at doon na magsisimula ang tunay na laban..."
Mula sa mga estante ay may maririnig na nanabik at umaasang pag-uusap.
Hindi kalaunan, isang eksperto na nasa True Spirit Realm mula sa Cloud Moon Clan ang tumapos sa lahat ng anunsyo.
"Ang gantimpala para sa unang puwesto ng Alliance Banquet ngayon ay hindi lamang sampung libong low grade Primal Crystal stones, magkakaroon din sila ng pagkakataong makapasok sa 'Origin Core Ruins', makakatanggap din sila ng isang Shedding Spiritual pill." Isang masayang boses ang naririnig.
Shedding Spiritual pill?
Ang mga impormasyon tungkol dito ay lumitaw sa utak ni Zhao Feng.
Kasabay nito, lahat ay nagkagulo.
Puno ng kagalakan si Vice Head Li at nagulat siya : "Hindi ako makapaniwala na magbibigay ng isang Shedding Spiritual Pill ang Alliance Banquet ngayon!"