Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 187 - Vine Ocean

Chapter 187 - Vine Ocean

Ang itlog ay halos kasing laki ng isang kamao at ito ay kulay maputlang abo. Ang balat ng itlog ay mayroong mga ukit na mukhang simple ngunit malalim.

Pinulot ni Zhao Feng ang kulay abong itlog at naramdaman niya na parang isang bato lamang ito na walang buhay. Ngunit, kung siya ay kumalma at titignan ito gamit ang kaliwa niyang mata, tila ba ang hawak niya ay isang tumitibok na puso.

Pagtapos suriin ito ng ilang sandali, wala pa ring kahit anong pahiwatig si Zhao Feng.

Una ay naglagay siya ng katiting na True Force, ngunit walang pagkibo. Napagtanto ni Zhao Feng na ang balat ng itlog ay mayroong malakas na resistensya sa True Force.

Bigla niyang naalala na sa ilang mga sinaunang tala, sinasabi na maaari mong gamitin ang iyong dugo upang pumirma sa isang kasunduan.

Subalit, usap-usapan lamang ito - hindi alam ni Zhao Feng kung paano gawin ito.

Huminto siya saglit. Sunod, kinagat niya ang kaniyang daliri at nagwisik ng ilang patak ng kaniyang dugo sa balat ng itlog.

Hindi pa rin gumalaw ang itlog, ngunit naramdaman niya na mas lalong naging marikit ang mga ukit sa itlog dulot sa kaniyang dugo.

Sa pagpapaigi ng kaniyang paningin ng ilang daang beses, nakakuha si Zhao Feng ng katiting na senyales ng pagkibo ng itlog.

"Ganoon ba kawalang-kuwenta ang dugo ko?"

Malinaw na nakikita ni Zhao Feng na isa sa isang libo lamang ng kaniyang dugo ang nasipsip ng balat ng itlog.

Sunod, nagkaroon siya ng biglaang ideya at napagdesisyunang subukang gamitin ang kapangyarihan ng kaniyang bloodline.

Batay sa Blood Corpse Protector, si Zhao Feng ay mayroong ancient bloodline na nagdulot upang kahit ang mga sugo ng Scarlet Moon Religion ay mag-alala. Sa oras na ito, maingat na nagpatak si Zhao Feng ng isang daloy ng matamlay na asul na dugo na kasing nipis ng isang sinulid sa itlog.

Pumasok ito ng walang paghadlang..

Lubhang natuwa si Zhao Feng.

Subalit, sa sumunod na sandali, labis na nagbago ang kaniyang ekspresyon.

Wu~ Weng~~~~

Ang matamlay na kulay asul na dugo sa loob niya ay parang nahihigop - ito ay parang pumapasok sa isang walang hanggang butas.

Ang kulay abong itlog ay parang isang bangong panganak na sanggol na walang pigil sa pagsisipsip ng mga sustansya.

Sa loob lamang ng dalawang hininga, lagpas kalahati na ng kapangyarihan ng bloodline sa loob ni Zhao Feng ang nahigop, nagdulot upang manghina siya pagtapos mawalan ng sobrang daming bloodline power.

"Tigil! Tigilll!"

Pinagana si Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata, at ang asul na bangin sa loob ng dimensyon ng kaliwang kaliwang mata ay umikot.

Ang bloodline power ay nagmula sa kaniyang kaliwang mata at kung tutuusin siya ang kumukontrol nito. Pinilit ni Zhao Feng putulin ang koneksyon niya sa itlog.

Hu!

Walang kahirap-hirap na napaupo si Zhao Feng sa sahig ng may namumutlang mukha. Ang kaniyang mental energy ay mababa na rin.

Kahit pinutol niya na ang koneksyon, lagpas kalahati na ng asul na dugo ang nahigop patungo sa kulay abong itlog.

Ang mga ukit sa itlog ay nagkaroon ng daloy ng dugo na umaagos dito, nagmukhang maganda at malagim.

Peh Peh! Peh Peh!

Nakarinig ng pagtibok ng puso si Zhao Feng mula sa kailaliman ng itlog na para bang mayroong panibagong buhay na namumuo.

Pagtapos maghintay ng matagal na oras, tumigil na sa paggalaw ang kulay abong itlog. Ang tanging bagay lamang na nagbago ay ang life aura nito ay mas naging malakas.

Umupong nakadekuwatro si Zhao Feng sa sahig at lumagok siya ng Spiritual wine at kumain na rin ng ilang mga kayamanan. Hindi kalunan siya ay nabalot ng isang mainit na pakiramdam.

… Kinailangan niyang magbayad ng malaking halaga upang mabawi ang kaniyang bloodline power.

"Mayroon pang natitirang limang araw bago mas labis na maging mahirap ang trial."

Naramdaman ni Zhao Feng na parang nauubos na ang oras.

Batay sa nangyari, ang antas kung gaano kahirap ang trial ay tumataas ng isa pang lebel bawat sampung araw.

Gumugol si Zhao Feng ng limang araw sa pagkuha ng itlog, nag-iiwan sa kaniya ng limang araw upang maghanda.

Subalit, ang pagbawi sa kaniyang bloodline power ay mas mabagal kaysa sa naisip niya.

Kahit na nakakain na siya ng maraming kayamanan ay ang kaniyang True Force ay parating na sa punto na ang kaniyang cultivation ay umabot na peak ng 3rd Sky, ang pagbawi niya sa kaniyang bloodline power ay makupad pa rin.

Habang nagbabawi siya, hindi binigyang pansin ni Zhao Feng ang singsing sa tabi niya.

Ang mga ukit ng dugo sa kulay abong balat ng itlog ay naglaho at isang maliit na basag na hindi maaaring makita gamit lamang ang mata ang lumitaw.

Sa ilalim ng normal na sitwasyon, ang mga pagbabagong ito ay hindi makakatakas sa mga mata ni Zhao Feng. Ngunit ang nabanggit ay nakatuon ang pansin sa pagbabawi ng kaniyang bloodline power at hindi sa pagsusuri sa kulay abong itlog.

Sa isang kurap, tatlong araw na ang nakalipas.

Ang mental energy ni Zhao Feng ay nakaabot na naman sa peak nito at ang kaniyang bloodlien power ay halos nabawi na.

"Mayroon pang natitirang dalawang araw bago magsimula ang panibagong pagtutugis."

Nilagay ni Zhao Feng ang kulay abong itlog sa loob ng kaniyang interspatial bracelet at hindi napansin ang maliit na basag sa ibabaw ng abong itlog.

Ang pinakaimportanteng bagay na dapat gawin ngayon ay maghanda sa susunod na pagtutugis.

Makalipas ang apat na oras.

Dumating si Zhao Feng sa origin ng Dragon Snake Ice River - ang nagyeyelong lawa.

Ang hangin malapit sa nagyeyelong lawa ay parang malalamig na kutsilyo.

Nagpunta si Zhao Feng sa oras nito upang makita kung ang nagyeyelong lawa ay makakayanan pa nito ang isa pang black metal monster o hindi.

Makalipas ang ilang sandali, umiling si Zhao Feng - ang resulta ay katulad pa rin ng nakaraan.

Ang lugar kung saan naroon ang mysterious blue crystal tear ay okupado na ng unang dalawang black metal monsters.

2. Kung ginamit na naman niya ang tear drop ang temperatura ay aabot sa punto kung saan kahit ang mga nasa 4th o 5th Sky ng Ascended Realm ay mahihirapan pigilan ito.

Ang iisang plano ay hindi maaaring gamitin.

"Kailangan ko mag-isip ng iba pang plano." Bulong ni Zhao Feng.

Hindi nagtagal ay naalala niya ang Yao Beast King sa tall tower forest.

"Ang Yao Beast King sa tall tower forest ay maaaring kalabanin ang black metal monster, at gamit ang ice arrows ko, maaari naming mapatay ang halimaw, ngunit magiging mapanganib ito..."

Pumasok si Zhao Feng sa gubat, ngunit paglipas ng ilang oras na paghahanap, hindi niya pa rin makita ang Yao Beast King.

Sa isang tiyak na lugar sa gubat, nakakita si Zhao Feng ng isang nasunog na butas sa sahig; para bang may nangyaring isang malaking laban dito.

"Ang planong ito ay nagamit na, at mukhang si Brother Yang ang gumamit nito! Bilang isang nilalang sa True Spirit Realm, ang Yao Beast King ay mayroong labis na katalinuhan at ang iisang plano ay mahirap mapagtagumpayan ng dalawang beses."

Tinanggihan na naman ni Zhao Feng ang planong ito.

Napagdesisyunan niyang umalis sa tall tower forest at dumating malapit sa vine ocean.

Ang vine ocean ay isa ring pinagbabawal na lugar sa Sky Boundary Island.

Halos mawalan ng buhay si Zhao Feng sa huling beses na nagpunta siya rito.

"Kung tama ang nakikita ko, mayroong isang "Vine King" sa gitna ng Vine Ocean at mayroong itong hindi kapani-paniwalang lakas. Mukhang ito at ang buong karagatan ay iisa lamang."

Nakatayo si Zhao Feng sa malayo at hinayag ang kongklusyong ito pagtapos suriin ito ng matagal na oras.

Kung tama siya, ang buong vine ocean ay isang parte lamang ng "Vine King" mismo.

Kung ganoon, ang lugar na ito ay tiyak na isa sa mga pinakanakakasindak na nilalang.

Ang dahilan kung bakit sinabi niya na 'isa sa' dahil nakakita na si Zhao Feng ng mas lalo pang nakasisindak na mga nilalang.

Noong una niyang nilibot ang Sky Boundary Island, nakatagpo si Zhao Feng ng isang bundok. Ang higanteng bundok na ito ay isa pa lang "Mountain Monster" na nasa malalim na tulog.

Hindi man lamang masukat ni Zhao Feng kung gaano ito kalakas, ngunit mula sa malalim na aura nito, mukhang kaya nitong patayin ang mga nasa True Spirit Realm kasingdali ng pagtapak sa mga langgam.

Hanggang sa mapunta ito sa pinakamalala, hindi nais ni Zhao Feng masaktan ang damdamin ng "Mountain Monster"

Kaya naman, pinili na lamang niya ang vine ocean. Nakapunta na siya rito isang beses noon at bahagyang pamilyar sa kaniya.

Para sa susunod na araw, sinuri ni Zhao Feng ang lugar malapit sa vine ocean gamit ang kaniyang kaliwang mata.

Sa oras na ito, mayroon na lamang natitiring dalawang tao sa buong Sky Boundary Island: Zhao Feng at Bei Moi.

Nakita ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang ikalawang nabanggit maraming beses na mula sa malayo, ngunit si Bei Moi ay nakatuon sa pagtakbo at hindi nakita si Zhao Feng.

"Masiyadong maganda ang suwerte ng lalaking ito…. May suot siyang isang kakaibang damit at mayroon siyang kundol na iyon…."

Kinagat ni Zhao Feng ang kaniyang dila.

Kayang tiisin ni Bei Moi ang pagtutugis ng dalawang black metal monsters hanggang dito.

Mabilis na lumipas ang oras at ang ikatlong pagtutugis ay malapit ng magsimula.

Sina Zhao Feng at Bei Moi ay parehas naghanda.

Sa ikatatlumpu't walong araw ng trial.

Weng! Weng!

Isang kumikinang na puting pinto ang lumitaw sa kaliwa't kanan ni Zhao Feng sa iisang oras, at mula rito, mayroon isang malabong anyo na nagpakawala ng nakakasindak na aura.

"Ano!? Higit pa sa isa ang mayroon!"

Nakaramdam si Zhao Feng ng dalawang nakamamatay na auras.

Dalawang black metal monsters ang biglang sumunod na lumitaw sampung yardang layo sa kaliwa't kanan niya.

Takbo!

Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang kapangyarihan ng kaniyang bloodline, kaya't siya ay naging isang malinaw na anyo na lumipad patungo sa lugar sa taas ng vine ocean.

Ang battle plan ay nasubukan na ng ilang libong beses sa isip ni Zhao Feng upang makibagay sa kahiy anong pagbabago.

Ang tanging pagkakaiba ay mayroon dalawang black metal monsters sa halip na isa ngayong pagkakataon.

Sou--- Sou---

Dalawang black metal monsters ang nagpagaspas ng kanilang mga pakpak at umatake gamit ang kanilang mga sipit patungo kay Zhao Feng.

Ang asul na buhok ni Zhao Feng ay sumabay sa hangin habang sinusuri niya ang vine ocean sa ibaba niya. Ang kaniyan anyo ay naging isang isda na lumalangoy sa mga pagitan at paminsan-minsan ginagamit niya ang kaniyang bloodline power at gamitin ang kaniyang 'Burning Wind Stance' para sirain ang ilang parte ng vines para gumawa ng daanan para sa kaniya.

Nang minanmanan ni Zhao Feng ang Sky Boundary Island noon, napagtanto niya na ang mga vines na ito ay may kaunting resistensya laban sa kaniyang Lightning Wind Palm.

Ang 'Burning Wind Stance' ang maaaring lumaban sa mga vines na ito.

Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang illusion fish movement skill sa hangganan nito at, gamit ang kaniyang kaliwang mata upang suriin ang kapaligiran, nakakuha siya kaugnay na kaligtasan.

Subalit, ang dalawang black metal monsters na tumutugis sa kaniya ay malalaki at parehas hindi kasing liksi at tulin ni Zhao Feng.

Ang dalawang black metal monsters ay hindi kalaunan nabalot ng walang hanggang vines, ngunit dahil sila ay mga nasa True Spirit Realm, ang kanilang mga atake ay mabilis na wumasak sa daan-daan at libu-libong vines.

Hindi rin naman inaasahan ni Zhao Feng na mapigilan ng mga normal na vines ang mga halimaw na nasa True Spirit Realm.

Ang layunin niya ay akitin ang mga black metal monsters sa gitna at ang kaniyang plano ay mabilis na nagpapatuloy na.

Ang black metal monster ay nahulog sa gitnang parte ng vine ocean.

Beng-- Sou- Sou-

Inilabas ni Zhao feng ang kaniyang Luohou Bow at tumira ng tatlo o apat na ice arrows malapit sa kapaligiran ng dalawang halimaw.

Ang mga black metal monsters ay hindi naapektuhan ng ice arrows, ngunit nagdulot ito upang manigas ng bahagya ang kanilang mga katawan sa isang kritikal na punto.

Beng! Pah! Pah…..

Mula sa gitna ng vine ocean ay may tunog ng mga pagpito at sampu-sampung madilim na berdeng kulay na mga vines na kasingkapal ng isang timba ang humampas sa hangin.

"Wuu…."

May pakiramdam si Zhao Feng na ang buong vine ocean ay isang buhay na nilalang. Bawat isa sa mga sampung vines ay mayroong kapangyarihan na maaaring ikumpara sa True Spirit Realm.

Sa kabutihang palad, naplano na niya ang kaniyang pag-atras kanina, at sa katotohanan, ang mga atake ng Vine Kings ay nakatutok lamang sa black metal monsters na isang banta sa kaniya.

Nang umatras na si Zhao Feng ng kalahating milyang layo, ang dlaawang black metal monsters ay lumubog na sa karagatan ng vine ocean at hindi na nakikita.

Hu~

Naglabas si Zhao Feng ng isang mahaba, at maginhawang paghinga.

Subalit.

Bago siya kumalma, nakaramdam siya ng isang bagay na pumulupot sa kaniyang kaliwang pulsuhan.

Ano iyon!

Tumalon si Zhao Feng sa takot habang malamig na pawis ang nagsilabasan sa kaniyang noo.

Sa pagsulyap niya, ang paggalaw ay parang nagmula sa kaniyang interspatial bracelet….