Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 180 - Burol ng Yelo

Chapter 180 - Burol ng Yelo

Ang anyo ay si Zhao Feng nga.

Ang kaniyang plano ay perperkto; ang mga guwardiyang humahabol sa kaniya ay bumalik sa treasury matapos na hindi siya masundan, na nagpilit kay Quan Chen na umalis kasama ang mga guwardiyang humahabol sa kaniya.

Nakita ni Zhao Feng na lahat ng mga bagay sa treasury ay pinoprotektahan ng isang array, na hindi masisira sa loob lang ng maiksing panahon.

Dahil dito, nagdesisyon siyang kunin muna ang atensyon ng mga guwardiya, at hayaan si Quan Chen na harapin ang lahat ng apoy. Dahil sa kaniyang kaliwang mata, si Zhao Feng ay may ganap na kontrol.

Sa parehong pamilihan at labanan, walang mas importante pa sa "impormasyon," at hawak ni Zhao Feng ang kalamangang ito, na nakapagpahintulot sa kaniyang manalo sa bawal laban.

Bahagyang nabigla si Zhao Feng nang maglakas papasok sa treasury. Pagkatapos, lubos siyang natuwa. Mayroong malaking bilang ng mga bagay sa loob; ang iba ay mga sandata, ang iba ay mga kinokolektang bagay tulad ng sining, kaligrapiya, baluti, mapa, at iba pang mga bagay na hindi niya mabanggit.

Ngunit ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naunawaang ang bilang ng mga bagay na ito ay hindi simple at ang karamihan ng mga sandata ay nasa Spiritual grade.

Ang mga 'kinokolekta' bang kasama ng Spiritual weapons ay simple? Maaaring masabi na ang halaga ng mga bagay dito ay makakapagpabaliw sa kahit na sino.

Gayunman…

Nagsalubong ang mga kilay ni Zhao Feng nang mapagtantong ang mga bagay na ito ay pinoprotektahan ng hiwa-hiwalay na array. Ang mga array ay napakamakapangyarihan at siguradong may kapangyarihan ng True Spiritual Realm, kung hindi mas mataas. Ang tanging pagkukulang ay ang naibibigay na enerhiya ay kapansin-pansing bumaba dahil sa edad.

May mga bagay na may depekto sa protection array dito.

Syempre, ang mga normal na tao ay hindi ito makikita. Ang mga taong tulad lang ni Zhao Feng, na may makapangyarihang kaliwang mata, o ang mga nag-aral ng array ang makakakita nito.

"Ang kapangyarihan ng bawat protection array ay talagang napakalakas at kayang hilumin ang kanilang sarili. Kung may isang taong nasa Fourth Sky of the Ascended Realm ang aatake sa isa sa kanila sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw nang magkasunod, masisira siguro ito," hinuha ni Zhao Feng.

Para makumpirma ang haka-haka, nagbigay siya ng isang palm attack sa isang bagay.

Peng!

Isang puting liwanag ang lumitaw at nagtulak kay Zhao Feng palayo, ngunit inaasahan na niya ito at umalis dito nang hindi nasaktan. Nagdilim lang ang liwanag nang kaunti dahil sa atakeng mula sa isang taong nasa Fourth Sky, ngunit matapos ang ilang hininga, nagliwanag na muli ito.

"Tama, mangangailangan ito ng tatlong araw, kung ikokonsiderang may isang bagay may depekto ang array. Kung walang depekto ito, mangangailangan ito ng 10 araw para masira. Kung kasama ko lang ang tulad ni Yang Gan para samahan akong atakihin ito…" nagbuntong-hininga si Zhao Feng.

Kung mayroon pang ibang tao, kapansin-pansing bababa ang kailangang oras. Sa kasamaang palad, ni hindi nga siya sigurado kung patay na si Quan Chen o hindi, at hindi rin ito mapagkakatiwalaan.

Kung si Yang Gan, Lin Fan at iba pa, nasa malayo sila, na kinakaharap ang kani-kanilang mga problema sa kani-kanilang mga lugar.

Wala nang ibang paraan; iisa lang ang paraang mayroon si Zhao Feng at ito ay ang lumaban mag-isa.

Isa rin itong magandang bagay – lahat ng mga bagay ay mapupunta sa kaniya at kaniya lang.

Sunod…

Sinuri ni Zhao Feng ang paligid para hanapin ang kaniyang pakay. Masyadong maraming mga bagay para mahanap ang kaniyang pakay sa treasury, kasama na ang mga sandata, baluti, at iba pa.

Ang buong treasury ay mayroong nasa 100 lalagyan na naglalaman ng mga bagay. Ang iba ay walang laman, at ang mga bagay na nakalagay noon sa mga walang lamang lalagyan ay kinuha ng mga naunang kalahok, hula ni Zhao Feng.

Ang mga nakakapunta sa treasury at nakakakuha ng mga bagay ay hindi mga simpleng anyo.

Sa daan-daang mga lalagyan, isa sa sampu lang ang may depekto ang array at sinuri ni Zhao Feng ang lahat ng ito bago lumipat sa isang pakay.

Isa itong kalahating sira at malinaw na balabal na mukhang salamin. Pagkatapos tignan ito, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay bahagyang gumalaw at ang kaniyang kapangyarihan ng lipi ay mayroong pamiyar na naramdaman.

Ang balabal na ito ay nagbibigay ng makalumang aura, na hindi man lang abot sa Spiritual Grade o kahit High grade Mortal weapon. Tila ba napakakaraniwan nito, bakit pa isasama ito kasama ng mga hindi karaniwang bagay?

Sigurado si Zhao Feng na ang balabal na ito ay hindi simple o mayroong mataas na halaga ng pagkolekta.

"Kahit na ako ay makakuha ng isang Spiritual weapon, wala rin itong gamit sa akin. Malamang ay kailangan ko itong ibigay sa Clan pagkatapos ng trial… kaya bakit hindi ko ito pipiliin?" Ginawa na ni Zhao Feng ang kaniyang desisyon.

Masyadong malayo ang mga spiritual weapon sa kaniya at may isang alamat na nagsasabing may mga Iheritance Divine Artifacts, na kayang hindi intindihin ang cultivation ng gagamit at maging pinakamakapangyarihang sandata sa kahit na anong cultivation.

Gayunman, ang mga Inheritance Dicine Artifacts ay sobrang hindi karaniwan at bawat isa rito ay protektado na tila tagapagmana.

Peng! Peng! Peng…

Si Zhao Feng ay hinampas ang lalagyan nang sunod-sunod na palm at ang skill na ginagamit niya ay ang Lightning Wind Palm. Mabuti ang maperpekto ang skill na ito at sa bawat palm na itinutulak niya, napagyayabong ito ni Zhao Feng sa kaniyang isip.

Ang bilis ng atake ay patuloy; pahinga sa loob ng isa hanggang dalawang hininga bawat isang palm, na nagpapahintulot na magtagal siya.

Matapos ang isang saglit…

Nakarinig si Zhao Feng ng mga hakbang, na galing sa mga tumataks na guwardiya.

Ang mga guwardiyang ito ay hindi tanga. Kapag nalaman nilang may mali, siguradong pupuntahan nila ito at susuriin.

"Kung kaya ko lang maglagay ng soundproof array dito…"

Tumigil si Zhao Feng at nag-isip nang malalim. Hindi naman masyadong mahirap gawin ang soundproof array, ngunit ang problema ay kulang siya sa mga kagamitan.

Ito ang pinakamalaking limitasyon sa mga array master; kung walang mga kagamitan, walang magagawa. Syempre, kung may kagamitan ang isa, makakapatay siya ng grupo ng mga taong mas malakas sa kanila.

Ibinaliktad ni Zhao Feng ang kaniyang interspatial ring, na naglalaman ng lahat ng kaniyang kailangan.

"Sa kasamaang palad, may kulang akong dalawang kagamitan…"

Umiling si Zhao Feng at sinubukang mag-isip ng ibang paraan. Ngunit wala siyang ibang magawa sa mga kulang na kagamitan.

Sa sandali mismong ito…

Nakarinig si Zhao Feng ng mahinang ingay at nakita ang isang anyong lumapag sa bubong sa tapat ng treasury.

"Zhao Feng, hindi ka pala namatay!"

Mababakas sa boses ni Quan Chen ang gulat at galit.

Napatigil si Zhao Feng sa kaniyang ginagawa, mukhang minaliit niya si Quan Chen.

Nang masuri si Quan Chen, nalaman niyang nagkaroon si Quan Chen ng maraming pinsala at benda, ang kaniyang buhok ay magulo at ang kaniyang damit ay nasira na tila ginahasa.

Ang galit sa kaniyang mga mata ang nagpalala pa rito.

Shua!

Bumuwelo ang anyo ni Quan Chen sa treasury. Ang kaniyang pakay ay hindi ang mga bagay sa loob, ngunit si Zhao Feng.

Una, patayin si Zhao Feng, at pagkatapos ay kunin ang mga kayamanan.

Natawa si Zhao Feng at itinulak palayo ang kaniyang palad nang may puwersa habang nakatayo sa pasukan.

Partial Moon Flying Knife! Iwinasiwas ni Quan Che ang kaniyang espada at apat hanggang limang sinag ng matalas at mapanganib na liwanag ang mabilis na lumipad papunta kay Zhao Feng nang may iba't ibang anggulo.

Boom!

Ang matikas na palad ni Zhao Feng ay nagdahilan sa kidlat na sumabog, ngunit naitulak pa rin ito ng malamig na sinag ng liwanag ng espada.

Mayroong hawak na mortal weapon si Quan Chen, na nakapagpataas sa kaniyang pinsala. Mayroon din siyang mas mataas na cultivation at ang kaniyang Chilling Moon Technique ay umunlad na papunta sa Fourth level.

"Tatapusin ko muna ang buhay mong hayop ka!"

Nagdesisyon si Quan Chen na tapusin si Zhao Feng dahil ito na ang magiging huli niyang pagkakataon.

Wind Lightning Destruction!

Pinalaganap ni Zhao Feng ang kaniyang True Force at skill sa sukdulan at ang tunog ng kulog ay mas malakas kaysa dati.

Ngunit mayroong Middle grade Mortal weapon si Quan Chen, kaya nakalagpas siya.

Sa ilalim ng desperadong sitwasyon, lihim na gumamit si Zhao Feng ng maliit na parte ng kaniyang kapangyarihan ng lipi, ngunit ang kapangyarihan ng kaniyang mga atake ay kapansin-pansing tumaas.

Peng!

Ang tunog ng kulog ay lumakas pa nang lumakas.

Sa wakas ay naramdaman na rin ni Zhao Feng ang kaniyang Lightning Wind Palm na narating na ang sukdulan nito at naging mas madali, na tila nakalagpas sa isang punto.

Kasabay nito, kaunti ng Floating Crest Lightning Seal ang naintindihan.

Wind Lightning Raging Dragon!

Sumigaw si Zhao Feng at isang 'snake dragon' na may lumalabas na kidlat sa paligid nito ang lumitaw.

"Ano!? Ang kapangyarihan ng kidlat!?"

Kapansin-pansing nagbago ang ekspresyon ni Quan Chen at sa sandaling nagsalpukan ang dalawa, namanhid ang kaniyang katawan.

Ang ikaapat na lebel ng Lightning Wind Palm ay may epektong nakakapamanhid. Ngunit matapos na isama ni Zhao Feng ang kaunting Floating Crest Lightning Seal dito, lumakas ang orihinal na skill.

Pah-Pah-Pah-

Pinuwersa ni Zhao Feng si Quan Chen gamit ang sunod-sunod na mga palad.

Kasabay nito, dumating ang mga black armored guards sa malapit.

Walang magawa si Quan Chen kung hindi umiwas at sabihin nang may galit: "Hindi ako naniniwalang kaya mong magtagal diyan magpakailanman,"

"Hehe…saan ka pupunta!?"

Inilabas ni Zhao Feng ang kaniyang Luohou Bow at isinama ang asul na palaso bago paliparin ito sa direksyon ng pasukan.

Shua---

Isang asul na palaso ang lumipad sa hangin at tumama papunta kay Quan Chen nang may nakakasindak na kalamigan.

Alam niya kung gaanong nakakasindak ang archery skills ni Zhao Feng at agad siyang naglagay ng patong ng True Force at bumagsak sa lupa.

Shaaaa!

Dumaplis ang asul na palaso sa kaniyang balikat at sumaksak sa guwardiya sa malapit.

Walang umagos na dugo mula sa balikat ni Quan Chen, ngunit kumalat ang lamig mula rito at nagkaroon ng yelo.

Craaaaack!

Ang yelong palaso ay nabasag at ang lahat ng nasa paligid nito ay nagyelo.

Sa loob lang ng isa hanggang dalawang hininga…

Si Quan Chen at ang apat hanggang limang guwardiyang malapit ay nagyelo na lahat sa pasukan. Nang tignan ang mga iskultura, nakikita ni Zhao Feng na pinapalaganap ni Quan Chen ang kaniyang True Force nang may puwersahan, na gustong magsimula. Tumawa lang nang mahina si Zhao Feng at kinuha muli ang kaniyang Luohou Bow.

Qiu---

Isa pang asul na palaso ang lumipad sa pasukan at pinagyelo ang mga guwardiyang tumakbo papunta rito.

Sa loob lang ng ilang hininga, sampung yelong rebulto ang humarang sa pasukan na tila isang burol.

"Hahaha! Isang palaso, dalawang ibon!"

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kaniyang pagtawa.

Ang 'yelong burol' ay naging isang harang, na nakakapagpuwersa sa mga guwardiya palayo. Kapag lumapit sila, magiging yelo rin.

Ang lamig na nanggagaling sa mga yelong palaso ay nakakawasak.

Nakita ng kaliwang mata ni Zhao Feng sa gitna ng yelo ang True Froce, ang dugo at buhay ni Quan Chen ay nagsisimula nang magyelo…