Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 92 - Archery Skills

Chapter 92 - Archery Skills

Hindi nagtagal, ang mga pinakamagagaling na tagapagpana ay nalipon malapit kay Heneral Heng. Ilan sa kanila ay nasa ikalima at ikaanim na antas, samantalang ang iba ay lahat nasa ikapito at ikawalong antas. Ang pangkat ay puno ng mga taong hindi ganoon katandaan, na siya namang kinaiba ni Zhao Feng.

Bahagyang interesado si Zhao Feng habang nakatayo sa pangkat

"Ang kailangan mo lang gawin ay akitin ang Golden Beak Eagle King malapit sa lungsod…" Sinabi ni Heneral Heng ang kanyang plano.

Simple lang naman ang plano, guluhin at saktan ang Golden Beak Eagle King para makuha ang atensyon nito, at pagkatapos ay patayin ito ng pinagsamang lakas ng iilang mga nasa ikasiyam na antas.

"Baka maaaring…" Kita ang pag-aalangan sa mga tagapagpana na nasa ikapito at ikawalong antas.

"Ano!? Hindi niyo ba kayang gawin ang mga ganito kasimpleng bagay?" Malamig na sabi ni Heneral Heng.

Ang mga tagapagpana ay nagsimulang matakot at manginig.

"Heneral, ganito kasi iyon. Napakabilis ng Golden Beak Eagle King. Dagdag pa, sa tuwing kikilos ito, dinadala nito ang hangin. Kung kaya bago makalapit ang mga palaso rito, daglian itong napapatilapon palayo," isang hindi gaanong katandaan na tagapagpana ang nagsabi.

Isa siyang tagapagpana na nasa ikapitong antas kung kaya ang sinabi niya ay nakakuha ng pagtango mula sa karamihan. Napakatalas ng paningin ni Zhao Feng at napakalinaw rin nito, kung kaya alam niya ri

ng napakahirap ng planong sinasabi ng Heneral.

Una, napakabilis talaga ng Golden Beak Eagle King at sa tuwing gagalaw ito kasabay ng hangin, masisira lamang nito ang daang sinunsundan ng palaso. Ikalawa, ang depensa ng Golden Beak Eagle King ay napakalakas, na kaya nitong harapin ang atake ng isang nasa ikawalong antas at manatiling maayos.

Hindi lang iyon, ang mga tagapagpana ay nasa kalupaan lamang habang sinusubukan itong patumbahin, samantalang ang Eagle King ay nasa himpapawid.

Mayroon pang isang punto.

Ano ngayon kung masaktan nila ang Eagle King? Kailangan pa ring tuksuhin ng mga tagapagpana ito para mapunta sa ambush area.

Ang mga normal na cultivators na nasa ikapito at ikawalong antas ay dagliang mapupunit at magpira-piraso. Kung kaya lahat ng naroroon ay walang kumpiyansa kahit kaunti.

Sa pagkakataong ito, ang malabong anino ng Eagle King ay matatanaw na pababa na siyang muling pumatay ng maraming tao.

"Ahhhh…"

Shua!

Pagkatapos silang patayin, lumiko na patungo sa kabilang direksyon ang Eagle King.

"Bei Moi, tumingin ka!" Bulalas ni Ye Linyun at Yang Qingshan.

Ngayon naman, ang Golden Beak Eagle King ay sumusugod papunta kay Bei Moi. Si Bei Moi ay kasalukuyang nakikipaglaban sa isang peak tier na halimaw nang marinig niya ang bayo ng hangin sa likod niya.

"Spiritual Crane Flying Wind!"

Gumamit si Bei Moi ng isang malalim na uri ng speed skill at ang kanyang katawan ay naging tagak saka lumipad sa hangin. Isa itong uri ng Holy martial art!

Qiu~_

Pumalahaw ang Golden Beak Eagle King saka nagtama sila ni Bei Moi sa hangin.

Boom!

Ang atake ng Golden Beak Eagle King ay nasalag ni Bei Moi pero nagtamo siya ng ilang mga sugat. Matapos mabigo ang Golden Beak Eagle King na patayin siya, bigla itong naglaho at naghanap ng bagong mapapatay.

"Ang bastardong ito. Kung mamamatay si Bei Moi…" Pinunasan ni Ye Linyun ang namumuong malamig na pawis sa kanyang noo.

Sou– Sou– Sou—

Sa pagkakataong ito, ang mga pinakamagagaling na tagapagpana ay pinakawalan ang kanilang mga palaso patungo sa Golden Beak Eagle King.

Ding! Ding…

Iilan sa mga palaso ay nakaabot sa pakpak ng agila at tumama pero mataas ang depensa nito at tanging mga kislap lang ang nabuo at nabigo pa rin sila. Ang ekpresyon ng mga tagapagpana ay lahat malagim.

"Kung alam lamang natin kung ano ang kahinaan niya…" Umiling-iling ang mga tagapagpana.

Ding! Ding! Ding…

Muli, iilang mga palaso ulit ang tumama sa Golden Beak Eagle King, pero wala ni kahit isa ang nakasira sa napakatigas at parang metal na balahibo nito.

Muling pagkabigo!

Mapakla ang mukha ng mga tagapagpana.

Ginamit na ni Zhao Feng ang kanyang Golden Stairs Bow, pero ang sitwasyon ay hindi nagbago. Ang mga palaso ay nakalapit lamang sa agila pero naitapon palayo ng hangin ang mga ito dulot ng bilis ng agila.

Qiu—

Biglaang lumihis ng daan ang Golden Beak Eagle King at nagtungo pababa sa mga malapit na tagapagpana.

"Ahh…" Namutla ang mga tagapagpana habang sinusubukan na iwasan ang atake pero dalawa pa rin ang namatay mula dito.

Lightly Floating Ferry!

Ginamit muna ni Zhao Feng ang kanyang speed skill, saka inilabas ang Golden Stairs Bow at sa isang "pah", napatumba niya ang dalawang low tier na halimaw at napaatras ang isang high tier na kauri nito.

Kumpara sa ibang mga tagapagpana, napakakalmado ng mukha ni Zhao Feng.

Hmm?

Napansin rin ni Heneral Heng ang itsura ni Zhao Feng, at nagulat siya na kalmado pa rin ito sa ganitong klase ng sitwasyon.

"Kapatid na Zhao, espesyalisyon mo pala ang pamamana?" Napansin rin ni Ye Linyun si Zhao Feng.

"Oo, siguro kaya ko namang gawin," tumango si Zhao Feng at nagpakita sa harap ni Ye Linyun.

"Young master Zhao, sigurado po ba kayo?" Taimtim ang ekpresyon ni Heneral Heng.

Kung normal lamang na tagapagpana si Zhao Feng, hahayaan niya lamang ito na sumubok, pero si Zhao Feng ay isang disipulo ni Lord Guanjun, ang responsibilidad ay nakaatang sa kanya.

"Kung tutuksuhin lamang ito pababa, hindi naman ito isang problema." Habang sinasabi ito ni Zhao Feng, dahan-dahan niyang inilabas ang Golden Stairs Bow at napagdesisyunang patunayan ito sa pamamagitan ng kilos.

Hu~

Malamig ang hininga ni Zhao Feng ng isang mapusyaw na berdeng liwanag ang nakita sa kanyang kilay at ang kilos ng agila ay naging napakabagal at malinaw sa kanyang mga mata.

Shua!_

Sa loob ng enhanced vision mode niya, nakikita ni Zhao Feng ang pagbabago sa buto at daloy ng dugo ng agila. Nakatayo lamang siya nang pirmi at ipinokus ang tingin sa Eagle King, pero hindi niya pa pinapakawalan ang kanyang palaso.

"Hindi ito simple!"

Nagtinginan si Heneral Heng at Ye Linyun sa isa't isa. Nararamdaman nila ang matalas at nakakasirang aura na nagmumula kay Zhao Feng.

Qiu!

Isang bigla, napalingon ang Golden Beak Eagle King.

Sou! Sou! Sou—

Biglang pinakawalan ni Zhao Feng ang kanyang mga palaso. Nagmumukhang ang Eagle King ay patungo sa mga palaso at hindi palayo dito.

Sa wakas, ang tatlong ginintuang palaso at ang Eagle King ay nagkasalpukan na rin.

Oo! Nagkasalpukan!

Ang palaso at ang agila ay parehong papunta sa ibang direksyon pero sa wakas nagkasalpukan na rin sila.

Shuuuu~~~~~~

Sinira ng ginintuang palaso ang suson ng hangin at saka tumusok diretso sa mata ng agila. Ang senaryong ito ay nagdulot ng pagkatulala sa lahat ng iba pang mga tagapagpana.

"Paaano niya yun nagawa…?" Hindi makapaniwala ang ekpresyon ng isang nasa ikapitong antas, hindi niya matanggap ang katotohanang natamaan ni Zhao Feng nang walang mintis ang mata ng Eagle King.

Ding!

Ang ginintuang palaso ay muling nag-iwan ng kislap ng isang apoy nang masalag muli ng agila ang palaso.

Sa kinamalasan!

Hindi mapigilang bumuntong hininga ng mga tagapagpana. Naisara ng Golden Beak Eagle King ang mga mata nito sa huling segundo. Bilang isang peak tier na halimaw, ang reaksyon nito ay napakabilis, pero ni walang nakapansin sa ngiting namumuo sa labi ni Zhao Feng.

Shu- Shu- Shu—

Ang dalawang natitira pang palaso ay nakasunod talaga sa nauna at tinamaan nito ang talukap ng agila. Dahil nasira na ng unang palaso ang suson ng hangin, madali na lamang ang daan ng dalawang palaso.

Ding!

Lumabas ang dugo mula sa mata ng agila.

Tok!

Tumusok na ang ikatlong palaso sa mismong mata ng agila.

Ang dalawang palaso ay tanging daan lamang para sa ikatlo. Ang ikatlong palaso talaga ang pamatay na atake!

Ooooooooo~~~~~~~

Isang matinis na tili ang maririnig mula sa kalangitan habang nakatingin ang Golden Beak Eagle king kay Zhao Feng nang may namumulang mga mata.

"Maghanda na kayo para tambangan ito!"

Kaagad na ginamit ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry niya saka nagpunta sa ambush zone. Sa pagkakataong iyon, nakaalma na rin si Heneral Heng at Ye Linyun mula sa kanilang mga gulat.

Ambush!

Maghanda na ang lahat!

Si Heneral Heng, Ye Linyun, at ilang mga peak eight ranks ang naghintay.

Qiu!

Galit na galit na sumugod ang Eagle King patungo kay Zhao Feng. Nakaramdam si Zhao Feng ng panlalamig at alam niyang sa ngayon ang nakakulong siya sa tingin ng Golden Beak Eagle King.

Smoking Transparent Step!

Biglang nawala ang kanyang anyo at humalo sa karamihan sa lungsod nang walang bakas.

Nawala na rin sa paningin ng Eagle King ang anyo ni Zhao Feng, pero alam nito ang kinaroroonan niya. Sa ngayon, si Heneral Heng at Ye Linyun muna ang umatake.

Heavenly Destruction!

Dazzling Slice!

Nagliliyab sa kapangyarihan ang dalawang peak ninth ranks.

Craaaaaak——_

Ang galit at hindi nagsususpetsa na Eagle King ay tinamaan ng dalawang nasa ikasiyam na antas.

Gumamit ng isang Holy martial art si Ye Linyun at ang kanyang palad ay biglang naging isang patalim na siyang humiwa sa depensa ng ibon at nag-iwan ng walong malalalim na sugat. Ang sword skill naman ni Heneral Heng ay isang kalahating Holy martial art na hinasa sa peak level kung kaya mas malakas pa ito sa naging atake ni Ye Linyun.

Shhhhhh~~~~~~~~

Ang ispada ng heneral ay punong-puno ng intensyong makapatay na halos pumutol sa ulo ng Golden Beak Eagle King.

Peng...peng…boom…bam!

Walang paghihintay, agad na ginamit ng mga nasa ikapito at ikawalong antas ang kanilang pinakamakapangyarihan na mga skills, na siyang halos pumatay sa ibon.

Qiu~~~~~~~

Ginamit ng Golden Beak Eagle King nang may higit na poot ang nalalabi niyang lakas upang sumugod at atakehin ang kabataang nakahawak ng isang ginintuang pana.