Qiu~~~~~
Ang tumatagos na sigaw na iyon ay bumanda sa buong Guanjun Province City.
Plop! Plop...
Silang mga hindi cultivators ay madaling hinimatay. Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang enhanced vision at nakita niya ang malaking golden bird sa layo ng tatlong kilometro. Ang golden eagle ay katulad ng Metal Beak Eagle na nakita niya sa Sky Cloud Forest, ngunit lubhang mas maraming beses na mas malaki. Ang sukat pa lamang ng pakpak ay umaabot na sa sampung metro.
"Hindi maganda! Ayan ang sikat na Golden Beak Eagle King mula sa Sky Cloud Forest na siyang namumuno sa mga alapaap!" Ilan sa mga cultivators sa lungsod ay kilala ang golden bird.
Ang isang Golden Beak Eagle ay isang high tier na mabagsik na halimaw na kayang tapatan ang cultivators na nasa ninth rank.
Hu~
Humawi ang Golden Beak Eagle King patungo sa pader ng lungsod sa isang iglap.
"Ah…"
Biglaan, pitong taong cultivators ang nagutay-gutay. Ang pinakamalakas na cultivator ng pito na namatay ay nakaabot ng seventh rank at hindi man lamang niya nakita ang pagdating ng Golden Beak Eagle King.
Qiu! Qiu Qiu…
Sa oras na ito, isang ulap ng gintong liwanag ang nagmula sa malayo. Ang ulap ng gintong liwanag ay gawa sa libu-libong Golden Beak Eagles, bawat isa ay maikukumpara sa mga taong Martial Artists.
"Protektahan!"
"Nandito na ang kawan ng halimaw, dali at i-ulat ito sa Guanjun Palace!
Sumabog ang Guanjun Province City sa kaguluhan nang ang lahat ay nagsimula nang magsigawan at hiyawan.
_*************88_
Sky Guards Battalion...
Narinig ng lahat ng kabataan ang tagos-pusong sigaw, ngunit wala silang enhanced vision ni Zhao Feng at kung gayo'n, hindi nila nakita ang eksena sa layo ng tatlumpung kilometro.
"Mukhang mayroong high tier na mabagsik na halimaw malapit dito," parang may nararamdaman si Ye Linyun at sumilip sa direksyong iyon.
"Sa pagpapaiksi ng mahabang kuwento, simula ngayon, lahat kayo ay tutulong pumrotekta laban sa kawan ng halimaw at magkakaroon ng battle points na matatanggap para sa bilang nga mga halimaw na inyong mapapatay. Para sa mga regular na halimaw, bawat isang mapatay ninyo makakakuha kayo ng 1 point, samantalang ang isang high tier na mabagsik na halimaw ay mabibigyan kayo ng 20…," anunsyo ng Third Guard.
Pagtapos sabihin sa kanila kung ano ang gagawin, sina Third Guard at Ye Linyun ay pinangunahan palabas ang mga batang mandirigma.
Nang makarating ang grupo sa mga pader ng lungsod ay nagulat. Nakita nila ang kawan ng mabangis at mabagsik mga halimaw sa alapaap at sa lupa. Kahit ang mababagsik na mga halimaw pa lamang, ay mayroon ng ilang libo, at mayroon pang daan-daang libo ng mabangis na mga halimaw.
"Napakabilis! Nandito na agad ang mga halimaw," humingang malalim si Ye Linyun.
Isang magandang bagay na ang mga Martial Artists at ang mga kawal ay nakarating na rito at nagsimula nang pumatay ng ilan sa mga umaatakeng halimaw, ngunit ang problema ay ang Golden Beak Eagles na nasa alapaap. Sila ay katulad ng mga Metal Beak Eagles, ngunit mas malakas, na kahit ang mga normal na pana ay hindi kayang sumira ng kanilang depensa. Maaaring sabihin na ang Golden Beak Eagle ay ang isang evolved version ng Metal Beak Eagle.
Ding...Ding...Ding...
Isang pag-ulan ng pana ang tumama sa mga Golden Beak Eagles at naglabas ng tunog ng nagbabanggan na mga metal. Ngunit ang mga pana na itinira ng mga Martial Learners ay hindi kayang sumira sa depensa ng mga Golden Beak Eagles.
Sou!
Kinuha ni Zhao Feng ang kaniyang pana na Golden Stairs at pinana ang dalawang Golden Beak Eagles gamit ang isang pana.
Isang pana, dalawang agila!
Ang mga kalapit na mga mamamana ay bahagyang nagulat dahil ang mamamana ay labingapat na taong gulang na bata lamang.
"Kayong lahat, sumama kayo sa laban. Mga mamamana, kayo na ang bahala sa mga halimaw sa alapaap. Ang ibang cultivators sumunod kayo sa mga kawal at labanan ang mga halimaw sa labas," inutos ng heneral ng Guanjun Province City.
Ang mga kawal ay kayang talunin ang mga normal na mabangis na mga halimaw, ngunit tanging ang mga cultivators lamang ang kayang lumaban sa mga mababagsik na mga halimaw.
"Alis na!" Ang mga kabataan ng Sky Guards Battalion ay sumali sa laban at pinatibay ang mga depensa.
Ang kawan ng halimaw ay isang pagkakataon upang pag-initin ang potensyal ng isang habang makakuha ng battle points sa iisang oras. Ang mga disciples ni Lord Guanjun ay dali-daling sumabak patungo sa malapit na mga mababangis at mababagsik na mga halimaw.
Sila Nan Gongfan, Feng Hanyue, at si Zhao Yufei ay lahat umabot na sa seventh rank o mas mataas at madali lang nilang mapapatay ang sampu-sampung mababangis na halimaw sa isang tirahan, ngunit masiyadong marami ang naroon.
Sou- Sou- Sou-
Nagpatuloy pumana si Zhao Feng gamit ang kaniyang Golden Stairs Bow, at bawa pana ay tumatagos sa dalawa o tatlo pang mababagsik na halimaw. Dahil siguro masiyado na siyang maraming napatay, kaya naman ang mga mababangis na halimaw ay nagpuntahan lahat sa kaniya nang namumula ang mata.
"Mag-ingat ka!" Sigaw ng mga kalapit niyang mga mamamana.
"May utak din ang mga bastardong ito?" Bahagyang nagulat si Zhao Feng, ngunit hindi siya natakot sa kanila.
Star Finger!
Paulit-ulit na tinusok palabas ni Zhao Feng ang kaniyang daliri at naglabasan ang magandang berdeng liwanag, na mabilis sumira sa malaking bilang ng mga ibon. Ngunit nakuha rin nito ang atensyon ng mga mas malalakas na halimaw.
Qiu~
Biglaan, isang sigaw ang narinig at pagtingin sa taas, isang high tier na mabagsik na halimaw ang namuno ng isang grupo ng Golden Beak Eagles patungo kay Zhao Feng.
"Pigilan sila!" Nagbago ang ekspresyon ng mga kalapit na cultivators.
Ang high tier na mabagsik na halimaw ay nasa eighth rank at sa oras na sumugod ito sa loob ng lungsod, kaguluhan ang maidudulot nito.
Star Finger! Tornado Stance!
Matalim ang mga mata ni Zhao Feng habang nagpalabas siya ng isang tirik ng asul na liwanag na kumalat papunta sa malakawang atake.
Tock! Tock! Tock…
Biglaan, lima o anim na Golden Beak Eagles ang nalaglag sa sahig, patay. Ang mas nakakagulat pa ay ang bawat Golden Beak Eagle ay natusok tagos sa lalamunan.
Boom---
Nakipagsagupaan si Zhao Feng sa isang Golden Beak Eagle, at siya ay maayos na maayos samantalang ang Golden Beak Eagle ay natulak paatras.
"Napakalakas ng batang ito! Nasa seventh rank na agad sa batang edad!" Nagulat ang kalapit na mga cultivators.
Nakita ni Zhao Feng na ang kaharap niyang Golden Beak Eagle ay mas malakas pa sa Two Winged Sword Teeth Tiger at ito ay halos nasa ninth rank.
Hangga't maaari kailangan niyang magpabagsak ng kahit man lang dalawang ibon gamit ang isang pana sa bawat tira.
Roar~~~~~~
Sa labas ng tarangkahan, mayroon bang limang ibang high tier na mabagsik na mga halimaw, o mas magandang sabihin na peak tier na mga halimaw, na dumating. Ang mga halimaw na ito ay lahat maikukumpara sa ninth rank at sila ay pumapatay ng dose-dosenang mga tao sa bawat tira.
Nakita ni Zhao Feng ang mga halimaw na ito gamit ang kaniyang kaliwang mata at sinadya niyang iwasan sila dahil ang mga halimaw na ito ay mas malalakas sa Two Winged Sword Teeth Tiger.
"Trembling Ripple Kill!"
Isa sigaw ang naggaling sa isang bata dahil ang anyo ay nakatapat sa isang peak tier na mabagsik na halimaw.
Boooom~~~~~
Ang maliit na bata ay kinayang lumaban kasabay ng higanteng peak tier na mabagsik na halimaw. Ang kalapit na cultivators ay natulala.
Bei Moi!
Si Zhao Feng at ang iba ay nakita ang pamilyar na anyo tapatan ang mabagsik na mga halimaw na nasa ninth rank gamit lamang ang kaniyang peak eighth rank cultivation.
Masiyadong nakakasindak ang mga peak tier na mabagsik na halimaw, kaya nilang sirain ang lahat kung makapasok sila sa lungsod.
Teng! Teng! Teng…
Sila Ye Linyun, Third Guard, at ang kanilang kasamang ninth ranks ay lahat nagliparan palabas ng lungsod at kinita ang kani-kanilang mga kalaban. Ang kabuuan ng anim na ninth ranks ay ipinadala mula sa Guanjun Province City, parehas na bilang ng peak tier na mabagsik na mga halimaw, ngunit ang Golden Beak Eagle King ay walang kalaban dahil masiyado itong mabilis.
Bagama't ang cultivators ng ninth rank ay malakas, hindi pa rin nila kayang lumaban sa Golden Beak Eagle King sa himpapawid dahil ito ang kaharian ng huling binanggit.
"Ang bastardong ito!"
Ang mga mamamana ng lungsod ay nagkaroon ng saking ng ulo habang pinanonood nila ang Eagle King. Kung ito ay normal na halimaw lamang, kaya nilang pakawalan ang lahat ng kanilang mga pana sabay-sabay at patayin ito. Ngunit ang depensa ng Eagle ay masiyadong malakas. Gamit ang pangunguna ng Golden Beak Eagle King, daan-daan at libo-libo ng Golden Beak Eagles ay sumugod patungo sa pader ng lungsod.
"Ahhhh…" Bawat alon ng atake ay kayang kumuha ng buhay ng maraming sundalo.
"Sabihan ang lahat ng mamamana na tirahin ang mga bastardong iyon…" Sa taas ng pader ng Guanjun Province City ay may nakatayong hindi gaano katandang lalaki na nagbigay ng utos.
Ang taong ito ang heneral ng Guanjun Province City, na siya mismo nakaabot sa peak ninth rank at nakapatay na ng isang peak tier na mabagsik na halimaw kani-kanina lang, pinasisigla ang kanilang panig. Ngunit kahatap ang Golden Beak Eagle King, ang heneral ay walang magawa laban dito. Ang Golden Beak Eagle King ay mabilis, malakas, at lumalaban lamang sa ere.
"General Heng, kung hindi natin papatayin ang Golden Beak Eagle King, ang panig natin ay mahuhulog sa kaguluhan sa malao't madali," Nagsalita si Ye Linyun habang siya ay lumapag katabi ng heneral na nababalot ng dugo. Ngayon-ngayon lamang ay nagtagumpat siyang pumatay ng isang peak tier na mabagsik na halimaw, ngunit napinsala rin siya.
Qiu...
Nang bigla, naging malabo ang Golden Beak Eagle King at sumagpang sa isang taong cultivator na nasa ninth rank nang may bilis na tila kidlat.
"Mag-ingat ka!" Babala ng heneral at ni Ye Linyun. Ang tao ay lumalaban sa isa pang peak tier na mabagsik na halimaw sa oras na iyon at naisip niya 'patay' nang marinig niya ang babala.
Shua...tonk!
Ang matalim na mga kuko ng Golden Beak Eagle King ay tumusok tagos sa kalasag na Inner Strength ng mga ninth ranks.
"Ahhhhhhhh!" Sigaw ng lalaki, at siya ay nagutay-gutay ng dalawang mabagsik na halimaw.
Sa pagkakita sa eksena, lumamig ang puso ni Zhao Feng. Bastardo!
Parehas sina General Heng at Ye Linyun ay nagtiim ng kanilang mga ngipin.
"General Heng, kailangan nating patayin ang ibong ito ano man ang mangyari!"
Nanlamig ang mukha ni Ye Linyun. Masiyadong mahirap na magpalaki ng isang taong cultivator na nasa ninth rank. Isang maliit na lungsod pa lamang ay hindi na kayang magbigay buhay sa isa sa loob ng sampu-sampung taon.
"Kailangan nating palapitin ito sa malapit na lupa, at tambangan ito," maingat na sinabi ni General Heng.
"Paano natin papatayin ito kung halos lahat ng mamamana ay hindi man lang kayang sirain ang depensa nito?" Mapait at walang magawang tinanong ni Ye Linyun.
"Tipunin ang lahat ng pinakamagagaling na mamamana…" Ang pumapatay na boses ni General Heng ay bumanda sa loob ng ilang kilometro.