Hindi pinansin ni Zhao Feng ang boses at umalis na sa Hollow Building. Pagkaalis niya, isang tawa na may halong galit ang maririnig mula sa gusali: "Isang mayabang na ungas… Ang lakas ng loob niyang hindi ako pansinin…"
Mula nang nakapasok si Zhao Feng sa Hollow Building, hindi naman talaga pinapakinggan ni Zhao Feng ang boses at kumilos base sa kung anong sa tingin niya ay tama. Kaya hindi niya dinamdam ang mga babala ng boses.
Sa tingin ni Zhao Feng, kailangan lang sundin ang mga patakaran ng boses.
Tama ang kaniyang iniisip ngunit hindi niya inakalang ang may-ari ng boses ay isang malaking anyo sa Clan; kahit ang mga inner disciples ay iginagalang ito.
"!st Elder, isa lang siyang mangmang na disipulo, walang maidudulot ang pagsasayang ng oras sa kaniya." Isang matanda sa loob ng gusali ang tumawa.
Ang taong ito ay ang elder na nagbabantay sa Hollow Building, ngunit ang !st Elder ay pumunta ngayon para suriin ang pangkaraniwang mga Gawain. Nakita niya si Zhao Feng na kumuha ng mapanganib na skill, kaya binalaan niya ito para mapabuti, ngunit hindi naman siya pinansin nito.
"Huh? Outer disciple? Kung tama ang pagkaka-alala ko, ang mga top outer disciple lang ang may karapatang pumasok."
Ang !st Elder ay bahagyang nagulat.
Ginawa ng Clan Creator ang patakarang ito noon pa at sinusunod pa rin ito ngayon at alam ng !st Elder ang dahilan nito.
Kapag mas talentado ang isang tao, mas malayo ang mararating nila sa path of cultivation, samakatuwid ay malaki ang pagpapahalaga ng Clan sa talento. Ngunit hindi lang ang talento ang dahilan kung bakit malayo ang nararating ng isang tao, kaya ginawa ng Creator ang patakarang ito para matulungan ang mga walang talento.
....
Matapos tumakbo sa hardin, nag-umpisa na si Zhao Feng na maintindihan ang Lightning Wind Palm sa kaniyang isip.
Ang Lightning Wing Palm ay isang offense skill, na epektibo kahit sa 6th Sky of the Ascended Realm. Sa puntong ito, masasabing mas mainam ito kaysa sa Middle class Mortal skills. Itinuon ni Zhao Feng ang pansin sa deskripsyon na nagsasabing 'Ancient Partial skill.'
Ang mga skill noon pa ay may mga pagkakaiba sa mga bago at ang maandang boses ang nagsabi sa kaniya na ang skill na ito ay mas mahirap pag-aralan kaysa sa mga High class Mortal skill. Kaya sa pag-analisa ni Zhao Feng, ang antas ng skill na ito ay hindi kasing simple ng isang Middle class Mortal skill…
Nang ipinikit ang kaniyang mga mata, nagsimula na si Zhao Feng na maintindihan ang tanawin ng maliit na anyo sa mundo ng kidlat at hangin na kayang mapagpalabas ng kidlat.
"Nakakasindak!"
Nakita ni Zhao Feng ang tanawin at hindi maiwasang magbuntong-hininga.
Ang Lightning Wind Palm ay nahahahati sa 6 na lebel.
Ang unang lebel, Learner – pag-intindi sa kapangyarihan ng hangin.
Ang ikalawang lebel: Beginner – Ang aura ng kidlat at hangin ay nagsisimula nang mabuo.
Ang ikatlong lebel: Low level – Ang palad ay dapat na may tunog ng kidlat at mahihirapan ang isang tao na mahanap ang kapareho sa mga nasa $th Sky of the Ascended Realm.
Ang ikaapat na lebel: High level – Ang kakayahang maparalisa ang kalaban, para mapabagal ang kanilang mga kilos.
Ang ikalimang lebel: Peak level – Ang paggamit ng hangin para mapalabas ang kidlat, kapansin-pansing tumataas ang kapangyarihan.
Ang ikaanim na lebel: Max level – Kapag may bgayo, may pagkakataon ang isang tao na mapalabas ang 9 Cloud Lightning. Kapag nagtagumpay, kahit sino sa True Spirit Realm ay masisira at kakabahan ang mga namumuhay na True Spirit Realm.
...….
Ang ikaanim na lebel ay dapat gamitin kapag nasa ^th Sky of the Ascended Realm ngunit may pagkakataong mapalabas ang 9 Clouds Lightning na kayang pataasin ang lakas nang hanggang sampung beses.
"Ang ikaanim na lebel ay sobrang gulo. Kapag nagtagumpay ang isang taong mapalabas ang 9 Clouds Lightning, kahit ang mga namumuhay sa True Spirit Realm ay kakabahan."
Ang puso ni Zhao Feng ay nanginig.
Napatunayan niyang ang skill na ito ay hindi nga Middle class Mortal skill matapos na makaharap ito.
Sa totoo lang, kahit na ang ikaanim na lebel ay nakakasira ng ulo at ang lakas ng isang tao ay tataas nang sampung beses, ang lubhang panganib ay kaakibat din nito. Isang pinakamaliit na pagkakamali at magiging alikabok ang gumagamit nito.
Ang taong gumawa ng skill na ito ay siraulo at ang mga nag-aral nito ay baliw din. Ngunit dahil pinili ito ni Zhao Feng, hindi siya magsisising ginawa niya ito. Sa halip, itutuon niiya ang pansin dito at susubukang intindihin.
Ang Lightning Wind Palm ay gumagamit ng hangin para makalikha ng kidlat, kaya ang hangin ang pinanggagalingan ng skill na ito.
Tungkol dito, may magandang pundasyon si Zhao Feng dahil naintindihan na niya ang unang tatlong stance ng 4 Wind Stances, na may kalooban at layunin ng hangin.
Tungkol naman sa huling stance ng Burning Wind Stance, nakakalikha ng apoy gamit ang hangin, na nakapagpataas ng pinsala sa bagong lebel.
Ang 4 Wind Stances bilang basehan, nagtagumpay si Zhao Feng na pag-aralan ito at sinimulan nang kumilos para sa ikalawang lebel.
"Hehehe… mukhang tama ang aking desisyon. Ang skill na ito ay mainam sa akin."
Hindi inakala ni Zhao Feng na magiging matagumpay siya. Ayon sa matandang boses, Ang Lightning Wind Palm ay mas mahirap pag-aralan kaysa sa mga High class Mortal skill. At kapag may susubok na pag-aralan ang unang lebel, kailangan nila ng pinakamababa ng isa hanggang dalawanag buwan, at minsan pa'y mga taon. Ngunit gamit ang 4 Wind Stance bilang pundasyon, nakumpleto ito kaagad ni Zhao Feng nang ganoon kadali, ngunit may pagpigil na sa ikalawang lebel.
Ang ikalawang lebel ay naglalaman ng aura ng hangin at kidlat.
Si Zhao Feng ay nagkaroon ng malalim na kaliwanagan sa 'hangin,' ngunit wala siyang basehan sa 'kidlat.'
Pumikit siya at ang tanawin ng mundo ng kidlat at hangin ay lumitaw sa kaniyang isip.
Sa litratong ito sa kaniyang isip, madaling naabot ni Zhao Feng ang ikalawang lebel at nasa dalawang araw ang nakalipas, natutunan na niya ang halos kabuuan ng ikalawang lebel. Ngunit ang ikatlong lebel ay hingi na niya maiintindihan.
Inilaan niya ang lahat ng natitirang oras sa pitong aklat ng array na ibinigay ni old man Zhang sa kaniya at sa pitong ito, isa na lang ang natira.
Ang huling aklat na ito ay ang pinakamahirap sa lahat at ang tanging kaliwanagan na nakuha galing sa Illusion Fish Picture ang nakapagpaintindi sa kaniya nito at sa araw na iyon, natutunan na ni Zhao Feng ang pitong aklat.
Ito ang panahong napagtanto niyang ngayong araw na ang huling araw.
"Muntik na!"
Nakahinga nang maluwag si Zhao Feng. Dahil natutunan na niya at napaglaanan na ng oras ang Lightning Wind Palm ay muntik na niyang makalimutan and napagkasunduan nila ni old man Zhang.
Ang kaniyang kasalukuyan at mahalagang layunin ngayon ay ang makapasok sa Ascended Realm gamit ang kaniyang katawan.
Tuamkbo si Zhao Feng papunta sa Clan Mission Division at nakita si Vice Head Zhang.
"Natutunan mo na ang pitong mga aklat?" sinabi ni Vice Head Zhang nang may ngiti sa mga labi.
"Opo."
Naging mahangin si Zhao Feng.
Nagtanong si Old Man Zhang ng labinlimang katanungan. Isang mahirap at isang madaling katanungan galing sa bawat aklat at para masagot ang mga katganungan ito, ang isa ay pagsasamahin ang laman ng pitong aklat.
Matapos ibigay ni Zhao Feng ang kaniyang sagot, nagbuntong-hininga si ol man Zhang at tumingin kay Zhao Feng na tila isa siyang halimaw.
"Sigurado ka bang wala ka pang napag-aralan tungkol sa array dati?" tanong ni Old Man Zhang, na tila natalo.
"Kasama ba ang Illusion Fish Picture?"
Napasabi si Zhao Feng ng "Heh heh," naitanong na sa kaniya ni Old Man Guan ang mga katulad na katanungan.
Napangiwi si Vice Head Zhang. Dati, isa siyang henyong kayang tandaa ang lahat ng makita niya at nakilala siya sa 13 Countries. Ngunit kung ikukumpara sa talento ni Zhao Feng, inisip niyang wala siyang kwenta.
"Natutunan mo na ang basehan ng array. Simula ngayon, sasama ka at tutulong sa pagprotekta at magpapanatili ng kaayusan sa array sa Clan. Malamang ay kasama rito ang Energy Gathering Array sa Thousand Leaf Pond…" walang ekspresyong sabi ni Old Man Zhang.
Sa parehong araw, sinimulan nang makisalamuha ni Zhao Feng sa mga array. Ang Broken Moon Clan na pinanggalingan niya ay may maraming array na nakapalibot sa buong bundok at habang lumilipas ang oras, humihina ang kapangyarihan ng mga ito o kaya naman ay may lalabas na kahinaan, kaya kailangan nila ng pagpapanatili at pag-aayos.
Sinundan ni Zhao Feng si Old Man Zhang o ang ilang miyembro ng Clan Mission Division para mapuntahan kung nasaan ang mga array.
"Ang ulap sa araw na iyon sa pagsusulit ay nilikha ng array atang dahilan kung bakit lumulutang and Floating Crest Palace ay dahil din sa mga array." Nagsimula nang maintindihan ni Zhao Feng.
Sa mundo ng mga Clan, maraming mga lugar ang nangangailangan ng tulong ng Pill, Arrays at mga Mechanism master.
Sa araw na ito, nakatanggap si Zhao Feng ng kautusan mula sa Vice Head Zhang para pumunta sa Thousand Leaf Pond. Bilang isang miyembro ng Clan Mission Division at tagatulong kay old man Zhang, tinignan ni Zhao Feng kung mayroon bang mali sa Energy Gathering Array.
Nang maisip na ang kaniyang Silver Wall Technique ay nagsisimula nang makarating sa peak 9th level, hindi maitago ni Zhao Feng ang kasiyahan.
Naging matalas ang kaniyang kaliwang mata at isang manipis na aul na liwanag ang lumitaw dito, na nakapagpakita sa kaniya ng berdeng tubig.
Napalunok si Zhao Feng, ngunit hindi siya kumilos nang kakaiba.
Una, titignan niya kung ang Energy Gathering Array ay may problema ba o wala. Ang Energy Gathering Array na ito ay binuo ng mga cultivators ng True Spirit Realm at ng tulong ng ilang array master, ngunit naitala rin ni Zhao Feng ang estruktura ng arrayat sa kaniyang mas mainam na paningin, kaya niyang magawa ang trabaho ng iilan kahit mag-isa.
Sa mga nakaraang araw, maraming napansing kahinaan si Zhao Feng sa array ng Clan, marami siyanng naitulong sa Clan Mission Division at nakatanggap ng mga papuri galing sa Vice Head Zhang.
"Hmm, may dalawang kahinaan at labingtatlong mahinang mga punto."
Tumango si Zhao Feng at itinala ang mga numero para maiulat ito pabalik kay old man Zhang.
Sa oras na kasinghaba lang ng paggawa ng tsaa, natapos na agad ni Zhao Feng ang kaniyang Gawain at pagkatapos nito, dinilaan niya ang kaniyang mga labi at kinuha ang kaniyang token para mabuksan ang array at makapasok siya. Ngunit kung iisipin, kung papsukin niya ang Thousand Leaf Pond kasama ang kaniyang token, ang tunog na magagawa nito ang masyadong malakas at siya lang ang tanging outer disciple na walang karapatang pumasok.
Nagdesisyon si Zhao Feng na huwag magpahalata at pumasok na siya sa Thousand Leaf Pond sa pamamgitan ng isa sa mga kahinaan.
"Wu~"
Inilubog ni Zhao Feng ang kaniyang sarili sa tubig at nakaramdam ng kakaibang kapangyarihang kumalat sa kaniyang katawan na naggaling sa tubig.
Pumikit siya at hinayaan ang tubig na dumikit sa kaniyang katawan.
Peng! Peng!
Naramdaman ni Zhao Feng ang pagtibok sa kaniyang kaliwang mata at bumilis ang kaniyang paghigop ng lakas.
"Ang epekto ay hindi kasinglakas ng Marrow Cleansing Pill, ngunit mas nagtatagal ito…"
Naramdaman ni Zhao Feng na lumakas ang kaniyang katawan makalipas ang oras. Ang hindi niya alam, muntik na siyang makatulog at makaranas ng "pekeng kamatayan" na tulad ng pinagsanayang niyang Withering Wood Technique…
Sa sitwasyong ito, kumalma ang kaniyang katawan sa paraang hindi pa niya naranasan noon, na nakapagpabilis pa ng kaniyang paghigop ng lakas.