Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 179 - Lihim na Pagbabalak

Chapter 179 - Lihim na Pagbabalak

Sinuri ni Zhao Feng ang silid ng treasury.

Mula sa sandaling nakapasok siya, ang kaniyang kaliwang mata ay sinuri na ang buong lugar, pati na ang mga puwesto ng mga guwardiya.

Mayroon lang isang bagay na maaaring makumpirma – ang lugar na ito ay tunay na gitnang parte at ang pinakaprotektado.

Gumugol si Quan Chen ng dalawa hanggang tatlong araw para makarating dito, at mga 40 guwardiya ang nalampasan bago makarating dito.

Alam ni Zhao Feng na daan-daang mga guwardiya sa kastilyo, at hindi madali para kay Quan Chen na makarating dito. Malamang ay nagbayad siya ng mabigat na halaga kahit na nasa peak Fourth Sky of the Ascended Realm na ang kaniyang lakas.

Sa paniniwala ni Quan Chen, hahayaan ba niyang makuha ng iba ang mga pabuya?

Samakatuwid, ang alok ni Quan Chen na hatiin ang kayamanan nang tigkalahati ay siguradong hindi totoo.

…..

Naintindihan na ito ni Zhao Feng, sa paggamit kay Quan Chen, narating niya ang gitnang lugar nang mas madali.

Ang treasury sa kaniyang harapan ay kasinglaki ng isang silid pahingahan, kung hindi mas malaki, at ang aura sa loob nito ay nakakapagpabilis ng tibok ng puso ng kahit na sinong cultivator.

"Ang ipinapahiwatig ng aura mula sa mga ito ay mas makapangyarihan kaysa sa isang normal na Spiritual weapon."

Ang mga pandama ni Zhao Feng ay mas matalas kaysa kay Quan Chen. Ito ay dahil nakagamit na siya ng Spiritual weapon dati.

Ang mga spiritual weapon ay napakahalaga at karamihan ng mga clan ay may iisa o dalawa lang na itinuturing na pamana.

Dagdag pa rito, ito lang ang nag-iisang aura mula sa treasury – malamang ay hindi pa nga ito umaabot ng isang bahagdan ng kaniyang true aura sa kaniyang loob.

"Brother Zhao, bakit hindi tayo maghiwalay? Ang isa sa atin ay manggagambala sa isang guwardiya habang ang isa ay papasok sa loob ng treasury at nanakawin ang kayamanan?"

Ngumiti si Quan Chen.

"Nanakawin? Brother Quan, huwag mo naman palabasing masama ito. Wala naman dito ang may-ari – malay mo maraming taon na ang nakalipas nang mamatay siya? Kinukuha lang natin ito."

Si Zhao Feng ay humagikhik.

"Sige, sige, kukunin natin ito."

Pilit na tumawa si Quan Chen at pinigilana ang kaniyang galit. Kailan pa nangahas ang langgam na itong makipag-usap nang ganito sa kaniya?

Pagkatapos ay pinag-usapan na ng dalawa kung sino ang maglalayo sa mga guwardiya at kung sino ang kukuha sa kayamanan.

Sinuri muna ni Zhao Feng ang buong treasury at nakakita ng mga bakas ng array sa loob. Ang kaniyang kaliwang mata ay hindi masyadong nakakakita sa likod ng pader at ang mga ayos sa loob.

"Brother Zhao, ang iyong movement skills ay mahusay, kaya wala kang masyadong problema kung ikaw ang lalaban sa mga guwardiya. Syempre, kung ayaw mo, ako na lang."

Maaluwag na sabi ni Quan Chen, na tila walang pakialam kung anong piliin ni Zhao Feng.

Pipiliin ng karamihan ang ikalawa dahil pakiramdam nila ay ligtas ito kung sila ang kukuha ng kayaman.

"Sige. Gagambalain ko ang mga guwardiya."

Sagot ni Zhao Feng.

"Sige ba."

Bahagyang nagulat si Quan Chen ngunit lihim pa ring natawa. Kahit anong piliin mo, isa ka pa ring piraso ng chess na ipapadala sa kamatayan nito!

Una, kakarating lang ni Zhao Feng sa kastilyo at hindi alam ang mga natatagong mga panganib dito. Kung pipiliin niyang harapin ang mga guwardiya, mas malalapit siya sa mas maraming panganib.

Ikalawa, pinili ni Zhao Feng na pasukin ang treasury, ang tanging kailangan lang gawin ni Quan Chen ay harapin ang mga guwardiya at umalis nang walang iniiwang bakas, na ibig sabihin ay babalik na ang mga guwardiya sa treasury.

Samakatuwid, walang pakialam si Quan Chen kung anong pipiliin ni Zhao Feng, dahil kahit ano dito ay may kamatayang naghihintay sa kaniya.

...…..

Mayroong nasa 20 hanggang 30 guwardiya na nakapwesto malapit sa treasury na nasa Fourth hanggang 6th Sky ang lakas, kaya ang paggambala sa mga ito ay mapanganib na gawain.

Ayon sa plano, kailangang makagambala si Zhao Feng ng nasa kalahati.

Peng!

Sumuntok si Zhao Feng sa hangin at ang lumabas na air wave ay tumama sa mga pader ng treasury at nayanig ang buong silid.

Mayroong array na nagpoprotekta sa treasury, at sa sandaling natamaan ito, isang pulang liwanag ang lumitaw at nakuha ang atensyon ng mga guwardiya.

Ceng! Sou!

Hindi na nakita ang anyo ni Zhao Feng dahil sa mga nakakita sa kaniyang 10 hanggang 20 guwardiya papunta sa labas.

Sa mga guwardiyang ito, nasa 10 o higit pa ang nasa Fourth Sky, apat sa Fifth Sky, at isang silver guard sa Sixth Sky.

"Magaling Brother Zhao!"

Si Quan Chen ay mayabang na tumawa nang lumitaw sa kaniyang mga mata ang tuwa at pagkawalang-bahala.

Matapos siyang habulin ng mga guwardiya, siguro ay tanging si Yang Gan lang ang may kakayahang tumakas nang walang pinsala. Kahit si Bei Moi at ang kaniyang sarili ay masasabing mapanganib ito.

Dagdag pa rito, kakapasok lang ni Zhao Feng sa kastilyo at walang alam sa mga natatagong panganib dito.

Ang anyo ni Zhao Feng ay naging after image nang palaganapin niya ang kaniyang Heavenly Wind True Force sa sukdulan, na pinakamabilis kaysa sa karamihang mga cultivators na nasa Fourth Sky of the Ascended Realm.

Ito ay dahil narating na niya ang mataas na lebel sa Heavenly Wind God Technique, ang kadalisayan ng kaniyang True Force ay mas mabuti pa kaysa sa mga normal na cultivator na nasa Fourth Sky.

Dagdag pa rito, isinama ni Zhao Feng ang kaniyang illusion fish picture sa skill na ito, na mas nadagdag sa kaniyang bilis na higit pa kay Quan Chen.

Bukod pa rito, ang mga guwardiyang it ay nakahanay sa mabigat na baluti na nagpaigting pa sa kanilang depensa, ang sagabal lang sa kanilang liksi at ang saklaw ng paggalaw ang kapalit.

Gamit ang kaniyang liksi, kahit ang mga guwardiya sa Fifth at Sixth Sky ay hindi makahabol sa kaniya sa loob ng maiksing panahon.

Ang kaniyang kaliwang mata ay kayang makakita sa likod ng mga pader at malaman ang iba sa mga natatagong panganib.

Sa tanawin naman, mas pamilyar pa siya rito kaysa kay Quan Chen.

Hindi nagtagal…

Nahikayat ni Zhao Feng ang mga guwardiyang ito sa pasukan ng gusali.

Sa sandaling ito, ang mga guwardiyang kayang makahabol ay ang mga nasa Fifth Sky pati na ang isang silver guard.

Tanging ang silver guard lang ang nakakapantay sa bilis ni Zhao Feng, ngunit mas malala pa ang liksi nito.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay kayang sumilip sa katawan ng silver guard at makita ang daloy ng enerhiya sa loob nito, na nakakapagsabi sa kaniya kung anong atake ang susunod na gagawin nito.

Nagawang iwasan ni Zhao Feng ang mga atake ng silver guard nang maraming beses – kung siya ay tatamaan, malaki ang magiging pinsala nito sa kaniya, o maaaring ikamatay niya pa, sa kabila ng paggamit ng Silver Wall Technique na pinagsanayan niyang mabuti.

Ngunit si Zhao Feng, na may misteryosong kaliwang mata, ang nagkontrol sa buong sitwasyon.

Pagkatapos tumakbo palabas ng gusali, ang tanawin ang ay napipi, na nagpahirap sa kaniyang gamitin ito para sa kaniyang kalamangan.

Ang distansya sa pagitan ni Zhao Feng at ng silver guard ay unti-unting lumiliit.

Nang makahabol na ang guwardiya sa kaniya at napigilan siya, ang apat pang mga black-armored guard na nasa Fifth Sky ay dumating rin, na muntik nang makapanigurado sa kaniyang kamatayan.

Ta!

Isang patong ng asul na dugo ang lumitaw sa loob ng katawan ni Zhao Feng na nakapagbigay ng malakas na aura ng kaluluwa.

Sa isang saglit, ang kaniyang mental energy, konsentrasyon, at pandma ay tumaas.

Ang kapangyarihan ng lipi ay isang bagay na kahit si Zhao Feng mismo ay hindi naiintindihan, ngunit ang pagkakaiba ay halata. Ang parehong suntok na may kapangyarihan ng lipi ay kayang makatama ng 3000-3500 kilo, kung saan ay 1500-2000 kilo lang ito kung wala nito.

Sa sandaling ito ay biglang tumaas ang bilis ni Zhao Feng.

Qiu---

Ang bilis ni Zhao Feng ay halos nadoble at nalagpasan pa ang silver guard na nasa Sixth Sky of the Ascended Realm. Mayroon nga itong mataas na cultivation, n.gunit ang kaniyang bilis ay kaunti lang ang lamang sa mga nasa Fifth Sky

Sa isang kisapmata, nakatakbo na si Zhao Feng ng mga sampung yarda. Pagkatapos ay tumalikod siya at kinuha ang kaniyang Luohou Bow at naglagay ng asul na palaso rito.

Habang nasa hangin, nakikita niya ang sitwasyon ni Quan Chen gamit ang kaniyang kaliwang mata. Pagkatapos niyang pasukin ang treasury at hawakan ang array, ang sampu o mas marami pang guwardiya sa malapit ay hinabol siya, ngunit dahil maliit ang daan patungo sa treasury, ang bilang ng mga guwardiya na kayang makalampas ay limitado.

Si Quan Chen ay napakatalino – hianrangan niya ang isang bahagi ng pasukan at sinubukang kumuha ng mga kayamanan habang lumalaban.

Ang iba't ibang uri ng kayamanan ay nagbigay ng puro at kaakit-akit na aura na nakapagpabilis ng tibok ng kanilang puso.

Peng!

Sinubukang kumuha ni Quan Chen ng isang bagay, ngunit naharangan siya ng isang patong ng puting liwanag at muntik nang masaktan.

"Bwisit! Lahat ng kayamanan ay may nakapalibot na array!"

Nakakatakot ang ekspresyon ni Quan Chen – sinubukan na niya nang ilang beses at nalamang ang mga array na ito ay hindi kayang sirain sa loob lang ng maiksing panahon.

Mabuti na lang at kapansin-pansing tumaas ang kaniyang cultivation simula noong nakapasok siya sa trial. Mayroon siyang Middle grade Mortal weapon, na nangangahulugang madali niyang mapapatay ang mga black-armored guards na nasa Fourth Sky.

"Dapat patay na ang baliw na Zhao Feng na iyan pagkatapos makuha ang atensyon ng maraming guwardiya,' bahagyang napanatag si Quan Chen nang maisip si Zhao Feng.

Sa parehong sandali, sa labas ng gusali…

Beng! Sou---

Isang asul na bagay ang lumipad sa hangain at nagdahilan para bumaba ang temperatura.

Ang ice lotus symbol sa Luohou Bow ay biglang lumiwanag nang hinila ito, at sa ilalim ng malamig na temperatura, naging isa itong malinaw na yelong pana.

Kaa!

Tinamaan ng palaso ang ulo ng silver guard at nabasag.

Sa kasalukuyang lakas ni Zhao Feng, hindi niya kayang sirain ang depensa ng silver guard, lalo na't dito magaling ang mga ito.

Tumalon ang silver guard papunta kay Zhao Feng, na walang pinsala.

Gayunman, nang gumalaw ito, ang mga kilos nito ay bumagal at isang patong ng yelo ang nabup sa katawan nito.

Isang nakaksindak na lamig ang kumalat sa apat hanggang limang yarda mula sa silver guard.

Deng! Deng! Deng…

Ang mga black-armored guard sa likod ay nagyelo sa kanilang mga hakbang nang pinasok nila ang naapektuhang lugar ng lamig.

Sa loob lang ng isang hininga, apat na black-armored guard na nasa Fifth Sky of the Ascended Realm ang naging mga rebulto.

Tanging ang silver guard lang ang bahagyang nakakalaban sa kabila ng lamig.

Sa sandaling ito, ang silver guard pati na ang apat na black-armored guard ay nakontrol ni Zhao Feng sa isang palaso lang.

Ang epekto ay higit pa sa inaasahan ni Zhao Feng.

Idinilat niya ang kaniyang kaliwang mata at napagtantong isang patong ng yelo ang dumugtong sa mga parte ng guwadiya, na hindi nagtagal ay narating na ang kaibuturang pinanggagalingan ng enerhiya.

Ang mga guwardiyang ito ay walang buhay ngunit mayroong maraming parte sa loob. Kapag sila ay nagyelo na, maapektuhan ang mga enerhiyang naipasa.

Kung titignan ito, ang apat na black guards ay naselyo na sa yelo at hindi na makakawala sa loob ng maiksing panahon.

Ang silver guard na lang ang nagpupumiglas, ngunit kahit na makawala ito sa yelo, ang bilis nito ay magiging limitado.

Alis!

Hindi na ginalaw ni Zhao Feng ang mga giwardiyang ito at bumalik na sa gusali.

Sa gitnang lugar, kinakaharap pa rin ni Quan Chen ang mga guwardiya, ngunit ang mga guwardiyang ito at mukhang hindi matalino at kung hindi ay agad na nilang tinawag ang mga natitira pang 100 na guwardiya.

Bumagsak si Zhao Feng sa bubong malapit sa treasury at pinanood ang nangyayari sa ibaba.

Nang makabalik na si Zhao Feng, ang mga black guards na hindi nakahabol sa kaniya kanina ay bumalik sa treasury.

May kabuuang 20 hanggang 30 guwardiyang may baluti ang nakapalibot sa treasury.

"Ang ungas na si Zhao Feng ay tapos na agad?"

Nagbago ang ekspresyon ni Quan Chen nang mapuwersang umatake paharap, na nahati ang katawan ng dalawang guwardiyang may baluti.

Takbo!

Mabilis siyang pumunta sa gusali, ngunit bago pa niya marating ito, isang silver cold ang lumitaw mula sa kabilang direksyon.

Ah!"

Suminok si Quan Chen nang tignan ang silver guard na nababalot ng yelo.

"Hehe."

Isang anyo ang tumawa at pumasok sa loob ng treasury habang si Quan Chen ay hinahabol ng mga guwardiya.

Sa kasalukuyan, walang natirang guwardiya sa paligid.