Ang Floating Crest Trial ay umabot na sa huling yugto at kahit ang taong kasing lakas ni Yang Gan, na umabot na sa 5th Sky at kalahating baitang na lamang ay 6th Sky na, ay naramdaman pa rin ang hirap.
Sa ikawalaong araw ng pagtutugis, na ikadalawampu't anim na araw ng paglilitis.
Hinihingal na si Yang Gan at ang malamig na pawis ay lumalabas na sa kanyang noo. Ang halimaw na humahabol sa kanya ay mabagal kung ikukumpara sa kanya, ngunit matapos habulin sa loob nang walong araw, kahit siya ay hindi na kaya.
Bago siya umalis, naghanda siya ng mga pills. Ngunit matapos itong kainin nang sunod-sunod, bumaba na ang epekto nito.
Hindi na enerhiya ang usapin ngayon, kanyang buhay na.
"Ang aking cultivation ang pinaka mataas, wala na sigurong natitira ngayon dito." Naisip ni Yang Gan.
Sa sandaling ito, ang bilis ng black metal monsters ay mas higit na sa mga normal na cultivators sa ika-apat na antas. Ang mga taong gaya nina Bei Moi at Quan Chen malamang ay natanggal na. Ngunit ayaw ni Yang Gan na umalis agad.
Dalawampu't anim na araw pa lamang ang nakalilipas; hindi pa umaabot sa isang buwan ngunit ayon sa Unang Elder, si Hai Yun Master ay nagtagal ng higit isang buwan.
"Isang buwan! Kailangan kong tumagal hanggang isang buwan upang matalo ang rekord!"
Pinag-igting ni Yang Gan ang kanyang mga ngipin.
Kahit na mataas ang kanyang hangarin, ang kanyang buhay ay dahan-dahan nang naglalaho, ibig-sabihin ay hindi na siya magtatagal pa.
Sou!
Sa isang saglit ay may nakita si Yang Gan na pigura.
"Sino 'yon?"
Lumundag ang tibok ng puso ni Yang Gan. Paanong may natitira pa sa paglilitis maliban sa kanya?
Ang taong iyon ay pamilyar, walang emosyon na kabataan.
Ang cultivation ng batang iyon ay hindi mataas, ngunit lubhang mabilis siya. Isang berdeng kundol ang sumabit sa kanyang dibdib. May suot din siyang berde/gintong kamiseta, na mayroong pares ng pakpak na naka usli sa likuran niya, na nagbigay sa kanya ng bilis at liksi.
"Bei Moi!"
Nanlaki ang mata ni Yang Gan.
Ang taong parating ay si Bei Moi at ang kanyang swerte ay masasabing pinaka malakas sa lahat ng disipulo. Dinala siya sa antigong hardin sa simula at nakakita siya ng maraming mga kayamanan.
Ang berde/gintong kamiseta ay kakaibang kayamanan n maaring gamitin upang lumutang sa hangin sa pagpapasok lamang ng True Force sa loob.
Sa usapin naman ng bilis, maikukumpara si Bei Moi sa 5th Sky at mukhang hindi naman siya nahihirapan.
"Brother Yang."
Walang emosyon na kumingon si Bei Moi kay Yang Gan bago tumakbo.
Ang tagpong ito ay naging dahilan upang manginig ang puso ni Yang Gan. Mayroon pa ring tao sa paglilitis at ang hindi niya matanggap ay mukhang kalmado ito kaysa sa kanya.
Huwag mo na isipin na matalo ang rekord ni Hai Yun Master - mas mahirap na manguna sa henerasyong ito.
"Isa na lamang ang maari kong gawin ngayon."
Huminga nang malalim si Yang Gan at tumingin sa direksyon nang mataas na tore. Ito ay pamilyar sa kanya at maraming makapangyarihang halimaw doon, kabilang ang 'Yao Beast King', na maikukumpara sa True Spirit Realm.
Ang plank ni Yang Gan ay akitin ang black metal monster sa 'Yao Beast King', upang maglaban ang dalawa.
Gayunpaman, ito ay isang bagay n hindi basta-basta ginagawa sapagkat ang 'Yao Beast King' ay walang limitasyon. Ang atake at bilis nito ay hindi kontrolado.
Sa oras na makulong siya kasama ang 'Yao Beast King', agad siyang mamamatay.
Isa pa, ang Yao Beast King ang pinuno ng beast horde, kabilang ang mga nasa ikalima, ika-anim maging ang 7th Sky ng Ascended Realm.
Dahil sa pagbabago ng temperatura, karamihan sa sakop nito ay namatay o nagtatago.
Ang panganib sa plano ni Yang Gan ay bumaba.
Hindi nagtagal.
Inakit ni Yang Gan ang black metal monster sa teritoryo ng 'Yao Beast King'.
Sa sandaling ito ay huminga siya nang malalim at nagpokus. Ang maliit na pagkakamali ay maaring pumatay sa kanya.
Ang panganib ng Yao Beast King ay mas nakatatakot sa black metal monster.
Alam din ni Zhao Feng na mayroong Yao Beast King dito, ngunit hindi siya ngtangka na gamitin ang plano na ito dahil lubhang mapanganib ito.
Kong~~~~ Wu~~~~
Mula sa tall tower forest ay may nakatatakot na alulong at isang matapang na tingin mula sa Three-Headed Blazing Lion ang lumabas.
Ang Blazing Lion ay may tatlong ulo at binabalot ito ng apoy. Bago pa man ito makalapit, naramdaman na ni Yang Gan ang makapasong init.
"Mabilis akong nahanap." Nagulat si Yang Gan.
Mula sa ilang milyang layo, ang Three-Headed Blazing Lion ay naramdaman ang kanyang presensya, ngunit naakit ito sa True Spirit Realm aura ng black metal monster.
Agad na bumalik si Yang Gan sa black metal monster.
Ito ay lubhang mapanganib dahil ito ay nangangahulugan na kailangang harapin ni Yang Gan ang atake ng black metal monster at Yao Beast King. Ngunit sa dalawa, mas mabagal ang black metal monster, ibig sabihin ay mas mababa ang panganib nito.
Hindi nagtagal, ang Three-Heades Blazing Lion ay lumabas at pinakita nito na mas makapangyarihan siya sa black metal monster. Ngunit hindi siya nito pinansin at mas nagpokus sa pagtugis kay Yang Gan.
Lubhang nagalit ang Yao Beast King - siya ang hari sa kagubatang ito at ang kanyang kalaban ay hindi siya pinansin??
Para naman kay Yang Gan, ang langgam na ito ay hindi pinansin. Tumakbo siya pakaliwa at pakanan habang nasa likod niya ang black metal monster at sa likuran nito ay ang Yao Beast King.
Ang depensa ng black metal monster ay sobrang lakas - nakatanggap ito ng maraming atake mula sa Yao Beast King at hindi ito masyadong nagalusan.
Raging Scorch of the Heavens!
Ang Yao Beast King ay ginamit ang kanyang pinaka malakas na atake na nagdala ng tatlong apoy mula sa bawat ulo nito, na nagsama-sama at tumama sa black metal monster.
Sa isang 'boom', isang butas na kasing laki ng football field ang nakita sa lupain na nagkulay itim dahil sa apoy.
Si Yang Gan ay isang milya ang layo, ngunit bahagya pa rin siyang nasugatan sa pagsabog.
Mabuti na lamang, nagbunga ang kanyang ginawa - ang isang pakpak at paa ng black metal monster ay nawasak dahil sa atake. Sandali lamang at tinapos na ng Yao Beast King ang halimaw.
Hindi na nag-atubili si Yang Gan at agad na umalis upang maiwasan na tugisin ng Yao Beast King matapos nitong tapusin ang black metal monster. Walang makaliligtas kapag hinabol ng isang nilalang mula sa True Spirit Realm.
Sa sumunod na dalawang araw, tagumpay na nakatakas si Yang Gan.
"Ang panganib na ito ay nagbunga; naalis ko ang black metal monster."
Huminga nang malalim si Yang Gan at ang kasabikan at pagmamalaki ay makikita sa kanyang mata.
Hindi niya alam na hindi siya ang unang nagawa ng planong iyon. Paano nalamang kung malaman niya na mayroon nang nakapatay sa halimaw ilang araw na ang nakalipas na hindi masyadong nahirapan.
Ngunit bago pa maging masaya si Yang Gan sa isa o dalawang araw, may lumapit na naman sa kanyang panganib.
Sa ikalabing-isang araw nang pagtutugis, na ikadalawapu't-siyam na araw nang paglilitis.
Weng~~~
Isang puting maliwanag na pintuan ang nagbukas na sampung yarda ang layo at isang malabong pigura ang lumabas…. Ano!?
Nanigas ang katawan ni Yang Gan habang siya ay sumisigaw: "Bakit may bago na naman!?"
Takbo!
Nagdesisyon agad si Yang Gan na tumakbo, kahit na hindi pa lubusang lumilitaw ang black metal monster.
Ang aura na nang gagaling mula sa black metal monster ay katulad sa halimaw noon, ngunit ang bilis nito ay nasa 4th Sky agad.
Treasury sa Castle.
Peng Si~ Peng Si~
Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Lightning Wind Palm at inatake ang array.
Ang protective array ay naglaho na sa kalahati.
"Ang array ay masisira na sa dalawang araw."
Ngumiti si Zhao Feng habang tinitignan niya ang itlog sa loob. Iniisip niya kung anong klaseng nilalang ang nasa loob, maari kayang isa itong maalamat at antigo?
May ilang mga tao na naka tanggap ng itlog o bagong panganak na hayop na ginagamit na sakayan o alaga. Ang ibang mga alaga ay may malakas na abilidad sa pakikipag laban at kaya nila itong kontrolin.
Mayroong 'Golden Ashen Giant Eagle', na maaring magsakay ng maraming tao at pumatay ng mga cultivators sa ika-anim at 7th Sky ng Ascended Realm.
Hmm?
Bigla na lamang may isang katakot-takot na aura ang bumalot kay Zhao Feng - ito ay tila may isang bagay na nakulong sa kaniya.
Ang pakiramdam na ito ay sobrang pamilyar.
Weng!
Isang maliwanag na puying pintuan ang nagbukas sa labas ng treasury at ang malabong pigura ay lumabas.
"Ano….!? Mayroon pa!?"
Nagulat si Zhao Feng.
Kinakalkula niya ang oras, sampung araw na mula nang magsimula ang pagtutugis.
Sampung araw.
Ito ay mahalagang impormasyon.
Kada sampung araw, mayroong karagdagang black metal monster at ito ang ikatlong pang-sampung araw.
Maaring natapos na ni Zhao Feng ang isang black metal monster, ngunit habang tumatagal ang oras ay lalong humihirap ito.
Peng!
Bahagyang naalog ang treasury nang mapunta sa array ang atake ng black metal monster. Ang laki ng halimaw ay nasa tatlong palapag at hindi ito makapasok sa treasury, ngunit ang simpleng atake nito ay bumasag na sa bloke ng yelo malapit sa pasukan nito.
Sa sirit lamang ng enerhiya nito na tumulak sa treasury ay halos magpa-ubo ng dugo kay Zhao Feng. Kapag nasira na nitong tuluyan ang pasukan, mamamatay si Zhao Feng.
"Takbo!"
Naging isang kulay asul na pigura si Zhao Feng sa sandaling mawala ang kanyang gulat at tumalon siya paalis sa treasury.
Qiu----
Ang pigurang iyon ay nag iwan ng malabong asul na liwanag sa kalangitan, ang simbolo kapag ginagamit ni Zhao Feng ang kasagaran ng kanyang bloodline power.
Sa maikling sandaling iyon.
Ang makasabog na bilis ni Zhao Feng ay maihahalintulad na sa 6th Sky at siya ay nagtungo sa bubong na kasalungat sa treasury.
Nakatakas na siya!
"Ang bilis ng halimaw na ito ay maikukumpara sa 4th Sky at ito ay kalalabas lamang!"
Huminga nang malalim si Zhao Feng.
Walang nang pag-aalinlangan, inakit niya muli ang black metal monster patungo sa nagyeyelong lawa.
Apat na oras ang nakalipas
Ang temperatura sa buong Sky Boundary Island ay umabot na sa punto na ang mga nasa 4th Sky ay nakaramdam na rin ng lamig.
"Punyeta, ano 'to? Bumababa na naman ang temperatura."
Isang daang milya ang layo, ang ekspresyon ni Bei Moi ay naging taimtim. Dalawang halimaw ang humahabol kay Bei Moi at sila ay mula sa magkabilang direksyon.
Kasabay nito.
Tumingin si Zhao Feng sa nagyeyelong lawa at bumulong sa sarili: "Dalawang halimaw lamang ang kaya nitong selyuhan…"
Ang lugar sa tabi ng blue crystal tear ay may dalawang yelong bundok. Hindi na nito kayang magpayelo ng isa pang black metal momsters sapagkat hindi na ito masyadong makalalapit dito.
Kasabay pa nito, ang temperatura ay umabot na sa punto na maging ang mga nasa 4th Sky ay nila lamig. Kung mas pala-lalain pa ito….
Mabilis na lumipad pabalik si Zhao Feng sa treasury.
Matapos tapusin ang ikalawang black metal monster, mayroon na lamang soyang sampung araw upang kunin ang itlog.