Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 591 - Spiritual Zone Teleportation Array

Chapter 591 - Spiritual Zone Teleportation Array

"Gaano karaming heart blood essence ang kakailanganin ko kung ang pang-gitnang mungkahi ang pipiliin ko?"

Tanong ni Zhao Feng.

Nagsalita si Master Wei, "Kahit isang banyera para magkaroon ng epekto. Baka makaakit ka ng mga balyena kapag masyadong marami ang ginamit mo?"

"Isang banyera? Walang problema."

Sagot ni Zhao Feng.

Nagulat si Master Wei sa sinabi ni Zhao Feng. Parang bang hindi marami ang isang banyera ng blood essence sa mata ni Zhao Feng.

Matapos isipin ito, tumingin ng masama si Master Wei kay Zhao Feng.

"Kapatid na Zhao, hindi na kita sisingilin sa pagpapagawa ng barko kung mabibigyan mo ako ng isang banyera ng blood essence."

Natutuwang sabi ni Master Wei.

Biglang natawa si Zhao Feng. Hindi niya inasahang gusto rin ni Master Wei ng heart blood essence.

Nasa middle stage na ng Small Origin Core Realm si Master Wei. Malaki ang maitutulong sa kaniya ng heart blood easence.

"Sige."

Tumango si Zhao Feng at sumang-ayon. Kayang pumuno ng ilang dosenang basyon ang blood essence na nasa kaniyang gurd. Sobrang laki ng walang hanggang karagatan, at halos nasa Void God Realm na rin ang estado ng pag-iral nito.

Ngumiti si Master Wei nang pumayag si Zhao Feng. Matapos ay nagsimula na ring mag-usap ang dalawa tungkol sa mga kailangan ayusin at i-upgrade sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Zhao, may elementong tubig at kidlat ang barkong ito. Bukod pa roon ay malakas ang resistensya nito sa pagka-agnas. Lalo pa a maganda ito pang stealth…."

Pag-aanalisa ni Master Wei.

Sobrang natuwa si Zhao Feng sa istraktura ng Blue Lightning Sea Sky Ship.Sobrang perpekto ng elementong Water Lightning ng barko sa yelo at tubig niyang bloodline at sa Wind Lightning True Yuan.

"Iwan natin ang mga elementong tubig at kidlat para pagbasihan ng istraktura."

Sabi ni Master Wei bago niya sinimulang pag-usapan ang pag-upgrade ng barko.

"Hindi na kailangang lumaki pa ng barkong ito. Hindi ko rin kailangang lakasan ang opensa nito, pero kailangan nito ng mataas na bilis at malakas na depensa."

Sabi ni Zhao Feng sa isip niya. Pang-lakbay lamang talaga ang barkong ito, at para na rin magbigay ng kaunting espasyo para sa tahimik na cultivation.

"En, pwede nating mataasan ang bilis ng barko kung hindi natin ito lalakihan."

Tumango si Master Wei.

Sinimulan naman nilang pag-usapan ang mga materyales na gagamitin matapos kumpirmahin ang istraktura at ng daang kukuhanin nila

Ang pagpipiliang mga kagamitan ay nahahati sa tatlong tiers. Pinili ni Zhao Feng ang lahat na pinakamagaganda. Sobrang laki ng kinakailangang pera para mabayaran ang mga gagamiting pangkumpuni at pag-upgrade ng Blue Lightning Sea Sky Ship. Napa-buntong-hininga na lamang si Master Wei sa gulat.

Hindi ganoon karami ang nakikita niyang mga Sovereign na gumastos ng ganito kalaking pera, maliban sa mga taong galing sa two-star sects at sa mga disciples of Void God Realm. Pero ang batang kaharap niya ngayon ay nasa half-step Origin Core Realm pa lamang.

"Hindi siguro simple ang karanasan ng batang ito."

Naging mas taimtim si Master Wei.

Tinanong ni Master Wei ang karanasan at pinanggalingan ni Zhao Feng kay Xiao Ma matapos nilang lumabas sa hotel.

"Sobrang misteryoso ng karanasan ng panginoon ko. Kahit ang mga henyo ng Sacred Land ay pumupunta para kausapin siya."

Pageksahera ni Xiao Ma ng may pagmamataas.

Spiritual Sacred Lands?

Huminga ng malalim si Master Wei. Hindi niya sinubukang mamahinga habang ginagawa ang barko.

Mula sa loob ng hotel ay nagsimulang mag-cultivate si Zhao Feng. Sinimulan niyang sipsipin ang aura of the Ancient Dream Realm mula sa loob ng kaniyang katawan.

"Kayang pataasin ng Ancient Dream Realm aura ang lakas ng katawan ko at ang aking bloodline. May kahawid na aura ito sa Ten Thousand Ancient Races bloodline. Kung tuloy-tuloy kong aabosrbahin ito…"

Punong-puno ng ekspektasyon si Zhao Feng.

Lumakas na ng dalawa o tatlong beses ang kaniyang eye bloodline matapos niyang umalis sa Purple Saint Ruins. Magtatagal pa si Zhao Feng sa Dream Realm kahit pa nababawasan ng Ancient Dream Realm aura ang kaniyang katawan at ng kaniyang estado ng pag-iral.

"Tutulak ko sa hangganan ang aking eye bloodline sa paggamit ng heart blood essence at ng aura galing sa Ancient Dream Realm bago makaakyat sa Origin Core Realm."

May pinaplano si Zhao Feng. Dahil kaka-akyat niya pa lamang sa half-step Origin Core Realm, hindi makatotohanan para sa kaniya ang umabot ng Origin Core Realm ng sandali lang.

Kalahati na agad ng Blue Lightning Sea Sky Ship ang nabuo sa loob lamang ng kalahating buwan.

Matapos ang pagkumpuni, ay sumunod naman ang pag-upgrade.

Si Zhao Feng naman ay nangongolekta ng materyales para palakasin ang Ghost Corpse Cursed Array. Nag-benta na rin siya ng ilang mahahalagang kagamitan mula sa luma niyang bakal na singsing. Dahil dito ay unti-unting nabawasan ang gabundok na mahahalagang kagamitan.

Kinain ng pag-upgrade sa barko ang 30-40% ng pera, samantalang ang natirang 60-70% naman ay napunta sa Ghost Corpse Cursed Array. Kinumpuni ni Master Wei ng libre ang barko, pero kinailangan pa rin ng pera ang ilang mga upgrades nito.

Sa isang pikit lamang ay halos isang buwan na ang naitagal ni Zhao Feng sa Void Ocean Spiritual Palace.

Sa oras na iyon, napunta lahat ng hirap ng gulo kila Xiao Ma at kay Loulan Zhishui. Kinuha niya at ng Skeletal Division Leader ang oras na ito para lumakas. Pagkatapos lamang noon ay tsaka lang magagawa ng dalawang harapin ang mga mapangahas na mga bagay na parating sa kanila.

Wah!

Dumura ng dugo si Zhao Feng at sabay siyang namutla. Pero agad niyang sinara ang kaniyang mga mata at pina-ikot ang kaniyang half-step True Yuan para sipsipin ang aura na galing a Ancient Dream Realm.

Miao miao!

Lumitaw ang munting pusang magnanakaw sa kaniyang balikat at inabsorba ang tira-tirang aura.

Di! Da!

Sabay na naligo sa isang malaking bariles ng heart blood essence ang pares ng tao at pusa.

Halos isang buwan lamang ang lumipas sobrang laki ng pinagbago ng state of existence at bloodline ni Zhao Feng, at naging mas puro ito.

"Ang problema lamang ay mas humina na ang epekto ng heart blood essence."

Nag-buntong-hininga si Zhao Feng.

Maikukumpara na sa Great Core Realm ang state of existence at katawan ni Zhao Feng. Maari pa ngang mas malakas pa sila sa isang normal na Sovereign Lords ngayon.

Maliban pa doon ang mga benepisyo na nakuha niya mula sa pagpapalakas niya ng kaniyang bloodline

Isang halimbawa ay magkakaroon pa siya ng mas maraming energy sa paggamit ng malalakas na secret techniques. Ang pundasyon rin ng state of existence niya ay nagbigay sa kaniya ng mas mabilis pag cultivation speed.

Naramdaman din ni Zhao Feng na tumaas pa ang kaniyang mga pangramdam, at mas bumilis rin ang pagpalit ng kaniyang half-step True Yuan. Mas bumilis rin ang comprehension noya sa Purple Destruction Wind Lightning kaysa dati.

Sa araw din na iyon ay nabuo na rin at na-upgrade na ang Blue Lightning Sea Sky Ship. Nakita ni Zjao Feng ang barkong iyon sa isang malapit na dagat-dagatan.

Sa anyong tubig na iyon ay nakita niya ang magkahalong kulay ng bakal na gris at asul na balot sa tumpak na gayak na naglabas ng malamig na sinag. Nahati rin ito sa dalawang palapag kung saan mayroon na itong kubyerta sa tuktok.

Nagmukha itong pating na naglalabas nakakatakot na aura kapag tinignan mula sa malayo.

Pinapasok ni Zhao Feng ang mga mandaragat at nagpaka-pamilyar sa barko.

Weng~

May isang manipis na alon ng tubig at kidlat ang lumitaw sa balat ng barko na nagpalabas sa barko na para bang mas misteryoso ito at maramgal.

"Matapos ang ilang pagsusubok, tumaas rin ang bilis nito nang dalawa o tatlong beses. Malapit na ito sa bilis ng Great Origin Core Realm. Base sa depensa, kaya nitong harangan ang ilang atake mula sa ilang normal Origin Core Realm nang sabay-sabay."

Sabi ni Master Wei ng nakangiti.

Nakita ni Zhao Feng na ang loob at labas ng barko ay mas lumakas na, at mas maganda na ito sa normal barko sa walang hanggang karagatan.

Mas lumakas ang pang-bakal na pakiramdam ng barko, at ang mga linyang nakahinang dito ay tumpak at eksakto.

Sa araw rin na iyon, hinayaan din ni Zhao Feng na maging pamilyar ang ibang mandaragat. Inabit niya na rin ang basyon ng heart blood essence kay Master Wei.

"Kapatid na Zhao, in-upgrade mo ang barko mo para lamang maglakbay sa dagat?"

Nao-osyoso si Master Wei sa pinanggalingan ni Zhao Feng. Kung normal na tao lamang siya ay tiyak na gagamitin nila ang mga resources na iyon sa sarili lang nila.

"Hindi ko na itatago. Kailangan koi to para tumawid sa ibang lugar."

Sabi ni Zhao Feng.

"Ang ibig sabihin mo ba ay aalis ka na sa teritoryo ng True Martial Sacred Land para tumungo sa ibang Sacred Land?"

Nagulat si Master Wei.

Sobrang layo ng ibang lugar para tumawid papunta rito.

"Zhao, dahil sa may kakilala ka namang iban henyo sa Sacred Land, bakit hindi mo gamitin ang Spiritual Zone Teleportation Array para lumakbay agad ng madali sa ibang Sacred Land? Mas makakatipid ka ng oras."

Sabi ni Master Wei ng may gulat.Sa tingin niya ay hindi simple ang pinanggalingan ni Zhao Feng. Baka nga may kaugbayan pa siya sa Spiritual Sacred Lands.

"Spiritual Zone Teleportation Array?"

Kumutob ang dibdib ni Zhao Feng. Naalala niya ang mga kakaibang linya sa mapa.

"Kung tama ako, ang mga linyanv iyon ay mga long-distance teleportation arrays."

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na sumaya.

"Kaya lamang ay malaki rin ang presyo para gamitin ito, at limitado rin ang taong makakagamit nito…."

Dagdag ni Master Wei.

"Salamat."

Nagkaroon ng bagong plano si Zhao Feng.

Masyadong malayo ang destinasyon niya. Makakatipid siya ng kalahati ng oras sa paglakbay kung gagamitin niya ang Spiritual Zone Teleportation Array.

Nagsimulang magmatsag si Zhao Feng at sa wakas ay nakahanap ang dalawang henyo sa Sacred Land.

Nasa pang-importanteng kwarto ng Void Ocean Spiritual Palace nang makita nila si Zhao Feng.

"Spiritual Zone Teleportation Array?"

Sabay na umiling sina Jiang Fan at Chen Yilin matapos magtinginan.

"Hindi namin ma-a-access ang Spiritual Zone Teleportation Array. Kahit kami pa. Kailangan mong malaman na ang maestro ko ay isang Elder of the Sacred Land, at ang maestro naman ni Jiang Fan ay mas malakas pa…."

Patawad ng matangkad na payat na si Chen Yilin.

Ang ibig sabihin niya na kahit sila pa na may ganoong katayuan ay normal na teleportation arrays lamang ang maari nilang gamitin.

"Kayang ipadala ng normal teleportation arrays ang isang tao kahit saan sa loob ng iba-ibang Void Ocean Spiritual Palaces, at kahit pa sa Spiritual Sacred Land; pero limitado lamang ito sa core members of the Sacred Lands. Kailangan namin ng permisyon galing sa mga nakatataas sa amin para gamitin iyon."

Iling ni Jiang Fan at sabi.

Kahit pa inasahan na ito ni Zhao Feng ay nabigo pa rin siya.

Hindi siya miyembro ng Sacred Lands, at hindi rin ganoon kalakas ang pinanggalingan niya. Hindi niya rin magagamitin ang normal teleportation array para maglakbay sa Void Ocean Spiritual Palaces.

Dagdag pa roon na hindi rin ganoon kalakas ang koneksyon niya sa dalawang ito, kaya hindi rin nila masyadong gustong tulungan si Zhao Feng.

"Aalis na ako."

Umalis si Zhao Feng sa kwarto sa ilalim ng walang emosyong tingin ng dalawang henyong galing sa Sacred Lands.

"Kahit pa talentado si Zhao Feng, ay wala pa rin siyang magandang background o malakas na nakatataas sa likod niya. Hindi na magtatabing muli ang mga kinabukasan natin.

Ngumiti ai Chen Yilin.

Napa-buntong-hininga si Jian Fan. Magkakaroon sila sana ng maliit na pag-asa kung ibibigay nila ang kaya nila. Pero hindi nila naisip na tama na ang potensyal ni Zhao Feng kaya't hindi na nila siya pinakialaman pa.