Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 188 - Ang Manlolokong Pusa

Chapter 188 - Ang Manlolokong Pusa

Ang atensyon ni Zhao Feng ay napukaw ng interspatial bracelet.

Ang interspatial bracelet ay nasa isang metro kwadrado ang sukat at mayroong ilang pangakat ng gantimpala sa digmaan na nakuha ni Zhao Feng sa loob.

Ang paggalaw ay nanggaling dito.

Nang isinama ang kaniyang kamalayan sa loob, napagtanto ni Zhao Feng na ang mga kayamanan ay bahagyang nanginginig at kalahati ng isang prutas ang may kagat na.

Ang salarin ay isang maliit at mabalahibong kulay abong pusa na tila kakapanganak pa lang – na halos kasinglaki ng isang palad. Mayroon itong pares ng nagkikislapang mga itim na mata na tumitingin sa paligid.

Ang pusang mahilig sa pagkain at tila naramdaman ang anyo ni Zhao Feng at napatigil sa gitna ng pagkain.

Tumigil muna si Zhao Feng at napagtantong ang bilang ng mga kayamanan ay nabawasan nang kalahati.

"Saan nanggaling ang pusang ito na kumain ng kalahati ng aking kayamanan?"

Lubos na nagalit si Zhao Feng.

Ang mga mahalagang kayamanang ito ay pinaghirapan niya mula sa mga trial at ngayon ay nabawasa na ito nang kalahati. Kahit si Zhao Feng na palaging kalmado, ay naramdamang umusok ang kaniyang ulo.

Gulu! Gulu!

Ang munting kulay abong pusa ay makikitaan ng pagkamuhi sa ekspresyon nito; may hawak itong bote ng alak at nagsimulang inumin ito.

"Hoy! Spiritual wine ko 'yan!"

Si Zhao Feng ay sumigaw at kinuha ang bote ng alak gamit ang kaniyang isip.

Gayunman, ang kulay abong pusa ay kumapit sa bote at lumabas din mula sa interspatial bracelet.

Miao miao!

Puwersahan itong ininom ng pusa at nagpakita ng ekspresyon ng pagkatuwa.

"Saan ba nanggaling ang pusang magnanakaw na ito? Hindi kaya…?"

Nagulat si Zhao Feng nang hulaan ang pinanggalingan ng munting kulay abong pusa.

Mayroon lang ilang sirang mga balat kung saan dapat nakalagay ang kulay abong itlog sa sulok ng interspatial bracelet.

Walang duda, ang pusang magnanakaw na ito ay nanggaling sa itlog, ngunit hindi pa nakarinig si Zhao Feng ng mga pusang nanggagaling sa mga itlog dahil ito ay isang mammal.

Ang hindi pa kapani-paniwala ay napakatalino na ng pusa nang mabuhay ito. Sa halip, ang mga pagkilos nitong tulad sa tao ang nagpamukha ritong isang matandang lobo.

Dagdag pa rito, walang ibang nangyayari sa magnanakaw na pusa maliban sa paglaki ng tiyan nito kahit napakaraming kayamanan ang kinakain nang sabay.

Gulu! Gulu….

Habang maraming naiisip si Zhao Feng, ang natitirang alak ay naubos na ng munting pusa.

"Ano… Anong klaseng halimaw ito?"

Lihim na pinatunog ni Zhao Feng ang kaniyang dila.

Kahit ang isang taong nasa Seventh Sky of the Ascended Realm ay sasabog pagkatapos kumain ng napakaraming bagay nang sabay, ngunit ang pusang ito ay dumighay lang bago maghanap pa ng karagdagdan mula kay Zhao Feng.

"Hmph! Hindi ba dapat kang magpaliwanag sa pagkain nang napakarami?"

Lumapit si Zhao Feng para pingutin ang tainga ng munting pusang magnanakaw at turuan ito ng leksyon.

Miao miao!

Nawala ang pusang magnanakaw at naiwasan ang galaw ni Zhao Feng.

Hmm?

Si Zhao Feng ay nagulat – kahit isa lang itong normal na pag-abot, kahit ang mga cultivator na nasa Fourth Sky ay hindi makakaiwas dito sa napakalapit na distansya.

Ang munting pusang magnanakaw ay hindi lang madaling nakaiwas, nagpapakita rin ito ng ekspresyon ng panloloko.

Naloko ng isang munting pusa?

Si Zhao Feng ay walang nasabi at mas nagtaka kung saan ba nanggaling ang pusang ito.

Hindi pa siya nakarinig ng ganitong hayop na napakatalino agad nang mabuhay at kayang kumain ng kayamanan na tila meryenda.

Ceng!

Ang munting pusang magnanakaw ay tumalon sa braso ni Zhao Feng at hinawakan ang interspatial bracelet.

Napagtanto na ni Zhao Feng ang gusto nito.

Shua!

Ang munting pusang magnanakaw ay kumuha ng spiritual fruit at nagsimulang kainin ito nang may galak.

Posible ito?

Wala talagang masabi si Zhao Feng; ang kaniyang mga pag-aari mula sa kaniyag interspatial bracelet ay ninakaw ng pusang magnanakaw na ito.

Huhuliin niya pa lang sana ulit ito, ngunit nakaiwas ang pusa at bumagsak ilang yarda mula sa kaniya na makikitaan ng pagkamuhi habang kinakain ang prutas.

"Anong karapayan nitong tignan ako nang may pagkamuhi habang kinakain ang pagkain ko!?"

Nakaramdam si Zhao Feng apoy sa kaniyang puso, ngunit hindi siya kumilos nang hindi nag-iisip at hindi nagtagal ay naging kalmado na.

Kahit siya ay walang lakas ng loob sa paghuli sa pusa dahil sa liksi nito.

Kung kikilos siya nang hindi nag-iisip at hahayaan itong makatakas, wala rin itong saysay.

Kailangan niyang alalahaning walang kasunduang naganap sa pagitan nilang dalawa, kaya wala silang kaugnayan.

Dagdag pa rito, kung titignan ito, ang munting pusang magnanakaw ay mukhang walang galang sa "master" nitong gumising dito.

Pagkatapos kainin ang spiritual fruit, nginitian ng munting pusang magnanakaw si Zhao Feng nang may pagkamuhi.

Miao miao!

Kumaway ang munting pusa na tila nagpapaalam, tumalikod at umalis.

Tumakbo?

Si Zhao Feng ay tumawa – kinain nito ang napakaraming kayamanan niya at aalis lang nang ganoon?

Para makuha ang itlog na ito, sinayang niya ang sampung araw sa trial; paanong aalis ito kung kailan nito gusto?

Ceng! Ceng!

Lumilingon ang munting pusang magnanakaw at tinatawanan si Zhao Feng. Tila naririnig ni Zhao Feng ang ibig sabihin nito: "Nais ng isang katulad mong maging master ko?"

Hindi lang napakatalino ng pusang ito, sobrang talino nito na alam na kaagad ang layunin ni Zhao Feng.

Ang ibig sabihin nito ay hindi na kita dapat hayaang makatakas pa.

Huminga nang malalim si Zhao Feng at ibinaba ang kaniyang takip sa mata, na nagpakita ng kaniyang matalas na asul na mata na nagbibigay ng nakakatakot na mental energy.

Sa bilis, si Zhao Feng ay lamang sa munting pusang magnanakaw, ngunit sa liksi, ang pusa ay kasinglaki lang ng isang palad at si Zhao Feng ay tila isang malamyang higante.

Dahil dito, inilabas na ni Zhao Feng ang kaniyang killing move; idinilat niya ang kaniyang kaliwang mata at sinubaybayan ang bawat galaw ng pusa.

Kasabay nito, ginamit niya ang kaniyang mental energy para linlangin ang pusang magnanakaw ngunit hingi ginamit ang kaniyang mental energy sound attack dahil nag-aalala siyang masaktan ang pusa dahil kakapanganak lang nito.

Miao miao!

Ang maliksing munting pusa ay biglang napatigil nang lumingon para tignan si Zhao Feng at mababakas ang takot sa mga itim na mata nito.

Ang pares ng itim na mga matang tumingin mismo sa asul na mata ni Zhao Fegn at nagsimulang manginig.

Hmmm?

Bahagyang nagulat si Zhao Feng, dahil hindi niya inasahang susuko nang ganoon kadali ang munting pusa.

Gayunman, sinabi ng kaniyang pandama na ang pusa ay hindi pa napigilan at natakot lang sa kaniyang kaliwang mata.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay tumingin sa kaliwang mata ni Zhao Feng nang may takot, ngunit kaagad ding nawala ang takot na ito at napalitan ng masunuring ekspresyon.

Nagtataka si Zhao Feng at ibinalik na ang kaniyang kaliwang mata.

Ceng!

Tumalon ang munting pusa sa mga balikat ni Zhao Feng sa sarili nitong kagustuhan.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay inabot ang dalawang maliit na paa nito at nagsimulang masahihin ang likod ni Zhao Feng.

Ang ugali nito ay naging kabaligtaran ng nauna.

T*ng*n*!?

Napagalaw ang mata ni Zhao Feng – mas matalino pa ang pusang ito kaysa sa Yao Beast King; tila isa itong matandang lobo.

"Munting pusang magnanakaw! Kapag kinain mo pa ang kayamanan ko, iluluto kita!"

Piningot ni Zhao Feng ang pusa at binalaan ito.

Miao miao!

Tumango ang pusa nang ilang beses at tahimik na nagakong hindi na ito mauulit.

Wala itong sinabi, ngunit naintidihan ni Zhao Feng ang ikinilos nito.

"Paniniwalaan kita."

Binitawan na ni Zhao Feng ang munting pusa at tumakbo sa kaniyang braso at umupo sa kaniyang balikat na tila isang mabait na alaga.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay biglang tumuro sa isang direksyon at sumayaw.

Hmm?

Nakita ni Zhao Feng ang isang walang ekspresyon youth na may suot na ginto/berdeng damit at isang kundol na lumilipad.

"Bei Moi?"

Napagtanto niyang ang mukha nito ay maputla at hindi mapakali.

Sa likod ni Bei Moi ay apat na black metal monsters na nanggaling sa iba't ibang anggulo, na sinusubukang palibutan siya.

"Junior Brother Zhao!"

Nakita ni Bei Moi si Zhao Feng sa hangin at tumakbo papunta rito.

Ang apat na black metal monster ay agad siyang sinundan, na may naiiwang nakakasulasok na puwersa sa hangin.

"Brother Bei, kumusta."

Hindi nag-alala si Zhao Feng dahil alam niyang aatakihin lang nga mga halimaw ang taong may kaukulang token.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw sa balikat ni Zhao Feng ay kumaway at pinalihis ang aura ng mga black metal monster.

Mas nagulat nito si Zhao Feng – ang mga halimaw na ito ay nasa True Spirit Realm at kasing kalmado niya rin ang pusa.

"Brother Zhao, bakit hindi ka hinahabol?"

Nagulat si Bei Moi nang makita ang pusa at tao sa kaniyang harapan.

Nagdadalawang isip si Zhao Feng kung sasabihin ba niya ang plano kay Bei Moi, ngunit bago pa siya makapagsalita…

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay kumaway sa gitna ng vine ocean.

Taksil na pusa! Paano mo nagawa ito!?

May mga itim na linyang lumitaw sa ulo ni Zhao Feng nang pingutin ang pusa.

"Haha, salamat Brother Zhao! Ang pusang ito ay nakakatuwa!"

Tumawa si Bei Moi at pumunta sa gitna ng vine ocean.

Sa kaniyang talino, hindi mahirap para sa kaniyang intindihin ang ginawa ni Zhao Feng.

Hu! Sou! Sou…

Ang apat na black metal monster ay kaagad na pumunta kasunod ni Bei Moi.

Bago pa maturuan ni Zhao Feng ng leksyon ang munting pusa, biglang may nangyaring hindi inaasahan.

Wu…..

Isang sigaw ang umalingawngaw mula sa vine ocean at nagpakawala ng aura na mas malakas pa sa Yao Beast King ng tall tower forest.

"Ahhh..."

Sumigaw si Bei Moi at nahila pababa sa mga baging.

Sa isang kisapmata, nabalot si Bei Moi ng hindi mabilang na mga baging.

Nagulat si Zhao Feng sa nakita: "Ang buong vine ocean at isang parte lang ng 'Vine King,' ngunit nakakamuhing umatake nang maaga, kaya bakit inatake nito si Bei Moi ngayon…?"

Tinignan ito ni Zhao Feng nang mabuti at napagtantong ang isa sa mga baging ay kinuha ang kundol ni Bei Moi at dinala sa pinakagitna ng vine ocean.

Walang duda!

Nais ng Vine King ang kundol ni Bei Moi.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay kumaway sa sayaw ng tagumpay at nagpakita ng mayabang na ngiti.

P*ta!

Niloko ng pusa si Bei Moi.

Makulay ang ekspresyon ni Zhao Feng nang tignan ang munting pusang magnanakaw na ito.

Kasabay nito…

Ang vine ocean…

"P*t*ng*n*ng pusa 'yan…."

Ang walang ekspresyong mukha ni Bei Moi ay napuno ng galit.

Bumalot sa kaniya ang walang katapusang baging at sinipsip ang kaniyang dugo.

Weng~

Ang Floating Crest Token sa kankyang loob ay nagbigay ng berdeng liwanag at napalibutan ang kaniyang katawan, na nakapagpawala sa kaniya sa sumunod na segundo.

Hindi niya inakalang aalis siyang naloko ng isang maliit na pusa. Nakakahiya kung sasabihin niya ito sa iba.

Miao miao!

Bago siya mawala, narinig ni Bei Moi ang mayabang na tawa ng munting pusang magnanakaw.