Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 186 - Napatay

Chapter 186 - Napatay

Castle Treasury.

Nang bumalik si Zhao Feng sa protective array, bahagyang naging maayos na ito.

Ang kulay abong itlog ay tahimik na nakalapag at hindi gumagalaw sa loob ng kahon at nagbigay ito ng isang lumang, sinaunang aura.

Nandirito na ito ng sampung libong mga taon ngunit ang misteryosong kulay abong itlog na ito ay mayroon paring katiting na senyales ng buhay sa loob nito.

"Bigyan mo pa ako ng limang araw."

Huminga ng malalim si Zhao Feng, naging matalim ang kaniyang mga mata - talagang kukuhanin niya ang itlog na ito.

Hindi simple ang bawat itim sa loob ng silid na ito. Ang mga sandatang nakatabi rito ay lahat nasa Spiritual grade.

Ano ang nasa loob ng itlog na ito na hanggang ngayon ay buhay pa rin makalipas ng sampung libong mga taon?

Ibig sabihin ng mga senyales na ito na ang itlog ay malayo sa pagiging normal.

Peng! Peng!

Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang Lightning Wind Palm ng tuloy-tuloy at nanatali sa pagpataw ng mga atake sa protective array.

Base sa kaniyang mga kalkulasyon, kailangan niya ng limang araw o higit pa upang sirain ang array dahil umayos ito ng bahagya kanina. Ang recovery speed nito ay mas magiging mabilis kung walang pinsala ang maidudulot dito sa mahabang panahon.

Sa tatlo na nasa Sky Boundary Island, si Zhao Feng ang pinakakalmado.

Sa pagkakataong ito, sina Yang Gan at Bei Moi ay parehas walang oras para magpahinga.

Ang ikalawang nabanggit ay lumilipad paikot sa Sky Boundary Island na may kasamang dalawang black metal monsters na tumutugis sa kaniyang likuran. Ngunit kahit ganito ang kaniyang walang ekspresyong mukah ay hindi nagpakita ng kahit anong bahid ng pagkataranta.

Si Bei Moi ay mayroong isang upo at isang Gito/Berdeng damit na mayroong isang pares ng pakpak na nakausli mula sa likuran, nagdulot upang makayanan niyang maliksing lumipad-lipad.

Kapag nasa isang desperadong sitwasyon, si Bei Moi ay sisipsip mula sa upo.

"Ang 'Clear Sky Spiritual Liquid' na ito ay tunay na maganda. Kaya nitong bawiin ang aking buhay."

Isang malakas na loob na ngiti ang nabuo sa mga labi ni Bei Moi.

Ang 'Clear Sky Spiritual Liquid' ay isang legendary item na maaaring magbalik ng isang tao mula sa bingit ng kamatayan, nagpapagaling karamihan ng sakit kung hindi lahat.

Hindi basta-bastang Spiritual pill ang likidong ito - mayroon itong abilidad upang bawiin ang buhay.

Umiinom si Bei Moi ng katiting nito bawat kalahati ng araw at ang kaniyang enerhiya ay muli na namanag babalik sa peak nito.

Kumpara sa kaniya, si Yang Gan ay naghihirap.

Kayang tumakbo ni Bei Moi ng hindi masiyadong naghihirap.

Ang True Force, mental energy, at buhay ni Yang Gan... Halos lahat ng bagay ay nauubos na.

Ang ikalawang black metal monster ay maikukumpara sa isang 4th Sky sa pagkakataong nagpakita ito, at makalipas ang dalawang araw, nakarating na agad ito sa bilis ng 5th Sky.

Mabilis na lumipas ang oras .

Sa ikalabing-tatlong araw ng pagtutugis, ang tatlumpu't isang araw ng trial.

"Lagpas isang buwan na siguro ngayon…."

Malabo na ang kamalayan ni Yang Gan, at umabot na siya sa kaniyang hangganan sa kahit anong paraang maaaring isipin.

Ninais niyang magpunta sa tall tower forest at ulitin ang kaniyang plano, ngunit lahat ay naging palpak.

Nasaktan din ng Yao Beast King ang sarili nito nang paslangin nito ang black metal monster at nagpapagaling ito sa isang lugar.

Floating Crest Palace.

Sa ikatatlumpu't dalawang araw ng trial.

Weng!

Kumislap ang pinto at isang pagod na anyo ang lumitaw sa pasukan nito.

"Gan'er!"

Sigaw ng First Elder bago siya mag-iwan ng isang serye ng mga afterimages at lumitaw sa tabi ni Yang Gan. Sunod ay nagpadala siya ng isang kalmado, at malambot na "True Spiritual Force" sa loob ng katawan ng ikalawang nabanggit.

Ang mga nasa 'True Spirit Realm' ay nagdaan na sa pitong beses ng lubhang pagbabago, at ang kanilang True Force ay may labis na liksi.

Dahil din dito kung bakit ang haba ng kanilang buhay ay umaabot sa tatlong daang taon - isang bagay na hindi maaaring kayanin ng mga mortal.

"Dulot ito ng kawalan ng buhay."

Nag-abot si Granny Liuyue ng isang Spiritual pill na tila ba napakamahal.

Hindi katagalan.

Lumitaw muli ang mga kulay sa mukha ni Yang Gan, habang nagawa niyang banggitin: "Master, ilang araw akong nakatagal?"

Naging malabo na ang kanyiang kamalayan nitong mga araw, at hindi man lamang niya alam kung paano siya nakalabas.

"Tatlumpu't dalawang araw. Ang tala mo ay malapit kay Hai Yun Master."

Nagsalita si First Elder ng nakangiti.

Walang ibang taong nakaabot ng mas matagal sa isang buwan sa mga nakalipas na daan-daang taon bukod kay Hai Yun Master.

Sa pagkarinig ito, bahagyang nakaramdam ng kalungkutan si Yang Gan.

Hindi niya natalo si Hai Yun Master.

Kahit parehas silang nakatagal ng lagpas isang buwan, mas tumagal sa kabuuan si Hai Yun Master kumpara sa kaniya.

"Gan'er, ano ang iyong huling resulta at mga gantimpala?"

Tinanong ni First Elder ng may pag-asam.

Ang layunin ng Floating Crest Trial ay makakuha ng mga gantimpala, at kung gaano kataas ang score mo, ganoon din kaganda ang gantimpala.

"Ang disciple na ito ay nagawang makakuha ng 457 points."

Kahit paano naging mataas ang tingin ni Yang Gan sa kaniyang sarili ng banggitin niya ang kaniyang score.

Ang mga Elders at ang Clan Master ay tumango sa pagpupuri.

Si Yang Gan kung tutuusin, ay ang top participating disciple at ang kaniyang score ay madaling nakalagpas sa mga pinakamatataas na score ng nakaraang mga trials.

Kung gantimpala ang pag-uusapan, nakakuha si Yang Gan ng isang peak grade Mortal weapon at martials arts pati na rin ibang kayamanan na mas mataas kila Lin Fan at sa iba pa.

"Peak grade Mortal weapon! Hindi na masama, hindi na masama! Tumaas na naman ang lakas ng Clan."

"Walang ibang nakakakuha ng isang peak grade Mortal weapon sa nakalipas na sampung trials bukod kay Brother Hai Yun."

Labis na nagalak ang mga Elders ng marinig nila ito.

Sa loob ng Clan, ang mga Elder-tier na tao lamang ang mayroong karapatang gumamit ng peak grade Mortal weapons, at ang mga ito ay mas mahina ng onti kaysa sa Spiritual weapons.

Maaaring hindi rin magamit ni Yang Gan ang lahat ng kapangyarihan ng peak grade Mortal weapons at ibibigay ito sa Clan kapalit ng ibang bagay…..

"Talagang nakakapanatag ang ipinamalas ni Gan'er. Ang kaniyang score ay nasa likod lamang ni Brother Hai Yun sa nakalipas na daan-daang taon."

Ngumiti si Elder Xue, ngunit si Yang Gan ay bahagyang nalulugmok pa rin.

Ang bilang ng mga araw na nagtagal siya pati na rin ang kaniyang huling score ay parehas na mas mababa kaysa kay Hai Yun Master at hindi rin niya nasira ang isang daang taong tala.

"Kung tama ang naaalala ko, si Brother Bei ay nasa trial pa rin…."

Sinabi ni Yang Gan ng hindi tiyak.

Wala siyang magawa nang mabanggit niya si Bei Moi.

Ang suwerte ng lubhang kagila-gilalas na tao ay hindi lang maganda ngunit sobra-sobrang maganda.

Sa ikatlong stage, si Yang Gan ay nateleport diretso sa tabi ng isang kawan ng halimaw kung saan kinailangan niyang lumaban upang makatakas.

Sa kabilang banda, si Bei Moi ay nateleport sa pasukan ng ancient garden, na sunod-sunod nagpataas ng kaniyang lakas at nagbigay sa kaniya ng mamahaling mga kayamanan - nagdulot upang makaligtas siya sa pagtugis ng dalawang black metal monsters.

Kahit si Zhao Feng ay walang ganitong suwerte.

Ang Floating Crest Trial ay isang labanan ng kapangyarihan pati na rin ng suwerte. Minsan mas importante pa ang suwerte kaysa sa lakas,

"Oh? Kumusta naman si Bei Moi?"

Sinabi ito ni Hai Yun Master ng may pagkainteres at pag-asam.

Walang itinago si Yang Gan at kinausap silang lahat sa kalagayan ni Bei Moi.

Pagtapos nilang marinig ito.

Ang limang nilalang sa True Spirit Realm ay nagtinginan - hindi nila naisip na ganito kalakas si Bei Moi; ang ikalawang nabanggit ay madaling maiwasan ang dalawang black metal monsters.

"Mayroong magandang suwerte si Bei Moi sa loob niya, o kung hindi 'di siya makakatagpo ng ganoong mga gantimpala. Siguro ang suwerteng ito ang ikauuland ng ating Broken Moon Clan."

May galak sa mga mata ng Clan Master.

Mula sa kasalukuyang sitwason, mukhang matatalo ni Bei Moi ang score ni Hai Yun Master.

"Pagpupuri kay Brother Hai Yun sa pagkupkop ng ganito katalentadong disciple."

Sila Elder Xue at ang iba pa ay nagpunta upang purihin si Hai Yun Master.

Sa kasaysayan ng buong kontinente, sinong malaalamat na anyo ang walang magandang suwerte?

Mayroon pa ngang kasabihan: "Ang mga Clans ay maaaring kumupkop ng walang magaling na talento, ngunit hindi ang mga walang suwerte."

Ang 'Scarlet Moon Patriarch' na siyang sumakop sa isang panahon ay mayroong simpleng talento ngunit labis na suwerte, nagdulot upang makapasok siya sa isa sa four great inheritances - ang "Scarlet Moon Inheritance."

Kumpara sa pinakasinauna at pinakamisteryosong four great inheritances, ang Floating Crest Trial ay walang kuwenta. Parang ikukumpara mo ang liwanag ng isang bituin sa ningning ng isang buong buwan.

Mula rito makikita ng isang tao ang kahalagahan ng suwerte.

Walang duda, ang mga posibilidad ng hinaharap ni Bei Moi ay mukhang maganda. Hindi lamang siya mayroong magandang suwerte, mayroon din siyang magaling na talento.

"Sandali! Mayroon pang isang nasa trial bukod kay Bei Moi."

Biglang sinabi ni Hai Yun Master.

Kumunot ang mga kilay ng First Elder habang siya ay napaisip.

May isa pa!

Huminto ang mga Elders at maingat itong pinag-isipan. Mukhang mayroon pa nga talagang isa pa bukod kay Bei Moi na nasa trial pa.

"Ang batang iyon….."

Kumunot parehas ang mga kilay ni Elder Xue.

"May iba pa?" Nanginig ang puso ni Yang Gan habang ang kaniyang ekspresyon ay naging medyo pangit: "Kasasabi lang ng mga Elders na mayroon pang isang taong hindi pa lumalabas bukod kay Bei Moi."

Sa pagkakaalam sa balitang ito, yumanig ang mga alon sa kaniyang puso.

Maaari bang may isa pang taong nakalagpas sa akin bukod kay Bei Moi?

Hindi mahalaga kung natalo siya ni Bei Moi dahil ang nabanggit ay mayroong matinding suwerte at isang super genius.

"Gan'er, nakita mo ba ang mga bakas ni Zhao Feng sa ikatlong stage?"

Taimtim na itinanong ng First Elder.

Mayroon siyang masamang pakiramdam….

"Brother Zhao?"

Bahagyang tumigil si Yang Gan; hindi siya makapaniwalang ang taong iyon ay si Zhao Feng. Sunod ay sumagot siya: "Hindi nakita ng disciples na ito ang kahit anong bakas niya simula pumasok ako sa ikatlong stage."

Sa pagkarinig nito, ang ekpresyon ng First Elder ay bahagyang nagbago. Maaari bang...?

Kahambugan ang mayroon sa mga mata ni Elder Xue, samantang ang mga mata naman ni Hai Yun Master ay puno ng panlalait.

Si Granny Liuyue at ang iba pa ay nasa malalim na pag-iisip.

Sa Floating Crest Trial, bukod sa pagpasa at pagbagsak, mayroong isa pang resulta - kamatayan.

Totoong kamatayan!

Kahit ang Floating Crest Trial ay isang banal na lugar ng inheritance, hindi nito talagang mapoprotektahan ang mga buhay ng mga kalahok.

Sa mga nakaraang trials, mayroong mga halimbawa ng tunay na kamatayan, at kahit hindi ito madalas nangyayari, normal pa rin ito.

Hindi nagtagal.

Ipinatawag ng First Elder sila Quan Chen, Lin Fan, Ran Xiaoyuan at ang iba pang nakapasok ng ikatlong trial.

"Nakita ko lamang si Brother Zhao isang beses bago magsimula ang pagtutugis."

Ang mga sagot ni Lin Fan at Ran Xiaoyuan at Liu Yue'er ay pare-parehas.

Tila ba simula pa lamang ng pagtutugis, naglaho na si Zhao Feng ng walang bakas.

Halos magkakaparehas ang kanilang mga sagot.

Dagdag pa ang sinabi ni Yang Gan na hindi siya nakakita ng mga bakas ni Zhao Feng, ang katotohanan ay tila ba nagpakita na.

Huminga ng malalim si First Elder, ipinikit ang kaniyang mga mata, at naging tahimik.

Ang mga taong naroroon ay kaya lamang tahimik na manalangin para kay Zhao Feng, at sa kanilang lahat, si Ran Xiaoyuan lamang ay mayroong pulang mga mata.

Si Lin Fan lamang ay mayroong kakaibang mukha. Nang maalala niya ang malakas na loob na pag-uugali ni Zhao Feng, pakiramdam niya hindi lamang basta-basta ang lahat ng bagay…..

Floating Crest Trial.

Ang ikatatlumpu't tatlong araw.

Ang Kabang-yaman sa loob ng Kastilyo.

Craaaack!

Ang pinakamatamlay na puting ilaw ay nabasag, ibig sabihin nasira na ang protective array.

Mabilis na dinakot ni Zhao Feng ang misteryosong itlog ng may kagalakan at kapaguran.