"Ikaw 'yon…" Sigaw ni Zhao Feng habang tumititig sa babang nasa likod ni Sister Yuan nang may kagalakan.
Siya ay natulala at tila ba ang kaniyang pares mula sa kaniyang panaginip ay nagpakita na sa wakas.
Para sa paningin ni Sister Yuan ang kaniyang ekspresyon ay 'kahalayan' at siya ay mas lalo pang nagalit. 'Kung ganoon ang batang ito ay hindi nakatingin sa akin, kundi sa tao sa likod ko.'
Sa pagkakataong ito, isang alon ang lumitaw sa puso ni Zhao Feng. Ang babae sa likod ni Sister Yuan ay napaka pamilyar.
Nagpakita na siya sa kaniyang isip daan-daan at libu-libong beses na dahil nais niyang maintindindihan ang Mysterious Wind Palm.
Siya ang mahiyain babae sa kuweba noong araw na iyon. Hindi mailarawan ang kasiyahan pagtapos makakita ng isang tao sa tunay na buhay na nagpakita na sa kaniyang isip ng libu-libong beses.
Even Zhao Feng had lost his composure.
Kahit si Zhao Feng ay nawala ang pagiging kalmado.
"Sister Ran, kilala mo ba siya?" Tumingin si Sister Yuan sa babae sa likod niya nang may paghinala at kagalakan.
Maaari bang may relasyon si Sister Ran sa isang lalaki? Bilang ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan, bakit naman siya maiiwanan?
"Hindi… Hindi ko siya kilala."
Mapula ang mukha ni Sister Ran habang sinusuri niya si Zhao Feng, ngunit umiling na lamang siya.
Sa pagkakita ng kaniyang inosenteng mukha, nakatitiyak si Sister Yuan na hindi alam ni Sister Ran kung sino si Zhao Feng dahil alam niya na hindi magsisinungaling si Sister Ran sa kaniya.
Dagdag pa rito, sa cultivation na mayroon si Zhao Feng, maaari lamang siyang maging isang outer disciple at hindi niya magkakaroon ng kahit anong koneksyon sa mga inner disciples.
"Bata! Huwag kang mag-isip masiyado! Siguro ay isa ka sa kaniyang mga tagasunod, ngunit kailangan kang parusahan dahil sa paggawa ng isang nakakahiyang gawain…"
Nagsimula nang mangatuwiran si Sister Yuan,, ngunit sa pagkakita ng pagdilim ng mga mata ni Zhao Feng nagsimula siyang magsisi dahil sa sobrang pagkagalit.
Naisip ni Sister Yuan na si Zhao Feng ay isang mapaglarong lalaki dahil siya ay napakabata pa lamang. Kung ito ay ibang tao, siguro ay patay na sila ngayon.
Naging kalmado muli si Zhao Feng at alam niyang hindi nila siya kilala, ngunit hindi niya paring mapigilan ang kagalakan sa kaniyang puso.
Noon, ang tatlong tao ay nakapagtulala sa kaniya at ngayon nakita na naman niya ang babae ulit.
"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"
Hindi mapigilan ni Zhao Feng kundi tanungin ang kaniyang pangalan.
Lalo pang umikli ang pasensya ni Sister Yuan. Bigla niyang napagtanto na ang bata sa kaniyang harap ay naging kalmado tila ba biglang tumaas ang kaniyang edad dahil ang ganitong pagiging kalmado ay hindi katulad ng taong kasing edad niya.
"Ako…"
Namula ang mukha ni Sister Ran dahil siya ay magsisimula na dapat sumagot, ngunit siya ay pinigilan ni Sister Yuan.
"Sister Ran, ang batang ito ay walang magandang iniisip. Makikita mo ito sa kahiya-hiyang bagay na ginawa niya kanina."
Hinatak ni Sister Yuan si Sister Ran sa kaniyang tabi at malamig na hinarap si Zhao Feng.
Dahil siya ay 'hindi pinansin' ni Zhao Feng, napag-isipan niyang parusahan siya. Ngunit bago pa siya makapagsalita, malamig na sambit ni Zhao Feng: "Sister. Naniniwala ako na ang Thousand Leaf Pond ay sarado ngayon, kaya paano kayo nakapasok? Kung hindi niyo ako bibigyan ng mabisang pagpapaliwanag, kinakailangan ko itong i-ulat sa Clan."
Sa pagkarinig nito, nagbago ang ekspresyon ng dalawang babae, lalo na si Sister Ran na bigla-biglang natakot.
Ang Thousand Leaf Pond ay isang sagradong lugar ng Clan at kapag walang permiso, kahit ang mga inner disciples ay hindi maaaring makapasok.
"Kung ganoon paano ka nakapasok?" Matigas pa rin ang pag-uugali ni Sister Yuan.
Shua!
Naglabas ng isang token si Zhao Feng at nagbigay ng matalim na tingin kay Sister Yuan.
"Clan Mission Token!"
Natakot na bigla si Sister Yuan sa titig ng bata.
Napagtanto niya na ang bata sa tapat niya ay mayroong espesyal na pagkakakilanlan o kung hindi ay hindi siya magkakaroon ng Clan Mission Token upang makapasok sa Thousand Leaf Pond.
"Nasa ilalim ako ng pag-uutos mula kay Vice Head Zhang upang tingnan ang mga mahihinang parte at kapintasan ng arrays, ngunit mayroong dalawang taong patagong pumasok. Alam niyo ba ang kasalanan niyo?"
Hanggang sa dulo, sumisigaw si Zhao Feng. Pinagana niya ang kaniyang kaliwang mata at naging matalim ito. Tila ba nakikita niya ang mga sikreto ng mga kalaban.
Nagsisising tumingin ang dalawang babae sa isa't isa.
Mayroong dahilan si Zhao Feng upang pumasok sa Thousand Leaf Pond at sila ay pumasok sa lawa sa pamamagitan ng mga kahinaan ng array.
Sa isang kurap ng mata, si Zhao Feng ay ang naging taga-tanong mula sa pagiging tinatanong. Ang kinailangan lamang niyang gawin ay paganahin ang array at ang kalapit na mga miyembro ng Clan Mission Division ay magdaratingan.
"Hmph, kung ganoon paano ang pagsilip mo sa amin?"
Paanong matatanggap ni Sister Yuan ang pagkatalo?
Sa pag-isip sa kaniyang kasikatan sa mga inner disciples, hindi siya maaaring matalo sa isang outer disciple.
"Naninilip? Sino ang unang nagpunta?"
Tumawa si Zhao Feng. Sa pagkakataong ito, hindi na nagmukha na siya ay isang puro, at inosenteng bata.
"Ikaw…"
Walang masabi si Sister Yuan.
Sigurado nga, dumating nga si Zhao Feng bago sa kanila at ang dalawa ay pasikretong pumasok.
"Brother Zhao, kasalanan namin ito… Pakiusap huwag…" Naging pula ang mga mata ni Sister Ran habang siya ay nagsumamo.
Sa pagkakita sa kaniyang inosente at malungkot na itsura, halata namang hindi sila isusumbong ni Zhao Feng.
Sa pagkakataong ito, tahimik din si Sister Yuan na para bang alam niyang mayroong kakayanan ang kalaban upang pagbantaan siya.
"Oh sige, hindi na ako magpapatuloy pa dahil kay Sister Ran." Kinuha ulit ni Zhao Feng ang kaniyang token.
Isang ekspresyon ng 'sabi na nga ba' ang lumitaw sa mukha ni Sister Yuan: "Bata, ang isang outer disciple na gaya mo ay hindi makakakuha ng gaya ni Sister Ran."
Ang mukha ni Sister Ran ay kasing pula ng dugo nang siya ay yumuko at pasimpleng sumilip kay Zhao Feng sa dulo ng gilid ng kaniyang mata. Ngunit wala siyang sinabi.
"Kailangan niyo nang umalis. Kapag kayo ay natagpuan ng mga Deacons o ng iba pang miyembro ng Clan Mission Division. Hindi ko kayo maililigtas." Sabi ni Zhao Feng ng walang eskpresyon habang niyuyuko niya ang kaniyang katawan pabalik sa Thousand Leaf Pond.
Sa pagkakita ng kaniyang reaksyon, bahagyang nadismaya si Sister Yuan. Ngunit kung iisipin, hindi niya mapigilan kundi maging malungkot para kay Zhao Feng. Siya lamang ay isang mababang outer disciples at maaaring hindi na siya maging isang inner disciples sa buong buhay niya.
Dahil hindi pa siya nakikita ni Sister Ran noon, ibig sabihin lamang nito na ang pagibig ng batang ito ay nasa isang panig lamang.
Bumuntong hininga si Sister Yuan at hinatak si Sister Ran at naglakad na palabas ng array.
Pinaalis niya ang dalawa gamit ang kaniyang mga mata, at naglabas ng mahabang paghinga si Zhao Feng at pinunasan ang kaniyang malamig na pawis.
Sa lakas na mayroon si Sister Yuan, madali lamang niyang matuturuan ng leksiyon si Zhao Feng. Kahit si Lord Guanjun ay hindi kakayaning makipagpalitan ng isang galawa kasama siya.
Habang ang dalawa ay papalabas ng array, isang mahiyain, at tahimik na boses ang maririnig: "Ang pangalan ko ay Ran Xiaoyuan, salamat!"
Tumigil si Zhao Feng at nakakita ng isang nahihiyang ngiti malapit sa kaniya bago ito tuluyang umiwas sa kaniyang tingin.
Ran Xiaoyuan?
"En, isa itong magandang pangalan ngunit bumulong si Zhao Feng: "Ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo."
Ang Mysterious Wind Palm ay nagbigay ng malaking tulong at sa pamamagitan ng kaniyang mga pagsasanay, tuluyan niyang naalala kung ano ang itsura ng babae at ninais niyang makita siya at pasalamatan siya ng maraming beses.
Ngayon na nakita niya na si Ran Xiaoyuan, pakiramdam ni Zhao Feng na may utang na loob siya sa kaniya.
Pagtapos umalis ng dalawa, muli ulit lumubog si Zhao Feng sa Thousand Leaf Pond at nagsimula siyang tahimik na magcultivate ng Silver Wall Technique at higupin ang misteryosong enerhiya na nasa tubig.
Sa pagdating lamang ng kailaliman ng gabi nagbalik si Zhao Feng sa Clam Mission Division at inabot pabalik ang kaniyang ulat kung saan mayroong mga parte ng array na mahihina.
Sa pagbalik sa kaniyang patyo, nagsimulang magcultivate muli si Zhao Feng.
Sa pangalawang umaga, napagtanto ni Zhao Feng na ang kaniyang Silver Wall Technique ay kalahating hakbang na layo na lamang mula sa 10th level ng Silver Wall Technique.
Ang kaniyang katawan ay nasa half-step Ascended Realm at gamit lamang ang kaniyang mga kalamnan, madali niyang matatalo ang mga normal na cultivators na nasa half-step Ascended Realms.
"Maaari ko nang hamunin ang ilan sa mga nasa 1st Sky ng Ascended Realm."
Nagpilit ng ngiti si Zhao Feng. Ngunit sa 10th level, kahit pa ito ay kalahating hakbang na layo na lamang, mahirap pa rin itong abutin.
Subalit, hindi nagmamadali si Zhao Feng. Mula sa kaniyang perspektibo, kaya niyang maging isang inner disciple sa loob ng kalahating buwan kung gugustuhin niya, ngunit ang una niya munang gustong gawin ay magtipon pa ng mas maraming lakas.
"Kung magiging isang inner disciple ako, ang pagtatalo sa pagitan ni Quan Chen at ako ay mailalantad at ako rin ay makakapasok sa pagmamatyag ni Hai Yun Master." Naisip ni Zhao Feng.
Kung ganoon, kailangan niyang kumuha pa ng mas maraming lakas gamit ang kalamangan na mayroon siya ngayon.
Sa pagsukat ng oras, napagtanto ni Zhao Feng na ang 10 araw na nararapat siyang manatili sa Clan Mission Division ay natapos na.
Dahil sa argumento sa pagitan ng matandang lalaking si Zhang at ang matandang lalaking si Guan, nanatili si Zhao Feng sa Grass-Wood Division at sa Clan Mission Division sa naayon na 10 araw.
Nagawa na ito ni Zhao Feng ngayon, ngunit sina matandang lalaking si Zhang at matandang lalaking si Guan ay parehas hindi nagpunta upang hanapin siya sa mga susunod na araw. Nagsimula nang mag-ensayo si Zhao Feng ng Silver Wall Technique at Lightning Wind Palm at pumuslit siya sa Thousand Leaf Pond nang siya ay may natitirang oras. Ngunit hindi maraming araw ang nakalipas bago nakatanggap si Zhao Feng ng mga hamon mula kay Xiao Sun at Jiang Yuyan.
Ang isang tao ay mayroon lamang isang natatanging pagkakataon upang manghamon ng isang substitute inner disciple sa kada anim na buwan. Ngunit para sa mga disciples na nakaabot na sa top 20, wala ng limitasyon.
Alam ng lahat na ang mga top outer disciples ay mayroong malaking benepisyo at si Xiao Sun ay lubhang umaasa sa kakayanan niyang makapasok sa Hollw Building bago siya maging isang inner disciple.
Sa katotohanan, gamit ang kaniyang High tier Spiritual Body at ang relasyon sa pagitan ng pamilya ng Xiao at ng Clan, si Xiao Sun ay talagang maaaring maging gaya nina Liu Yue'er at Sun Yuanhao at maging isang inner disciples agad-agad.
Ang dahilan kung bakit hindi siya naging isang inner disciple ay dahil sa isang punto: ang pagiging top outer disciple at ngayon ang cultivation ni Xiao Sun ay nakaabot na sa peak half-step Ascended Realm. Ang pinakamaliit na pagkakamali ay maaaring magdulot upang makatungtong siya sa Ascended Realm.
Makalipas ang 3 araw.
Kinalaban ni Zhao Feng sina Xiao Sun at Jian Yuyan.
Si Xiao Sun ay ranked 4th na ngayon at ang kaniyang Blazing Sun Manual ay lubhang lumakas. Nananabik siyang makalaban si Zhao Feng, ngunit ang resulta ay parehas pa rin. Hindi man lamang ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang Lightning Wind Palm… Gamit ang kaniyang Silver Wall Technique, Star Finger at ang 4 na Wind Stances lamang, madaling natalo si Xiao Sun.
Si Jiang Yuyan ay hindi rin mas magaling, nakayanan niyang makipagpalitan ng sampung suntok bago tuluyang matalo kay Zhao Feng.
"Ang lakas niya ngayon ay hindi mas mahina kumpara kay Lin Fan, at ang pangalawang banggit ay ang top outer disciple."
Sumuko na si Jiang Yuyan.
Ang posisyon ni Zhao Feng bilang isang top outer disciple ay hindi na magagalaw.