Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 158 - 9 Twist Golden Wall Technique

Chapter 158 - 9 Twist Golden Wall Technique

Sa loob ng isa at kalahating buwan, ang Broken Moon Clan ay binusisi ang lugar ng pamilyang Xing, ngunit walang tanda na may bangkay dito.

Unti-unting lumawak ang pinaghahanapan, ngunit ang pagkakataong mahanap ito ay mas lumiit.

Ang 3 Elders ay isa isa nang umalis at halos kalahati na lang ng mga disipulo ang natira.

Nasa grupo rin si Zhao Feng na bumalik sa Broken Moon Clan.

Tatlong araw ang lumipas, ang mga miyembrong elite ng Clan ay umalis na rin.

Isang kakaibang tunog na 'thok thok' ang maririnig sa ilalim ng puntod ng lugar ng pamilyang Xiang.

Kung susuriin ang lugar mula sa itaas, makikita ang isang kakaibang tanawin:

Ang dugo ng mga bangkay ay lumubog sa lupa at nakabuo ng kakaibang daan, na nagtatagpo sa huli. Ang mga bangkay na ito ay ang mga naamatay sa pamilyang Xing at kahit nasunog na sila at naging abo, ang dugo nila ay nasa lupa.

Bilang isa sa mga pinakamalaking pamilya, ang cultivation ng normal na medyo matandang lalaki ay nasa ikalawang antas ng Consolidated Rank o mas mataas pa.

"Zhe zhe zhe… ang pinakamapanganib na lugar ang pinakaligtas na lugar. Ang Blood Plague Essence Gathering Array ay naiayos na noong nakaraang ilang buwan – nasa plano kong malaman ng Clan."

Isang Silver Striped Blood Corpse ang umangat sa lupa. Bilang isang Blood Corpse Protector, nabuhay ito nang daad daang taon at nakalagpas na sa hangganan ng 'tao' at naging 'kalahating-patay.' Samaktuwid, ang kaniyang buhay ay ilang beses na mas mataas sa ibang mga nasa True Spirit Realm…

Matapos makita ulit ang araw, ang aura ng Silver Striped Blood Corpses ay mas malakas pa kaysa noong una at nanumbalik na ang lakas nito sa 5th Sky of the Ascended Realm.

Nakakatakot na ngumiti ang Silver Striped Blood Corpse at dinilaan ang labi nito.

Sa kaniyang plano, alam na niya na hahanapin siya ng Clan, ngunit ang tanging problema ay si Zhao Feng.

Habang naiisip niya kung paano niya binigay ang lahat na kaniang pag-aari sa batang iyo ay mas nagagalit siya. Kaya lang, hindi niya alam na naglakad siya malapit sa pinto ng kamatayan.

Naging lubos na maingat si Zhao Feng matapos makuha ang kaniyang pabuya at hindi niya ginamit ang kaniyang kaliwang mata sa paghahanap. Kung hindi ay mahahanap niya ang Blood Plague Essence Gathering Array sa lupa.

...

Matapos ang ilang araw…

Ang grupo ng mga elite ay bumalik na sa Sky Moon Mountain.

Mula sa malayo, makikita ni Zhao Feng ang Floating Crest Palace sa gitna ng kidlat.

"May dalawa pang buwan bago masimula ang Floating Crest Trial."

Tumingin ang iilang mga disipulo sa asul na palasyo nang may inaasahan.

Ang araw ng Floating Crest Palace ay magsasara na at ang Trial na ito ay ang pagkakataon ng mga disipulong walang malakas na karanasan. Kung kukunin nila ang pagkakataong ito nang maayos, maaaring magbago ang kanilang kapalaran.

"Kailangan kong makapasok sa Floating Crest Trial." Wala nang makapigil sa desisyon ni Zhao Feng.

Ang isang beses kada limang taong pagsusulit ng Clan, pati na rin ang isang beses kada limang taong Floating Crest Trial ay parehong napakahalaga. Kapag hindi napuntahan nito ng isang tao, maiiwan na siya at ang limang taon ay napakahaba para kay Zhao Feng.

Simula nang nakiisa si Zhao Feng sa misteryosong kaliwang mata, ang kaniyang daan ay naging maganda: Nakapasok sa Guanjun Palace matapos ang ilang buwan sa pamilyang Zhao ay nakapasok siya sa Clan matapos ang ilang buwan sa Guanjun Palace.

Pagkatapos ng ilang buwan sa Clan, ganito na kalayo ang kaniyang inabot.

Isang taon na ang lumipas, 13 taong gulang lang siya, ni hindi man lang 14 noon sa pamilyang Zhao. Isang taon ang nakalipas, matagumpay niyang napasok ang Clan sa edad na 14 taong gulang lang.

Ang kapalaran niya ay mababago kung gugustuhin niya. Kung hindi, hindi na makakaabot si Zhao Feng sa 2nd Sky of the Ascended Realm mula sa unang antas ng Consolidated Realm sa isang taon.

Ang kaniyang cultivation ay maikukumpara sa mga napakagaling sa Clan.

Pagkabalik, humiwalay na si Zhao Feng kay Lin Fan at iba pa.

Si Lin Fan ang huling umalis: "Brother Zhao, hindi mo lang ako iniligtas nang ilang beses sa misyong ito, ngunit binigyan mo rin ako ng pabuya. Ang ganoong pasasalamat ay dapat na mapalitan."

Habang pinapaalis si Lin Fan gamit ang kaniyang mga mata, napaisip nang malalim si Zhao Feng.

Kaunti lang ang kaniyang mga kaibigan sa Clan at si Nan Gongfan pati na si Yang Qingsham ay hindi malakas.

Si Lin Fan ang nagising bago si Xiao Sun at Xu Ren, ibig sabihin ay may mas malakas siyang kalooban. Mahusay ring magtrabaho ang dalawa kapag magkasama. Nang misteryosong mawala si Zhao Feng, tanging si Lin Fan ang naghinala kay Huang Yun. Hindi inakala ni Lin Fan na ang isang kaisipan ni Zhao Feng ang makakapagbago ng kaniyang kapalaran.

…..

Sa isang kisapmata, kalahaitng buwan na ang lumipas at nag-ayos na ang Broken Moob Clan. Ang balitang pagkahanap sa kuta ng Scarlet Moon ay kumalat sa 12 mga Clan at nag-usap-usap sila kung anong dapata gawin.

Syenpre, wala na itong kinalaman kay Zhao Feng.

Ang unang bagay na kaniyang ginawa at ay ang bilhin ang cultivaton resources gamit ang kaniyang contribution points at primal crystal stones para mapataas ang kaniyang cultivation.

Matapos maabot ang ikasampung lebel ng Silver Wall Technique, ang tumataas na bilis ay kapansin-pansing bumagal, kasing bagal ng suso.

Ang ikalabing-isang lebel ang pinakamataas na lebel at walang makakakuha ng perpektong katawan.

Mula sa deskripsyon, kapag naabot na ang ikalabing-isang lebel, makakaharap na nila ang mga cultivators sa 3rd Sky of the Ascended Realm gamit lang kanilang katawan.

Inisip ni Zhao Feng na kailangan niyang gumamit ng 100-200 na primal crystal stones, ang layunin ay hindi pa rin nagawa.

Habang nakakagamit ng isang libong primal crystal stones at libo-libong contribution points ang nakapagdala lang sa kaniya sa peak 10th level, kalahating hakbang lang mula sa 11th.

Nagbuntong-hininga si Zhao Feng at hindi makapaniwalang matapos niyang gumamit ng maraming mahalagang resources, ang pag-unlad na kaniyang body strengthening technique ay mabagal pa rin. May kaunting mga cultivator ang nagpokus sa pagpapalakas ng katawan dahil napakahirap nito.

"Mayroon pa akong 22,000 0 higit pang substandard primal crystal stones na natitira. Magtatagumpay na siguro ako kapag gumamit ako ng 500 pa," pagbilang ni Zhao Feng.

Nakakuha siya ng disenteng pabuya mula sa misyon noong nakaraan, ngunit ang primal crystal stones ay nangangailangang magamit nang matalino, lalo na't malapit na ang Floating Crest Trial.

Kung bumili siya ng mga material at gumawa mismo ng pills, makaktipidi si Zhao Feng ng maraming primal crystal stones. Ngunit bawat segundo ngayon ay mahlaaga.

Ang Floating Crest Trial ang pinakamahalaga. Hindi siya nagsisising gamitin ang mga primal crystal stones na ito.

Matapos ang ilang araw…

Ang Silver Wall Technique ay nakaaabot na sa ikalabing-isang lebel sa wakas.

Para magawa ito, gumamit siya ng nasa 2,000 substandard primal crystal stones na nasa 20 low-grade primal crystal stones.

Syempre, ang pagtaas ng lakas ay malaki rin.

"Perpektong katawan."

Umupong nakadekwatro si Zhao Feng sa lupa at pinalaganap ang body strengthening technique. Sa isang saglit, isang manipis na patong ng pilak ang lumitaw sa kaniyang katawan, na nagpalabas ng makapal na aura.

Nakayanan niyang kalabanin ang mga nasa 3rd Sky of the Ascended Realm gamit lang ang kaniyang katawan.

Habang sinasanay ni Zhao Feng ang kaniyang body strengthening technique, nagsasanay rin siya ng kaniyang Heavenly Wind God Technique, ang High tier Mortal skill. Nasanay niya na ito hanggang sa ikaapat na lebel sa anim at ang mas mataas na maabot na lebel, mas puro ang magiging True Force.

Matapos makaabot sa ikaapat na lebel, ang pagkapuro ay hindi maikukumpara sa mga nasa 4th Sky of the Ascended Realm.

Mahirap isiping ang True Force ni Zhao Feng ay kasingpuro ng nasa 4th Sky of the Ascended Realm.

Sa nakalipas na buwan, parehong ang Silver Wall Technique at Heavenly Wind God Technique ay tumaas at ang mabagal na umunlad ay ang Lightning Wind Palm.

Ang Lightning Wind Palm ay nahahati rin sa anim na lebel at nanatili si Zhao Feng sa ikatlo, kalahating hakbang na lang mula sa ikaapat.

"Kapag naabot ko na ang ikaapat, mapaparalisa na ng atake ko ang kalaban."

Hindi na makapaghintay si Zhao Feng na maabot ang lebel na ito, ngunit mula sa ikaapat na lebel pataas, ang Lightning ang pinakaimportanteng parte at hindi masyadong naintindihan ni Zhao Feng ang Lightning.

May isa pang dahilan at ito ay dahil ang Lightning Wind Palm ay masyadong mahirap, kaya maingat ito sinubukan ni Zhao Feng gamit ang kaniyang kaliwang mata.

Syempre, ang knaiyang Lightning Wind Palm ay nasa peak 3rd level at kaya nang makaabot sa ikaapat sa kahit kalian.

Mabilis na lumipas ang oras at isang buwan na lang ang natitira bago ang Floating Crest Trial.

Naramdaman ni Zhao Feng na lumalakas ang kaniyang katawan, cultivation at martial arts na tila isang boteng malapit na mapuno.

"Nakaabot na ang Silver Wall Technique sa hangganan nito. Mahahawakan ko kaya ang 9 Twist Golden Wall Technique," naisip ni Zhao Feng.

Ayon sa nalalaman niya, ang 9 Twist Golden Wall Technique ay isang peak tier Mortal skill na tinuturing na isang kayamanan ng Clan.

May 50,000 contribution points si Zhao Feng at ang isang Middle tier Mortal skill ay nangangailangan ng 5,000.

Samakatuwid, nagdesisyon si Zhao Feng na tanungin ang 1st Elder.

Sa katawagan, ang 1st Elder ay ang kaniyang Master. Ngunit sa totoo lang, ni hindi man lang nito kinakausap si Zhao Feng.

Kadalasan, tinatawag ng 1st Elder si Yang gan para sabihin kay Zhao Feng ang lahat.

Ngayon, nagbibigay ng mga punto ang 1st elder kay Yang Gan at di nagtagal ay dumating si Zhao Feng.

"9 Twist Golden Wall Technique?" Tumaas ang mga kilay ng 1st Elder.

"Brother Zhao, ang 9 Twist Golden Wall Technique ay isang peak tier Mortal skill, hindi mo ba naisip na padalos-dalos ka?"

Ngumiti si Yang Gan at umiling, si Zhao Feng ay masyadong padalosdalos, kahit ang isang core disciple tulad niya ay walang karapatang matutunan ito.