Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 93 - Muling Pagnanakaw ng Battle Points?

Chapter 93 - Muling Pagnanakaw ng Battle Points?

"Tumingin ka!"

"Kapatid na Zhao Feng!"

Mula sa mga pader ng lungsod, mga sigaw dahil sa takot ang namamayagpag.

Sa pagkakataong iyon, alam nilang malapit na sa kamatayan ang Golden Beak Eagle King at mamamatay na ito sa loob ng dalawang hininga, pero ganoon pa man, masugid ang Eagle King sa pagbibigay ng huling atake kay Zhao Feng.

Halatang ginalit talaga ni Zhao Feng ang Golden Beak Eagle King, kung kaya nais talaga siyang patayin ng agila.

"Hindi ito maganda!"

Ramdam na ramdan ni Zhao Feng ang panganib. Sa loob ng ganitong sitwasyon, sumisirit ang init mula sa kanyang kaliwang mata at pinapadaloy ito sa kanyang buong katawan, na siyang nagpapakalma sa kanya.

Hu~

Ang bilis ng Golden Beak Eagle King ay kagilagilalas, at nakarating na agad ito sa harap ni Zhao Feng sa isang kisapmata. Ang bilis na ito ay daig pa ang reaksyon ng mga Martial Martists, kung kaya kahit makita pa nila ito, hindi nila ito maiiwasan.

Plaaaa!

Ang anyo ni Zhao Feng ay agad-agad na napunit at isang malaking butas sa likod niya ang nabuo sa pader.

Nang isipin ng lahat na patay na si Zhao Feng-

Flowing Wind Stance! Smoking Transparent Step!

Isang anyo ng kabataan ang nakita nila sa ibabaw ng Golden Beak Eagle King.

Ano!?

Ang mga malapit na cultivators ay para bang nakakita ng multo.

"Napakalalim at napakasidhi ng kanyang speed skill!" Tuwa ang masisilayan sa mga mata ni Ye Linyun.

Noon rin, nakita niyang ginamit ni Zhao Feng ang Smoking Transparent Step at Flowing Wind Stance nang sabay at saka iniwasan ang atake ng Golden Beak Eagle King.

"Muntik niya na akong malinlang…" Bumilis ang tibok ng puso ni Heneral Heng. Ganoon rin, napagsama ni Zhao Feng nang perpekto ang Flowing Wind Stance at Smoking Transparent Step kaya naiwasan niya ang nakakatakot na atake ng Eagle King. Ang pagsasama ng dalawang atake ay maihahambing sa isang Holy martial art.

Muling naging malaki ang ambag ng kaliwang mata ni Zhao Feng pagdating sa analisis at mga kalkulasyon. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ni Zhao Feng na parang nagliliyab ang kanyang dugo at ang kanyang mental energy ay nasa pinakamataas na estado.

Sa loob ng dimensyon ng kanyang mata, ang berdeng sinag ng ilaw ay umabot na ng 2.6 metro.

Teka! Bakit pumunta siya sa ibabaw ng Golden Beak Eagle King?, ito ang nasa isip ng mga malalapit na cultivators.

Nakatakas na si Zhao Feng mula sa mga atake, pero ngayon, nakapatong siya sa ibabaw ng Golden Beak Eagle King.

Tornado Stance! Mysterious Wind Palm!

Isang malamig na liwanag ang dumaan sa mga mata ni Zhao Feng habang asul na ilaw naman ang nagpakita sa kanyang palad na siyang umikot nang pabilis nang pabilis bago ito lumipad patungo sa ulo ng Golden Beak Eagle King. Sa pagkakataong iyon, ang kanyang katawan ay parang isang ipo-ipo, galit at malakas.

Shuuuu…

Ang kanyang Mysterious Wind Palm ay tumama sa sugat ng Eagle King na tinamaan ni Heneral Heng.

Tok! Tok! Tok…

Ang orihinal na maliit na sugat ay ngayon lumaki nang lumaki.

Blaaam!

Nagpira-piraso na ngayon ang ulo ng Golden Beak Eagle King at ang malaking anyo nito ay nahulog sa kalupaan.

Teng!

Tumalon si Zhao Feng mula sa hangin at ang dugo ng Eagle King ay tumutulo pa rin mula sa kanyang palad.

Ang mga pangyayaring ito ay halatang nagsasabi ng estado kung sino ang nanalo sa pagitan ni Zhao Feng at ng Eagle King.

"Ang Golden Beak Eagle King ay napatay!"

"Sino iyang kabataan na pumatay sa Golden Beak Eagle King?"

Isang alon ng mga pag-uusap at tsismisan ang kumalat sa mga nanonood na cultivators. Biglang naging sentro ng atensyon si Zhao Feng.

"Kapatid na Zhao Feng, napakagaling mo talaga!" Pagpupuri ni Ye Linyun at ng Third Guard.

Nakaalma na rin si Heneral Heng mula sa kanyang pagkasorpresa. "Hahaha! Napakagaling! Nakagawa ka ng isang napakabuting trabaho sa pamamagitan ng pagpatay sa Golden Beak Eagle King, pero may mga paghihinala na ninanakaw mo ang mga battle points sa huling atake na ginawa mo."

Pagnanakaw ng mga battle points?

Pinag-isipan ito ni Zhao Feng at napagtanto niyang kumilos siya kanina nang wala sa huwisyo. Noong pagkakataong iyon, mas mabuti kung nakipagpalitan na lamang siya ng atake kaysa umiwas at tumakbo palayo. Pero sa mata ng mga tao, isang matapang na tao si Zhao Feng na hindi lamang tumakbo, kundi sinubukan pang kumuha ng mas maraming battle points.

Ano pa man ang sabihin, malaki pa rin ang ginampanan ni Zhao Feng para mapatay ang Golden Beak Eagle King sa pamamagitan ng kanyang archery skills, kung hindi dahil dito, hindi nila mapapababa ito at mapapapunta sa ambush area. Ganoon din, si Zhao Feng rin ang nakapatay sa Golden Beak Eagle King.

"Ang natitira pang mga ibon ay madali na lamang patayin sapagkat patay na ang Golden Beak Eagle King," ngumiti si Heneral Heng habang puno ng papuri ang tingin kay Zhao Feng.

Kung wala ang pamumuno ng Eagle King, ang lahat ng mga natitirang ibon sa kalangitan ay parang magkakahiwa-hiwalay na buhangin. Para naman sa mga halimaw sa kalupaan, tataas lamang ang bilang ng mga mamamatay na tao habang tumatagal.

Umupo si Zhao Feng nang magkasalubong ang paa habang nagpapahinga, ngunit iniisip ng iba tulad ni Ye Linyun na nasaktan siya sa nangyari. Pero natutunan ni Zhao Feng ang Returning Breath Technique, na nangangahulugang ang kanyang Inner Strength ay dalawang beses na mas makapal kaysa sa mga kaantas niya.

"Flowing Wind Stance…Tornado Stance…Mysterious Wind Palm…"

Ang larawan ng tatlong atake na iyon ay sumilay sa kanyang isip. Napagsama niya na ang Flowing Wind Stance sa kanyang mga speed skills samantalang natimpla niya nang maayos ang Tornado Stance sa offensive palm skill niya.

Hindi man niya nalalaman, pero ang pang-unawa ni Zhao Feng sa Tornado Stance ay umabot na ng pitumpung porsyento. Napakabuti nito na sa ilalim ng dalawang kabatiran na nakuha niya mula sa Flowing Wind Stance at Mysterious Wind Palm, naunawaan niya rin ang animnapung porsyento ng Mysterious Wind Palm, na nangagahulugang ang atakeng ginawa niya ay halos kaparehas ng babaeng nasa canyon.

Ang atakeng kagagawa niya lamang ay ang kombinasyon ng Tornado Stance at Mysterious Wind Palm.

"Ang sutil na ito ay madali na namang nakapatay!" Tinignan ni Feng Hanyue si Zhao Feng nang may gulat sa mga mata.

Sa huling misyon na kanilang ginawa, ninakaw rin ni Zhao Feng ang mga battle points sa pamamagitan ng pagpatay sa lider ng mga tulisan at ngayon mas nababaliw na siya, pinatay niya rin ang Golden Beak Eagle King sa harap ng mga nasa ikawalo at ikasiyam na antas.

Sa mata ng karamihan, ang gianwa ni Zhao Feng ay isang halimbawa ng pagnanakaw ng mga battle points na para dapat sa iba.

"Ang lalaking iyan ay nakapatay ng peak tier na halimaw," kumislot ang labi ni Bei Moi.

Mula sa simula ng laban hanggang ngayon, nilalabanan ni Bei Moi ang isang peak tier na halimaw at natambangan rin siya ng Golden Beak Eagle King. Sa lahat ng laban na iyon, hindi man lang niya napatay ang kanyang kalaban samantalang ang bagong disipulo na ito, si Zhao Feng, ay nagawa ito.

Pumatay! Pumatay!

Tumaas ang moral at ispiritu ng mga Guanjun troops habang pinapaatras ang kawan ng mga halimaw nang paulit-ulit.

Hu~_

Matapos damhin ang mga kabatiran niya, muling tumayo si Zhao Feng. Noon ring iyon, nakaabot na nang mas mataas na pang-unawa si Zhao Feng pagdating sa Tornado Stance at Mysterious Wind Palm.

Dagdag pa, ang kanyang cultivation ay umabot na sa huling yugto ng ikapitong antas.

Muling sinuri ni Zhao Feng ang kawan ng mga halimaw at nalaman niyang may mali. Mamaya-maya, nahanap niya na rin ang sagot.

"Ang atake ng mga halimaw ay halatang organisado, ang mga peak tier na halimaw ay pinamumunuan ang malaking bilang ng mga low tier na halimaw at iba pang mga ligaw at mababangis na hayop."

Nakita ni Zhao Feng kung ano ang mali. Kung nakikita niya ito, malamang ay nakikita rin ito ng mga nakatataas sa Guanjun Palace.

"Hindi kaya planado ang atakeng ito?" Naghihinala sila Ye Linyun, Heneral Heng at ang iba pa.

Sa labanan, inilabas ni Zhao Feng ang kanyang Goldern Stairs Bow at nagpakawala ng palaso, na siyang nagpatumba sa malaking bilang ng mga top tier na halimaw. Sa isang bigla, naging maganda ang tanawin. Maraming sinag ng matingkad na berdeng liwanag ang lumabas mula sa city hall at sa bawat guhit ng ilaw, may mga namamatay na kalaban.

Talagang nahubog nga ang Archer's God Left Eye ni Zhao Feng sa laban na ito.

"Ginoong Zhao, pwede ko ho ba kayong maging master?" Halata ang ligalig sa mga nakababatang tagapagpana nang tanungin ito.

Hindi alam ni Zhao Feng kung ano ang dapat sabihin sa ganyan, at dahil nakikita niyang wala ng mga halimaw na natitira sa himpapawid, lumabas muna siya ng lungsod.

Star Finger! Mysterious Wind Palm!

Parang hangin si Zhao Feng kung umatake, na siyang pumatay sa mga halimaw nang walang tunog na maririnig.

Plop! Plop… !

Bawat atake niya ay nakahahanap ng kahinaan sa mga mababangis na halimaw na ito at iilang mga bangkay rin ang naiiwan niya saan man siya magpunta.

"Nakakatakot naman ang kabataang ito!"

"Napakagaling niya rin kahit sa malapitang laban!" Bulalas ng mga tagapagpana na pinapanood siya.

Kadalasan, kung ang forte ng isang tao ay pamamana, ang kanyang kakayahan sa malapitang laban ay hindi gaanon kabuti. Pero dahil isang halimaw si Zhao Feng, hindi lamang ang kanyang archery skills ang magaling, kundi pati na rin ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban nang malapitan!

"Ang potensyal ni Zhao Feng ay hindi hihina sa kung ano ang mayroon si Bei Moi. Pero sa kasamaang palad, isa lamang siyang outer disciple ng Master kung kaya hindi niya makukuha ang lahat ng core skills," bumuntong hininga si Ye Linyun at umiling.

Pagkatapos pumatay sa mahabang oras, nakaramdam si Zhao Feng ng isang pamilyar na malamig na aura.

Shua!

Binuksan niya ang kanyang kaliwang mata at natagpuan sa ilang dosenang kilometro ang nakatalukbong na anyo habang nakaupo sa likod ng isang itim na ibon. Sa ilalim ng talukbong na iyon, isang pares ng malalamig na asul na mata ang makikita.

Siya iyon!

Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng, ang anyong iyon ang huli niyang nakita noong araw na nasa loob siya ng Sky Cloud Forest.

Raaaaaar~~~~~~~~~~~~~~_

Nang oras na iyon, isang nakakatakot na pag-ungol ang maririnig. Ang aura ng may-ari niyo ay ilang beses pa na mas malakas kaysa sa Golden Beak Eagle King. Iisang ungol lang at ilang daang libo ng mga halimaw ang nanginig sa takot. Sa pagkakataong iyon, lahat ng mga peak tier na halimaw ay tumulala muna sa paghanga at takot na nararamdaman nila. Kahit ang mga tao ay nakaramdam rin na bumilis ang tibok ng kanilang mga puso.

Peh! Peh! Peh…_

Anong nangyayari? Naramdaman rin ni Zhao Feng na nanginginig ang kanyang mga dugo at kalamnan habang nararamdaman niya pa ang pulso sa kanyang kaliwang mata.

"Ano ang aura na ito na siyang lumalagpas pa sa mga peak tied na halimar?" Bahagyang nanginginig ang boses nila Ye Linyun, Third Guard at Heneral Heng.

Isang nakakatakot at nakasisindak na aura ang lumamon sa buong lungsod na siyang nagpayuko sa daan-daan at libo-libong mga halimaw na tila ba nakikita nila ang kanilang hari.