Broken Moon Clan. Sa maulap na mga bundok, may isang malinaw na asul na gusaling may iba't ibang uri ng mga halaman sa paligid nito.
"Alis! Alis!"
Madilim ang ekspresyon ni Quan Chen at pinaalis ang grupo ng mga ibong nasa malapit.
Hindi maganda ang kaniyang kalooban ngayon. Simula nang naging top outer disciple si Zhao Feng, aang kaniyang planong sugpuin ang mga disipulo ni Lord Guanjun ay naging mahirap.
Sa lakas, nangibabaw si Zhao Feng sa lahat ng mga outer disciple at sa karanasan naman, may dalawang Vice Heads si Zhao Feng.
Ni hindi nga niya magawang tapusin ang ibang mga bagpng disipulo. Dahil dito ay napahiya siya sa ibang mga disipulo.
Ang kaniyang una at ikalawang kapatid ay niloko siya higit sa isang beses tungkol dito.
Nnag humakbang sa mga sirang bato, bumalik na ang pagkakalma ni Quan Chen at naging magalang nang pumasok sa asul na gusali.
"Brother Quan, si Elder ay lumabas na sa tagong meditasyon at hinahangaan ang mga bulaklak sa loob," sabi ng isang guwardiya sa tapat ng hardin.
Tumango si Quan Chen, pagkatapos ay huminga nang malalim at pumasok sa loob ng hardin.
Daan daang mga bulaklak ang namumukadkad sa gitna ng mga ito ay may isang gwapong lalaking nakatayo na mukhang nasa dalawampu hanggang tatlumpung taong gulang.
Sinong mag-aakalang ang lalaking ito ang pinakabatang Elder ng Broken Moon Clan – Hai Yun Master?
Ang mga nakaabot na sa True Spirit Realm ay nabubuhay lang ng dalawang daan hanggang taltong daang taon. Si Hai Yun master ay kasing edad ni Lord Guanjun, ngunit mukha siyang youth.
Si Hai Yun Master ay nakadamit ng purong puti at nakatayo nang nasa likuran ang kaniyang mga kamay. Alam ni Quan Chen na ang kaniyang master ay may Obsessive Compulsive Disorder (OCD), kaya maingat siyang naglakad papunta sa kaniya at tumayo isang yarda ang layo.
"Master, may kailangan akong iulat sa iyo tungkol sa mga disipulo ni Xu Ran," magalang na sabi ni Quan Chen.
"Xu Ran? Sa tingin mo ba kailangan mo pang iulat sa akin ang tungkol sa napakaliit na problema?"
Ang boses ni Hai Yun Master ay mahina, ngunit puno ng kalamigan, na parang nakatingin siya sa isang langgam.
Si Quan Chen ay agad na nagpauamnhin: "Ang inyong disipulo dito ay walang kwenta at hindi man lang kayang bantayan ang iilang outer disciple."
Matapos nito ay wala na siyang sinabing iba, dahil alam niyang ni wala ngang pakialam ang Master kay Lord Guanjun. Kapag nagpatuloy siyang magsalita, magdadahilan lamang ito ng sama ng loob.
"Magsalita ka."
Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Hai Yun Master.
"Sa tatlong disipulo, si Yang Qingshan ay may Middle tier Spiritual Cody at si Nan Gongfan ay nasa gitna ng Low tier at Middle tier Spiritual Body. Si Zhao Feng ay nasa Low tier Spiritual Body lang, ngunit siya ay lubos na abnormal…"
Pinaiksi ni Quan Chen ang tungkol sa mga disipulo at nagsalita na tungkol kay Zhao Feng, ang nangangailangan ng atensyon.
Sa simula, hindi gumalaw o nagsalita si Hai Yun Master. Ngunit habang nagsasalita si Quan Chen tungkol sa kung paanong si Zhao Feng ay lubos na pinahahalagahan ng dalawang Vice Head, na mahusay sa pill refining at array creation, bahagyang nag-iba ang kaniyang ekspresyon.
Tungkol naman sa pagiging top outer disciple ni Zhao Feng, wala naman talagang pakialam si Hai Yun Master.
Matapos making sa lahat ay napangiti si Hai Yun Master: "Hahaha… isa itong magandang bagay para sa Broken Moon Clan kung si Zhao Feng ay may mahusay na talento sa array at pill making."
Ah!
Hindi maiwasan ni Quan Chen na mahilo. Ngunit kung iisipin ito, ang mga mahusay sa arrays at pill making ay hindi masyadong magaling sa pakikipaglaban. Lalo na kay Zhao Feng, na may Low tier Spiritual Body lang, mahirap sa kaniyang makarating sa malayo.
"Hindi mo kailangang mag-alala tungkol dito. Ang iyong master, ako , ay may sariling mga plano. Ang Floating Crest Tiral tuwing limang taon ay magbubukas na sa loob ng ilang buwan. Nawala ang pagkakataon mo noong nakaraang taon, kaya huwag mo na itong pakkawalan ngayon," sabi ni Hai Yun Master.
Tila tumigil ang tibok na puso ni Quan Chen, kayang sirain ng Floating Crest Trial ang kapalarang ng isang tao. Ang trial ay may kinalaman sa Floating Crest Palace at may matatanggap na malaking pabuya ang mga makakapasa.
Kumpara sa Floating Crest Trial, ang mga disipulo ni Lord Guanjun ay walang binatbat.
Nang umalis siya sa hardin nang may kagustuhang lumaban, mahina ang pandinig ni Quan Chen sa boses ng Master: "Kunin mo si Bei Moi…"
Bei Moi!
Mababakas sa mukha ni Quan Chen ang kawalang pag-asa at pagseselos.
Simula nang maging disipulo ng Master si Bei Moi, mas binigyan niya ito ng lakas at resources habang ang iba ay nawalan ng pabor.
...
Broken Moon Clan, Thousand Leaf Pond.
Kumalma si Zhao Feng at lumubog sa ilog, kahit ang kaniyang paghinga ay halos tumigil na.
Ang kaniyang kaliwang mata ay nagbibigay minsan ng pagtibok at nangbigay ito ng kakaibang kapangyarihan sa dugo na dumaloy sa kaniyang buong katawan.
Sa mga nakaraang araw, Ang Silver Wall Technique ni Zhao Feng ay nakaabot na sa peak 9th level dahil kumain siya ng kaunting Marrow Cleansing Pills, na nakapagpataas sa kaniyang mga taglay na katangian.
Sa sandsaling ito, naabot na niya ang parehong lebel ng pagpapalakas ng katawan ni Hou Yuan. Ngunit ang layunin ni Zhao Feng ay higit pa rito.
Sa Thousand Leaf Pond, ang kaniyang mga buto, dugo, at balat ay dumaan sa masinsing pagbabago at ang inner strength sa kaniyang dantian ay nakaabot na sa mas mataas na kalidad.
"Mukhang ang Thousand Leaf Pond ay nakakatulong din sa inner strength at totoong lakas din," inisip ni Zhao Feng.
Ang inner strength ay ang laks na nagawa ng mga nasa Consolidated Realm, kung saan ang True Force ay ginawa ng mga nasa Ascended Realm at ang kapangyarihan nito ay sampung beses na mas malakas kaysa sa Inner Strength.
Kapag naabot na ni Zhao Feng ang ikasampung lebel ng Silver Wall Technique, kaya na niyang makagawa ng Silver Air True Force.
Mabilis na lumipad ang oras; isang buong araw na ang lumipas at ang mga katangian ng katawan ni Zhao Feng ay tumaas na nang sobra na nakakalampas na sa mga epekto ng Marrow Cleansing Pill.
Kahit na ang epekto ng Marrow Cleansing Pill ay malakas, hindi ito nagtatagal o kasing mistersyoso ng tubig.
Napagtanto ni Zhao Feng na ang Energy Gathering Array ay tila nag-iiba sa ilalim ng sinag ng buwan at isang pilak na bahagi ang lumabas sa tubig.
Ang elemento ng misteryosong kapangyarihan sa tubig ay nagsimula na ring magbago…
"Ang Energy Gathering Array na ito ay misteryoso. Nang maging inner disciple ako, kaya kong gumawa ng mas simple pa," naisip ni Zhao Feng.
Halata naman, ang Energy Gathering Array ang tanging suporta, ang Thousand Leaf Pond ay gawa ng kalikasan at nabuhay na ito nang libo libong taon…
Ang kapangyarihan ng Thaousand Leaf Pond ay bahagyang nagbago, ngunit may magandang epekto ito para sa katawan at pinanatili ni Zhao Feng ang kaniyang "pekeng kamatayan" na posisyon.
Ang tantya niya ay kailangan niya lang lumubog sa ilog nang ilang beses at ang kaniyang Silver Wall Technique ay makakaabot na sa ikasampung lebel. Ngunit sa mga sandaling ito, ilang mga tunog ang maririnig kahit na tahimik.
Ceng Ceng!
Dalawang anyo ang pumasok sa mga kahinaan ng Thousand Leaf Pond at ang kahinaan na kanilang ginamit at ang ginamit din ni Zhao Feng.
"Sister Yuan, mahuhuli ba tayo…?"
Ang isa sa kanila ay babae na may malinaw na boses.
"Haha, may nagsabi sakin sa Clan Mission Division ang tungkol sa kahinaang ito at ang Thousand Leaf Pond ay hindi raw bukas ngayong araw."
Bahagyang napatawa ang isa pang babae.
Ang babaeng kakatapos lang magsalita ay medyo mas matanda, tila dalawampung taon at may magandang anyo.
Ang katabi niyang babae ang medyo mas bata, may mga matang tila Kristal at ang kaniyang anyo ay tila sinadyang iukit.
Ang dalawang maganda ay naglakad papunta sa Thousand Leaf Pond at sinuri ang paligid.
Ang Thousand Leaf Pond na walang laman at walang bakas na may tao rito.
"Kita mo? Sabi ko na sayo walang tao dito," siguradong sabi ni Sister Yuan.
"En."
Tumango ang mahiyaing babae, ngunit medyo tutol pa rin siya sa paggawa ng bagay na tulad nito.
Nang masiguradong walang tao rito, hinubad ng dalawa ang kanilang kasuotan, na nagpakita ng kanilang perpektong mga katawan at nagsimula na silang maligo sa tubig.
Sa parehong sandali, si Zhao Feng, na nasa sampung yarda ang layo, ang nakaramdam ng pag-alon ng tubig. Dahil ang ilog ay napoprotektahan ng array, ang tubig ay dapat kalmado at hindi gumagalaw. Ngunit sa sandaling ito, ang tubig ay umalon, na ang ibig sabihin ay may mga nanghimasok.
Si Zhao Feng ay nakaalis na sa kaniyang malalim na pagtulog at tumingin sa direksyon ng mga alon gamit ang kaniyang kaliwang mata.
Kahit na magkalayo sila ng sampung yarda, ang kaniyang mata ay nakakakita pa rin nang malinaw. Ngunit ang sumunod niyang nakita ay nakapagpamula sa kaniyang mukha at nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso.
Isa nga naman siyang 14-15 taong gulang na youth at hindi pa niya nararanasan ang lahat ng bagay.
Wah!
Masyadong nagulo si Zhao Feng na nalunod siya at pumaibabaw.
"Sinong nandyan!?" sigaw ni Sister Yuan at nagpaalon na may taas na sampung metro para hindi niya sila makita.
Ceng Ceng!
Nagmamadaling bumalik sa pampang ang dalawang anyo na tinakpan ng alon at nang bumaba na ito, nakita ni Zhao Feng ang dalawang babae na may uniporme ng mga inner disciple.
Ang isa ay matangkad at maganda, habang ang isa ay mahiyain.
Kahit saan nila ilagay, ang anyo ng dalawang top tier ay hindi mas mahina kaysa sa karamihan ng mga magandang babae sa Sun Feather City.
"Sinong ungas ang mangangahas na gawin ang kawalanghiyaang ito?"
Halos hindi natakpan ni Sister Yuan ang kaniyang sarili ng kaniyang damit nang tumingin kay Zhao Feng.
Huang~~
Isang pagragasa ng mental energy ang bumagsak kay Zhao Feng na tila isang bundok.
Ang kaniyang cultivation ay mas malakas pa kay Quan Chen, na nasa 3rd Sky of the Ascended Realm.
Ang isang magandang babae ay puno ng galit at hiya nang magtago sa likod ni Sister Yuan.
"Huwag kayong magkamali ng pagkaunawa… Ako ay nasa proseso ng pagcultivate…" sabi kaagad ni Zhao Feng na may namumulang mukha.
Hindi na siya nakaimik dahil sa nangyari.
Si Sister Yuan ay nagulat din. Ang youth sa kaniyang harapan ay mukhang 14-15 taong gulang at hindi naman siya mukhang isang walang hiyang ungas.
"Tumalikod ka at isara ang iyong mga mata," walang ekspresyong utos ni Sister Yuan.
Sa ilalim ng makapangyarihang mental energy, kumalma na si Zhao Feng at tumalikod at ipinikit ang kaniyang mga mata tulad ng inituos sa kaniya. Alam niyang wala siyang lakas para lumaban.
Nang lumingon, narinig niya ang dalawa na nagsusuot ng kanilang damit.
"Umikot ka!"
Nakatayo si Sister Yuan sa tabi ng ilog, ngunit ang kawalang ekspresyon sa kaniyang boses ay hindi pa rin natanggal.
Umikot si Zhao Feng nang walang ekspresyon at ang kaniyang puso ay hindi pa rin mapakali nang makita niya ang mukha ng dalawang magandang babae.
Si Sister Yuan ay nakatayo sa harap, habang ang isa pang babe ay nagtatago sa kaniyang likod at makikita lamang ang kalahati ng kaniyang mata.
"Hmph! Sa murang edad naninilip ka na ng mga babaeng naliligo. Kung hindi ka magpapaliwanag ngayon, paparusahan kita!"
Ang mukha ni Sister Yuan ay walang ekspresyon nang mapagdesisyonang takutin ang youth sa kaniyang harapan, ngunit napagtanto niyang ang youth ay nakatingin sa kaniya nang may tulirong mukha.
Mas ikinagalit niya pa ito, paanong ang isang batang tulad niya ay napakamahalay?
Gayunman, napagtanto niya agad na hindi sa kaniya nakatingin si Zhao Feng, kung hindi sa tao sa kaniyang likuran.
"Ikaw nga…" sigaw ni Zhao Feng nang tumingin sa mahiyaing babae sa likuran ni Sister Yuan.