Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 159 - Ang Mga Paalala ni 1st Elder

Chapter 159 - Ang Mga Paalala ni 1st Elder

Nang makita ang mga reaksyon nila Zhao Feng at Yang Gan, idinagdag ni Zhao Feng: "Ang ibig sabihin ng disipulong ito ay ang paggamit ng contribution points para ipalit sa skill."

Sa Clan, ang contribution points ay maaaring ipagpalit sa High-class Mortal skills.

"Ang inyong mga puntos ay hindi sapat para ipalit dito. Dagdag pa rito, kahit pa sapat na ito ay hindi pa rin maaari," umiling si 1st Elder.

Napatigil si Zhao Feng at nagpaliwanag si Yang Gan: "Kailangan ng 200,000 puntos para sa peak tier Mortal skill at kailangang nasa 6th Sky of the Ascended Realm o mas mataas pa.

200,000 puntos! ^th Sky of the Ascended Realm.!

Nanlamig si Zhao Feng at alam niyanng wala na siyang magagawa pa. Hindi niya naabot ang mga kinakailangan. Sa kabilang banda, malayo pa siya mula sa parehong bagay.

Hindi niya inakalang ang mga kailangan sa peak tier Mortal skill ay napakataas.

"Brother Zhao, ang peak tier Mortal skill ay hindi isang bagay na kaya mong abutin. Lalo na ang 9 Twist Golden Wall Technique na kahit ang mga Elder ay nahihirapang pagsanayan sa pinakamataas na lebel.

Nagbuntong-hininga si Yang Gan nang magpaliwanag hanggang dito.

Ang 'hiling' ni Zhao Feng ay napakataas, hindi pa nakarinig si Yang Gann g nasa 2nd Sky of the Asccended Realm na humihiling ng peak tier Mortal skill.

Tanging ang mga Elder sa Broken Moon Clan ang maaaring matuto nito.

Para sa mga Spiritual skill naman, baka hindi maintindihan ito ng mga Elder.

"Bakit mo ba pinipili ang 9 Twist Golden Wall Technique? Ang path of body strengthening ay mahirap at nakagawa ka na ng buong pundasyon sa pagpasok ng Ascended Realm sa iyong katawan. Bakit hindi mo pagtuunan ng pansin kung saan ka magaling? Tulad ng mental strength mo?"

Nagningning ang mga mata ni 1st Elder nang tumingin siya kay Zhao Feng,. Napaisip nang malalim si Zhao Feng nang marinig ito at biglang napagtantong lohikal ang mga sinabi ni 1st Elder.

"Bakit pinipili mo pa rin ang body strengthening? Pati na ang 9 Twist Golden Wall Technique, na napakalayo?"

Ang siyam na antas ng Consolidated Realm ay ang pundasyon. Sa mga oras na ito, naipasok na ni Zhao Feng ang Ascended Realm sa kaniyang katawan, na nakagawa ng napakatatag na pundasyon.

Ngunit ang tanong ay ngayong napasok na niya ang Ascended Realm, hindi na niya kailangang piliin ang body strengthening o ang 9 Twist Golden Wall Technique.

Bukod pa rito, matalas ang paningin ni 1st Elder at nakitang may malakas na mental energy si Zhao Feng na nanggagaling sa kaniyang kaliwang mata.

Alam lang ni Zhao Feng ang magulong 'mental strength spike' at hindi niya alam kung paano gamitin ang kayamanang ito nang maayos.

Matapos mag-isip, nakapagdesisyon na si Zhao Feng.

"Ano sa tingin mo?"

Sumulyap ang mga mata ni 1st Elder.

"Tama si Master. Hindi ko dapat ituon ang pansin ko sa body strengthening, siguro hindi ito mainam para sa akin."

Tumango si Zhao Feng. Kahit na ang kaniyang dugo ay nagpadali sa kaniya para mahigop ang enerhiya, ang path of body strengthening ay hindi madali.

Nang makitang madaling naintindihan ni Zhao Feng, nagulat si 1st Elder at inisip: "Ang pang-unawa ng batang ito ay mahusay at hindi siya mukhang isang taong nagtitiwala sa lahat. Bakit hindi pa niya sinusukuan ang Lightning Wind Palm?"

"Sa kasamaang palad, naabot ko na ang hangganan ng Silver Wall Technique," nagsisising nagbunton-hininga si Zhao Feng.

Weng~

Isang manipis na patong ng pilak ang lumitaw sa kaniyang katawan, na tila ginawang yelong estatwa si Zhao Feng.

Ito ang ikalabing-isang lebel ng Silver Wall Technique!

Perkpetong katawan.

Ano!?

Nagulat si 1st Elder at Yang Gan. Hindi nila inakalang naabot na ni Zhao Feng ang mataas na lebel ng body strengthening. Kahit ang kaniyang mga kalamnan lang ay kayang labanan ang mga cultivator na nasa 3rd Sky of the Ascended Realm.

"Siguradong may pagkakataon na si Brother Zhao na makalaban para sa lugar sa Floating Crest Trial."

Labis na nagulat si Yang Gan.

Hindi naman sa walang nagsanay ng kanilang katawan sa pinakamataas na lebel ng Mortal skill, ngunit ang bilang ay kaunti lamang. Ngunit ang isa sa kanila ang batang si Zhao Feng.

Sinong nagsabing ang kaniyang forte ay hindi body strengthening!?

Nagtama ang mga kilay ni 1st Elder nang bahagya. Kasabay nito, namangha siya sa pagiging maingat ni Zhao Feng sa paggawa ng desisyon. Kung ito ay isang taong nagsanay na ng kanilang katawan hanggang sa pinakamataas na lebel, aatras ba sila ng ganoon kadali?

Kahit na bahagya niyang pinagsisisihan ang sinabi niya. Maaaring magaling si Zhao Feng sa body strengthening.

Nang maisip ito, tumawa muli si 1st Elder: "Hindi naman sa wala kang pagkakataon. Kahit ang iyong cultivation at contribution points at hindi sapat, maaari mo pa ring makuha ang 9 Twist Golden Wall Technique."

"Master, pakiusap sabihin niyo," tila tumalon ang puso ni Zhao Feng.

"Floating-Crest-Trial." Sinabi ito ni 1st Elder nang isa-isa.

Floating Crest Trial?

Nakipagpalit ng pwesto si Yang Gan kay Zhao Feng.

"Ang Floating Crest Trial ay isang malaking hakbang. Sa sapat na kapangyarihan, makukuha ang peak tier Mortal skill at kahit pa ang mga Spiritual weapon at skill," bahagyang ngumiti si 1st Elder.

Napanganga si Zhao Feng at Yang Gan.

Ano bang misteryoso sa Floating Crest Palace? Paano nagkaroon ng Spiritua skill?

"Kapag nakakuha ka ng isa pang peak tier Mortal skill mula sa palasyo, maipapalit mo ito sa 9 Twist Golden Wall Technique," paliwanag ni 1st elder.

Naintindihan ni Zhao Feng ang kaniyang ibig sabihin. Kahit ang mga Elder ay umaasa sa mga pabuya sa loob, ngunit may mga patakaran ukol sa edad at cultivation.

"May isa pang paalala. Kung may napakahusay na talento ka sa isang larangan, maaari kang makakuha ng Inheritance."

Tumawa muli si 1st Elder.

Nang marinig ito, bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng at kahit si Yang Gan ay mababakasan na hindi makapaghintay. Alam na ni Zhao Feng na napakahalaga ng Floating Crest Trial.

"Salamat Master, ang iyong mga disipulo ay aalis na ngayon."

Hindi nagtagal si Zhao Feng at umalis na rin, na naiwan si 1st Elder at Yang Gan.

"Sa kaniyang ipinamalas sa Scarlet Moon Demonic Cave at lebel ng body strengthening, kaya niyang makapunta sa Floating Crest Trial," bulong ni 1st Elder.

"Master, gusto mo bang tulungan ko siya sa trial?" biglang tanong ni Yang Gan.

Hindi niya alam ang nasa isip ni Master para sa disipulong ito.

"Hindi!"

Si 1st Elder ay mahusay magdesisyon: "Ang Floating Crest Trial ay napakaimportante para sa'yo at isang beses ka lang maaaring makapunta. Sa lahat ng mga disipulong pupunta, ikaw ang pinakamalakas ay kailangan mo nang sulitin ang pagkakataong ito."

"Naiintindihan ng inyong disipulo."

Lumuwag ang kalooban ni Yang Gan. Mukhang ang kaniyang posisyon sa puso ng Master ay hindi mababago ng isang outer disciple.

Dagdag pa rito, ang isang taong nagsanay ng Lightning Wind Palm ay maaaring mamatay kahit kalian, kaya walang saysay sa pagbibigay ng importansya kay Zhao Feng.

Nang pinaalis si Yang Gan gamit ang kaniyang mata, bumulong si 1st Elder sa kaniyang sarili: "Hindi ako makapaniwalang ang pagdesisyon ni Zhao Feng na sukuan ang body strengthening, mukhang isa siyang kalmado at may malamig na puso. Bakit hindi niya sinukuan ang Lightning Wind Palm?"

...…

Matapos umalis sa lugar ni 1st Elder, naintindihan ni Zhao Feng na nakagawa na siya ng matibay na pundasyon at hindi niya muna kailangang magsanay ng body strengthening.

Mula sa bagong pagtingin, dapat niyang tahakin ang daang mainam sa kaniya dahil ito ang pinakalohikal na desisyon. Sakamatuwid, hindi niya kailangang pilitin ang kaniyang sarili sa pagsanay ng 9 Twist Golden Wall Technique.

"Ang path of body strengthening ay mabagal at gumagamit ng madaming resources, na makakapagpababa ng bilis ng aking cultivation."

Kapag mas nag-isip is Zhao Feng, mas marami siyang nakikitang dahilan.

Bukod pa rito, kahit ang 1st Elder, bilang isang tagalabas, ay nakapansin ng abnormal na mental strength ni Zhao Feng.

Sa mga sumunod na araw, nakapaghanda na si Zhao Feng para sa Floating Crest Trial pati na sa mga lugar ng pagsali.

May sampu lamang na taong maaaring pumunta, kaya ang kompetisyon ay magiging sobrang higpit at marami ang mga nasa 3rd Sky of the Ascended Realm.

Hindi lang si Zhao Feng nagsiskap, pati na ang iba pang outer disciple. Minsan pa nga ay pumupunta si Lin Fan kay Zhao Feng para maglaban sila.

Simula nang makumpleto nila ang nakaraang misyon, gumamit si Lin Fan ng maraming bilang ng pabuya para tulungan ang sariling maabot ang 2nd Sky at madali niyang natalo si Xu Ren ilang araw na ang nakaraan.

Si Xu Ren na nakaabot na sa 3rd Sky kalahating buwan na ang nakaraan ay hindi kapantay ni Lin Fan.

Ang talento ni Lin Fan ay hindi gaanong mahusay, ngunit tulad siya ni Zhao Feng. Pareho silang may integridad at napakalakas na kapanagyaarihan, na dahilan kung bakit sila nakakalaban sa mga mas mataas ang antas kaysa sa kanila.

Nagpalitan ng mga galaw si Zhao Feng at Lin Fan sa walang taong lugar.

Backwave Sword Manual!

May hawak na simpleng pangmatandang espada at iwinasiwas ito na tila hinihiwa ang mga alon ng tubig.

"High tier Mortal skill, hindi ako makapaniwalang natutunan mo ito kaagad!"

Bahagyang tumawa si Zhao Feng at ginamit ang kaniyang Lightning Wind Palm, na nakapagpatalsik kay Lin Fan. Walang Hgh tier Mortal sword skill si Lin Fan, at mayroon lanh low grade Mortal weapon at kailangan ni Zhao Feng ang 70% ng kaniyang lakas para matalo si Lin Fan sa loob lang ng 20 o higit pang galaw.

Kailangang malaman na ang ibang mga cultivator sa 2nd Sky of the Ascended Realm ay hindi magtatagal ng ilang galaw, kahit pa ginamit ni Zhao Feng ang 70% lang ng kaniyang lakas.

"Salamat, Brother Zhao sa pagbigay sa akin ng sword skill na ito… ngunit hindi mo pa rin ako kasinggaling."

Si Lin Fan ay nagpapasalamat at bahagyang nainis.

Kahit na nakatanggap siya ng maraming primal crystal stones at contribution points, hindi pa rin ito sapat para sa isang High tier Mortal skill.

Inisip ni Zhao Feng na mapagkakatiwalaan si Lin Fan, kaya ibinigay niya ang Backwash Sword Manual na nakuha niya mula sa Hollow Building at wala namang kahina-hinala dahil sa malaking pabuya na natanggap nila.

"Zhao Feng, ang iyong lakas ay malapit na sa 4th Sky of the Ascended Realm at walang problema kung makakuha ka ng lugar. Ngunit bakit hindi ka bumili ng sandata para madagdagan ang iyong lakas?"

Mungkahi ni Lin Fan.

Sandata?

Naramdaman ito ni Zhao Feng, ang kaniyang Golden Stairs Bow ay hindi na mabuti para sa kaniya. Dagdag pa na palapit na ang Floating Crest Trial, kaya kailangan niyang kumuha ng sandata para mapataas ang kaniyang pangkalahatang lakas.

Habang iniisp ito, naglakad si Zhao Feng patungo sa Clan Mission Division.

Clan Mission Division.

Nakita ni Zhao Feng si Vice Head at agad na sinabi ang kaniyan pakay dito.

"Maaari kitang bigyan ng 20% na bawas dito," tumawa si old man Zhang.

20% na bawas?

Naging linya ang mata ni Zhao Feng dahil sa kaniyang ngiti, ang 20% na bawas ay hindi makukuha ng kahit na sino.

Di nagtagal, dinala ni old man Zhang si Zhao Feng sa weapons hall.

Nagtrabaho ang mga blacksmith sa Clan Mission Division at may mga partikular na lugar para sa pagpapalitan.

Ang mga linya ng mga sandata ng iba't ibang uri: maliwanag, nakasisilaw, matulis… Lumabo ang paningin ni Zhao Feng dahil dito.