Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 71 - Paglusob sa Hideout

Chapter 71 - Paglusob sa Hideout

"Baliw ka ba? Pugad ito ng mga tulisan, takbo!"

Halos mabaliw na si Huang Qi, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at gusto niya nang isumpa ang buong pamilya ni Zhao Feng.

Itong labing-isang mababangis at nakamamatay na mga tulisan ay hindi nila kayang tapatan o talunin. Tatlo mula sa kanila ay nasa ikaanim na antas at napakahirap na kalabanin, bukod pa roon ang natitirang iba ay mga cultivators na nasa ikaapat o ikalimang antas.

"Kuya Feng, sobrang mapanganib nito… Hindi ka talaga nagbibiro, hindi ba?" Gulat din ang makikita sa mukha ni Zhao Yufei. Mula sa mga sagupaan nila sa mga tulisan, nauunawan na nila Yufei ang mga nakamamatay nilang pamamaraan.

"Takbo! Bumalik! Magagawa pa rin naman natin ngayon!" Tila nag-aalab ang puso ni Huang Qi. Kapag nahanap sila ng mga tulisan, makakatanggap sila ng karumaldumal na tadhana.

Sobrang putla na ng mukha ni Zhao Yufei at saka niya hinawakan ang kamay ni Zhao Feng. "Bakit mo tayo ditto dinala kung alam mong pugad ito ng mga tulisan?"

"Huwag kang maingay, may labing-isang tulisan dito, pero magkakahiwalay sila. Kailangan mo lang sundan ang plano ko at mapapatay natin silang lahat…" Kalmado ang tono ni Zhao Feng.

"Ayokong making sa'yo, tatakbo na ako…" Nanlalamig na sa takot ang puso ni Huang Qi.

Sa pagkakataong iyon, nakikita na nila ang mga gumagalaw na anino sa mga kahoy na silid sa pamamagitan ng mga butas sa bato.

"Kapatid kong si Shi! Ang ating iba pang mga kapatid ay hindi pa nakababalik mula sa pangangaso," isang tulisan na nasa ikaanim na antas ang nagsalita.

"Hindi na siguro sila makababalik pa kapag hindi sila nagpakita dito sa loob ng dalawang oras…" Sa loob ng kwarto dumating ang isang hindi gaanong katandaan na lalaki na may malalim na boses. "Magsipaghanda kayo! Ikinakatakot kong nasundan tayo ng ating mga kalaban hanggang ditto."

Rinig na rinig ng tatlong nagtatago sa mga bato ang kanilang mga boses.

"Hehe, mukhang wala ng daan pabalik, kung kaya kailangan mo nang makinig sa plano ko," bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

Nagngitngit ang ngipin ni Huang Qi; kinamumuhian niya na si Zhao Feng sapagkat pinlano niya ang lahat ng ito.

"Makikinig ako kay Kuya Feng." Kitang kita sa mga mata ni Zhao Yufei ang pagtitiwala.

T*** i*** naman!

Nalaglag ang puso ni Huang Qi sa pagpayag ni Zhao Yufei. Kung ang isang binibini na gaya niya ay hindi takot, lalo naman ang katulad niya?

"Kayong dalawa, labanan niyo at tapusin ang mga nasa ikaapat at ikalimang antas, pero huwag niyong lalabanan ang mga nasa ikaanim, lalong lalo na ang hindi katandaang lalaki na kanilang lider at nasa ikaanim na antas…" Sinabi ni Zhao Feng ang plano niya.

"Ano ang gagawin mo habang lumalaban kami?" Paghihinalang tanong ni Huang Qi.

"Nasa likod niyo lang ako… Sinusuportahan kayo!" Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

P***!

Muntikan nang mapalakas ang mura niya, habang sila ni Zhao Yufei ay pumapatay ng mga kalaban, ang lalaking ito, ang lider ng kanilang pangkat, ay magtatago sa likod nila?

Paano niya ito nagagawa! Hindi ako payag!

Anong mangyayari kapag tumakbo si Zhao Feng dahil alam niyang ang hirap nilang labanan?

"Kung ganoon, ayos na tayo sa ganito." Pagkatapos magsalita ni Zhao Feng, itinulak niya si Zhao Feng nang may tunog na pah.

Ah!

Napasigaw si Huang Qi at ang kanyang anyo ay nakita. Sa pagkakataong iyon, minura niya na ang lahat ng kanununuan ni Zhao Feng.

"Patayin sila!"

Wala siyang mapuntahan kung kaya sumugod na lang siya papunta sa mga tulisan na malapit sa kahoy na mga silid.

"Sinong nariyan?" Mamaya-maya nahanap silang dalawa ng mga tulisan.

"Lumapit kayo! Isang atake mula sa mga kalaban…" Maririnig ang mga tunong ng paglalaban.

Inatake ni Zhao Yufei at Huang Qi ang mga tulisan na nasa ikaapat at ikalimang antas. Ayon kay Zhao Feng, dapat nila itong patayin nang mabilisan lamang. Kapag nagtagal, darating na ang mga mas malalakas at siguradong papaslangin sila nito.

Sa loob ng panggigipit na nagaganap, ang kanilang mga battle power ay humigit pa sa kanilang karaniwang ipinapakita.

Ahh!

Sa pagkakataong nagtama ang dalawang panig, isang nasa ikaapat at isang nasa ikalimang antas ang namatay.

Sou—

Kasabay noon, tumayo si Zhao Feng sa ibabaw ng isang malaking bato at saka nagpakawala ng pana.

Plop!

Isang peak cultivator na nasa ikalimang anta sang bumagsak sa lupa. Ang nakakagulat pa ay inihinto nito ang atakeng dapat matatanggap ni Zhao Yufei sa kanyang likuran.

"Mga sutil, bakit niyo sinubukan kaming lusubin! Huwag na huwag niyong iisipin na sino man sa inyo ay makakaalis ngayon nang buhay!?"

Isang malaman na hindi gaanong katandaang lalaki ang lumabas mula sa kahoy na silid at dinala ang dalawa pang mga tauhan na nasa ikaanim na antas.

Kaagad na naramdaman ni Huang Qi at Zhao Yufei ang panganib na nagmumula sa kanila. Ang aura ng hindi gaanong katandaang lalaki ay malaks, halos kaya nitong tapatan ang top five Ten Sky Guards, o kaya naman ang top three.

Sou Sou Sou!

Tatlong pana ang biglang lumitaw sa hangin at diretsong nagtungo sa tatlong ikaanim na antas na mga tulisan.

Dang!

Ginamit ng kanilang lider ang kanyang patalim para harangin ang pana, pero ang dalawa pa niyang tauhan ay bahagyang nasugatan.

"Hindi na rin pala masamang gamitin ang Golden Stairs Bow. Pitumpu hanggang walumpung porsyento lamang ng aking lakas ang ginamit ko at wala pa akong kahit anong Inner Strength na nilagay," bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

Sa bawat pagkakataon na nagpapakawala siya ng pana, isang tulisan ang tumutumba. Kasabay noon, parehong si Zhao Yufei at Huang Qi ay nasa isang mahirap na labanan, pero sinusuportahan naman sila ni Zhao Feng mula sa likod, kung kaya't wala naman sila sa kaawa-awang estado.

"Kayo na ang bahala doon sa babae at lalaki, ako na doon sa pumapana…" Nakita agad ng lider ng mga tulisan kung sino ang pinakabanta sa kanilang lahat, ito ay si Zhao Feng.

Muling nagpakawala si Zhao Feng sa kanilang tatlo na nasa ikaanim na antas ng tatlong pana.

Dang! Dang! Dang!

Ang tatlong ito ay muling napigilan ang atake ni Zhao Feng, pero nagbigay ito ng oras para kay Zhao Yufei at Huang Qi na huminga.

Nang makalapit na ang lider sa kinapupuwestuhan ni Zhao Feng, mayroon pang apat hanggang limang tulisan ang natitira. Si Zhao Yufei at Huang Qi ay parehas na nasa malalang sitwasyon.

Water Wave Slash!

Ang ispada ng lider ng mga tulisan ay tila naging dagat dahil sa kapangyarihan nitong dumaloy na parang alon. Ang lebel ng kanyang ispada ay halos perpekto na rin, at ang kanyang skill ay halos nasa peak rank na.

"Open!"

Iwinagayway ni Zhao Feng ang kanyang Golden Hair Bow nang may dagdag na lakas mula sa kanyang Metal Wall Technique.

Dang~

Ang enerhiyang ito ay naitulak ang lider ng mga tulisan ng ilang yapak. Ang natural na hampas ng Goldern Stairs Bow ay hindi lamang naglalaman ng kapangyarihan ng Metal Wall Technique, kundi isang kakaibang aura na para bang kaisa nito ang kapaligiran.

"Hehe," bahagyang ngumiti si Zhao Feng, saka siya tumalon sa hangin at hinila ang lubid ng kanyang pana.

Sou!

Isang palaso ang dumiretso sa dibdib ng isang tulisan na malapit sa mga bahay na kahoy. Sa pagkakataong iyon, isang pana na naman ang nakatulong kay Zhao Yufei at Huang Qi para ilabas sila sa mapanganib na sitwasyon. Kahit napatay na ni Zhao Feng ang isa, may kakaharapin pa ring apat na tulisan sila Zhao Yufei at Huang Qi, dalawa pa rito ang nasa ikaanim na antas.

"Hm, ito na siguro ang tamang panahon."

Naisip ni Zhao Feng na hindi niya na matutulungan ang dalawa, kahit pa gustuhin niya, hindi siya hahayaan ng taong nasa harap niya.

"Star Finger!"

Bulalas ni Zhao Feng nang alisin niya ang hawak na pana't palaso upang labanan ang lider ng mga tulisan nang malapitan.

Ang lakas ng kanyang kalaban ay umabot na sa peak ng pagiging ikaanim na antas at mukhang walang hanggan ang itinatago niyang mga atake. Kahit ang mga normal na kalebel ng lider ay hindi kayang pigilan ang kanyang mga atake.

Napagtanto ni Zhao Feng na kapag ginamit niya ang Star Finger sa peak ng ikatlong lebel na ito, hindi pa rin siya aangat sa laban, pero halata namang siya pa rin ang mananalo. Ang ikalimang lebel ng kanyang Metal Wall Technique ay may rebound effect na kayang sumalag at ibalik sa kalaban ang kanilang mga atake.

Pero hindi tumakbo ang kalaban! Mula sa kanyang mga karanasan, alam niyang ang pagtakbo ay maihahalintulad sa pag-iimbita kay kamatayan. Isang diyos si Zhao Feng ng mga pana kung kaya ang pagtakbo mula rito ay isang kabaliwan. Bukod pa roon, mas mabilis si Zhao Feng sa kanya.

Napagdesisyunan niyang makipaglaban nang malapitan at maniwala sa kanyang mga kapwa tulisan na mapaslang na nila ang dalawa pang sutil para masuportahan siya sa kanyang kinatatayuan.

Parehong si Zhao Yufei at Huang Qi ay nahihirapang labanan ang dalawang nasa ikaanim na antas, isang nasa ikaapat, at isang nasa ikalima, pero sila naman ay mga henyo. Sa panahon ng panggigipit at panganib, nahahasa nila ang kanilang abilidad at nasasanay silang lumaban.

Ahh!

Hindi nagtagal, napatay ni Zhao Yufei ang tulisang nasa ikaapat na antas, na nagbigay sa kanila ng oras na makapagpahinga dahil tatlo na lamang ang kalaban nila. Pero ang kanilang mga mukha ay naging seryoso nang mapatingin sa direksyon nila Zhao Feng.

Kung sila ang nasa posisyon niya, ni hindi nila kayang makipagpalitan ng dalawampung atake.

One Line Star Finger!

Sa kasalukuyan, ang ginamit naman na atake ni Zhao Feng ay nasa huling yugto ng ikaapat na lebel.

Shua~

Isang malalim na hiwa ang natamo ng lider ng mga tulisan, pero ang ganitong simpleng pangyayari ay nagtulak pa sa kanya na makipaglaban na parang baliw, umatake siya nang buong pwersa, hindi iniisip ang mga sugat na natamo.

Inilalagay ng lider ang kanyang buhay sa atakeng ito at handa rin siyang mamatay kasama ang kalaban.

Ang determinasyong mayroons siya ay higit na nakakabagabag kung iba ang kalaban, pero dahil hindi pangkaraniwan si Zhao Feng; nanatili siyang kalmado habang binubuksan ang kanyang kaliwang mata.

Matapos ang sampung atake, bumigat at lalong sumakit ang mga natamong sugat ng lider at nakita na rin sa wakas ni Zhao Feng ang kanyang kahinaan.

Plop!

Natumba na ang tulisan at bago pa siya makabangon, isang finger attack sa kanyang dibdib ang tuluyang kumitil ng kanyang buhay.

"Ang mga bastardong ito ay may kakayahan pala talaga," nagpakawala ng hininga si Zhao Feng.

Natapos na rin ang laban nila Zhao Yufei at Huang Qi. Alam nilang hindi na sila tutulungan ni Zhao Feng kung kaya ginamit na nila ang kanilang pinakamalalakas na atake at pagkatapos ay napatay rin ang tatlong tulisan.

Sou!

Pinatay ni Zhao Feng ang isang tulisan na sumubok tumakas.

Hu~

Nahiga sa lupa si Huang Qi at Zhao Yufei sa pagod, pero ang sayang kanilang nararamdaman ay kitang kita sa kanilang mga mata.

Ang pamugaran ng mga tulisan ay nalinis na! Ang halos imposibleng misyon ay natapos.

Ang dalawa ay nakatingin kay Zhao Feng na punong-puno ng paghanga, dahil alam nilang ang plano ni Zhao Feng ay nakatulong sa kanila at mahalaga ang kanyang gampanin sa pagsuporta sa kanila.

Ganoon din, sa likod ng isang bato na nasa layong isang daang yarda, isang pilak na anyo ang nagtatago habang malamig ang hininga. "Ang mga sutil na ito ay talagang napatumba ang buong pamugaran! Anim mula sa labing-isang tulisan, kasama na ang isang peak na nasa ikaanim na antas na siyang pinatay ng batang si Zhao Feng…"