Pagtapos talunin sina Jiang Yuyan at si Xiao Sun, nakaramdam si Zhao Feng ng pag-iisa.
Sa panahong ito, naramdaman niya na ang kaniyang Silver Wall Technique ay lubhang malapit na sa 10th level at kinakailangan niya na lamang ng 6-15 na araw bago ito tuluyang maka-angat.
Sa loob ng dimenyon ng kaniyang kaliwang mata, ang asul na liwanag ay humaba pa sa 9 foot 9 at tila ba ito ay umabot sa hangganan.
Hindi alam ni Zhao Feng kung ano ang mangyayari kapag ang liwanag ay lumagpas pa sa 9 foot 9.
Bago pa makapagpahinga si Zhao Feng ng kalahating araw, may dumating na dalawang panauhin.
"Vice Head Guan, Vice Head Zhang, bakit nandirito kayong dalawa?"
Nagulat si Zhao Feng. Ang dalawang Two Vice Heads ay sabay na nagpunta sa kaniyang maliit na patyo.
Mabilis niyang inalalayan papasok ang dalawa at naisip kung sila ba ay 'nagkaayos' na o hindi.
Ngunit sa lahat ng inaakala ang dalawa ay parehas na tahimik at hindi man lamang sila nagtalo. Ang ginawa lamang nila ay titigan si Zhao Feng at bumuntong hininga.
"Ano ang nangyari…?'
Naramdaman ni Zhao Feng na kakaiba ang sitwasyon. Ang matandang lalaking si Zhang at ang matandang lalaki si Guan ay parehas nagtalo sa kaniyang talento.
"Zhao Feng, nakagawa na kami ng desisyon tungkol sa pagkuha mo ng isang Master." Taimtim na sabi ni Vice Head Guan.
Nakagawa na sila ng desisyon?
Naghuhumiyaw si Zhao Feng sa loob ng kaniyang puso. Kahit pa siya ay interesado sa pill making at arrays, hindi iyon ang landas na nais niyang lakarin.
Umubo ang matandang lalaki si Zhang: "Parang ganito. Sa pamamagitan ng aming pagsusulit, napagdesisyunan namin na ang iyong talento ay masiyadong magaling para maging disciples namin."
Ah!
Hindi kapani-paniwala ang tingin ni Zhao Feng sa dalawa.
Sina Vice Head Zhang at Vice Head Guan ay nagtinginan sa isa't isa at ngumiti na tila bang may nagawa silang malaking bagay.
"Zhao Feng, baka ikaw ay magulat ngunit ito ang katotohanan. Ikaw ang pinakamagaling na henyo ng pill refining na aking nakita at sa abilidad na mayroon ka, kinakailangan mo lamang ng 1-2 taon upang matutunan ang lahat ng kailangan kong ibibigay." Bumuntong hininga ang matandang lalaking si Guan at umiling ng walang magawa.
"Tama iyon! Hindi pa kami magaling para maging guro mo. Kaya ka naming i-rekomenda sa mga pinakamagaling na array master na si 'Gong Chenqingshan' ng Sky Rich Country. Magagamit lamang ang lahat ng iyong talento kung ikaw ay magiging isang disciple niya." Mapait at desperadong sinabi ng matandang lalaking si Zhang.
Nagrekomenda rin si Vice Head Guan ng isang pill master mula sa Metal Blood Country.
Ang dalawa ay hindi pa nakakaabot sa totoong master level, at sila ay sanay lamang sa arrays at pills.
Alam ni Zhao Feng na ang Sky Rich Country at Metal Blood Country ay parehas na 10 beses mas magaling kaysa sa Cloud Country at ang Clans sa loob ng kanilang bansa ay lubhang mas malakas kaysa sa Broken Moon Clan.
"Teachers, salamat sa inyong magagandang intensyon ngunit ayaw kong lumakad sa landas ng arrays or pills."
Huminga ng malalim si Zhao Feng at magalang na yumukod sa dalawang Vice Heads.
Sa pagkakataong ito, sinabi niya na sa wakas ang kaniyang tunay na naiisip.
"Tinatawag mo kaming teacher?"
Nagagalak ang matandang lalaking si Guan samantalang ang matandang lalaking Zhang naman ay naging arogante.
Kahit pa hindi sila pormal na itrinato ni Zhao Feng bilang masters, ang pagtawag niya ng 'teacher' ay nagpakita pa rin ng kaniyang pagiging pasasalamat.
Kahit gaano man kataas ang naabot ni Zhao Feng o kung sino man ang tanggapin niya bilang ang kaniyang master, tatawagin niya pa ring 'teacher' ang dalawa.
Mula sa perspektibo ng dalawang Vice Heads, kahit si Zhao Feng ay hindi magsumikap, magagawa niya pa ring maging isang pill master o isang array master o baka pareho.
Kaya naman ang pagtawag niya ng 'teacher' ay nagdulot upang makuntento sila.
Pagtapos nito, hinarap ni Zhao Feng ang panghihikayat ng dalawa. Sinubukan nilang mapalakad si Zhao Feng sa 'tamang' landas at sinabihan siya na maaari niyang pag-aralan ito parehas kung gugustuhin niya.
Ngunit tinanggihan ito ni Zhao Feng sa bandang huli at pinili pa ring maglakad patungo sa landas ng cultivation.
"Kung nais mong maglakad patungo sa landas ng cultivation, hindi mo dapat makaligtaan ang Floating Crest Trial sa darating na mga ilang buwan." Ang mga salita ng matandang lalaking si Guan ay biglang bumaligtad.
Floating Crest Trial?
Dali-dali itong kinonekta ni Zhao Feng sa pinakamisteryosong gusali ng Broken Moon Clan na 'Floating Crest Palace' at tinignan niya ang gusaling lumulutang sa ere sa pagitan ng karagatan ng kidlat gamit ang kaniyang kaliwang mata.
"Lumilitaw la mang ang Floating Crest Trial isang beses sa 5 taon at ito ang nakapagpapabago sa buhay ng isang tao. Kung hindi ka naging isang inner disciple o nakapasok sa Floating Crest Trial, ibig sabihin nito na ang landas ng cultivation ay hindi para sa'yo."
Ngumiti si Vice Head Zhang.
Hindi mapigilan ni Zhao Feng kundi mag-isip tungkol sa mga sinabi nilang dalawa. Nagsimula na niyang mapagtanto na ang Floating Crest Trial ay isang bagay na mayroong malaking importansya, ngunit maliit na bilang lamang ng mga inner disciples ang maaaring sumali.
Biglang nagkaroon si Zhao Feng ng maraming impormasyon mula sa dalawang Vice Heads tungkol sa Floating Crest Trial.
Pinakauna, ang Floating Crest Trial ay isang pagkakataon upang makapasok sa Floating Crest Palace at makakuha ng mga gamit mula room, na maaaring lubhang makatulong sa isang tao.
Ikalawa, ang mga disciples na magpapakitang gilas sa Floating Crest Trial ay maipupuwesto bilang isang mayroong lubhang importansya mula sa Clan.
Sa Broken Moon Clan, halos lahat ng tao na nakarating sa True Spirit Realm ay nakapagpakitang gilas na sa Floating Crest Trial.
Halimbawa, si Hai Yun Master ang siyang pinakanagpakitang gilas sa nakaraang 100 taon.
....
Ang ibig sabihin ng dalawang Vice Head ay malinaw. Kung hindi makakayanan ni Zhao Feng makapasok sa Floating Crest Trial, ibig sabihin lamang nito na ang kaniyang suwerte ay limitado kaya naman siya ay dapat na lamang magpunta at matuto ng pills refining at arrays.
Sa mundo ng Clans, maraming naniniwala sa 'suwerte', at ito ang dahilan kung bakit sinabi ito ng dalawa. Kahit si Zhao Feng ay bibigyang pansin ang 'suwerte', ang hindi makita, hindi maramdaman, at hindi mahawakan na bagay.
Kung wala siyang misteryosong kaliwang mata, hindi siya makakapaglakbay ng ganito kalayo.
"Hehe, kung nagawa kong maging matagumpay sa pagpunta sa Floating Crest Trial, aakalain ko na hindi niyo ako pipigilan dalawa mula sa paglalakad patungo sa landas ng cultivation?" Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.
Ang dalawang Vice Heads ay tumawa at umiling nang marinig nila ito.
"Mayroon pang natitirang 2-3 buwan bago ang trial at walang nakakaalam kung ikaw ba ay magiging isang inner disciple o hindi. DAgdag pa rito, mayroong isang limitadong bilang ng mga lugar. At kung hindi ka makakarating sa 3rd Sky ng Ascended Realm, mas mahihirapan ka lalong makatagpo ng isang puwesto." Paliwanag ng matandang lalaking si Guan.
Tumango ang matandang lalaking si Zhang: "Kung kakayanin mong makapunta sa trial, kung ganoon ay wala na kaming masasabi pa."
"Payag ako!"
Sumang-ayon na si Zhao Feng sa dalawa.
Kung makakapunta si Zhao Feng sa trial, kung ganoon ang dalawang Vice Heads ay hindi pipigilan o hindi siya hihikayatin sa paglakad sa landas patungo sa cultivatio. Ngunit kung si Zhao Feng ay hindi nakapunta, kung ganoon ay kailangan niyang pag-isipan ang suwesityong binigay ng dalawa.
Sa pagsang-ayon n mayroon sila, ang dalawang Vice Heads ay tumawa at umalis sa kuwarto ni Zhao Feng ng mataas ang mga noo.
"Matindi ba ang kompetisyion?"
Pinagmasdan ni Zhao Feng umalis ang dalawang matandang lalaki gamit ang kaniyang mga mata.
Ngayon na nasolusyunan na ang problema, nagtuon na lamang si Zhao Feng sa cultivating. Ngunit nais niyang pataasin pa lalo ang kaniyang lakas bago siya maging isang inner disciple.
Lightning Wind Palm, Silver Wall Technique, Burning Wind Stance, Illusion Fish Picture… Ito lamang ang mga bagay na pinagtuonan ng pansin ni Zhao Feng.
Makalipas ang 3 araw, nakatungtong na si Xiao Sun sa Ascended Realm at naging isa ng inner disciple.
Batay sa mga patakaran, kung ang isang tao ay makaabot sa Ascended Realm bago maging 30 taong gulang, sila ay kusa nang magiging isang inner disciple at sila ay hindi pinapayagang lumaban sa mga substitute inner disciples.
Wala na ring magawa si Xiao Sun, sa talentong mayroon siya at sa kaniyang background, hindi mahirap para sakaniya ang maging isang inner disciple agad-agad. Ngunit nais niyang maging 1st sa lahat ng mga outer disciples.
Makalipas ang ilang mga araw na naman.
Si Princess Yun Mengxiang ay nakatungtong na rin sa Ascended Realm at naging isang inner disciple.
Sina Yun Mengxiang at Xiao Sun ay parehas may kahanga-hangang talento at background sa lahat ng mga outer disciples.
Bago umalis si Yun Mengxiang, nagpunta siya kay Zhao Feng upang magpaalam: "Pill master Zhao Feng, maghihintay akong maging isang inner disciple kayo."
"Oo."
Ang sagot ni Zhao Feng ay bahagyang ikinagulat ni Yun Mengxiang.
Sina Xiao Sun at si Yun Mengxiang ay mayroong mas mataas na sinimulan, talento at background.
Sa pagkakita na hindi pa nakakarating ng Ascended Realm si Zhao Feng, naisip ni Yun Mengxiang na ito ay dahil siya ay napipigilan ng kaniyang talento.
Paano niya malalaman na ang layunin ni Zhao Feng ay pumasok sa Ascended Realm gamit ang kaniyang katawan o kung hindi ay malamang siya ay mas maagang nakatungtong dito kumpara kay Xiao Sun?
Sa mga araw na sina Xiao Sun at Yun Mengxiang ay nakatungtong, ang Lightning Wind Palm ni Zhao Feng ay umabot na sa 3rd level, kung saan ito ang low level.
Sa sumunod na mga ilang araw, iniintindi ni Zhao Feng ang 70-80% ng Burning Wind Stance at ang kapangyarihan nito ay hangga't maaari doble ng Partial Wind Stance.
Habang si Zhao Feng ay naglilipon ng kaniyang lakas, mayroong ilang mga haka-haka.
"Ang pinakatalentadong outer disciples ng bagong batch ay naging inner disciples na."
"Kahit pa si Zhao Feng ang 1st, siya ay nalilimitahan ng kaniyang talento."
...….
Kalmadong nag-cultivate si Zhao Feng at hindi binigyang pansin ang mga sinasabi ng iba. Kapag siya ay may libreng oras, paminsan-minsan siya ay gumagawa ng ilang mga batches ng Marrow Cleansing Pills at Broken Moon Breath Returning Pills at kumuha ng ilang substandard primal crystal stones."
Bukod pa rito, nag-iiwan din si Zhao Feng kina Nan Gongfan at Yang Qingshan ng isang Marrow Cleansing Pill bawat isa.
"Brother Zhao, bakit hindi mo gamitin ang Marrow Cleansing Pill at subukang makatungtong sa Ascended Realm?"
Sina Yang Qingshan at Nan Gongfan ay nakokonsensya at nagpapasalamat sa iisang oras.
"Hindi ko na ito kailangan pa." Ngumiti si Zhao Feng, mayroon siyang iilang tinirang Marrow Cleansing Pills kung kinakailangan ngunit ngayon…
Nagbalik si Zhao Feng sa kaniyang patyo at umupong nakadekuwatro. Ngunit hindi siya nagtuon sa cultivating, pinadaloy pa rin niya ang kaniyang Silver Wall Technique.
Weng~~
Isang sagitsit ng pilak ang nabuo at nagpakawala ng isang aura na sampung beses na mas malakas kaysa sa Inner Strength.
"Ang Silver Air True Force ay nabuo na rin sa wakas."
Habang humihinga si Zhao Feng, nagpapakawala siya ng isang aura na katulad ng isang Lord tier na mabagsik na halimaw, nagdudulot upang ang mga puso ng mga kalapit na substitute inner disciples ay maging malamig. Sa pagkakataong ito, ang bawat aksiyon na ginagawa ni Zhao Feng ay nagpapakawala ng isang aura ng Holy martial path.
Dahil pumasok siya sa Ascended Realm gamit ang kaniyang katawan, ang True Force ay nagmula sa kaniyang laman. Kung ito ay isang normal na cultivator, ang True Force ay manggagaling sa kanilang dantian at ang Force ay mabubuo ng paulit-ulit.
Sa oras na naabot ni Zhao Feng ang Ascended Realm gamit ang kaniyang katawan, naramdaman niya ang mabilis na pagtaas ng bilang ng pagtibok ng kaniyang mata.
Peng! Peng! Peng! …
Ang 9 foot 9 na umiikot na asul na liwanag sa kaniyang kaliwang mata ay tumigil sa paggalaw.
Weng~
Ang liwanag ng ilaw ay biglang nagsanib at nagsimulang magbago…