Nang marinig ito, tuwang-tuwa si Zgao Feng sa ibig sabihin ni Deacon Qiu.
Ayon sa patakaran, ang normal na disipulo ay may isa lamang na pagkaktaong makapasok sa Hollow building. Ngunit ngayon ay si Zhao Feng lang ang nag-iisang outer disciple, hindi isang inner disciple.
Ang ibig sabihin nito ay may pagkakataon siyang makapasok sa Hollow Building bago ang mga inner disciple. At kapag naging inner disciple na si Zhao Feng, may pagkakataon muli siyang makapasok sa Hollow Building.
Ang kalamangan niya ay mahirap paniwalaan.
"Ang patakarang ito ay ginawa ng Clan Creator. Ang top outer disciple ay may kapangyarihang makapasok nang isang beses." Ngumiti nang bahagya si Deacon Qiu.
Ang Clan Creator!
Ang buong akala ni Zhao Feng ay sinusuportahan ng Clan Creator ang mmga disipulong walang kakayahan.
Napakahalaga pala para sa Clan Master ang kakayahan at ang mga outer disciples ang mga hindi masyadong magaling.
Bago ito, si Sun Haoyuan ay may Changeable Body at si Liu Yue'er ay may High tier Spiritual Body. Ngunit ang dalawa ay natanggap agad bilang mga inner disciple.
Matapos magpaalam sa Deacon Qiu, pumunta si Zhao Feng sa Hollow Building kasama ang kaniyang token.
Ang Hollow Building ay isang sagradong lupa ng Clan at hindi pinapayagang makapasok agad ang mga inner disciple at mga Deacon.
Sa ilang milyang layo, may nakita agad si Zhao Feng na bahagyang nalalagusan ng tingin na tore sa dulo ng bangin. Sinuri ito ng kaliwang mata ni Zhao Feng, ngunit hindi niya matukoy kung anong mga materyales ang ginamit sa paggawa ng gusali. Ngunit isang bagay ang sigurado, ang materyales na ginamit ay mamahalin.
Ang dalawang linya ng mga guwadiya ay nakatayo sa pasukan, ang bawat isa sa kanila ay nakaabot na sa 3rd Sky of the Ascended Realm. Ang kanilang mga cultivation ay mas mataas lahat kay Lord Guanjun.
"Ito ay isang mahalagang lugar ng Clan, magsilayas kayo!"
Isang guwardiya ang sumigaw nang ilabas ang kaniyang mental energy, na nakagpahirap sa paghinga ni Zhao Feng.
Ang ibang mga guwardiya ay puno rin ng panghahamak. Nakita nilang ang kasuotan ni Zhao Feng at pang-outer disciple at ang ikasiyam na antas ng Consolidated Realm ay langgam lang sa kanillang tingin.
Shua!
Inilabas ni Zhao Feng ang Hollow Building Token at nagbago ang ekspresyon ng guwardiyang sumigaw.
"Pakisusap."
Ang grupo ng guwardiya ay pinadala si Zhao Feng sa gusali sa kanilang pagtingin.
"Ang hirap paniwalaang ang batang iyan ay ang top outer disciple."
Lahat ng mga guwardiya ay nagulat.
Nang makapasok na sa Hollow Building, naramdaman ni Zhao Feng na tila pumasok siya sa ibang dimension dahil ang loob nito ay makulay.
Pinag-aaralan niya ngayon ang arrays at ramdam niya ang mga ito sa loob ng Hollow Building.
Ang kapangyarihan ng arrays ay walang hugis o kulay, ngunit pinoprotektahan nila ang lugar na ito sa loob ng libo libong taon. Bago pa niya mabuksan ang kaniyang kaliwang mata para suriin ang mga arrays ng building, may boses na umalingawngaw sa kaniyang isip: "Ibigay mo ang iyong token."
Qiu!
Inihagis ni Zhao Feng ang kaniyang token.
"Bronze grade token. Maaari kang pumili ng Middle class Mortal skill."
Nang mawala ang boses, isang hagdanan ang lumitaw sa harap ni Zhao Feng na kaniyang inakyat.
Ang mundo sa itaas ng hagdanan ay puno ng ulap at hindi mabilang na jade slip na lumulutang dito. Bawat jade slip ay may ilang larawan at mga salita dito na may deskripsyon, introduksyon at kinakailangan ng skill.
"Dragon Returning Palm… Dominant King Fists… No Wind Manual… Scorching Flame Sword…"
Sinuri ni Zhao Feng ang daan daang libong mga skill at kinopya ang mga deskripsyon sa kaniyang isip.
Di nagtagal, medyo naintindihan na niya ang mga skill. Karamihan sa mga ito ay maaaring nacultivate sa 4thSky of the Ascended Realm o mas mataas pa at ang mga magagaling ay maaaring maabot ang 5th Sky.
Ang Low class Mortal skills ay kadalasang kasamang pinag-aaralan sa 4th na Sky of the Ascended Realm o mas mataas pa.
Ang mga High class Mortal skills ay maaaring macultivate sa 7th Sky of the Ascended Realm at isang maliit na bilang sa True Spirit Realm.
Ang mga peak class Mortal skills ay siguradong maaaring mapagsanay sa True Spirit Realm at ang mga skill na ito ang tunay na kayamanan ng Clan.
Sa Spiritual Class Skills naman, ito ang mga pamatay na galaw ng Clan at walang sinuman na may mas mababang antas sa Elder ay may karapatang sanayin sila. At ang mga nasa ilalim ng True Spirit Realm ay mahihirapan itong intindihin.
"Dapat ay mahakanap ka ng skill sa loob ng kalahating oras at ang kailangan mo lang gawin ay kumuha ng jade slip at ituon ang iyong diwa dito para makuha ang skill."
Ang taong may matandang boses ay tila napagtantong hindi talaga naintindihan ni Zhao Feng ang mga patakaran ng Hollw Building.
"Naiintindihan ko."
Nakaramdam nang kakaiba si Zhao Feng nang ang boses ay palaging naririnig sa kaniyang isip, dahil sa mortal na mundo kapag nagsalita ang isang tao galing sa malayong lugar, maririnig ito sa kanilang tainga. Ngunit kung iisiping ito ay isang Clan, ang lahat ay maipapaliwanag.
Di nagtagal, sinuri ni Zhao Feng ang lahat ng mga skill at kaniyang naalala ang kaniyang mga kailangan.
Ito ay salamat sa kaniyang kaliwang mata. Ang ibang mga disipulo ay masasabing imposible nilang matapos basahin ang lahat ng mga slip sa loob ng kaunting oras.
Matapos magbasa, inalis agad ni Zhao Feng ang mga skill na may hangganan ang cultivation, tulad ng ibang nangangailangan ng cultivator para maabot ang Ascended Ream para magsanay.
Pagkatapos ay pinili niya ang mga skill na may mas mataas na kapangyarihan at mas malalim.
Sa pamamagitan nito, mayroon na siyang 100-200 angkop na elite skills.
Ang lahat ng mga elite skills na ito ay Middle class Mortal skills, ngunit nasa mas magaliung na antas. Sa kasamaang palad, isa lang ang maaaring piliin ni Zhao Feng.
Matapos mag-isip nang matagal, napagdesisyunan ni Zhao Feng na piliin ang isang offensive skill.
"Dragon Returning Palm: Ang palad ay naigiging isang dragon na kayang makasira ng mga bundok. At kapag sinanay sa mataas na lebel, ang anino ng dragon ay dapat sundin ang makakalikha ng takot sa kalaban. Nangangailangan ng masinsin at malakas na inner strength."
"7 Deadly Fingers: Nahahati sa pitong lebel at isang napakalakas na isang atake sa target. Nangangailangan ng matinding control."
"Scorching Flame Sword: Espadang tulad ng apoy, kapag nakaabot na ito sa mataas na lebel, bawat galaw ng espada ay manakakapag-apoy at lalamunin ang lahat ng nasa 4th Sky of the Ascended Realm…"
....
Tinignan ni Zhoa Feng ang mga offensive skill na may kapangyarihang lampas pa sa hangganan ng kalikasan.
Halimbawa, ang Scorching Flame Sword ay nakakalikha ng apoy, kaya bang matagalan ng tao ito?
Syempre, hindi kinonsidera ni Zhao Feng ang paggamit ng ibang sandata dahil ang kaniyang kaliwang mata ay mas mainam sa pagpana.
Ang pag-asa sa mga sandata ay hindi magandang ideya dahil paano kung masira ang sandata? Sobrang bababa ang kaniyang lakas.
Dagdag pa rito, kapag nakalampas na sa Ascended Realm, ang malayuang mga atake ay normal na lang at ang lamang ng sandatang pangmalapitan ay hindi mabisa.
Habang tinitignan ang mga skill, isang kakaibang skill ang lumitaw sa isip ni Zhao Feng.
"Lightning Wind Palm: May kapangyarihan ng kidlat at hangin, na ginagamit ang hangin para makagawa ng kidlat. Kapag sinanay sa peak level, ang isang tao ay makakapagpalabas ng kidlat. Ngunit siguro dahil isa lang itong halos bahagyang skill, walang nagsanay nito hanggang sa peak level.
Babala: Ang skill na ito ay mapanganib at may mga naitala nang mga cultivator na nagsanay nito ang napatay ng kidlat.
Mag-ingat sa pag-aral!
Ang huling babala ay tila idinagdag lang dahil ang mga sulat ay bago pa.
"Lightning Wind Palm, ikaw na nga."
Pinili ni Zhao Feng ang skill na ito, at isa ito sa mga pinakamapanganib na sandata.
Nagsanay na siya sa Star Finger dati at alam ni Zhao Feng na kung mas mapanganib magcultivate, mas nakakasindak ang kapangyarihang taglay nito.
Ang Lightning Wind Palm ay parehas at ang mga disipulo ng Broken Moon Clan ay hindi magtatangkang magsanay nito. Dagdag pa rito, walang gustong sayangin ang napakahalagang pagkakataong ito sa isang hindi kilalang skill."
Ngunit nangahas si Zhao Feng!
Una, may isa pa siyang pagkakataong makapasok sa Hollow Building.
Ikalawa, dahil walang nangangahas na magsanay ng skill na ito, ibig sabihin ay nakakasindak ang klapangyarihan nito.
Nasaksihan ni Zhao Feng ang kasaysayang ng Clan at ang mga maalamat na anyo ay palaging nagsanay ng ganoong mga skill na walang iba ang nakaabot sa tuktok ng tore.
Kung pinili ni Zhao Feng ang skill na madali ring mapagsasanayan ng iba, anong ikinaiba niya sa kanila?
"Sigurado ka bang pipiliin mo ang Lightning Wind Palm? Binabalaan kita, ang skill na ito ay mahirap pag-aralan at mas mapanganib pa sa mga High class Mortal skills," sabi ng makalumang boses.
"Oo," sagot ni Zhao Feng nang may mababakas na tibay ng loob sa tono ng boses.
Ang ganoong tono ay nakapagpatigil saglit sa boses. Ito ang unang beses na nakita niya ang isang tao na pinili ang isang mapanganib na skill na may ganoong kasiguraduhan.
Ang mga taong ito ay matatawag lang 'mayabang.'
"Haha, kadalasa'y may dalawang resultang lumalabas kapag nagsasanay ng Lightning Wind Palm. Ang unang resulta ay hindi siya nakaabot sa peak level at habang nagsasanay, ang kaniyang litid ay nasira o kaya naman ay nawalan ng silbi ang kaniyang kalahating katawan sa ibabang bahagi. Ang ikalawang resulta ay isang kagila-gilalas na tao na may mataas na pang-unawa ang natututuhan ito, tinamaan ng kidlat at namatay. Ang huli ang nakakapuno ng pagsisisi.
Ang makalumang boses ay bahagyang tumawa at hindi na siya nagsalita pang muli.
Dalawang resulta: ang una ay hindi maaabot ang peak level, at ang ikalawa naman ay matatamaan ng kidlat.
Kung ibang tao ito, sila ay matatakot na o kaya'y mag-aalala, ngunit si Zhao Feng ay hindi nakinig sa sinabi ng matandang boses at isinma niya ang kaniyang diwa sa jade slip.
Weng~
Isang liwanag ang lumitaw galing sa slip na humila sa diwa ni Zhao Feng papunta sa mundong puno ng hangin at kidlat.
Isang tanawin ng anyo ang lumitaw, ang pagsasanay ng isang palm skill sa mundo ng hangin at kidlat.
Ang kapangyarihan ng skill ang naging napakataas bago ito sumama sa kidlat at sirain ang bundok na 50 libong kilo.
"Isang nakakasindak na kapangyarihan!"
Kinopya ni Zhao Feng ang tantawing ito sa kaniyang isip gamit ang kaniyang kaliwang mata.
Hindi nagtagal matapos nito, ang niallaman ng skill ay unti-unting napunta sa isip ni Zhao Feng.
Ang jade slip ay may nilalamang maaari lang makita nang isang beses, ngunit dahil nakopya na ni Zhao Feng ang tanawin sa kaniyang kaliwang mata, hindi magatatagal ay maiintindihan na niya ito.
Sa ilalim ng kapangyarihan ng arrays, ang nilalaman ng Lightning Wind Palm ay unti-unting nagsama sa isip ni Zhao Feng at natandaan niya ito kaagad. Matapos ay sinuri niya agad ang jade slips pati na ang ulap gamit ang kaniyang kaliwang mata.
Ang maulap na lugar ay napalibutan ng napakalaking array na tumagal nang isang libong taon at si Zhao Feng ay nag-iisip kung ang array na ito ay masisira ba o kung wala ba itong kahinaan?
Pagkatapos ay binuksan niya ang kaniyang kaliwang mata at isang asul na liwanag ang lumtiaw sa kaniyang mata nang suriin ang kaniyang paligid.
Sa kaniyang mas pinaigiting na paningin, may lumitaw na litrato at mga linya na nakabuo ng isang array.
Kopya!
Kinopya ni Zhao Feng ang estruktura ng array sa kaniyang kaliwang mata.
"Pag-aaralan ko ito pagkabalik ko."
Inisip ito ni Zhao Feng nang ang liwanag galing sa jade slip sa kaniyang harap ay humina. Kasabay nito, ang iba pang mga jade slip sa lugar ay nawalan na rin ng liwanag.
Tulad nito, kinuha ni Zhao Feng ang nilalaman ng Lightning Wind Palm pati na ang estruktura ng array palabas ng Hollow Building.
Bago siya umalis, narinig niya ang babala ng matandang boses: "Ang mga skill ng Hollow Building ay hindi dapat ipagkalat at kung hindi ay masisira ang cultivation ng taong ito. Tandaan mo ito…"