Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 72 - Lider ng mga Tulisan

Chapter 72 - Lider ng mga Tulisan

Pagkatapos ng matinding laban, nanatili muna ang tatlo sa pwestong iyon para magpahinga. Parehong may mga sugat si Zhao Yufei at Huang Qi, tanging si Zhao Feng lamang ang walang galos o kahit ano, na siyang nagpatanto sa dalawa na napakalayo pala ng kanilang kakayahan sa kanya.

Ang lalo pa nilang ikinagulat ay ang paggamit lamang ni Zhao Feng ng kapangyarihan na nasa maagang yugto ng ikaanim na antas para patayin ang lider ng mga tulisan at hindi ang peak nito. Makikita talaga na ang lakas ni Zhao Feng ay nasa antas na ng pagiging quasi-Martial Master!

Sinuri na nila ang lugar kung saan sila naglaban at saka hinati ang mga battle points. Kahit napatay ni Zhao Feng ang lider, hindi siya ang pinakapangunahing namumuno, kung kaya ang halaga niya ay limang battle points lamang. Anim ang lahat ng napatay ni Zhao Feng, kasama na ang dalawang nasa ikaapat na antas, dalawang nasa ikalimang antas, at isang nasa ikaanim na antas.

Kapag dinagdag ito sa nakaraan niyang battle points, mahigit pa sa dalawampu ang nalikom ni Zhao Feng. Ayon sa mga patakaran, ang sampung puntos ay maaaring ipagpalit para sa isang peak ranked martial art.

Kalahating oras ang lumipas…

"Umalis na tayo ngayon, hindi maganda kung magtatagal tayo dito," utos ni Zhao Feng bilang lider ng kanilang pangkat.

"Oo," pumayag naman agad si Zhao Yufei at Huang Qi, buong-buo talaga ang tiwala nila kay Zhao Feng.

Teng! Ceng! Ceng!

Binilisan nilang tatlo at agad na nakaalis sa canyon.

*************

Dalawang oras ang lumipas pagkatapos umalis ng tatlo…

Tatlong itim na anyo ang makikitang lumilipad sa madilim na kalangitan at saka yumapak sa harap ng dampang gawa sa kahoy.

"Pinuno, labing-isang katao, kasama si Shi Badao, ang namatay, kalahati sa kanila ang namatay sa pana." Ang boses ng isa sa mga itim na anino ay malamig at walang emosyon.

"Sino ang pangahas na gumawa nito sa aking Desolate Destruction Bandits!?" Itinaas ng isa sa mga anyo ang kanyang palad at isang napakalakas na hangin ang mararamdam paikot sa kanila hanggang ilang metro pa.

Kahit hindi sila mas mahina sa kakamatay lamang na lider, nakaramdam pa rin ang dalawang anyo ng higit na presyur.

Hong!

Isang kumpas lang ng malaking anyo, agad na natumba ang dampa sa kanilang harap. Sa pagkakataong iyon, ang aura ng malaking anyo ay kapantay ng mga high tier na halimaw.

"Lord Desolate!" Tumalon ang puso ng dalawa pang kasama niyang quasi-Martial Masters.

"Hanapin niyo kung sino ang pumatay, at gagawin ko ito sa kanila makasampung beses pa!" Galit at malamig ang boses na maririnig mula sa hangin.

**************************

Sa parehong pagkakataon…

Mga misteryosong kabataan na nahahati sa mga pangkat ang kumitil sa buhay ng mga tulisan. Bawat isa sa Sky Guards Battalion ay maroong napakataas na potensyal. Sa ganitong klaseng kapaligiran, mabilis silang natututo, pero hindi maiiwasang may mga namamatay.

Bukod pa sa Ten Sky Guards, pito o walong mga pilak na anyo ang nagsilabasan sa gabing iyon para kalkulahin ang mga battle points.

**************************

Kahit sa gabi, ang paningin ni Zhao Feng ay perpekto pa rin, ngunit ang katotohanang pagod na rin si Zhao Yufei at Huang Qi, ang nagtulak sa kanya upang huwag munang umatake. Nakahanap naman silang tatlo ng ligtas na lugar upang makapagpahinga malayo mula sa mga tulisan

Sa ikalawang araw…

Ang pangkat nila Zhao Feng ay nagsimula muling maghanap ng mga tulisan.

"Eh? Anong nangyayari dito? Bakit parang kakaunti na lamang ang mga tulisan?" Nakadiskubre ng problema si Zhao Feng.

Matagal na silang nagpaikot-ikot at sa halip na makahanap ng mga tulisan, nakasalubong lang nila ang iba pang mga pangkat.

Naisip naman ni Huang Qi, "Baka dahil sa Sky Guards Battalion, marami siguro silang napatay kagabi, kung kaya nagtatago ang kaaramihan sa ngayon."

Tumango si Zhao Feng at naisip na lohikal naman ang pagpapaliwanag na ito. Kung nagtago ang mga tulisan sa kabundukan, natural lamang na mahirap para sa kanya ang mahanap sila sa pamamagitan ng kanyang kaliwang mata.

"Kailangan nating magtungo sa kalaliman ng kagubatan." Pinangunahan ni Zhao Feng ang pangkat.

Madalas siyang tumatalon sa mga puno upang suriin ang kapaligiran.

Isang bigla, sampung milya ang layo, isang usok na kulay bahaghari ang nakakuha ng kanyang atensyon.

"Iyan ang emergency signal mula sa ibang pangkat!" Bulalas ni Zhao Yufei.

Iligtas sila!

Si Zhao Feng ang unang napatakbo sa direksyon iyon, biglang nagbago ang kanyang ekpresyon nang buksan niya ang kanyang kaliwang mata. Ang pangkat na nasa panganib ngayon ay sina Lu Xiaoyu. Ang walong kabataan ng Sky Guards Battalion ay napalilibutan ng grupo ng labing-limang tulisan.

May dalawang nakaitim na damit ang nasa quasi-Martial Master na ang antas at tatlong nasa ikatlo, ang natitira naman ay nasa pagitan lamang ng ikaapat at ikalimang antas.

Sa pagkakataong iyon, ang dalawang panig ay nagkasagupaan, pero hindi makalaban nang maayos ang mga kabataan. Sa kabutihang palad, may pangkat ng apat ang malapit kung kaya nabigyan sila ng pag-asa.

Sou— Sou— Sou—

Pero nang mismong iyon, tatlo o apat na mga tulisan ang pumana habang nagtatago sa kagubatan.

Ahh!

May ilang mga nasaktan mula sa mga miyembro ng Sky Guards Battalion.

Cloud Swaying Fist!

Sinubukang itulak palayo ni Lu Xiayu ang mga tulisan sa pamamagitan ng kanyang peak ranked martial art, na naisanay na niya nang buong pwersa. Pero hindi niya pa rin sila mapatay, sapagkat okupado siya ng isa sa mga quasi-Martial Masters.

"Mayroon pang tatlong paparating," sabi sa dalawang tulisan na nakaitim ng kanilang tagapana na nagtatago sa kakahuyan.

Ang tatlong paparating ay ang pangkat ni Zhao Feng.

Gamit ang kanyang kaliwang mata, inalisa ni Zhao Feng ang pinakamalapit na daan para matulungan sila. Nang humigit kumulang isang daang yarda na lamang ang layo niya, tumigil muna si Zhao Feng at inilabas ang kanyang pana.

Sou—– Sou— Sou—

Pinana ni Zhao Feng ang mga tulisang nagtatago sa kakahuyan, na siyang nagbigay ng munting pagkakataon para sa pangkat ni Lu Xiayu na huminga.

Pumatay!

Naglabang muli ang mga kabataan at ang mga tulisan. Dahil naririyan na sila Zhao Feng at ang isa pang pangkat, nakakaangat na ngayon sa laban ang Sky Guards Battalion. Lalong tumatapang nang tumatapang ang mga kabataan habang lumilipas ang oras.

"Isa kayong lupon ng mga sutil! Manatili kayo dyan!" Isang malalim at malamig na boses ang maririnig sa buong kagubatan.

Shua!

Isang malakas na presyur ang nagmumula sa kabilang panig ng kagubatan na siyang nagpabilis sa tibok ng puso ng mga kabataan. Ang nagmamay-ari ng boses na iyon ay lalaking nakatakip ang isang mata at nakasuot ng itim na balabal.

"Hindi ito maganda, isa siyang Martial Master!" Namutla ang mukha ni Lu Xiayu habang labis na kaba ang nararamdaman sa kanyang puso.

Ang papalapit na tao ay ang pinakapinuno ng mga tulisan.

"Mga sutil! Mamatay kayo…" Lumipad sa itaas ang lalaking may takip ang mata na siyang nakapagpatigil sa hininga ng mga kabataan.

Breaking Wind Palm!

Isang palm attack na kasinglakas ng kidlat ang diretsong nakatungo kay Lu Xiaoyu.

"Kayong lahat, salagin natin ito!" Bulalas ni Lu Xiaoyu nang makipagkampihan siya sa grupo nila Li Ziwen para mapigilan lamang ang atake.

Peng—

Ang pagsabog ay nagdulot ng malakas na bayo ng hangin na siyang tumulak sa lahat ng madaraanan nito, kasama na sina Li Ziwen at Lu Xiaoyu, na napaatras ng pito hanggang walong metro.

Wah!

Diretsong tinamaan sila Lu Xiaoyu at Li Ziwen ng atake kung kaya pareho silang nagbuga ng maraming dugo mula sa bibig. Ang dalawang ito ay nasa ikalima at ikapitong pwesto ng Ten Sky Guards, at ang kanilang lakas ay maikukumpara sa isang quasi-Martial Master. Pero kahit magsama pa silang dalawa, at sa tulong na rin ng iba pang nasa ikaanim na antas, hindi ito sapat upang pigilan ang atakeng ibinigay ng kakarating lamang na kalaban.

"Zhao Feng! Lu Chen! Tulungan niyo kami!" Sumigaw si Lu Chen ng tulong sa grupo nila Zhao Feng at sa lider ng isa pang pangkat.

Ang lahat ng pangkat ay may iisang kasama na mula sa Ten Sky Guards at sa pagkakataong iyon, kasama na si Zhao Feng at Lu Chen, mayroong lima mula sa sampu ang Sky Guards na naroroon.

Beng—

Hinatak ni Zhao Feng ang lubid ng kanyang pana mula sa malayo at inilagay ang kanyang Inner Strength ditto, ang kapangyarihan ng palasong ito ay mapanganib sa buhay ng mga quasi-Martial Masters.

Illusion Wind Blade!

Ang lider ng kabilang pangkat ay ginamit ang kanyang naperpektong high ranked martial art at umatake mula sa likod.

Cloud Shattering Fist!

Kaagad namang ginamit ni Lu Xiaoyu ang kanyang fist skill, samantalang ginamit naman ni Li Ziwen ang kanyang ispada.

Ang atake ng limang henyo na ito ay nakaabot sa lalaking nakatakip ang isang mata.

"Saan naman nanggaling ang mga henyong ito?" Bulalas ng lalaking nakatakip ang isang mata habang pinapadaloy ang nagwawala niyang Inner Strength.

Blang!

Biglang nagiba at nagpira-piraso ang palaso ni Zhao Feng.

Dong– Dong— Dong—

Muling nasalag ang lahat ng kanilang mga atake at tumilapon ang mga Sky Guards.

"Napakalakas!" Kahit si Zhao Feng ay nagulat rin.

Ang isang Martial Master ay kayang ilabas ang kanyang Inner Strength at makagawa ng mga long range attacks. Kung isa sa kanila ang kumalaban sa kanya nang nag-iisa, siguradong mamamatay sila sa loob lamang ng dalawang atake.

Sa pagkakataong iyon, parehas na may mga tinamong galos si Lu Xiaoyu at Li Ziwen. Ang Inner Strength ng mga Martial Masters na nasa ikapitong antas ay katumbas ng isang kidlat na kayang umupos sa mga nasa ikaapat at ikalimang antas pa lamang.

Tanging si Zhao Feng lamang ang kayang lumaban mula sa malayo gamit ang kanyang pana at sa paulit-ulit na paglipad ng kanyang palaso tungo sa mga maliliit na kahinaan ng kanilang kalaban. Ang buong pwersa ni Zhao Feng sa pagpapana ay nakapagbabanta talaga sa pinuno ng mga tulisan.

"Tarantado! Mukhang ikaw nga ang pumatay sa mga tauhan ko sa canyon…" Nabaling ang kanyang mga mata na may intensyong makapatay kay Zhao Feng.

"Ano naman kung ako 'yun?" Tumawa nang malamig si Zhao Feng.

"Mamatay ka na!"

Hindi pinansin ng tulisan ang atake ng mga kabataan sa kanya, basta patungo lamang siya nang diretso kay Zhao Feng. Napatalon sa takot si Zhao Feng at saka pinadaloy ang Lightly Floating Ferry para makatakas.

"Huwag kang tumakbo!" Palapit nang palapit ang tulisan kay Zhao Feng, mas mabilis naman talaga siya rito sapagkat isa siyang Martial Master.

"Shattering Mountain Palm…"

Ang palm attack ng Martial Master ay dumiretso kay Zhao Feng. Kung ibang cultivator na nasa parehas na antas ang nasa posisyon niya, ang Inner Strength ng tulisan na ito ay higit pa para mapatay sila, pero dahil kakaiba si Zhao Feng, hindi siya magagapi.

Mysterious Wind Palm!

Lumingon si Zhao Feng habang nasa hangin at sa kanyang isip, nakita niyang muli ang palm attack ng babaeng nasa canyon. Huminga muna siya nang malalim habang nabubuo ang asul na liwanag sa kanyang palad, at saka nagtama ang dalawang atake nang matindi.