Ang Nine Changes of the Illusion Fish Picture ay paulit-ulit na nagpapakita sa isip niya. Ramdan ni Zhao Feng na ang mga senaryong iyon ay naglalaman ng napakalalim na mga kabatiran na mas mahirap pa sa Four Wind Stances. Kung sakaling mauunawaan niya nang buo ang Illusion Fish Picture, maaaring makatanggap siya ng pabuya na magagamit niya.
"Kung maiintindihan mo ang Nine Changes of the Illusion Fish Picture, wala kaming karapatan na maging Master mo," wika ng matandang nakaputing damit.
Sa kanilang pag-uusap, napagtanto ni Zhao Feng na ang matandang nakaputi ay mula sa pamilya ng Zhang at ang kanyang forte ay pag-aayos, samantalang ang namumulang matanda naman ay galing sa pamilya ng Guan at isa siyang proficient pill master.
Napagpasyahan ni Zhao Feng na tawagin silang Tandang Zhang at Tandang Guan.
Pagkatapos iwan ang ikalawang palapag, napansin ni Zhao Feng na tinitignan siya ni Deacon Qiu sa ibang perspektibo. Kung dati pa ito, mukha lang siyang langgam para kay Deacon Qiu, pero matapos maipasa ang ikatlong pagsusulit, alam ni Deacon Qiu na hindi niya pwedeng maliitin si Zhao Feng.
"Tandang Guan, bakit mo naman ako kinakalaban? Hindi mo ba nakikita na ang batang iyon ay isang henyo sa pag-aayos?"
Isang sutil mula sa Consolidated Realm ang kinayanang maunawaan ang Illusion Fish Picture hanggang sa ikapitong antas at sa loob lamang ng maiksing oras, kahit ang mga array masters ng Ascended Realm ay hindi kayang gawin iyon.
"Nagkakamali ka! Tandang Guan, hindi mo ba nakikita na ang kabataang ito ay may kakaibang perspective skills at higit na angkop na precision. Ito ang kailangan ng isang pill master," sagot ng matandang si Guan.
Habang nag-uusap sila, muli na naman silang nag-away.
Nagulat si Deacon Qiu, hindi niya naisip na ang kabataang ito na katamtaman lamang ang talento ay makukuha ang atensyon ng dalawang vice-heads
Mataas ang paggalang niya sa dalawang vice heads hindi lamang dahil parehas silang nasa half-True Spirit Realm, pero sa kadahilanang napakarami na nilang ambag sa Clan at may kapangyarihan sila na hindi nalalayo mula sa elders.
Matapos maglakad palabas ng gusali, nakipagkita na si Zhao Feng kay Lord Guanjun, Yang Qingshan, at Nan Gongfan
Dahil alam niyang nakakuha na naman ng mataas na marka si Zhao Feng, isang ngiti ang masisilayan sa mukha ni Lord Guanjun.
atapos na rin ang ikatlong pagsusulit nang lumubog ang araw at ayon sa mga puntos na nakuha ng mga kabataan, ang mga ilalagay sa harap ay nangangahulugang natanggap.
"Tanging ang pinakamagaling lamang na dalawampu ang kukunin ng Clan." Wika ni Deacon Qiu. Lahat ay maligalig at kinakabahan habang hinihintay ang resulta.
"Unang puwesto, Xiao Sun, walong puntos. Ikalawang puwesto, Yun Mengxiang, 7.5 na puntos. Ikatlong puwesto…," isang disipulo mula sa Clan ang nag-anunsyo.
"Ikasampung puwesto, Zhao Feng, anim na puntos!"
Sa ikasampung puwesto pa narinig ni Zhao Feng ang kanyang pangalan. Kahit na mataas ang kanyang marka sa huling dalawang pagsusulit, ang kanyang unang resulta ay pangkatamtaman lamang, kung kaya ang pangkabuuan niyang puwesto ay hindi ganoon kataas.
Kahit si Yang Qingshan ay mas mataas pa sa kanya, na nasa ikaanim na puwesto. Si Nan Gongfan naman ay napagtagumpayang makasali sa dalawampu, nasa ikalabing-pitong puwesto naman siya.
Silang tatlo ay pare-parehong natanggap.
Tuwang-tuwa si Lord Guanjun at ipinagmamalaki niya sila. Ang mga kabataang naroroon ay lahat dinala ng mga elders at kakaunti lamang ang naihatid ang kanilang mga bata papasok.
"Lord Guanjun, ang tatlong disipulo ay napakagaling," tumawa si Lord Cangtie.
Naririnig ni Lord Guanjun ang mapaglarong tono sa mga salita niya. Kahit na napagtagumpayan ng kanyang tatlong disipulo na makapasok sa clan, ang kanilang mga talento ay hindi ganoon kataas, kung kaya hindi sila makakaalis sa pinakamababang uri ng Clan.
Sa kabilang banda, ang babaeng anak naman ni Lord Cangtie ay may Upper Spiritual Body kung kaya sa unang pagsusulit pa lamang ay nakuha na agad siya.
Hindi nagtagal, inanunsyo na ang kanilang mga pangalan. Kumuha ang Broken Moon Clan ng dalawampu't dalawang disipulo, kasama na ang mga talentado na gaya ni Sun Yuanhao na may Changeable Body at agad na kinuhang disipulo ng isang Elder.
Bukod pa roon, sina Liu Yue'er, Xiao Sun, at Yun Mengxiang ay may top tier na talento rin.
**********************************
Sa mismong araw rin na iyon, dalawampu't isang disipulo ang nagtungo sa Outer Class Division upang magparehistro. Si Deacon Qiu ang naging tagapangasiwa ng Outer Class Division at siya rin ang nagsabi sa kanila ng tungkol sa mga patakaran.
Ang grupo ng mga kabataan ay punong-puno ng pag-asa habang papunta sila sa Outer Class Division.
"Diyos miyo, ang bulwagang iyan…," isa sa mga kabataan ang bumulalas at saka tumuro sa isang kulay asul na palasyo sa kalangitan.
Ang kulay asul na palasyo ay lumulutang sa hangin at sa palibot nito may mga gumuguhit na kidlat sa langit na tila ba nagbibigay ito ng makalumang pakiramdam.
Ang mga puso ng kabataan ay nanginig nang makita ang senaryong ito, para itong isang pantasya. Sa katotohanan, nakita na ni Zhao Feng ang palasyong ito mula sa labas ng Clan, pero nang malapitan, nakita niya lalo ang mga detalye nito.
"Isa itong makalumang gusali ng Broken Moon Clan na tinatawag na Floating Crest Palace at isa ito sa mga pinagbabawal na teritoryo ng Clan. Ang kahit sino na pumasok rito nang walang paalam ay mapapatay," malamig ang boses ni Deacon Qiu habang sinasabi ito sa kanila.
Pinigilan ng mga kabataan ang kanilang kuryosidad dahil sa pakiramdam na napakamisteryos ng Floating Crest Palace na ito.
Nakaramdam ng isang napakaluma at antigong aura si Zhao Feng habang sinusuri ng kanyang kaliwang mata ang Floating Crest Palace.
Habang nasa daan, ang tanawing nakikita nila ay nakapagpahanga sa lahat ng kabataan, dahilan upang manatiling dilat ang kanilang mata sa ganda nito.
Inayos na ni Deacon Qiu ang tutulugan ng dalawampu't isang kabataan, samantalang sina Zhao Feng at ang dalawa niyang kasama ay nagpaalam na kay Lord Guanjun.
Maiging tinignan ni Lord Guanjun si Zhao Feng bago umalis. Habang papalayo namang ang anyo ni Lord Guanjun sa kanya, nanatili ang larawang ito sa puso ni Zhao Feng.
"Hindi ko lamang tutupatin ang kahilingan ng Master, kundi gusto ko ring maitanghal bilang isa sa pinakamagaling sa henerasyon ngayon," nagngitngit ang dalawang kamo ni Zhao Feng at nag-init ang kanyang dugo.
Ang mundo ng mga Clans ay higit na nakapagpaligalig sa kanya.
Ayon sa patakaran ng Broken Moon Clan, ang mga bagong disipulo ay mabibigyan muna ng ilang araw upang maging pamilyar sa Clan bago mabigyan ng gawain. Kailangan nilang bayaran ang Clan para sa pagtrato nito sa kanila at para sa mga resources na binibigay nila sa pamamagitan ng pakumpleto ng mga gawain, ang ilan ay madali, ang iba ay mahirap.
Ilan sa mga hindi magandang gawain ay ang pagmimina at pagbubuhat ng mga sako, at ang mga panganib naman ay ang pagpatay ng mga halimaw at paggalugad sa mga maliblib at antigong lugar.
"Pagkatapos ng tatlong araw, magbibigay na ng mga gawain ang Clan, ganoon pa man, natatakot ako na baka makialam si Quan Chen at pahirapan tayo." Nag-aalala ang mga mukha nila Yang Qingshan at Nan Gongfan samantalang kalmado lamang si Zhao Feng.
Ang mga bagong outer disciples ay naatasang tumira muna sa mga kahoy na silid sa loob ng tatlong araw, pero ilang oras pa lamang ang nakalilipas, binisita na agad sila ng mga luma at matagal ng mga disipulo.
Mula sa labas, maririnig ang tunog na tila may naglalaban pero agad rin itong nawala.
Lumabas si Zhao Feng mula sa kanyang kwarto at natagpuan niya ang dalawang bagong disipulo na nasa lapag at pilit na humihinga.
"Mga bagong sutil, binibigyan ko kayo ng pagmumukha sa pamamagitan ng paglalaba niyo ng aking mga damit at pagkuha ng tubig ko," isang lalaking may peklat ang nagsabi habang nakatingin sa kanila nang malamig.
"Iyan si Chen Feng, ikadalawampu't walo siya sa mga outer disciples. Hindi ako makapaniwala na may interes pala siyang apihin ang mga bagong disipulo." Iilan sa mga lumang disipulo ang usap-usapan ito.
Ikadalawanmpu't walo si Chen Feng at naabot niya na rin ang peak ninth rank. Tantsa ni Zhao Feng, mas malakas lamang ito ng kaunti kay Ye Linyun. Kahit si Xiao Sun na may pinakamataas na cultivation mula sa kanila ay hindi sumubok na hamunin siya.
Sa ilalim ng kapangyarihan ni Chen Feng, iilan sa mga outer disciples ang nilabhan ang kanyang damit nang napipilitan.
"Zhe zhe, balita ko may dalawang magandang babae ngayon ah, at isa pa sa kanila ay isang prinsesa." Dinilaan ni Chen Feng ang kanyang labi at dahan-dahang naglakad patungo sa tinutuluyan ni Yun Mengxiang.
Creeeek!
Binuksan ni Yun Mengxiang ang kanyang pinto sabay wika nang malamig, "Subukan mong hawakan ako."
Ngumiti si Chen Feng at hindi na sinubukan pang bastusin si Yun Mengxiang. Bilang isang prinsesa ng Cloud Country, ang mga nakatataas ng bansa ay may magandang relasyon sa Clan. Bukod pa roon, malapit rin si Xiao Sun sa Clan sapagkat mula siya sa pinakamalaking pamilya sa seklusyon.
Kahit ang isang taong tulad ni Liu Yue'er ay tinatrato nang maayos dahil sa kanyang Upper Spiritual Body. Ang mga may napakataas na talento ay mataas rin ang tsansa na magkaroon ng magandang kinabukasan, kaya hindi na nangahas pa si Chen Feng na maging masyadong arogante.
"Ang Chen Feng na ito ay isang bastardong takot sa mga malalakas at inaapi ang mga mahina." Itinago ng mga bagong disipulo ang kanilang pagkamuhi sa loob ng kanilang mga puso.
Hindi sinubukang hamunin ni Chen Feng sina Xiao Sun, Yun Mengxiang, at Liu Yue'er pero higit siyang arogante sa lahat ng iba.
Tinignan ni Zhao Feng ang pangyayaring ito, pero hindi niya sinubukang makialam.
Maligalig ang lahat ng kabataan nang gabing iyon at hindi sila makatulog, kung kaya si Zhao Feng ay nagsanay na lamang ng kanyang Silver Wall Technique at Returning Breath Technique, habang sinusubukang kumuha ng kabatiran mula sa Four Wind Stances.
Naperpekto niya na ang unang dalawang stances at tatlong-kapat na siya sa ikatlo, ang Partial Wind Stance.
Sinubukan rin ni Zhao Feng na gamitin ang ikaapat na stance, ang Burning Wind Stance, per ang kapangyarihan nito ay higit na napakalakas na kahit si Zhao Feng ay natatakot na tignan ito.
Ang layunin ng Partial Wind Stance ay maabot ang rurok ng kataliman at isa itong single target offensive skill, samantalang ang Burning Wind Stance naman ay lumalayon nang kabuuang pagkasira, pagkasunog sa lahat ng dinaraanan nito.
Sa ikalawang umaga, bumangon na si Zhao Feng mula sa pagkakahiga at lumabas sa pinto nang naghihikab.
"Hoy bata! Labhan mo ang medyasko!" Isang dominante at aroganteng boses ang umalingawngaw.
Nakita ni Zhao Feng na ang may-ari ng boses ay si Chen Feng na nasa ikadalawampu't walong puwesto ng mga outer disciples.
Malamig at arogante ang boses ni Chen Feng. Tinapunan niya ng mabahong medyas si Zhao Feng saka tumalikod at umalis na para bang alam niyang susundin ni Zhao Feng ang iniuutos niya.
Sa totoo lang, alam ni Chen Feng ang lahat tungkol sa kanila. Halimbawa na lang, normal lamang ang talento ni Zhao Feng at hindi mataas ang kanyang cultivation, kung kaya walang katakot-takot si Chen Feng na ipagawa ito.
"Iniisip ba ng lalaking ito na gagawin ko talaga 'to?" Nagdilim ang paningin ni Zhao Feng habang iwinasiwas ang kanyang kamay at isang nakakasindak na hangin ang sumira sa mabahong medyas ni Chen Feng.
Ang pangyayaring ito ay lubos na nakapagpabago sa mga mukha nila Yang Qingshan at Nan Gongfan na kagigising lamang.