Nagsimulang pagpawisan ang mga ibang disciples dahil sa aksyong ginawa ni Zhao Feng. Itinapon ni Chen Feng ang kanyang mga medyas sa harap ni Zhao Feng at mabilis na umalis, kaya't hindi nya ito nahuli sa aksiyon.
Sina Nan Gongfan at Yang Quingshan ay bumuntong-hininga.
Umalis si Zhao Feng at pumunta patungo sa lugar kung saan nakatira ang mga diciples at naglibot pa sa ibat't ibang lugar upang mapamilyar ang kanyang sarili sa mga lugar na ito.
Lumipas ang ilang mga araw, ang Clan ay muling nagbigay ng panibagong gawain sa mga disciples. Di kalaunan, si Zhao Feng ay nagpunta kung nasaan ang silid-aklatan. Ang silid-aklatan na ito ay bukas para sa kahit sinong outer disciples at si Zhao Feng naman ay labis na nagulat dahil sa mga nakita nyang skills sa loob .
"Ang martial arts sa labas ng silid-aklatan ay mayroong half-holy martial arts at Holy martial arts kung saan maaari itong makita ng bawat disciple."
Si Zhao Feng ay nakaramdam ng labis na pagkamangha rito. Sa labas, ang Half-Holy martial arts ay itinuturing natatangi at ang Holy martial arts naman ay tinuturing lamang na alamat.
Ngunit ang Holy martial arts ay itinuturing rin bilang isang 'Mortal' martial arts.
Mortal, Spiritual, Earth at Sky. Ganito ang pagkakasunod-sunod ng Holy martial arts. Bawat tier ay nahahati sa apat na ranks: low, middle, high at peak.
Kahit papaano si Zhao Feng ay may kaalaman tungkol dito. Ang kanyang Silver Wall technique ay nabibilang sa Low Class Mortal Holy martial arts, at isa ito sa mga pinakamahuhusay bukod pa sa ibang low class.
Sinuring mabuti ni Zhao Feng ang mga libro sa silid-aklatan at natuklasan niya na ang karamihan ay hindi kasing galing ng kanyang Silver Wall Technique.
Malinaw niyang naalala ang minsang sinabi ni Lord Guanjun na kapag ang isa ay naging inner disciple, sila ay mas huhusay pa sa martial arts, kaya't hindi niya muna dapat pag-aralan ang ilang mga lower class skills sa ngayon.
Agad na natapos ni Zhao Feng ang pagsusuri sa mga Mortal Class martial arts, ngunit hindi sya interesado sa lahat ng ito dahil hindi ito ang kanyang hangarin.
Sinubukan naman hanapin ni Zhao Feng ang mga librong tungkol sa Clans upang madagdagan ang kanyang kaalaman. Isa sa mga libro ang nagpapakilala sa kasaysayan ng mga Clan, ngunit hindi interesado si Zhao Feng dito. Ngunit may isang parte ng libro ang nagpapaliwanag ng realms noong Ancient Era.
"Ang landas ng cultivation ay nahahati sa Walong Tanyag na Realms: Consolidated Realm, Ascended Realm, True Spirit Realm, Origin Core Realm, Void God Realm, Mystic Light Realm at Heavenly Divine Realm." Nang mabasa ito ni Zhao Feng, tila ba tumigil sandali ang pagtibok ng kanyang puso.
Ito ang kaunaunahang pagkakataon na narinig niya ang tungkol sa realms matapos ang True Spirit Realm. Ngunit ayon sa libro, walang ano man ang mas tataas pa sa True Spirit Realm mula sa Azure Flower Continent, kaya't wala ng gaanong impormasyon patungkol sa Origin Core Realm at sa mas mataas pa.
At sa iisang panahon, sinasabi parin nito na ang Heavenly Divine Realm ay hindi pa rin napapatunayang totoo.
Matapos mabasa ni Zhao Feng ang mga iba pang libro, mas lumawak pa ang kanyang kaalaman tungkol sa Azure Flower Continent kumpara noon.
*************************
Matapos umupo ng halos kalahating araw sa silid-aklatan, si Zhao Feng ay umuwi pabalik sa kanyang tirahan. At sa pag pasok nya sa kanyang kwarto, sya ay nakarinig ng pagdaing ng sakit galing sa kabilang pinto.
"Brother Yang! Brother Nan!" Biglang nag iba ang expression ng muka ni Zhao Feng habang papalabas sa kanyang kwarto at nakita niya sina Nan Gongfan at Yang Quingshan at may mga itim na mukha sa kasunod na pinto. "Ano ang nangyari?"
Nandilim ang paningin ni Zhao Feng matapos makita ang kalagayan ng kanyang dalawang kapatid, halos bumigay ang kanyang puso.
"Kagagawan ito nang bastardong si Chen Feng! Pumarito siya upang hanapin ka, ngunit hindi sapat ang kakayahan namin ni Brother Yang para talunin siya," ang sabi ni Nan Gongfan habang nagtitiim sa sakit ang kanyang panga.
Kalokohan! Matapos malaman ang nagyari, ang kanyang puso ay nagaalab sa galit.
.
Samakatuwid, siya ang dahilan kung bakit ito nangyari kina Nan Gongfan at Yang Qingshan
Sa loob ng dalawang oras ay bumalik si Chen Feng matapos hindi niya mahanap si Zhao Feng. Imbes na tapusin ang kanyang 'trabaho', sinira ni Zhao Feng ang kanyang socks na naging dahilan upang hindi makasama si Chen Feng sa paglusob. At dahil wala sa oras na iyon si Zhao Feng, naibunton niya ang kanyang galit kina Nan Gongfan at Yang Qingshan
Kahit na nagsanib pa ang dalawa, hindi pa rin sapat ang kanilang kakayahan at tyansa na talunin si Chen Feng.
Inamin ni Zhao Feng na minaliit nya ang kakayahan ni Chao Feng. Sa pagkakampihan nina Yang Qingshan at Nan Gongfan ay kayang-kaya nilang pigilan ang ninth rank, ngunit sila'y agad na napatumba ni Chen Feng ng walang kahirap-hirap.. Nangangahulugan lamang ito na ang tunay na kakayahan ni Chen Feng ay mas higit na mataas kaysa kay Ye Linyun.
"Saan nagtungo si Chen Feng?" Nagmasid si Zhao Feng sa kanyang paligid at nagpasiya siyang ipaghiganti ang dalawa.
_Teng!_
He leapt onto the the roof and surveyed the area with his sharp eyes.
Siya ay lumukso patungo sa bubong at sinuri ang paligid gamit ang kaniyang mapanuring mga mata.
At sa mga oras na iyon, nakita ng mga mata ni Zhao Feng ang maliit na pavilion sa may kabundukan na may ilang kilometro ang layo. Sa loob ng pavilion na iyon ay may apat na nilalang
Si Zhao Feng ay labis na pamilyar sa dalawa na si Quan Chen at Chen Feng. Bukod sa mga ito, mayroon din na dalawang pang outer disciples.
"Mahusay, Chen Feng. Paalala lamang na huwag mong hayaan ang mga bata na iyon magkaroon ng pagkakataon na magsaya." Ito ang sinabi ni Quan Chen habang puno ng ngiti ang kaniyang mukha. Bilang isang inner disciple, si Chen Feng at ang iba pa ay labis na magalang sa kanya.
Hindi marinig ni Zhao Feng kung ano ang kanilang pinaguusapan, ngunit parang may ideya sya kung tungkol saan ito. Tulad na lamang ng paghihinala ni Lord Guanjun, si Zhao Feng at ang dalawa pa ay hindi magagawang apihin ni Hai Yun Master, ngunit ang mga mas mababa sa kanya ang aapi sa kanila .
_Mahusay! Napakahusay!_ Si Zhao Feng ay bumuntong hininga nang malalim na may bahid na galit sa kanyang mga mata
Sa ilalim nang kaniyang nag-aalab na galit, bumalik siya sa kanyang kwarto upang magsimulang i-ensayo ang kaniyang Four Wind Stances at Star Finger. Habang si Zhao Feng naman ay di magawang makapasok sa kanyang Silver Wall sa mga oras na iyon,sapagkat ang tanging paraan lamang na makakuha siya ng lakas ay sa pamamagitan lamang ng Star Finger at Four Wind Stances.
Dahil sa galit ng kanitang puso, nagawa niyang madagdagan ang kanyang kaalaman sa fourth stance, Burning Wind Stance, at upang maisagawa ito ng maayos, kinakailangan na may mag udyok sa kapinsalaan at dahil sa galit ni Zhao Feng nagawa nya itong plabasin.. Bukod pa dito, ang kanyang Star Finger ay lumagpas na sa seventh level kahit na hindi pa niya ito lubusang nagagamit ng husto
Sa parehong gabing iyon, si Chen Feng ay muling nagpakita
"Bagong bata, ang ating tunggali kanina ay hindi pa natatapos," at may isang boses na narinig sa labas ng pinto.
Sa kabilang pinto, parehas na nagulat sina Nan Gongfan at Yang Qingshen .
_Magaling!_Madiin na pagkakasabi ni Zhao Feng habang dahan-dahang siyang lumabas sa pinto.
At sa oras na ito, ang mga kalapit na baguhang disciples na sina Xiao Sun, Yun Mengxiang, Liu Yue'er at ang iba pa ay nagsilabas.
"Ang munting hangal na payaso."
Lumapit nang dahan-dahan si Zhao Feng patungo kay Chen Feng at palamig nang palamig ang mga titig nito. Ang layuning pagpatay at galit ay biglang lumitaw , napuno na kakaibang aura ang buong paligid. Ito ay nanggagaling sa Burning Wind Stance ni Zhao Feng na hindi niya pa lubusang kontrolado.
Tila huminto ng sandali ang puso ni Chen Feng, ngunit nakaramdam sya na parang may mali. Paanong ang isang tulad ni Zhao Feng na sa ika-walong rank lamang ng Consolidated Realm ang makapagbibigay sa kanya ng matinding takot?
"Mountain Opening Stance!" Itinaas ni Chen Feng ang kanyang kamay at gumamit ng isang Low Class Mortal Skill, na katumbas ng Holy martial art. Nang maitaas nya ang kanyang kamay, isang kakaibang aura ang tumambad sa harapan ni Chen Feng na naramdaman nya sa kanyang katawan na tila ba hinahati nito ang langit.
Star Finger! Tornado Stance!
Itinuro ni Zhao Feng ang kanyang daliri at lumabas ang azure light patungo sa hangin.
_Boooom!_ Gumalawgaw ang dalawa mula sa pagkakayanig.
After the first exchange, both Zhao Feng and Chen Feng moved back.
Matapos magpalitan ng unang atake, sina Zhao Feng at ChenChen Feng parehas na umurong.
Nagulat si Chen Feng, hindi siya makapaniwala na ang batang si Zhao Feng na nasa ika-walong rank ay makakayanang makikipagtunggali sa kanya.
Lahat ng mga discples ay labis ding nagulat.
One Line Star Finger!
Muling umatake nang mabilis si Zhao Feng at lumabas ang mas marami pang azure light na nagmistulang mga paputok sa kalangitan.
Ang kaniyang Star Finger ay umabot na sa ika-pitong rank, kung saan ito ang maaring pinakamataas na maaaring maabot ng Tornado Stance, ang bilis at pinsala nito ay umabot na sa panibagong kataasan.
_Tok! Tok! Tok! __
Isang pagsabog ang umalingasaw mula sa kanilang pagtutunggali. Kahit na ang kasing lakas ni Chen Feng, na umabot na sa ika-siyam na rank, ay umatras. At sa loob ng maikling oras, nagsilabasan ang mga maliliit na butas sa kanyang damit at siya ay nagkaroon ng mga kaunting galos.
"Mountain Opening Earth Splitting!" Bumulalas si Chen Feng at ginamit niya ang kanyang pinakamalakas na atake, na nagdulot nang pagyanig sa kalupaan. Ito ay nanggaling sa loob ng Clan, at ang materyal na bumubuo sa lupa ay lumalampas na sa metal. Kung ang atake ay ginamit sa labas, maaaring mawasak nito ang kalupaan.
Star Finger! Partial Wind Stance!
Isang manipis at matalas na layer ang lumitaw mula sa azure light
Partial Wind Slice, Ang 3rd ng 4 Wind Stances, na ang forte ay isang pagkakasala!
_Shoooooooook~_ __
Ang Inner Strength sa paligid ni Chen Feng ay tumagos at nag-iwan ng duguang marka sa kanyang dibdib. Kung ito'y mas lumalim pa nang isang pulgada, ito'y maaring tumagos sa kaniyang puso .
_Plop!_ __
Siya ay bumagsak sa lupa, namuti ang kaniyang mukha. Ang atake ni Zhao Feng ay tunay na napakalakas, kaunti na lamang at maaaring matapos na ang kanyang buhay.
_Sssssss!_
Ang lahat ng mga disciples ay huminga nang puno ng kaba...
"Hindi ako makapaniwala na ang kapangyarihan ng Partial Wind Stance ay napakalakas, matapos samahan ng Star Finger, at halos malampasan na nito ang Low Class Mortal skill." Maging si Zhao Feng ay nagulat. "Ang insights ng Partial Wind Stance ay puno ng kalupitan at katalasan na parang malamig na hangin tuwing panahon ng taglamig. Ito ang dahilan kung bakit umabot sa panibagong level ang Star Finger.
Kung ang third Stance ng Partial Wind Stance, ay sobrang lakas na, gaano pa kaya kalakas ang Fourth Stance ng Burning Wind Stance?
"P*ta!" Sinipa ni Zhao Feng si Chen Feng. Tumingin siya nang may pagkainis sa taong ito na nanghamak sa mga mahihina at naging talunan naman sa malakas.
"Oo, oo!" Labis ang pagkatakot ni Chen Feng nang siya ay mabilis na umatras sa atake
Matapos ang labanan, ang mga mas nakatatandang disciples sa malapit ay naging maingat kay Zhao Feng, samantalang ang mga baguhan lamang na mga disciples ay nagdiwang sa saya.
Parehas na lumingon sa isa't isa sina Xiao Sun at Yun Mengxiang na may bahid ng saya ang kanilang mga mata.
"Brother Zhao, maraming salamat, " Malugod na sinabi ni Yang Qingshan.
"Brother Zhao, ikaway mag-ingat. Narinig ko na ang mga dalawampung nangungunang outer disciples ay patuloy na inaabot ang half-step Ascended Realm," pagbabanta ni Nan Gongfan. Ang Half-Step Ascended Realm ay kahalintulad ng Holy martial realm kung saan matatagpuan ang First Guard
Tinanguan lamang ito ni Zhao Feng. Dahil sa mga pangyayaring ito, higit pa sa kaniyang mga potensyal ang igagawad. Hangga't hindi pa tuluyang naabot ng kanyang mga kalaban ang Ascended Realm, ay makakayanan niya pang lumaban.
Naging matahimik ang mga sumunod na dalawang araw, si Zhao Feng at ang iba pa ay hindi man lang nagambala at sa pagkakataon na ito, nagmadali si Zhao Feng sa pagsasanay upang maabot niya ang ika-pitong level ng kanyang Star Finger
At kasabay ng mga oras na iyon, ang kanyang Partial Wind Stance ay halos ganap niya nang natutunan.